Share

Chapter 2

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-09-10 22:42:13

DAHIL sa biglaang pagbabalik ni Caitlyn ay hindi na naipagpatuloy ang engagement celebration sa pagitan ni Fiona at Jude.

Ang mga bisita ay napilitan na lamang umalis at makalipas ang ilang minuto ay sila na lamang pamilya ang naroon, maging ang magulang ni Jude ay umalis na ngunit nagpaiwan ang binata.

Nasa labas pa rin sila, nakasilong sa canopy tent ngunit si Caitlyn at ang pulis lang ang magkatabi habang nasa kabilang dako naman ang pamilya ng dalaga.

Sa totoo lang, dapat ay kanina pa nakaalis ang pulis pero dahil sa nangyari ay pinili niyang manatili muna para samahan saglit si Caitlyn.

“Ahm… ako nga ho pala si PO2 Bautista,” pakilala niya sa sarili. “Hinatid ko lamang si Miss Salvante rito dahil walang kumukuha sa kanya–” Bigla niyang naitikom ang bibig matapos mapagtanto ang sinabi.

Umismid si Caitlyn, hindi maiwasang makaramdam ng inis. “Kaya naman pala, kasi busy sila engagement party ng ampon nila sa boyfriend ko.”

“Caitlyn!” sita ni Sandro. “Hindi tamang pagsalitaan mo nang ganyan–”

“So, kasalanan ko pa ngayon? Kung alam ko lang na ganito ang gagawin niyo sa’kin, hindi na lang sana ako bumalik. Kuya, baka nakakalimutan mong ako ang kapatid mo, totoong kapatid at pinsan lang natin siya na inampon nila Mommy at Daddy!”

“A-Ate… I’m really sorry,” naluluhang sabi ni Fiona, na agad inakbayan ni Jude upang hindi na maging emosyonal.

“Sorry? Dalawang taon akong nawala tapos ito pa ang maaabutan ko?”

“Tama na, Caitlyn!” saway ni Alejandro. “Kagustuhan ‘to ng parehong pamilya.”

“So, pa’no ako? Hindi niyo ba naisip ang mararamdaman ko? O, baka, iniisip niyong hindi na talaga ako babalik?” naluluha niyang sabi saka may napagtanto. “Dalawang taon akong naghirap sa kamay ng mga kidnapper na ‘yun. Ginawa ko ang lahat maka-survive tapos malalaman ko na ipapakasal niyo si Fiona kay Jude? Umamin nga kayo, Dad, sinubukan niyo ba akong bawiin sa kanila o pinabayaan niyo na lang ako tutal at nandyan naman si Fiona, pwedeng pumalit sa pwesto ko.”

“Caitlyn! ‘Wag mo pagsalitaan ng ganyan si Daddy! Ginawa namin ang lahat para mahanap ka lang at mabawi pero ni minsan ay hindi tumawag o humingi ng ransom ang mga kumuha sa’yo!” ani Sandro.

Tinitigan ni Caitlyn si Fiona sabay sabing, “Niligtas kita mula sa mga kidnapper na ‘yun tapos ito ang gagawin mo sa’kin? Aahasin ang boyfriend ko? Hindi porke’t ginusto nila Daddy ay basta ka na lang papayag sa engagement na ‘to, nagkaro’n ka man lang sana ng delikadesang tumanggi.”

Yumuko si Fiona, hindi magawang tingnan si Caitlyn kaya tinakpan na lamang ang mukha gamit ang dalawang kamay at mahinang humihikbi.

Nagsalita naman si Alejandro, “Matutuloy pa rin ang kasal nila kahit bumalik ka na.”

Nanlaki ang mga mata ni Caitlyn, hindi makapaniwala sa narinig. “Why?!”

“Basta, iyon ang desisyon ko.”

Nanginig ang labi ni Caitlyn dahil sa sama ng loob na nararamdaman. “Dahil ba sa itsura ko? Nagkaganito lang naman ako ‘cause I had to look ugly in the eyes of those kidnappers. Niligtas ako ng mga sugat na ‘to sa katawan ko tapos pandidirihan niyo lang ako at iisipin na may H*V ako?!” sobra siyang nasasaktan habang sinasabi iyon.

Natahimik ang pamilya Salvante, wala ni isa ang nagkomento sa sinabi ni Caitlyn.

