Share

Chapter 6

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2025-09-25 17:29:48

NAPAKUNOT-NOO si Ezekiel, nawi-weird-uhan sa inakto ng dalaga. “Tingin mo ba’y may gagawin akong masama sa’yo? Pinapahubad ko lang ang suot mo dahil sigurado akong hindi lang braso mo ang may skin infection,” aniyang napapailing-iling. “Doctor ako, hindi kung sinong many*k.”

Mariin naman naglapat ang labi ni Caitlyn, bigla siyang nakaramdam ng hiya sa ginawa saka umayos ng upo. “S-Sorry.”

“Then, gawin mo na ang inuutos ko para hindi tayo nagsasayang ng oras dito.”

Pinanliitan ito ng tingin ni Caitlyn, hindi nagustuhan ang tono ng boses. “Ganito ka ba sa mga pasiyente mo?”

“Nope, kasi mababait sila,” ani Ezekiel.

Na-offend naman si Caitlyn pero hindi na nagkomento at sinunod na lamang ang utos nitong maghubad siya.

Tumayo mula sa swivel chair si Ezekiel habang nagsusuot ng gloves. Pagkatapos ay nilapitan ang dalaga, una niyang tiningnan ang likod nito. “Hahawak ako sandali para malinaw kong masuri ang kondisyon ng balat mo.”

Huminga lang si Caitlyn at hinayaan ito sa ginagawa. Dumaan ang ilang sandaling katahimikan sa dalawa at patindi nang patindi ang nararamdamang awkwardness ng dalaga.

“Ahm… h-hindi ba mahirap maging doctor?” —Wala, bigla na lamang lumabas sa bibig niya ang nonsence na tanong.

“Ba’t gusto mong malaman? Gusto mong mag-doctor? If ever, ‘wag mo nang tangkain dahil hindi ka papasa.”

Napasinghap si Caitlyn, hindi siya makapaniwala sa ugali nito. “I can’t believe na nag-doctor ka sa ugali mong ‘yan.”

Natapos na sa pagsuri si Ezekiel sa likod kaya hinarap niya ito at maingat na hinawakan ang braso. “Walang problema sa ugali ko— except sa binabagay ko lang sa mga nakakausap ko.”

Nanginig ang labi ni Caitlyn sa inis. Parang gusto niya na lang umalis doon at sa iba magpapatingin. “S-Sinasabi mo bang masama ang ugali ko?!”

Tiningnan ito ni Ezekiel direkta sa mga mata. “Nope, may trauma ka lang kaya ka nagkakaganyan. Advice ko sa’yo magpa-consult ka rin sa psychiatrist.”

“Then, ba’t ka ganyan kung makapagsalita sa pasiyente mo?!”

“‘Di porke’t alam ko ang pinagdadaanan mo ay hahayaan na lang kitang bastusin ang profession ko,” matapos niya iyong sabihin ay siya na mismo ang kumuha ng hinubad nitong damit. “Magbihis ka na’t reresitahan kita ng gamot.” Saka siya bumalik sa swivel chair.

Napasunod ang tingin ni Caitlyn habang nagbibihis dahil hindi niya ito maintindihan. May pagkakataong ang sama-sama ng ugali nito pero pagdating naman sa pagiging doctor, wala siyang masabi.

Kahit galit ito at sinusungitan siya ay magaan ang kamay nito gaya na lamang nang una silang magkita.

Nag-angat ng tingin si Ezekiel matapos niyang maramdaman na tinititigan siya ng dalaga. “May problema ba? May masakit sa’yo?”

Tila naman nagising sa malalim na tulog si Caitlyn at umiling-iling. Bigla siyang nakaramdam ng hiya matapos mahuling tumititig. “T-Thank you… kahit masungit ka.”

Muling nag-angat ng tingin si Ezekiel sabay bigay ng resita. “Parang baliktad ata? Alam kong naiinis ka sa’kin. Oh well, hindi rin naman kita masisi dahil sa ginawa ng pamangkin kong walang…” hindi na niya tinuloy, dahil kapamilya niya pa rin si Jude kahit nakakainit nga ng ulo ang ginawa nito.

Na-kidnap ang girlfriend tapos papakasalan ang kapatid?

Tsk, kahit sino nga ay maiinis.

