Share

Chapter Four

"Totoo ba ang narinig ko? Magiging secretary ka ni Mr. Montenegro?"

Punong-puno ng pagtataka at pag-aalala ang mukha ni mommy. Sino nga ba namang matinong tao na ayaw nga'ng mag-manage ng business ay mag-aapply naman na secretary ng isang sobrang busy na businessman? Ako lang siguro.

Para saan? Para sa mga personal kong kagustuhan. Gusto kong patunayan na kaya kong mapa-inlove ang tao na iyon. U-huh, pride? Ego? Ganoon na nga siguro. Pero ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay kung paano maisasagawa ang plano ko.

How to make him mine. Kung paano ko magawang palingunin siya sa gawi ko kahit wala akong ginagawa.

"Yes, mom."

Lumamlam ang mga mata niya. Binitawan niya ang mga dala na paperbag at kinuha ang kamay ko.

"Anak, pinilit ka ba ng daddy mo? Ano ang sinabi niya sa'yo? Ako ang kakausap sa kanya--"

"Mommy," pagpigil ko sa kanya. "Desisyon ko rin po ito. After all, you know that no one can tell me what to do."

Mas lalong nangunot ang noo niya. Ang makakapal niyang kilay ay halos magsalubong na. Hindi ko alam kung nalilito ba siya, nagtataka, o naiinis.

At tama nga ako. Hindi na nakakapagtaka na binitawan niya ang kamay ko saka siya humalukipkip sa aking harapan. Tumirik ang isa niyang kilay at pinanliitan ako ng mata.

"What's going on here, Emily? For real?"

Huminga ako nang malalim. My stubbornness obviously came from her. Mahirap magsinungaling kay mommy pero sa pagkakataong ito ay wala akong magawa kung hindi magsinungaling sa kanya. Hindi niya ako papayagan kapag nalaman niya ang totoo.

"Mom..."

"May gusto ka ba sa anak ng mga Montenegro?" Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. I swear! Kapag ganito si mommy ay mas nakakatakot siya kaysa kay dad.

"M-mommy, wala, ano ka ba? I just met him yesterday!" Humalakhak ako ng pilit. "Saka ano naman ang magugustuhan ko roon? I like charming, guys, mom. I like the gentleman type, sweet, caring, smiles a lot... At iyon? Walang kaemo-emosyon. How could I like someone---"

"Okay, okay!" Itinaas niya ang palad sa tapat ng mukha ko upang pahintuin ako na magsalita. "You don't have to be so defensive, Emily."

"Mom, gusto ko matuto, okay? Wala naman akong choice kung hindi pag-aralan ang business na ito. I am the only child, only daughter, what can I do? Gusto ko matuto sa magaling. And Mr. Montenegro seems like a great man, in the name of business. At saka pumayag si dad, pumayag ako, so why not?"

"Just make sure, anak."

Tumango ako at ngumiti para i-assure siya na magiging maayos lang ang lahat.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong inayos ang mga pinagbibili namin ni mommy. I bought daring office clothes, sexy ones, reds and blacks, blazers, skirts, make ups, perfume, stilettos, and mini bags.

Ngumisi ako. Mas mukha pa akong rarampa sa runway kaysa magiging secretary.

Umupo ako sa kama habang dinadama ang kakaibang hangin na tumatama sa mukha ko. Na-e-excite ako. Para akong sasabak sa isang adventure, pupunta sa lugar na hindi ko pa napupuntahan, at kasama ang isang napakamisteryosong tao.

Kier Montenegro, just wait... Because sooner or later, you will fall for my charm.

Tao ka lang, imposibleng hindi. Unless, of course, he's in love with someone else.

And I think this is fun.

Isang unknown caller ang naging dahilan kaya naputol ang pagmumuni-mumi ko. Iniabot ko ang phone at sinagot ang tawag.

(Good day, Ma'am! Is this Emily Chavez?)

"Yes," sagot ko, nagtataka sa pormal na bungad ng caller.

(We are calling from Montenegro Holdings office, Ma'am. I emailed you the contract for the secretary position. Let us know immediately what is your decision so we can sign the contract tomorrow. And also, if you decide to join our company, you can start working already on Monday.)

Hindi ako nakasagot.

Ano raw?

They already sent the contract?

Halos lumundag ang puso ko palabas sa sobrang excitement na nararamdaman. Did I just heard them right?

(Ma'am Chavez?)

"A-ah..." Shit! Just say something, Ems. "Sure, sure, I will review the contract right away. Thank you!"

Nang maputol ang tawag ay agad kong binuksan ang laptop ko upang i-check ang kontrata na tinutukoy niya. Hindi ko in-expect na may mga formalities pa pala ito, akala ko kapag sinabi na ni dad ay pasok na agad.

Oh well, I guess, Kier's company has strict rules, huh.

Let's see.

"Tumawag na ba sila sa iyo?" tanong ni dad habang kumakain kami ng hapunan. Magkakaharap kami nila mommy.

Mom looked at me, her eyebrows are again not in normal position.

"Yes. Contract signing bukas at p'wede na raw po akong magsimula sa Lunes."

Ngumiti si daddy at mahinang tinapik ang balikat ko. "Masaya ako na nagkakaroon ka na ng interest sa business natin, anak."