Tanging si Jude lang ang naglakas-loob, “Caitlyn, alam kong nahirapan ka nang husto. Pero gusto ko lang din sanang sabihin sa’yo na hindi rin naging madali sa’min ang lahat.”

Sa narinig ay tinitigan ni Caitly ang nobyo– mali, dating nobyo. Oo, simula sa araw na iyon ay hindi na ganoon ang tingin niya kay Jude.

‘Wow, how thoughtful of you? Hindi nagging madali ang lahat? E, nakuha niyo ngang mag-celebrate ng engagement party.’ – Gusto niya sana iyong sabihin pero hindi na lamang niya ginawa.

Sa dami ng mga nangyari sa kanya sa araw na iyon ay gusto na lamang niyang magpahinga. Pagod na siyang i-defend ang sarili sa mga nonsence na excuse ng mga ito.

“Sir,” tawag niya kay PO2 Bautista. “Maraming-maraming salamat sa paghatid, tatanawin kong isang malaking utang na loob ang ginawa niyong kabutihan sa’kin ngayon.”

“Wala ‘yun, trabaho kong tumulong.” Matapos ay napatingin sa suot na relo. “Kailangan ko na palang umalis–” Sabay tayo sa kinauupuan. “Hindi na ‘ko magtatagal pa, aalis na ‘ko.”

Tumawag ng kasambahay si Sandro at inutusang ihatid sa labas ang pulis.

Ilang sandali pa ay silang pamilya na lamang ang naroon, na pawang tahimik at wala ni isang naglakas-loob na kumausap kay Caitlyn.

Hindi man lang nagtanong kung paano nakalaya sa kamay ng mga kidnapper o kung anong hirap ang dinanas nito sa loob ng dalawang taon.

Napakagat-labi si Caitlyn, dismayado at damang-dama niya na hindi siya welcome.

“Mommy… gusto kong magpahinga,” iyon na lamang ang kanyang sinabi. Itutulog na lamang niya ang mga nangyari at baka sa paggising, bumalik sa dati ang pakikitungo ng kanyang pamilya.

“Ahm… sa tingin ko, bago ka muna pumasok sa loob ay kailangan kang madala sa ospital para matingnan ‘yang mga sugat mo sa katawan. Saka, kailangan mo rin atang magpa-consult sa psychiatrist at baka–”

“Mommy, pagod ako ngayon. Gusto ko na talagang matulog.” Tumayo siya at naglakad papasok sa bahay nang bigla siyang hinabol ni Fiona sabay luhod sa kanyang harapan.

“Ate, patawarin mo ‘ko… kami ni Jude, hindi namin sinasadyang magkagustuhan habang–”

“Wala na ‘kong pakialam kung magpakasal pa kayo ngayon din mismo,” putol ni Caitlyn. “Pero hinding-hindi ang kasalanang ginawa mo sa’kin.”

“W-What do you mean?” may kabang tanong ni Fiona.

Lumapit pa nang husto si Caitlyn saka ito binulungan, “Tingin mo ba talaga wala akong alam?”

Bakas ang kaba sa mga mata ni Fiona kahit nakangiti siya. “Hindi kita maintindihan, Ate.”

“Then don’t, ‘cause from this day on, you’re no longer my sister.” Saka ito nilagpasan at naglakad paakyat sa hagdan.

“Stop this instant, Caitlyn!” sigaw ni Alejandro, halos dumagundong ang boses sa buong kabahayan. “Dalawang taon nagpabalik-balik sa ospital si Fiona dahil sa guilt na nararamdaman niya matapos kang madukot tapos ‘yan pa ang sasabihin mo?”

Tumigil sa paghakbang si Caitlyn saka dahan-dahang lumingon. Tiningnan ng may sama ng loob ang ama. “Only now did I realize… blood really isn’t thicker than water.”

“Anong sinabi mo?!” na-offend na tanong ni Alejandro.

Bagama’t hindi na inulit ni Caitlyn ang sinabi pero nakipagtigasan siya ng titig.

Hanggang sa may isang kasambahay ang nagsalita, “Mawalang-galang na, Sir, Madam, pero may bisitang dumating.”

“Tapos na ang party kaya sino pang magpupunta rito?” si Sandro ang nagsalita.

Mayamaya pa ay narinig nila ang yabag ng paa na papalapit.

Nang makita ni Jude kung sino ang dumating ay agad siyang napatayo. “U-Uncle!”