“Nevermind, bilhin mo na lang ‘to. Don’t skip this treatment para magsubside ang kati. I’m sure na nahirapan ka.”

Tila may kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso ni Caitlyn. Simula nang bumalik siya, ito ang unang beses na may nakapansin ng paghihirap niya. “Yeah… sobrang hirap pero sanay na ‘ko. Ngayon, parang wala na lang ang pangangati at hapdi.”

“You’re strong,” komento ni Ezekiel.

Akmang sasagot ang dalaga nang may kumatok sa pinto sabay bukas. “Dok, dumating na po si Mr. Ocampo,” pahayag ng nurse.

“Okay, papasukin mo na’t tapos na rin kami rito,” ani Ezekiel.

Kaya tumayo na si Caitlyn. “Aalis na ‘ko, thank you.”

Paglabas ng dalaga ay napatanong ang nurse. “Bakit parang magkakilala kayo, Dok?”

Nag-angat ng tingin si Ezekiel. “‘Wag mo nang alamin, nasa’n na ‘yung pasiyente?” Pinaka-ayaw niya pa naman ay iyong pinag-uusapan ang personal niyang buhay.

Bigla naman sumeryoso ang nurse saka pinatuloy na ang pasiyenteng naghihintay.

Samantalang si Caitlyn naman ay tumambay muna sa waiting area, wala naman siyang ibang gagawin at ayaw niya rin umuwi agad kaya magpapalipas na lamang siya ng oras sa labas.

Kapag na-bored na siya ay lilipat siya sa ibang lugar. Nanuod na lamang siya ng palabas sa telebisyon, hindi lang naman siya ang invested sa movie na pinapalabas, marami sila roon.

Hanggang sa hindi na niya namalayan ang oras. Na-enjoy niya nang husto ang panunuod na dalawang taon niya rin hindi naranasan.

Saka lang siya tumayo sa kinauupuan nang makaramdam ng gutom. Palabas na siya ng ospital nang makarinig nang wang-wang ng ambulansiya.

Sunod na lamang nangyari ay may mga medical staff na nagmamadaling makalabas at kabilang doon si Ezekiel.

Hindi niya akalaing makikita muli ito. Ilang sandali pa ay bumalik ang mga ito ngunit sa pagkakataong iyon ay nakapalibot na sa isang stretcher na may nakahigang lalake, duguan ito at talagang mukhang kaawa-awa. Tila wala nang buhay kaya sinusubukang i-revive ni Ezekiel sa pamamagitan ng pag-CPR. Nakasampa ito sa strecher, ang puting coat ay may bahid na ng dugo habang ang mukha nito ang namumula at pinagpapawisan dahil sa pagod.

Kahit nakalampas na ang mga ito ay hindi maalis ang tingin ni Caitlyn. “Mukhang seryoso talaga siya sa ginagawa niya,” anas niya saka tuluyang lumabas ng ospital.

Saka lang niya naalala na may naghihintay sa kanyang sasakyan. Pagsakay sa kotse ay agad siyang humingi ng paumanhin sa driver at sinabi niyang iti-treat ito sa isang mamahaling restaurant upang makabawi sa nagawa.

Pagkatapos nilang kumain ay nagtanong ito kung uuwi na ba sila dahil kanina pa tumatawag si Fiona dahil gagamitin nga nito ang kotse.

“Wala bang ibang sasakyan sa bahay? Ba’t ‘tong kotse pa ang gusto?!”

Hindi naman nagkomento ang driver bagkus ay muling binalik ang tanong, “Uuwi na ho ba tayo, Miss?”

“Nope, bahala siyang maghintay.” —Naisipan niyang bumili na lang ng sasakyan para hindi siya binubu*esit ni Fiona.

Mga bandang hapon na siya nakauwi na agad sinalubong ng Ina. “Ba’t ngayon ka lang umuwi? Sa’n ka na naman nagpunta?”

“Ano na naman ang problema? Iyong kotse ba? Pinauna ko nang bumalik kanina pa.”

“Kanino ‘yung kotse sa labas?” tanong ni Meriam.

“Akin, binili ko para ‘di ako pinupurwisyo ni Fiona ‘pag gusto niyang gamitin ang kotse.”

“At sa’n ka naman kumuha ng pera?”

