登入HINDI na nagsalita pa ang co-worker matapos ipaliwanag ang lahat. Samantalang hindi naman makapaniwala si Marcus, na planado lahat.Mula sa airport ay hindi sila dumiretso sa ospital. Sa halip ay nagtungo sa isang gusali, halos isang oras ang layo mula sa paliparan."What are we doing here?" tanong ni Marcus, habang nakatingin sa gusali, tila isang dating warehous nang maayos pa ang kalagayan ng building.Pagpasok ng kotse ay agad niyang napansin ang isang itim na van mula sa hindi kalayuan."Por seguridad, Sir." —"For safety, Sir."Napakunot-noo siya si Marcus. "¿Seguridad? Mi padre está en el hospital." —"Safety? Nasa ospital si Papa."Sinabi lang nito na hindi siya magiging ligtas kung pupuntahan nito ang ama. Kailangan nilang madala sa ligtas na lugar nang magkahiwalay. Ang bilin ni Antonio sa kanilang mga tauhan nito ay panatilihing ligtas si Marcus kahit na anong mangyari kahit pa manganib ang buhay nito.Dagdag pa nito ay may ibang tauhan ng naipadala sa ospital upang kunin ang
MAG-ISANG bumiyahe si Marcus pabalik sa siyudad, minamaneho niya ang dalang sasakyan ng assistant habang naiwan ito sa baryo upang masigurong magiging ligtas si Caitlyn at hindi na mabihag pang muli ng mga dumukot.Mabilis ang pagpapatakbo niya nang sasakyan. Patungo siya ngayon sa airport para makaalis agad. Kailangan niyang bumalik matapos sabihin nang assistant na may nangyaring masama sa ama.Hindi na nito masiyadong dinetalye at kailangan na niyang makaalis. Ang naiintindihan lang niya ay inambush ng hindi kilalang grupo ang sasakyan ng ama. Ngunit sa halip na ito ang mapahamak ay si Teresa na kasalukuyang sakay ng naturang vehicle.Naniniwala siyang ang ama ang pakay ng grupo, minalas lang na si Teresa ang sakay ng mga panahon na iyon.Napanatag si Marcus sa balita ng assistant na walang nangyaring masama sa ama ngunit hindi pa pala ito tapos…Dahil may nangyari naman na hindi maganda kay Antonio habang nasa kompanya. Ang sabi ay bigla raw itong nahirapang huminga matapos na mab
NABULABOG ang buong bahay dahil sa pagdating ni Lando. Marahas nitong itinulak ang pinto at pasuray-suray na pumasok. Namumula ang mukha at amoy ang alak. Halata na maraming nainom dahil hirap itong panatilihing diretso ang katawan.Dahil sa ingay, si Amor na gising pa ng mga sandaling iyon ay lumabas ng kwarto. Napakunot-noo siya nang makitang dumiretso ang bayaw sa kusina at kumuha ng itak. "Anong gagawin mo diyan?" tanong niya kay Lando.Pero hindi ito sumagot. Mas lalong nagtaka si Amor nang mahigpit nitong hawakan ang itak at naglakad palabas."Hoy! Lando!" sigaw niya sabay lapit. "Lasing ka ba? Saan ka pupunta?" Ganoon pa rin, hindi siya pinansin.Hanggang sa maglakad na ito palabas ng bahay kaya tumakbo na siya sa kwarto para gisingin ang asawa. "Joey, gising!"Napabalikwas ng bangon si Joey. "Bakit?" Halatang wala pa sa wisyo."Pigilan mo si Lando at may hawak na itak! Mukhang may binabalak na naman masama!"Sa narinig ay biglang nawala ang antok ni Joey. Mabilis siyang tumayo
NAGPALINGA-LINGA muna ang matandang babae bago bahagyang lumapit upang bulungan si Marcus, "May nakita kasi ako noon… Parang… minomolestiya niya 'yung pamangkin niya na may sakit daw sa pag-iisip."Natigilan si Marcus, biglang kumuyom ang mga kamay at tila may kung anong kumulo sa loob-loob niya. Para siyang sasabog ng mga sandaling iyon."Sinabi ko agad sa kapitan 'yung nakita ko," patuloy ng matanda. "Sinugod namin sa bahay nila, pero todo tanggi ang pamilya. Kami pa ang napasama, pinalabas na gumagawa ng kuwento."May isang babae pa ang lumapit nang marinig ang sinabi ng mantanda. "Totoo 'yun," anito. "Minsan pa nga, nagsumbong kami sa pulis. Kaso wala ring nangyari." Bakas sa mukha ang pagkadismaya habang nagkukwento. "Ewan ko ba kung anong ginawa ng pamilyang 'yun at napaniwala nila ang pulis. Hindi na tuloy kami makapagsumbong ulit kasi na-warning-an na kami ng pulis.""Kaya 'pag may nakikita o naririnig ay tumahimik na lang kami," dagdag ng matanda. "Pati ang mga taga-rito, wal