Oh, if he only knew.

Pilit akong ngumiti at pinagtakpan ang tunay na nararamdaman. I've always wanted to be a designer. Akala ko noong una kapag nakapag-aral na ako ng fashion design, baka magsawa rin ako at bumalik dito para gawin ang gusto nila dad.

Pero hindi iyon nangyari. Sa halip ay sa loob ng ilang taon, umasa ako na papayagan nila akong gusto kung ano ang gusto kong gawin. That is to pursue a career different from theirs.

Huminga ako nang malalim. Come on, Emily, pull yourself together. Hindi man ngayon, alam ko balang araw magagawa mo rin yung mga gusto mong gawin.

Natapos ang araw na iyon na medyo naging emosyonal ako. Nawala yung excitement na una kong naramdaman pero agad din namang bumalik paggising ko kinabukasan. This is quite thrilling, I guess.

Alam niya kaya na ako ang bago niyang sekretarya? O baka magwala siya kapag nalaman na ako iyon? O baka tanggalin niya ako agad sa trabaho. Can he do that, though? My dad talked to his dad. Kaya baka wala rin siyang magawa.

Nagkibit ako ng balikat. Let's see.

Black ribbed tank top at high waisted leather jeans ang isinuot ko papasok sa kompanya. Contract signing ngayon at mamaya ay didiretso ako kay Leila para tulungan siya sa mga kailangan niyang gawin.

"Hindi ba iyan yung tagapagmana ng mga Chavez?" dinig kong sabi ng isang babae sa right side ko.

"Oo," bulong nung isa na dinig na dinig naman.

"Magiging secretary yata siya ni Mr. Montenegro, hindi ko alam kung bakit. Weird."

"Secretary? Sigurado ka? Bakit naman siya mag-se- secretary, eh, may sarili naman siyang kumpanya?"

"Oo nga, girl, yun ang sabi."

"Miss Emily Chavez?"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Isang babae na nasa forties na ang edad. Nakasuot siya ng kulay blue na terno na blouse at skirt. Formal and classy. Ngumiti siya sa akin at iminuwestra ang sofa na na nasa tanggapan.

"Ako nga pala si Myra, former secretary of Mr. Montenegro. Ang rason kaya ako nag-resign ay dahil mag-ma-migrate na kami ng pamilya ko sa Canada."

"Matagal na po kayo rito?" Hindi ko maiwasang hindi magtanong.

Malambing ang pananalita niya. Mukhang mabait at mapagkakatiwalaan.

"Hmm. May sampong taon mahigit na rin, ang tatay niya pa lang ang boss ko noon. Siya nga pala, ito ang kontrata, I believe, nabasa mo na? May mga ilan lang din akong kailangan ibilin sa'yo. Pagdating ni Mr. Montenegro, kailangan ay ipagtimpla mo na siya agad ng kape, ayaw niya ng matamis at creamy, gusto niya ng medyo mapait. Sa tanghali ay 'wag kang o-order ng lunch kapag hindi niya sinabi lalo na at madalas naman na nasa business meeting ito ng ganoong oras. At kapag mag-o-overtime ng hapon ay may tea siya roon na titimplahin mo."

"Hmm? And what are his pet peeves?"

"Ayaw niya ng late. Ayaw niya ng magulo ang mesa, kung mapapansin mo halos lahat ng mga mesa na makikita mo lalo na sa floor niya ay walang kalat. Maayos na nakasalansan ang mga papel, walang kung ano-anong bagay katulad ng charger o pagkain. Ayaw niya ng hindi nasusunod ang original sched niya. Medyo mahirap kung hindi ka sanay sa trabaho dahil madami siyang inuutos pero masasanay ka rin naman."

Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako. Ano ba itong pinasok ko?

What the eff?! Mukha bang umuwi ako ng Pilipinas para magpaka-alipin?

"Pirmahan mo na, hija?"

Kinurot-kurot ko ang sarili habang nag-iisip. May oras ka pa para mag-back out, Emily. Hindi ka pa nakakapirma.

Pero ano ang sasabihin ni daddy kapag? Isa pa, nandito na ako.

Come on, Ems, 'wag kang tanga. Hindi ka bagay rito.

You won't live and abide by his rules, Emily, you have your own life and rules. Si Kier lang iyon, pareho naman kayong mayaman, mas matalino lang siya sa bagay na ito pero pantay lang kayo, okay?

Bakit ako matatakot?

Kinuha ko ang ballpen at hindi na nag-isip pa. Pinirmahan ko ang mga kailangang pirmahan saka tumayo habang ang dibdib ko ay halos hindi na matigil sa pagkabog, tila galit na galit sa pagtatraydor na ginawa sa sarili.

"Mabait naman si Mr. Montenegro, Emily. Huwag mo lang talagang kakalabanin," aniya bago kami tuluyang magpaalam sa isa't isa.

Hinang-hina ako nang makaupo sa sasakyan. Tanaw ko ngayon sa aking harapan ang napakalaki at napakagandang Montenegro Holdings. Of course they have a lot of businesses as well as investments. Sikat na sikat ang kumpanya na maski mga foreigner ay pinapangarap magtrabaho rito.

But not me.

I just see it as a way to get close to Kier.

Let's see what will happen.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status