Xamira POVPagkatapos naming kumain, sinamahan ko sila Kalix, Buknoy, Buchukoy at Tisay paakyat sa second floor ng bahay ko. Ang saya nila habang paakyat kami. Para bang mga batang unang beses makapasok sa malaking bahay.âAng kinis ng hagdan, Xamira! Wala bang nadudulas dito?â tanong ni Buknoy habang nakahawak sa bakal na handrail.âMeron, lalo na kung sabay-sabay kayong tatakbo paakyat,â natatawa kong sagot habang naglalakad sa unahan nila. Nakikisabay na lang din ako sa mga katatawanan nila para hindi naman nila isipin na KJ ako.âMas makinis pa kasi ang sahig kaysa sa mukha ko,â ani Buchukoy habang kumakapit sa balikat ni Buknoy. Tawanan na naman tuloy kami.Pagdating namin sa second floor, isa-isa ko silang na-tour sa kani-kanilang kuwarto rito sa manisyon ko. Malalaki ito at may kanya-kanyang kulay depende sa trip ng interior designer ko noon, na ngayon ay parang hindi ko rin ma-appreciate dahil mas masaya akong makita ang reaksyon nila kaysa sa design mismo.âTisay, dito ka. Bu
Kalix POVUnang beses kong makakita ng ganoong klase ng sasakyan. Pinasundo kasi kami ni Xamira gamit ang isang van daw na tawag sa sasakyan na iyon na kasing laki âyata ng kariton ng buong barangay namin sa Isla Lalia. Nagkatinginan pa kaming apatâako, si Buknoy, si Buchukoy at si Tisayâhabang papalapit ang sasakyan na iyon. Parang may multo sa loob kasi tinted ang bintana. Akala ko nga kung ano na itong sasakyan na huminto sa amin, natakot pa ako kasi baka huluhin kami, pero hindi naman pala.Pagbukas ng pinto, bumungad ang malamig na hangin na galing sa loob.âAy puta, may bagyo ba sa loob nito?â sigaw ni Buchukoy nang maramdaman niyang malamig nga ang hangin na galing sa loob ng sasakyan.âHuy, hindi bagyo âyan, ano ka ba! Aircon ang dahilan kung bakit malamig sa loob,â paliwanag ni Xamira habang tawa nang tawa. âAyan ang nagpapalamig sa loob ng sasakyan.ââ'Yung hangin? Nilalagay sa loob ng kahon?â tanong ni Tisay habang hinahaplos ang bintana.âOo, parang ref,â sabi ko. âPero mo
Xamira POVIsang malambing na tapik sa braso ang ginawa kong gising sa mahimbing na natutulog na si Kalix.âKalix, gising na. Nasa Lux City na tayo,â bulong ko sa kaniya.Dali-dali naman siyang gumising dahil excited na rin talaga siyang makita ang itsura ng Lux city.âAng sarap pa ng tulog mo, ha,â biro ni Tisay habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng maliit na salamin sa gilid.âPuyat kasi tayo kaya ganiyan,â sagot ko habang nag-aayos na rin ng buhok.Narinig ko ang announce mula sa labas ng kuwarto namin. âMga pasahero, paki-handa na po ang inyong mga gamit. Tayo ay lalapag sa Lux Port sa loob ng sampung minuto.âAgad kaming nagkatinginan. Si Buknoy, si Buchukoy, si Tisay, si Kalix. Pare-pareho kaming parang mga batang excited. Hindi mapakali ang katawan nila, lahat nagsisigawan sa tuwa.Kinuha ko agad ang maliit kong bag at siniguradong dala ko ang lahat-lahat.Pagbaba namin ng barko, isang mainit pero preskong simoy ng hangin ang bumungad sa amin. Ang pantalan ng Lux City ay nap
Xamira POVWala nang natulog. Si Kalix at Tisay, inasikaso na agad ang pagbili ng ticket namin papunta sa Lux City. Bukas naman ang bilihan ng ticket sa buong twenty four hours. Wala na kaming sasayangin na oras.âHuwag na kayong magdala ng gamit, ako nang bahala sa inyo pagdating sa city,â sabi ko sa kanila habang pabalik kami sa kani-kanilang kubo nung gabing âyon.Nang makauwi na ako sa kubo para kunin ang mga mahahalaga kong gamit, nagmadali na ako.Pero hindi ko namalayang gising pa pala si Aling Karen. Aalis na dapat ako nun dahil doon na kami magkikita-kita sa dalampasigan nang maisip kong puntahan ang dahilan kung bakit ako naligtas.âTeka lang,â sabi ko kay Kalix.âBakit?â tanong ni Kalix.âGusto ko lang... magpaalam kay Nanay Karen mo.âHinintay niya ako sa gilid ng daan habang ako naman ay mabilis na kumatok sa pinto ng bahay kubo nila Kalix. Ilang segundo lang ay bumukas na iyon. Si Aling Karen ang bumungad sa akin na gising pa nga, siguro ay hindi rin makatulog sa bigat n