Umiwas lang ng tingin si Caitlyn, never niyang sasabihin na nakuha na niya ang perang dalawang taon natengga sa stock market. “Do’n sa alahas na sinangla ko.”

“Magkano?” may pagdududang tanong ni Meriam dahil natitiyak niyang hindi aabot ng ganoon kalaki ang halaga. Imposible itong makabili ng mamahaling sasakyan sa pagsangla lang ng alahas.

Umakto naman na masakit ang ulo ni Caitlyn. “Next time na lang natin ‘to pag-usapan at kumikirot ang ulo ko.” Saka siya naglakad paakyat ng hagdan.

Hindi naman kumbinsido si Meriam dahil nagawa pa nitong makapagmaneho. “Sandali lang, Caitlyn. Hindi pa tayo tapos!”

Ngunit tuloy-tuloy lang ang dalaga hanggang sa makarating sa kwarto kung saan ay naabutan niya ang isang maliit na tuta na nginangatngat ang kama niya. Ang kumot ay nagkanda wasak-wasak na at— may mabahong amoy sa buong silid.

“Ano ‘to?!” hiyaw niya, hindi makapaniwala na nagkalat pa ang naturang tuta sa loob ng kanyang kwarto. “Kaninong alaga ‘to?!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 60

    BINUKSAN niya ang pinto, akmang lalabas nang biglang tawagin ng katulong na kasama kanina, “Miss, sa’n kayo pupunta?”Lumingon si Fiona, nakita niyang titig na titig ito habang may dalang tray. Sa palagay niya ay para sa kanya ang pagkain.“May pupuntahan lang ako.”“Sa’n po, Miss?”Hindi siya sumagot saka lumabas. Nang isasara na ang pinto ay nakita niyang humabol ang katulong. Kaya binilisan niya ang kilos, lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa makalabas ng gate.Sa lakas ng ulan ay nilalamon ang boses ng katulong na paulit-ulit siyang tinatawag. Naglakad siya sa ulan, sinasadyang lamigin para kapag nagharap sila ni Jude, ay mukha talaga siyang kaawa-awa.Sa entrance ng subdivision ay napansin siya ng guard at makailang ulit na tinawag pero tuloy-tuloy lang siya. Naglakad pa siya ng ilang sandali hanggang sa makarating sa malapit na waiting shed.Siya lang ang mag-isa roon, walang katao-tao habang dinadaan-daanan ng mga sasakyan. Mayamaya pa ay nagsimula siyang lamigin hanggang sa

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 59

    UMIILING-ILING si Fiona, habang nakikiusap ang tingin sa ama na huwag sabihin ang totoo. Hindi niya kakayanin kung maging ang ina ay tuluyang mag-iba ang tingin sa kanya.“Daddy, please,” pakiusap niya pa.Ngunit nanatiling madilim ang ekspresyon ni Alejandro hanggang sa magsalita na nga, “Ang nangyaring pagkidnap kay Caitlyn ay—”“Hindi ko na itutuloy ang pagpapakasal kay Jude!” mariing sigaw ni Fiona. “Kapag nangyari ‘yun, sigurado akong—”“Pinagbabantaan mo ba ‘ko?” ani Alejandro, lalong tumindi ang galit na nararamdaman sa puntong namumula na ito at kitang-kita ang ugat sa sentido.Si Meriam na hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 58

    LUMAPIT si Mika, habang pinapanood ang binata sa ginagawa nito saka natutuwang nagtanong, “You know how to cook?”Tumango si Ezekiel. “I lived alone abroad, kaya natuto akong magluto.”Bakas ang pagkamangha sa mukha ni Mika sabay lingon sa kaibigan. “Narinig mo ‘yun, Caitlyn? Marunong siyang magluto kaya sure akong ‘di ka magugutom in the near future.”Biglang nag-init ang pisngi ni Caitlyn sa sinabi nito. “A-Ano ba ‘yang sinasabi mo!” Sabay talikod sa hiya. “S-Sa kwarto muna ako!” paalam niya saka dali-daling pumasok sa silid.Tatawa-tawang umiling si Mika habang pinapanood ang kaibigan na mahiya. Pagkatapos ay binalingan ang binata. “Ang cute niya mahiya, ‘no?”Nagkibit-balikat lang si Ezekiel, hindi niya ito bibigyan ng rason para tuksuhin pa lalo si Caitlyn.“Alam mo ba… ganyan talaga siya, sweet at mahiyain,” kuwento ni Mika. “Pero dahil sa napagdaanan niya, biglang naging ibang tao na siya.” Pagkatapos ay bigla niyang ibinaling sa ibang direksyon ang mukha para magpunas ng luha

