Share

Chapter Nine

"Oh em gee! Seryoso ba?" bulalas ni Kyra nang ikwento ko ang nangyari sa opisina kanina.

Dumiretso ako sa club ni Red at inaya sila. Leila's busy though kaya tatlo lang kaming nandito.

"Sure ka bang hindi mo sinadya?" tanong ni Red na mas nagpainit ng ulo ko.

"At bakit ko naman sasadyain?" masungit na sabi ko. "Get me a vodka bull, please."

"May pasok ka bukas, Ems. Baka lalo lang magalit ang boss mo kung papasok kang may hangover bukas," ani Kyra na naka big sister mode na naman.

Magagalit dahil may hangover? Ni hindi niya iyon mapapansin panigurado. He won't even make an eye contact with me. Kung mayroon man ay puro matatalim pa na tingin.

"Hindi ako malalasing sa isang baso lang, Ky."

Nagbuga ito ng hininga saka isinenyas ang pagpayag kay Red. Pagkaalis ni Red ay may umupo sa tabi ko.

"Hi, girls."

Patrick Suarez, the hottie male actor. Ngumiti ako sa kanya pero problemado pa rin na dumukdok sa mesa. Gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad o babawi kay Kier.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status