Share

Chapter Two

Hotels at Resorts ang businesses namin. Mula sa lolo't lola ko hanggang sa mga magulang ko ay iyon na ang pinagkakaabalahan. Nag-iisa akong anak at bagaman may pinsan naman akong isang lalaki ay mas bata iyon sa akin, high school level pa lang siya ngayon kaya ako lang din ang p'wedeng asahan sa ngayon.

Sixteen years old ako nang umalis ako patungong France para mag-aral ng fashion design. I love fashion, girly things, luxuries, bags, clothes, name it. Kaya sinunod ko ang gusto ko kahit na alam kong hindi rin iyon ang magiging kahihinatnan ng lahat. I have to manage our business or at least own a position in it.

Kaya nandito ako ngayon. I left my passion for this fvcking business thing I don't even know about.

Yes napilitan ako na umuwi rito pero hindi naman ako pinilit nila mommy like pinilit as in. Alam ko rin naman ang responsibilidad ko at gusto ko rin bigyan ng chance, baka naman pagkatapos ng ilang buwan ay ma-enjoy ko rin.

Pero iniisip ko pa lang ay talagang nayayamot na ako. I really hate sitting on a single chair for hours.

"Papasok ka na sa company niyo bukas?" tanong niya.

Nanatili akong sumisimsim ng wine habang malalim ang iniisip. Nagtagal ako ng ilang segundo na hawak ang wine glass bago ibinaba iyon at sinagot ang tanong ni Kyra.

"Next week pa. Iyon ang naging usapan namin nila mommy."

"Next week pa? At ano naman ang gagawin mo sa isang buong linggo, aber?"

"Tutulungan ko si Leil sa pag-open niya ng shop."

"Really?"

Umismid ako. "Ano'ng akala mo sa akin? Tambay sa night club? Tss."

"Hindi naman. Pero Ems, ayaw mo bang makipag-date? Like finally trying a serious relationship? Tumigil ka na sa mga laro mo, ano ka ba!"

"Wow, as if ako lang ang single dito. Leil has a boyfriend but you're a single lady, too. Duh!"

"Pero sinusubukan kong makipag-date, hindi gaya mo."

I don't really like those formal dates. Ano naman ang gagawin namin doon? Magkukunwari na gusto namin ang isa't isa? Kunwari ay nag-eenjoy akong kausap yung lalaki kahit hindi naman? No way!

Hindi ko sasayangin ang oras ko roon.

Kung may dadating man ay...

"Kyra," tawag ko sa kaibigan.

"Oh?" sambit niya pero mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong naka-focus lang siya sa kanyang cellphone.

"Kilala mo iyon?"

"Sino?" suplada niyang tanong at hindi pa rin tinitingnan ang tinutukoy ko.

"That man, oh!"

"My gosh, Ems, tumigil ka na nga sa mga ganyan," sermon niya at hindi pa rin ako pinapansin.

Inirapan ko siya. Tumayo ako at nagpaalam na pupunta lang ng powder room. Hindi niya ako pinansin, busy sa kung sino mang ka-text niya.

I lied though. Hindi ako sa powder room dumiretso kung hindi sa may pwesto nung lalaking tinitingnan ko. His domineering presence is something you cannot just avoid. Inayos ko ang buhok bago tuluyang makalapit sa gawi niya.

"I don't have an order," malamig na sabi niya at hindi lang lang ako tiningnan.

Halos manlamig ako sa sobrang ganda ng boses niya. Buong-buo at parang may gaspang sa bawat dulo ng mga salita. So manly.

"Hi!" bati ko sa matinis na boses.

He sighed. Umiling siya at hindi ako pinansin. Snob, huh.

Lakas-loob akong umupo sa tapat niya at hindi na niya napigilan pang mag-angat ng tingin sa akin. Magpapa-cute sana ako pero hindi ko naiwasang hindi matulala nang makita ko ng buo ang mukha niya.

Shems, bakit ang gwapo? Like... what the heck, I've never seen a man this handsome in my whole fvcking life. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin, hindi man lang nagbabago ng reaksyon.

Walang hiya-hiya kong hinagod ng tingin ang kabuuan ng kanyang mukha. Maayos na nakasuklay ang kanyang buhok, itim at malinis ang pagkakagupit. Sapat lang ang tangos ng kanyang ilong na bumagay sa perpektong hugis ng kanyang panga. And then his lips... medyo makapal iyon at mapula.

