Share

Chapter 40

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-11-25 21:14:34

SA KABILA ng natamo ay mas nakaramdam pa ng takot si Mika para sa kaibigan kaysa sa sarili. Habang ginagamot ng doctor ang napinsala niyang braso dahil sa nangyaring disgrasya.

“Pwede pong pakidalian? Kailangan ko pang puntahan ang kaibigan ko, Dok,” aniyang pinagmamadali ito.

Tumango lang ang doctor pero ilang sandali pa ay nairita sa pagiging malikot nito. “Miss, kung hindi ka pipirmi’y hindi tayo matatapos dito.”

Helpless ang mababanaag na ekspresyon sa mukha ni Mika, puno ng luha ang mukha sa kabila ng sugat na natamo. Umiiyak siya hindi dahil sa sakit na nararamdaman niya sa buong katawan kundi dahil sa labis na pag-aalala kay Caitlyn.

Mayamaya pa ay may lumapit na nurse at nagtanong kung siya ba ang kasama ng pasiyente na isinugod sa emergency room.

“Oo, ako. Kumusta na siya?” halata sa boses ang kaba.

“Kasalukuyan pang nasa loob, Ma’am. Pero pinapatanong ni Dok, kung natawagan na ba ang pamilya?”

Umiling si Mika. “H-Hindi kasi maganda ang relasyon niya sa ngayon ng pamilya niya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
LualhatiGlorivi
Update nman po...
goodnovel comment avatar
Elsie Bacaling
update please
goodnovel comment avatar
Syrellie PH
next po please new reader po ako sana magkaroon na po ulit ng chapters
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 51

    ALAM ni Caitlyn na wala naman siyang ginawang mali, hindi niya kasalanan ang nangyari kay Fiona at sa pinagbubuntis nito pero nang sandaling iyon… nasaktan siya.Pakiramdam niya may malaking parte siya kung bakit nakunan si Fiona.Lagi naman siya ang sinisisi kapag may nangyayari kaya marahil ay unti-unti na ring tinatanggap ng utak niya na baka nga, may kasalanan din siya.Kaya habang abala pa ang doctor at dalawang nurse kay Fiona ay tahimik na siyang umalis doon.Sa hallway, habang naglalakad ay napasandal sa pader matapos biglang manghina. Hinawakan niya ang braso dahil nasaktan nang husto ang kamay niyang may IV cannula.Sinabayan na hindi pa siya gaanong magaling kaya bumibigay ang katawan niya, lalo na ang tuhod.Mula naman sa dulo ng pasilyo ay naroon sin Ezekiel, hinihingal at pawisan ang noo. Matapos tumakbo nang malaman na nawawala si Caitlyn. Hinanap niya ito sa paligid ng ospital hanggang sa mahagip ng mga mata.Hinahabol niya ang hininga nang lapitan ang dalaga. “Sa’n ka

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 50

    HINDI na nagsalita pa si Ezekiel at tahimik na lamang naglakad palayo. Sa halip na bumalik sa office ay dumiretso siya sa silid ni Caitlyn. Pagbukas niya ng pinto ay naabutan itong kumakain kasama ang kaibigan.“Good evening, Dok,” magalang na bati ni Mika. “Nag-dinner na kayo?”Binaba ni Caitlyn ang hawak na kutsara saka tinitigan ang binata. “Kung hindi pa, saluhan mo na kami, marami ‘tong binili ni Mika,” aya niya pa.Sa totoo lang, iyon talaga ang plano ni Ezekiel pero dahil sa nasaksihan kanina ay nawala sa isip niya. “Sige lang, busog pa ‘ko.”Nanatili ang titig ni Caitlyn. Kanina pa kasi ito umiiwas ng tingin. “May nangyari ba?” kaya tinanong na niya.Wala siya sa posisyon para magsabi pero dahil pamilya nito ang involved kaya nagsalita na siya, “Napadaan ako sa emergency room kanina. Nakita ko ang pamilya mo ro’n pati si Jude.”Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Caitlyn. “B-Bakit, anong nangyari? Sinong nasa OR?”“Si Fiona… hindi ko alam kung anong nangyari. Basta ang narinig