Nabaling ang tingin ni Caitlyn sa bagong dating. Napakunot-noo siya dahil hindi niya akalaing bata pa ang tiyuhin ng dating nobyo, tila nasa twenties or early thirties.

Mabilis na lumapit si Jude saka nagtanong, “Uncle, anong ginagawa mo rito?”

Nagtaas ng kilay si Ezekiel. “Ano pa ba? ‘Di ba’t in-invite mo ‘ko ngayon?”

Asiwang ngumiti si Jude habang hinihimas ang batok. “Pero two hours late na kayo, Uncle. Kanina pa natapos ang–”

“E, ba’t hindi mo man lang ako tinext or tinawagan? Tsk, nasayang lang ang oras ko.” Sabay talikod para umalis nang magsalita si Fiona sabay lapit.

“Hello, Uncle Ezekiel. I’m Fiona, nice to finally meet you.” Sabay lahad ng kamay, nais makipag-shake hands.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 55

    PAYAPANG nakaupo si Caitlyn sa bench habang pinagmamasdan ang paligid. Nasa garden siya ngayon, iba’t ibang bulaklak ang nakikita niya. Mula sa kanang bahagi ay mapagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw, kung hindi lang nakakasilaw ang sinag ng araw ay kanina pa siya nakatitig sa nagkukulay kahel na ulap.“Caitlyn.”Lumingon siya matapos marinig ang pangalan. Nakita niyang papalapit si Fiona. “Bakit?”“May gusto sana akong kunin sa study room kaso nando’n si Daddy at Sandro. Pwedeng ikaw na ang kumuha?”Napakunot-noo siya. “Why me? ‘Di ba pwedeng ikaw na ang kumuha?”Huminga nang malalim si Fiona at pinagmasdan ang mga bulaklak sa paligid. “Disappointed si Daddy sa’kin at hindi niya ‘ko pinapansin.”“At bakit?” Gusto niyang malaman na kung bakit ang most favored na anak ay biglang neglected na.Kumuyom ang kamay ni Fiona, naiinis siya pero kailangan niyang maging mahinahon kung gusto niyang maging successful ang lahat. “Alam kong may idea ka na kung bakit. I lied, at nalaman ni D

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 54

    TUMANGO-TANGO ang katulong habang hinihimas-himas ang braso na para bang kinikilabutan. “Nakakatakot po ‘yung tawa, Miss.”Ngumiti si Caitlyn. “Baka wala lang ‘yun,” iyon na lamang ang sinabi niya ng sandaling iyon para hindi ito matakot. “Kung tapos ka na, gusto ko sanang magpahinga.”Nang maiwan siyang mag-isa, pumasok siya sa banyo. Naghintay na marinig ang tawa ni Fiona pero wala naman, kaya inisip niyang baka kung ano-ano lang ang naririnig nito.Mga bandang hapon, nagising siya sa ingay ng cellphone. Nang tingnan ay tumatawag si Mika, “Hello, Caitlyn?”“Hmm, napatawag ka? Nasa condo ka na?”“Nasa university pa ‘ko, may last class pa. Tumawag lang ako para tanungin kung kumusta ka riyan sa inyo?”“Ayos lang, kagigising ko lang.”“Si Fiona, na-discharge na rin ba?” bulong ni Mika, na tila ba ay may ibang makakarinig sa sasabihin niya.“Oo, magkatabi kami kanina sa kotse habang pauwi.”“Inaway ka?”“Hindi, tahimik nga lang siya. Which is… ang weird lang, ‘di ako sanay.”“Baka ‘di p

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 53

    SA KABILA ng init ng sikat ng araw ay may kakaibang lamig na naramdaman si Caitlyn. Tila naging malabo rin ang buong paligid at tanging si Ezekiel lang ang nakikita ng mga mata.“Nakita mo na ba ang sasakyan niyo?”Doon lang natauhan si Caitlyn, mabilis na iniwas ang tingin at nagpalinga-linga sa paligid. Ilang sandali pa ay nakita na niya ang kotse sabay turo. “A-Ayon pala!” At nauna na siyang maglakad papunta roon.Sumunod naman ang dalawa sa kanya. Nang malapit na sila ay lumabas ang driver. “Hello po, Miss Caitlyn,” magalang nitong bati.Tumango siya at nagsalita, “Nasa loob pa si Mommy, sinundo si Fiona.” Pagkatapos ay hinarap niyang muli si Ezekiel. Pero nang magtagpo ang tingin nilang dalawa, muli siyang kinabahan kaya ibinaling niya ang tingin kay Rita. “Salamat, Ate.”“Wala ‘yun, Ma’am,” anito saka nagpaalam na mauuna nang umalis.Hinatid nila ito ng tingin habang papalayo. At nang sila na lamang ang naiwan ay doon na narealize ni Caitlyn.Kailangan niyang harapan, worst ay k