MULA nang malaman ni Marcus ang buong katotohanan ay nagbago ang pananaw niya sa buhay. Palihim siyang nag-aral ng management sa ilalim ni Antonio para sa takdang panahon ay maayos niyang mapatakbo ang organization.At nang matapos sa kolehiyo ay nagpasiya siyang magtrabaho sa malayong lugar upang hindi mahalata ang kanilang plano. Nais nilang dalawang mag-ama na linlangin si Teresa at ang mga kapatid para hindi maghinala dahil nais din ng mga itong makuha ang organisasyon.Habang nasa malayo ay malaya niyang nagagawa ang mga nais gawin. Pabalik-balik siya sa Pilipinas para makasama ang ina. Umuuwi lang siya sa bahay kapag may special ocassion tapos aalis din naman agad para hindi na makasalamuha ang mga kapatid, na walang ibang ginawa kundi ang pagtulungan siya, hindi na nagbago ang ugali—parang mga bata.Sa hindi mabilang at muling pagbisita sa ina, habang ini-enjoy ang beach ay nakatanggap si Marcus ng tawag mula sa ama. Napag-alaman nitong nakidnap si Caitlyn, ang nakakalungkot pa
TAHIMIK lang at hindi nagsalita ang dalawa sa unahan ngunit pagkaraan nang ilang minuto ay napansin ni Marcus na patungo sa bahay ang tinatahak nilang daan."I said, dumiretso tayo sa kompanya," matigas niyang sabi."Bilin sa'min ni Senior Antonio na after niyong magkausap ni Ma'am Gina ay didiretso kayo pauwi. Alam ni Madam Teresa ang schedule niyo sa school kaya pinag-iingat kayo ni Senior."Kumuyom ang parehong kamay ni Marcus, kahit gusto niyang umapela ay pinili na lamang niyang manahimik hanggang sa makauwi sila sa bahay.Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at nang akmang bababa ay may sinabi pa ang assistant, "Sir, hindi po dapat malaman ni Madam na nagkita kayo ni Ma'am Gina. Manatiling lihim ang nangyari sa cabin lalo na ang mga nalaman niyo."Hingang malalim lamang ang naging komento ni Marcus at pagkatapos ay pumasok na sa bahay. Dire-diretso siya patungo sa hagdan kung saan ay makakasalubong niya pa ang madrasta. Natigilan siya, biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ng in
NAWALAN ng kulay ang mukha ni Caitlyn, at napagtanto na pinagmumukha siyang masama sa harap ng kanyang pamilya. Sa hinuha rin niya ay totoong hindi ang Ina ang nagtext sa kanya, ginamit lang ang numero nito para mapapunta siya sa bahay.“L-Lahat ng ‘to, plinano mo… Hindi pa ba sapat sa’yo na umalis
SINABI lang ni Ezekiel sa kapwa doktor na kakilala niya si Caitlyn, dating nobya ng kanyang pamangkin. Tumango ang doktor at hindi na nang-usisa pa.“Tungkol sa kondisyon niya, mas mainam na magpagamot ito habang maaga pa bago lumala ang kondisyon. Kaya ini-recommend ko siya kay doktora Jasmine,” t
MARAHANG hinila ni Caitlyn ang braso ng kaibigan. “‘Wag mo na lang pansinin, tara na do’n sa table natin,” bulong niya malapit sa tenga nito.“Bakit hindi? Siya ‘yung dating owner ng condo.”“Oo, pero as you can see—may kasama siya kaya hayaan na natin.”Tumango-tango si Mika. “Mukhang may date nga
KINABUKASAN ay bumalik si Caitlyn sa bahay para kunin ang ilang furniture na naiwan, lalo na ang cabinet na bagong bili lang niya noong nakaraan. May kasama siyang apat na lalaking trabahador na binayaran para maghakot ng gamit.Habang abala sa loob ng kuwarto, may narinig siyang ingay sa labas, pa