Nagsalubong ang medyo makapal niyang kilay. "Leave."

"I'm Emily," pakilala ko at in-offer ang kamay sa kanya.

Hindi niya tiningnan ang kamay ko. Hindi naman masama ang titig niya pero nakakatakot iyon, para bang binabalaan ako na hindi ko maintindihan.

I pursed my lips. Sa halip na ma-turn off o mainis ay mas lalo pa akong natuwa. I just hope he won't hurt me. Mukha pa naman siyang marahas. And, oh, look at his biceps. Everyone wants to stay on his arms, that's for sure. Halatang lagi sa gym.

"I love your shirt," pagdadaldal ko. "Kilala ko sa personal ang designer niyan, nakilala ko siya sa France noong nag-aral ako roon."

It's true. Hindi sobrang sikat ng mga design no'n sa France pero sa ibang bansa ay madaming tumatangkilik. Bagaman bihira na siya mag-design ngayon kaya puro limited edition na lang.

Inirapan niya ako at hindi pinansin. Kinuha niya ang baso niya na kalahati ang laman na alak. I'm not sure what kind of liquor it is, hindi ko naman nakita. Nagmukhang maliit ang baso nang hawakan niya. His hands are too big.

Nangalumbaba ako at pinanood siyang uminom. The way his adams apple moved is so mesmerizing and even his jaw clenched in a hard way...

Ang gwapo niya!

"Leave my table, Miss," utos niya sa mariing tono pero hindi rin naman rude.

"No, ayos lang. I'm fine here. Wala ka namang kasama, 'di ba?"

Nanlilisik ang mga mata na ipinukol niya sa akin. Medyo napaigtad ako roon. I told you, he's a bit scary. Parang hindi mo mabibiro.

"Leave or I'll call someone to get you here."

"Oh," I smiled. "I'm not scared."

"Shit!" dinig kong anas ng isang lalaki sa gilid ko bago ko naramdamang may humawak sa akin. "I'm sorry Mr. Montenegro."

"What the-- Red?!"

Sinenyasan niya ako na tumayo na at makisama sa kanya. At hindi naman ako manhid para hindi ma-gets iyon. For him, as an owner, to bow down to this guy, he must really be something.

"I'm sorry, my friend here is just a little friendly--" Naitikom ni Red ang bibig nang senyasan siya nung lalaki na umalis na.

Wow! How rude! Kay Red ang night club na ito kaya anong karapatan niya na gawin iyon sa kanya?

Habang hila-hila ako ni Red ay hindi niya man lang kami nilingon.

"Oh? Ang tagal mo naman bumalik?" sabi ni Kyra na walang kaalam-alam sa nangyari.

Red is a bit calmer now. Umupo siya sa katapat namin na sofa at pumikit.

"Where's Leilani?" tanong ni Kyra kay Red.

Red is the owner of this night club. Kapatid niya si Leilani na isa rin sa mga kaibigan namin. He's handsome and loyal to his girlfriend. Hindi ko pa nami-meet ang girlfriend niya hanggang ngayon. Actually, ngayon lang din kami ulit nagkita mula nang makabalik ako.

At sa ganitong pagkakataon pa.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Kyra dahil walang umiimik ni isa sa amin ni Red.

Red glared at me. What did I do? Sino ba kasi iyon?

Siya na nga itong ina-appreciate, siya pa ang galit. Ngumuso ako at naiiritang humalukipkip.

"Who's that guy?" pabulong na tanong ko kay Kyra at inginuso ang pwesto nung lalaki.

Kyra's eyes widened. "OMG! A-anong ginagawa niya rito?" Inilabas niya ang phone niya at natataranta na kinuhanan ng picture yung lalaki. "The girls will be so thrilled to know this!"

"Kyra!" Red warned.

Ngumuso si Ky at ibinaba ang cellphone. Mas lalo lang tumaas ang kuryosidad ko. Sino nga kasi ang lalaki na iyon at ganito sila makaasta?

"He's Kier Dylan Montenegro, hindi mo siya kilala? Siya na ang CEO ngayon ng Montenegro Holdings."

"Familiar..."

"Sa kanila yung MHI Malls," singit ni Red.

MHI...

Oh my gosh!

"That international company..." Natutop ko ang bibig ng mapagtanto ang mga nangyayari.

Ang bata niya pa para kunin ang pinakamataas na posisyon. Yes, for sure his father still sits as the chairman. But a man this young for the position of CEO... how could he do that?