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 49

    SA LAKAS ng sigaw ng katulong ay napasugod ang mga nakarinig, kabilang na roon si Meriam na halos madapa sa labis na pagmamadali. Inalalayan siya ng isang kasambahay patungo sa hagdan.Maliban sa sumigaw na katulong ay nasaksihan din nina Alejandro at Sandro ang pagkahulog ni Fiona sa hagdan.“Dad, hindi kaya ay narinig—”“Tahimik,” mahinang saway ni Alejandro, matapos mapansin ang asawa na papalapit sa walang malay na dalaga.“Fiona!” hiyaw ni Meriam matapos makita ang anak sa ibaba ng hagdan. Nagmadali siyang lumapit, nais itong hawakan ngunit agad na pinigilan ni Sandro.“Dali, tumawag kayo ng ambulansiya!” utos ng binata sa katulong. Pagkatapos ay inilayo ang ina at dinala sa sala saka pinaupo sa sofa. “Dito lang muna kayo, hindi natin pwedeng galawin ang katawan niya.”“Jusko!” may isang katulong ang muling sumigaw.Nabahala si Meriam at agad na napatayo. Nilagpasan ang anak upang muling lapitan si Fiona. “A-Anong nangyayari, ba’t ka sumigaw?!” tanong niya sa kasambahay.Ngunit b

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 48

    KADALASAN sa hapon bumibisita si Meriam sa ospital pero nang araw na iyon ay maaga siya sa nakasanayan. Tanghali para makasabay sa pagkain si Caitlyn. “Pinaluto ko ang paborito mong pagkain at baka namimiss mo na,” malambing niyang sabi habang inilalabas ang mga container sa dalang bag.Inayos naman ni Rita ang maliit na table sa tabi para magamit nila.“Salamat,” ani Meriam, matapos siyang tulungan nito. “Saluhan mo na rin kami.”“Sige po, Ma’am,” tugon ni Rita.Pinapanood lang ni Caitlyn ang ina, parang hindi pa kasi siya makapaniwala sa nangyayari. Sa dami ba naman ng nangyari simula nang bumalik siya, ngayon na lamang niya ulit naramdaman ang pag-aasikaso ng ina.Parang gusto niyang maiyak sa tuwa pero ayaw niya naman maging emosyonal—dapat ay masaya lang siya.“Itong kutsara’t tinidor, kumain ka,” ani Meriam, sabay bigay ng kubyertos. “Kaya mo bang kumain o gusto mong subuan kita?”Umiling si Caitlyn. “Kaya ko, ‘Mmy.” Pagkatapos ay nagsimula nang kumain matapos magdasal.Kumain n

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 47

    MATALIM na tingin ang ibinato ni Ezekiel kay Dr. Ramirez kaya agad itong nagpaalam at lumabas kasama ang nurse. Nang sila na lamang ang naroon sa silid ay nag-stay siya saglit, hinihintay ang kompirmasyon ng dalaga habang isa-isang nilalabas ang libro sa paper bag.“Kompleto naman lahat,” ani Caitlyn, hawak ang listahan. Pagkatapos ay tiningnan ito nang hindi na umalis sa puwesto. “Wala kang pasiyente ngayon?”“Break time,” sagot ni Ezekiel. “Mamaya pa ang schedule sa mga bagong pasiyente.”Tumango lang si Caitlyn at sa sandaling iyon, inabot ang librong ‘Eleanor Oliphant Is Completely Fine’.Napatingin si Ezekiel, medyo nabigla—dahil para pala sa kanya ang libro na iyon. “S-Sa’kin?” nautal pa siya nang tanungin iyon.Natawa si Caitlyn, marahang nangiti. “Alangan naman na sa’kin lang lahat ng libro. E, ikaw ‘tong bumili at pera mo ang pinambayad. Don’t worry, paglabas ko rito, magwi-withdraw ako para mabayaran ka.”“Ayos lang,” tugon ni Ezekiel. May munting ngiti sa labi. “Wag mo na l

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 46

    NANLISIK ang mata ni Jude sa galit, at mahigpit na hinawakan ang braso nito. “Magsusumbong ka?”Napangiwi si Caitlyn sa sakit na sinabayan pa ng kondisyon niyang hindi pa stable—ilang araw pa lang ang nakakalipas nang ma-operahan siya kaya masiyado pang mahina.Ngunit sa halip na magmakaawang bitawan siya ay kinagat na lamang niya ang ibabang labi dahil kahit na kailan ay hindi siya magpapakita ng kahinaan sa harap nito.Sa ganoong tagpo naman biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mika. At nang makita ang ginagawa nito sa kanyang kaibigan ay agad niyang sinugod. Pinaghahampas ang likod ng binata. “Bitawan mo siya!”Nasaktan si Jude, agad na pinakawalan si Caitlyn upang salagin ang ginagawang pananakit ni Mika—hanggang sa hawakan na niya ito sa magkabilang braso. “Ano ba!” singhal niya sa pagmumukha nito.Nabigla si Mika, pero to the rescue naman si Caitlyn, sa kabila ng kondisyon ay pilit na tinatanggal ang kamay ni Jude na nakahawak sa kanyang kaibigan. Ngunit dahil mahina at hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status