Kalix POVNang tanggalin namin ang tali sa kaniya, halos hindi na niya nagawang lumakad. Manhid na siya dahil sa pagkakatali sa kaniya dito ng halos ilang taon.Binuhat siya nila Buknoy at Buchukoy. Habang si Catalina, pinagdiskitahan ni Tisay. âTulungan mo ako, Xamira, tuturuan natin ng leksyon ang babaeng ito.ââA-anong gagawin mo?â tanong ni Xamira.âNaisip ko kasi na walang silbi kung sasabihin natin kay kapitan Ramon ang ginawa niya. Malakas ang pamilyang Arcega sa isla na ito. Sabi nga, parang pag-aari na nila ito. Kaya kung isusumbong natin ang ginawa ni Catalina, talagang walang silbi. Kaya sa ibang paraan natin siya babawian,â paliwanag ni Tisay.âTotoo ang sinabi mo,â sang-ayon ni Betchay kay Tisay.âKaya buhatin natin siya, may nakita akong bangka sa may dulo nito. Ilagay natin siya at hayaang tangayin ng alon. Pero siyempre, itali natin ang mga paa at kamay para hindi siya makagalaw at anudin siya sa malayong-malayong lugar. Sigurado sa haba nang lalakbayin niya, mangangay
Kalix POVPanay na ako iyak ko habang nakahiga ako kanina. Nakatulog na lang ako sa kakaiyak. Bumalik lahat ng panic attack, stress, anxiety ko dahil nangyari na naman ang kinakatakutan kong mangyari.Pero nang dumating si nanay at sinabi niya kung nasaan si Xamira, nabuhayan ako ng loob. Nung marinig ko ang sinabi niya, hindi na ako nagtanong o nag-isip pa na mali siya kasi kapag mabilis magsalita si nanay at seryoso ang pagkakasabi, ibig sabihin ay sigurado siya.Isa-isa kong dinaanan ang mga natutulog na rin dapat na mga kaibigan ko. Ewan ko ba, siguro sa sobrang pagmamadali ko, halos ten minutes ko lang silang napuntahan para lang mabilis ang pagliligtas namin kay Xamira.âAlam ko na kung nasaan si Xamira,â sabi ko agad sa kanila nang makumpleto ko na sila.Napakurap si Tisay. âTalaga? Saan?!ââSa lupain ng pamilya Arcega. May sinabi si Nanay. Nakita raw niya si Catalina... pinipilit pakainin si Xamira. Tama ang hinala natin na binihag ni Catalina si Xamira.âWala nang nag-aksaya
Third Person POVMaghahating-gabi na nang dumating si Kalix sa bahay. Pawisan, balisa at halatang pagod. Nakaupo si Aling Karen sa kanilang maliit na bangko, may hawak na baso ng mainit na salabat. Nang makita niya ang itsura ng anak, agad siyang napatayo.âMay Problema ba, anak?â tanong niya.âNay, nawawala po kasi si Xamira,â agad na sabi ni Kalix na halos naghahabol ng hininga. âKanina pa siya hindi bumabalik mula nang magpaalam siyang magbanyo. Hinanap na namin sa palengke, sa dalampasigan, sa kahit saan, pero wala. Ni anino niya ay hindi na namin nakita. Nangyari na naman ang nangyari noon. Nung kagaya nang pagkawala ni Betchay.âNapakapit si Aling Karen sa dibdib niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig sa anak niya. âDiyos koâŠâHabang patuloy sa pagkukuwento si Kalix, hindi na niya masyadong narinig ang mga sumunod na sinabi ng anak. Ang bumabalik-balik sa isip niya ay ang narinig niyang pag-uusap noonâang usapan nina Catalina at ng ina nitong si Talina.Dinig
Xamira POVHindi ko na alam kung ilang oras na akong nakakulong dito sa madilim na kubo na amoy kulob na basang-basa ang sahig. At ang pinakamasakit sa lahat ay nakagapos pa ako. Ang mga kamay ko, nakatali sa likod at ang sakit-sakit na. Ang paa ko, nakatali rin. Kanina pa masakit ang katawan ko dahil sa ngawit. Namamanhid na ang binti ko. Pero mas masakit sa akin ang takot na baka hindi ako makita nila Kalix.âT-tulungan mo ako, pakiusap,â nanginginig kong sabi sa babae na nasa harapan ko.Siya si Betchay. Sobrang payat niya. Halos makita ko na ang buto sa pisngi niya. Ang buhok niya, mahaba at gusot, parang ilang taon nang hindi nasuklay mula nang mawala siya. Hindi siya nakasuot ng sapatos, at kahit sa kadiliman ng lugar na âto, tanaw na tanaw ko ang putik, dugo at mga galos sa balat niya. At ang amoyâDiyos ko. Mabaho. Amoy dumit ng tao, ihi at kung ano-ano pa. Parang pinaghalo-halong pawis, dugo at panis na pagkain. Hindi na siya mukhang tao ngayon. Grabe ang ginawa nila kay Betch
Kalix POVKanina pa ako nagtataka. Sabi ni Xamira, iihi lang daw siya saglit. Mula nang tumayo siya at lumakad papunta sa may banyo malapit sa palengke, hindi na siya bumalik.âGuys,â sabi ko, sabay lingon kina Tisay, Buknoy at Buchukoy na busy pa rin sa pagnguya ng tusok-tusok, âkanina pa wala si Xamira.âNapatingin si Tisay sa akin, habang kagat-kagat ang kalahating fishball sa stick. âOo nga âno, halos twenty minutes na ata ang nakakalipas ah?ââKaya nga, ang tagal na kaya nagtataka na rin ako.âNapakunot ang noo ni Buknoy. âBaka hindi lang naiihi âyon⊠baka natatae pala kaya umuwi muna sa bahay kubo niya.ââTae agad?â singit ni Buchukoy habang humihigop ng palamig. âBaka naman pumunta lang sa bilihan ng pagkain. Di ba may binanggit siyang bibili ng hotdog kung meron?âUmiling ako, pero hindi ko na rin alam kung tama ba ang hinala ko. Basta ang bigat lang ng pakiramdam ko. Hindi ako mapakali. May phobia na kasi ako sa nangyari sa dati kong syota.âTeka,â sabay tayo ni Tisay, saka p