"Under training pa rin siya ng dad niya pero madami ang nagsasabi na malupit daw talaga ang isang iyan. Seryoso sa lahat ng bagay. Ayaw niya ng may pumapalpak na empleyado."

Montenegro Holdings...

May alam ako tungkol sa kanila na hindi ko maalala. Ano na nga kasi iyon?

I shifted my weight uncomfortably. Hindi na ako mapakali ngayon. Hindi dahil natatakot ako sa kanya pero may something talaga, eh.

Duh! Bakit naman ako matatakot sa kanya? I'm the only Heir of Chavez's Hotels and Resorts. Alam kong big time ang isang iyon pero lalaban naman ako kung palakasan ng koneksyon.

"One of the richest bachelor. Na-feature iyan last month sa isang sikat ma magazine. Family edition nga lang iyon dahil hindi naman siya nagpapa-interview na mag-isa."

"So, he's single?"

"Yup. At huwag ka na umasang papansinin ka niyan. Mula luzon hanggang mindanao ang pila kaya umupo ka na lang diyan."

Hindi na nakakapagtaka iyon. Mas magtataka ako kung walang babaeng pipila para sa kanya. Mayaman, gwapo...

I especially love his hard features. Itinungko ko ang siko sa mesa at inilagay ang baba ko sa aking palad habang nakaharap sa gawi niya. Umiinom siya mag-isa, wala ba siyang kasama? I can join him if he'll let me.

Pag-uwi na pag-uwi ko ay nag-search agad ako ng tungkol sa kanya. Mailap nga lang siya sa media. Halos walang impormasyon na matino bukod sa pangalan at businesses nila. And oh, he's just 28 years old? Around three to four years lang ang pagitan namin.

Bata pa siya. At siya na ngayon ang nagma-manage ng business nila? Wow! That's quite impossible. Naghanap pa ako ng mga impormasyon pero karamihan doon ay mga opinionated na lang na artikulo mula sa mga journalist.

Ilang beses na rin siyang na-link sa mga magagandang babae na anak din ng mga businessman pero wala ni alin doon ang nakumpirma niya.

Hindi naman siya bakla, ano? Magwawala talaga ako kung sakali. But what if, right? He doesn't like girls. Who doesn't like girls?

"Dad.."

H*****k ako sa pisngi ni daddy. Ibinaba niya ang dyaryo na binabasa niya at humigop sa kanyang kape.

Umupo ako sa tapat niya at hinanap si mommy.

"May binili kaming dress na darating mamaya. Isusuot mo iyon sa event para mamaya," ani daddy na naging resulta ng pagkunot ng noo ko.

"Anong meron?"

"Party."

"Party para saan, dad? Kailangan pa ba ako roon?"

"You should be there. Hangga't maaari ay palawakin mo ang circle of people mo. Mga businessman ang mga dadalo kaya dapat ay nandoon ka."

Ngumuso ako at tumayo para maghanda ng kape ko. Habang nagtitimpla ay naaalala ko ang gusto kong itanong kay dad.

What the media doesn't know, does not mean my dad doesn't.

"Dad," tawag kong uli. Nag-angat siya ng tingin sa akin, inaabangan ang sasabihin ko. "Are you familiar with Kier Montenegro?"

Ibinaba niya ang tasa at iginilid ang newspaper sa tabi. Nakuha ko ng buo ang atensyon niya sa pagbanggit pa lang ng pangalan nung lalaki.

"Sino ang hindi makakakilala sa batang iyon? Napaka-successful at magaling mag-manage ng business."

"So, you know him, like personally?"

Bumalik na ako sa pwesto ko kanina, sa tapat niya.

Kumunot ang noo niya. "Nag-sign na tayo ng kontrata para sa partnership sa kanila last month, kaya oo, kilala at kaibigan ko ang mga Montenegro. His dad and I are friends since college."

You've got to be kidding me!

"Partnership?"

"Kasalukuyan pa lang na pina-plano ang largest Mall branch na io-open nila at magkakaroon tayo ng hotel doon sa mismong Mall. Also, mag-o-open tayo ng resort sa La Union na magiging co-owner natin ang mga Montenegro."

"Co-owner? We don't need--"

"Marami pang plano ang gagawin diyan kaya hindi ko pa rin nasasabi sa'yo." Binigyan niya ako ng mapanuring tingin. "At kailan ka pa naging interesado sa mga ganito?"

Lumunok ako at nagbaba ng tingin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status