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 52

    LUMIKOT ang mga mata ni Caitlyn, hindi matingnan ang binata sa mata. Nasa puntong aamin na siya nang biglang hawakan ni Ezekiel ang buhok niya sabay gulo.“Halata sa mukha mong kinakabahan ka. Why are you denying it?”Napakurap-kurap ng mata si Caitlyn, nalilito pa sa nangyayari nang mapagtanto na iba pala ang tinutukoy nito.Akala niya ay tuluyan na siyang mabubuko, tamang hinala lang pala siya.“M-May iniisip kasi ako,” iyon na lang ang sinabi niya, ang tingin ay nanatili sa ibang direksyon.“Ano naman ‘yun?”Napakunot-noo siya nang maramdaman ang hininga nitong dumampi sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito. Nabigla na sobrang lapit na pala ng mukha nito sa kanya, kaya hinarang niya ang kamay saka ito marahang tinulak.Umayos naman ng tayo si Ezekiel pero ang tingin sa dalaga ay nanatili, tila isang hayop na nangha-hunting at si Caitlyn ang pagkain.Nakakakaba lalo pa at nakangiti ito ng kakaiba.“A-Anong oras na ba? Wala kang pasiyente ngayon?” pag-iiba niya ng usapan.Tumingin

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 51

    ALAM ni Caitlyn na wala naman siyang ginawang mali, hindi niya kasalanan ang nangyari kay Fiona at sa pinagbubuntis nito pero nang sandaling iyon… nasaktan siya.Pakiramdam niya may malaking parte siya kung bakit nakunan si Fiona.Lagi naman siya ang sinisisi kapag may nangyayari kaya marahil ay unti-unti na ring tinatanggap ng utak niya na baka nga, may kasalanan din siya.Kaya habang abala pa ang doctor at dalawang nurse kay Fiona ay tahimik na siyang umalis doon.Sa hallway, habang naglalakad ay napasandal sa pader matapos biglang manghina. Hinawakan niya ang braso dahil nasaktan nang husto ang kamay niyang may IV cannula.Sinabayan na hindi pa siya gaanong magaling kaya bumibigay ang katawan niya, lalo na ang tuhod.Mula naman sa dulo ng pasilyo ay naroon sin Ezekiel, hinihingal at pawisan ang noo. Matapos tumakbo nang malaman na nawawala si Caitlyn. Hinanap niya ito sa paligid ng ospital hanggang sa mahagip ng mga mata.Hinahabol niya ang hininga nang lapitan ang dalaga. “Sa’n ka

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 50

    HINDI na nagsalita pa si Ezekiel at tahimik na lamang naglakad palayo. Sa halip na bumalik sa office ay dumiretso siya sa silid ni Caitlyn. Pagbukas niya ng pinto ay naabutan itong kumakain kasama ang kaibigan.“Good evening, Dok,” magalang na bati ni Mika. “Nag-dinner na kayo?”Binaba ni Caitlyn ang hawak na kutsara saka tinitigan ang binata. “Kung hindi pa, saluhan mo na kami, marami ‘tong binili ni Mika,” aya niya pa.Sa totoo lang, iyon talaga ang plano ni Ezekiel pero dahil sa nasaksihan kanina ay nawala sa isip niya. “Sige lang, busog pa ‘ko.”Nanatili ang titig ni Caitlyn. Kanina pa kasi ito umiiwas ng tingin. “May nangyari ba?” kaya tinanong na niya.Wala siya sa posisyon para magsabi pero dahil pamilya nito ang involved kaya nagsalita na siya, “Napadaan ako sa emergency room kanina. Nakita ko ang pamilya mo ro’n pati si Jude.”Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Caitlyn. “B-Bakit, anong nangyari? Sinong nasa OR?”“Si Fiona… hindi ko alam kung anong nangyari. Basta ang narinig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status