Share

Chapter Three

Green sparkly above the knee tube dress with black pumps and a Chanel sage green bag. Tiningnan ko ang sariling repleksyon sa salamin. I especially love my dangling earrings especially made by my friend, Leilani, who is a jewelry designer.

Naka-bun ang buhok ko at nagbaba lang ako ng ilang strands ng buhok para magmukhang sosyal ang buong look ko. Ngayon lang ako na-excite na um-attend sa ganitong event. Dati ay halos tumakas ako ng bahay para lang hindi sumama kanila mommy. Ang boring kaya roon.

But the apple of my eye is there. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit pero sobrang nacu-curious ako sa pagkatao niya. Or was it because I find it thrilling since he's not easy to get? Hindi ko alam.

"Sumabay ka na lang sa amin, anak."

Umiling ako. "I'll use my car, mom."

Bumuntong-hininga siya dahil alam niyang hindi niya ako mapipilit. Humakbang palapit sa akin si mommy at dinig na dinig ang pagdikit ng kanyang heels sa mamahaling tiles ng bahay namin. Her hands slowly caressed my cheeks.

"You look gorgeous," puri niya.

"I look like you," sabi ko kahit na ang totoo ay si daddy raw ang kamukha ko.

Nakuha ko ang ugali ni mommy, maarte at may pagka-spoiled. Pero sa pisikal na aspeto ay si daddy talaga. Girl version nga raw niya ako kaya paborito rin ako nila lola.

Pinatunog ko ang black BMW convertible ko. I love how tinted it is. Ngumisi ako bago tuluyang sumakay. Kabibili ko lang ang sasakyan na ito noong nakaraan, actually, ni-request ko talaga ito kay dad. Matagal ko ng gustong bilhin ito noon sa France ang kaso ay pinapauwi na rin ako kaya hindi ko na rin binili pa dahil alam kong hindi ko rin magagamit ng matagal.

I love the night air. Bukas ang bintana at mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan.

"Yass!!" I shouted like a mad woman.

Mabilis akong nakarating sa may hotel na pagdadausan ng event. Sinadya kong hindi bumaba agad dahil alam kong sermon ang aabutin ko kay mommy sa bilis ng pagpapatakbo ko kanina. I waited for another five minutes before finally leaving the car.

At tingnan mo nga naman...

I didn't know I'm this lucky.

I crossed my arms as I leaned on my car. Sa tabi ng pinag-park-an ko ng sasakyan ay ang isang mamahalin sports car, I'm sure as hell it's one of those limited edition things. Lumabas mula roon ang lalaking hindi na nawala sa isipan ko mula nang makita ko kahapon.

"Hi," lumapit ako sa kanya. "You're here din pala?"

He looked at me. Walang ka-emosyon-emosyon ang mukha niya.

Nilagpasan niya lang ako at hindi pinansin.

"Narinig ko na ikaw raw ang bagong CEO ng Montenegro Holdings. I've heard a lot of good things about you actually." Hinihingal na ako dahil ang bilis niyang maglakad at naka-heels pa ako. "You're the richest bachelor here in our country--"

Huminto siya at matalim akong tiningnan. "You don't have to inform me about my personal informations."

Ngumuso ako. Sabi ko nga. I was just trying to be friendly.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at dahil sa sinabi niya ay medyo nahiya na akong sumabay. Dumami na rin kasi ang tao at nilapitan na siya ng mga journalists na imbitado sa event.

Mag-isa kong lumakad sa red carpet at ngumiti sa mga camera na naroon. Pagkatapos ay hinanap ko agad kung nasaan sina mommy at daddy pero hindi ko sila mahagilap sa dami ng tao. Aish! Kaya ayaw na ayaw kong napapadpad dito, eh.

Most of the people here are old ones. Mga sikat na personalidad sa mundo ng business.

"Emily Chavez, right?"

Pumihit ako patalikod upang tingnan ang nagsalita sa likod ko. A good-looking man that I'm sure has a spanish blood is in front of me.

"Marco Perez..." Tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti. He shamelessly looked at me from head to toe. "Tama nga sila, you're really gorgeous."

"Woah, nambobola ka ba?" Matunog akong ngumisi.

"No, really." Sumandal siya sa mataas at pabilog na mesa sa kanyang gilid. "Can't find your parents?"

"Oo, eh. Ang dami kasing tao."

"Kasama nila ang parents ko. Let's go."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Hindi mo naman ako ipupunta kung saan, 'di ba?"

Sa halip na mainsulto ay humalakhak si Marco. "Oh, come on. Ikaw ang pinakamagandang nakita ko sa event na ito pero hindi ko naman sasamantalahin iyon. Maybe I'd try to ask for a date some other time but surely it's not now."

Bahagyang napalagay ang loob ko sa kanya. The way he sounds so cool despite offending him...

Marco Perez, huh.

He's just my type pero hindi naman ako nandito para makipaglandian. Alam ko na nagiging too friendly ako minsan pero alam ko pa rin naman kung paano lumugar. Puno ng mga taong may matataas na estado sa buhay ang lugar na ito at hindi ko kayang ipahiya ang pamilya ko.