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 57

    KAPAPASOK lang ni Ezekiel sa condo unit nang mag-ring ang phone. Hindi niya pinagtuonan ng pansin dahil mga ganoong oras nang-iistorbo si Matthew.Naglakad pa siya sa kusina para kumuha ng tubig. Nang muling tumunog ay doon na niya tiningnan ang cellphone habang umiinom ng tubig. Nanlaki ang mata niya nang makita ang pangalan ni Caitlyn dahilan kaya nabasa ang damit niya.Tumikhim-tikhim pa siya bago sagutin ang tawag, “Hello?”“Hello, Ezekiel… Ano, nasa ospital ka na ba ngayon?”“Oo—I mean, nagda-drive pa bakit?”Halos kalahating oras ang biyahe pabalik sa ospital kaya imposibleng makarating siya ng ganoon kabilis.“Ano…”Sandaling naging magulo ang kabilang linya hanggang sa marinig niya ang boses ni Mika.“Hello, Dok Ezekiel. Ako ‘to si Mika… Gusto ko lang sanang itanong kung valid pa rin ba ‘yung offer mo kanina? Wala pala kaming pera pang-hotel. Naiwan ni Caitlyn ang card niya sa kanila,” paliwanag pa nito.“Of course, nasa’n kayo ngayon?”“Nasa tapat kami ng hotel, nag-aabang ul

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 56

    HABANG pumapara ng masasakyan ay tumunog ang cellphone niya, tumatawag si Mika, “Caitlyn! May problema!”Bakas ang pagkataranta sa boses ng kaibigan kaya siya naalarma. “Bakit, anong nangyari?” tanong ni Caitlyn.“May nangyari sa condo! Nagka-leak sa banyo kaya binaha ang buong unit. Buti na lang walang na-damage na appliances.”“Gano’n ba? Sige papunta na ‘ko riyan.” Akmang ibababa na niya ang tawag nang makarinig ng ibang boses. “May kasama ka ba?”“Ah… Oo, kasama ko si Ezekile. After ko kasing tawagan ang Admin ng building ay bumaba muna ako saglit para bumili ng pagkain. Nagkita kami sa convenience store,” paliwanag ni Mika.Nagtaka naman siya kung anong ginagawa roon ng binata pero hindi na lamang niya pinagtuonan ng pansinin. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya sa building. Matapos makapagbayad sa taxi driver ay dali-dali na siyang nagpunta sa convenience store na sinasabi ng kaibigan.Sa labas pa lang ay nakita na niya ito na nakaupo, kumakain at kasama sa table si

  • Flash Marriage with the Mad Genius Doctor   Chapter 55

    PAYAPANG nakaupo si Caitlyn sa bench habang pinagmamasdan ang paligid. Nasa garden siya ngayon, iba’t ibang bulaklak ang nakikita niya. Mula sa kanang bahagi ay mapagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw, kung hindi lang nakakasilaw ang sinag ng araw ay kanina pa siya nakatitig sa nagkukulay kahel na ulap.“Caitlyn.”Lumingon siya matapos marinig ang pangalan. Nakita niyang papalapit si Fiona. “Bakit?”“May gusto sana akong kunin sa study room kaso nando’n si Daddy at Sandro. Pwedeng ikaw na ang kumuha?”Napakunot-noo siya. “Why me? ‘Di ba pwedeng ikaw na ang kumuha?”Huminga nang malalim si Fiona at pinagmasdan ang mga bulaklak sa paligid. “Disappointed si Daddy sa’kin at hindi niya ‘ko pinapansin.”“At bakit?” Gusto niyang malaman na kung bakit ang most favored na anak ay biglang neglected na.Kumuyom ang kamay ni Fiona, naiinis siya pero kailangan niyang maging mahinahon kung gusto niyang maging successful ang lahat. “Alam kong may idea ka na kung bakit. I lied, at nalaman ni D

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status