Tama nga siya, kasama ng parents ko ang parents niya. Pero hindi lang iyon. On a beautiful and well-arranged rectangular table, the Perez's and Chavez's are with the Montenegros. Bagaman ngayon ko lang nakita sa personal ang mga Montenegro ay nakita ko naman na sila sa picture dahil nga nag-search ako kahapon. And oh, the best looking Montenegro is also here. His eyes are dark and as if he's not enjoying the event. Mas mukha pa siyang nakakatakot kaysa sa ama niya.

"Oh, this is my daughter, Emily Chavez," pakilala ni dad sa akin at nakipagkamay ako bawat isa sa kanila na parang politiko na tumatakbo sa eleksyon.

"It's nice to finally meet you, Miss Chavez," sambit ni Mrs. Montenegro.

Ngumiti ako at umupo sa tabi ni Marco. Abala si daddy sa pakikipag-usap sa mga naroon. At ako naman ay hindi matanggal ang tingin kay Kier Montenegro na tila walang pakielam sa paligid. Madami ang nakikipagkilala sa kanya, may mga pilit ini-impress siya. He doesn't care though.

I wonder... ano kaya ang makakakuha ng atensyon niya?

"You're still single. Bata ka pa naman pero hindi mo ba gusto na mag-asawa na tutal ay maayos naman na ang buhay mo?" I overheard an old man asking him that.

And he was just like. "I have no plans for that, Mr. Martini."

The way he speaks to people, he's too formal. Wala man lang funny side, tss.

Pero kahit na ganoon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha. He's wearing a suit that was made by an Italian designer. Naka-rolex pa siya na relo at sobrang bagay no'n sa damit niya. His tie is definitely not just something you can see anywhere. Kung ganyan na siya kagwapo at kaangas kapag seryoso, paano pa kapag ngumiti siya?

"Mr. Kier Montenegro, it's nice to have you here."

Espesyal ang trato sa kanya ng lahat. Ilang babae na rin ang pinakilala sa kanya na mga anak ng mga businessman. The girls are very interested. Namumula sila at nahihiya. Oo, kitang-kita ko iyon dahil halos buong oras na nasa kanya lang ang atensyon ko.

Pinigilan ko na lang ang paglapit sa kanya. I swear, someday you'll look at me even if I won't call you. Hahanapin mo ako balang araw kahit wala kang kailangan. Someday I won't crave much for a man's attention. Actually, ngayon lang ako nagka-interest ng ganito sa isang lalaki.

Nope, I'm not in love with him. Ano iyon, isang araw ko pa lang nakikilala, may gusto na agad ako? I just find this really interesting, and thrilling I guess.

Siguro nga, crush ko siya, pero mawawala din ito. Since partner na lang din namin ang company nila, why not take this for my advantage.

Ngumisi ako.

Kapag siya ang kasama ko sa trabaho, I don't think I'll ever be bored.

"Anong sinabi mo?"

Lakas-loob kong sinabi kay dad ang gusto kong mangyari. Kalmado niya naman akong hinarap.

Two days after that event, ngayon ko lang nabuksan ang topic na ito kay daddy. Ilang araw din kasi kaming halos hindi magkita dahil either ako ang umuuwi ng gabi o 'di kaya ay siya.

"I want Kier Montenegro to train me. Besides may project tayo with them, 'di ba? You can assign me on that one."

"Busy ang tao na iyon, Emily, hindi basta-basta papayag iyon na--"

"He's looking for a secretary," agarang sagot ko. I looked into it before talking to my dad. "Let me in for that job."

Napatanga siya sa sinabi ko. Ang mga mata niya'y tumutok sa akin na tila tinatanong kung nababaliw na ba ako. I'm not.

But if I'm really going to work for our company, I want to learn under the supervisory of someone interesting.

"Alright. Mas maganda nga na kay Kier ka magtrabaho at marami mang matututunan sa kanya. I will talk to his father regarding this. Pero, anak, bakit? Are you interested with the guy?"

"O-of course not!" I gulped. "Gusto ko lang matuto sa mga business moves and decisions niya, dad."

"That's good, then. Kapag ikaw ang naging secretary niya ay ire-request ko na isama ka maski sa mga trabaho na outside the company para makita mo kung ano ang dapat gawin. The guy is fast learner, you should follow his steps."

Yeah... sure.

Ngiting tagumpay ako nang makalabas ng kwarto nila daddy. Agad akong tumayo ng tuwid at pilit ginawang seryoso ang mukha nang mapansin ko si mommy na nakatingin sa akin.

"Anong pinag-usapan niyo ng daddy mo?"

"Mom, let's go shopping tomorrow."

"Ha?"

I grinned. "Tomorrow ha!"

Mabilis akong naglakad patungo sa kwarto ko at nang maramdaman ang kama ay doon pa lang ako impit na sumigaw. Pigil na pigil pa rin ang kasiyahan. I'm excited.

Bukas na bukas din ay bibili ako ng mga damit at gamit. Because after this week, I'll be Kier's secretary. His executive secretary. How fun would it be?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status