Share

S3 - Chapter 10

last update Huling Na-update: 2025-06-05 23:18:31

Tisay POV

Sa wakas, tapos na ang malaking wedding cake na alas kuwarto palang ng madaling-araw ay ginagawa na namin. On the way na ito sa kasalanan at sure akong matutuwa ang ikakasal sa ganda ng cake na ginawa ko.

Kakakain ko lang ng lunch at ngayon, nakaupo ako sa harap ng computer ko, naka-slouch pa habang hinihimas-himas ang tiyan ko. Tapos na rin ang nakaka-haggard na umaga—ang delivery ng mini cakes sa client, ang pag-aayos ng resibo at ang sunod-sunod na utos ko kanina kina Bebang, Junjun, Ate Glenda at Leny. Kaya heto ako ngayon, puwede nang mag-relax.

Ang pahinga ko nga lang ay ang pag-iisip kay Kaiser.

This time, sinubukan ko nang maghanap kahit pa paano. Nilagay ko ang pangalan niya sa search bar: Kaiser.

Enter.

Lumabas agad ang sangkaterbang resulta. May mga profile na may mahabang buhok, may may kalbo, may mukhang adik, pero karamihan pogi. May itsura talaga. May ilang nagpa-wow sa akin. Pero kahit anong kilatis ko, wala. Wala doon ‘yung hinahanap ko. Wala ‘yung lalaking
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 12

    Tisay POVAyaw ko na sanang guluhin pa siya. Ayoko na sanang makipagkita. Pero kasi, ayaw tumigil ang isip at puso ko sa kakaintindi kung may pag-asa ba ako sa kaniya?Kaya gagawa ako ng paraan para magkaroon ng sagot sa tanong kong ito na kahapon pa paulit-ulit sa isip ko.Isang beses lang ito, kapag alam kong okay na ulit siya, okay, tama na agad, pero kapag alam kong broken pa rin siya, aba, kahit ako ang babae, magpi-first move na ako. Tutal, siya naman ang unang nang-istorbo, kumbaga, ako na lang ang magtutuloy. This time, ako naman ang lalapit sa kaniya.Kaya heto ako ngayon, dala ang paborito kong cheesecake, papunta sa bahay nina Buknoy at Buchukoy na malapit lang sa dagat. Tamang-tama, nakaka-miss na ring lumanghap ng hangin malapit sa dagat.Napatingin tuloy ako sa balat ko. Grabe, ang laki na rin pala ng improvement ng balat ko. Hindi na sunog, effective ang mga skin care na pinagamit sa akin ni Xamira.Pagkabukas ng gate nila, una kong nakita si Buknoy na naka-short lang a

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 11

    Kaiser POVPagkaupong-pagkaupo ko sa couch sa condo, sumandal ako at nagbuntong-hininga. Maaliwalas na ang pakiramdam ko. Sa wakas, ayos na ang lahat para sa anniversary celebration namin ni Jamaica. Next week, maglalayag kami sa private yate na pinaset-up ko sa mga kalog na sina Buknoy at Buchukoy. Confirmed na rin sila. Tuloy na tuloy na.“Ayos na 'to,” bulong ko sa sarili habang hawak ang isang baso ng malamig na whiskey. Bigla kong natutunang mag-iinom. Nagsimula ito nang malaman kong nagchi-cheat si Jamaica.Sakto naman na biglang dumating sa unit ko sina Dan, Jeric, at Will—mga kabarkada kong kilala sa pagiging chickboy at certified cheater. Hindi na bago sa akin ang marinig ang mga kuwento nilang may tatlo o apat silang kinikita kahit may girlfriend na. Hindi ko sila ginagaya, pero hindi rin ako nanghuhusga. Buhay nila ‘yon.“Bro! Cheers para sa anniversary!” sigaw ni Will sabay abot ng bote ng beer.“Cheers!” sabay-sabay naming sabi.Mga gagong ‘to, may dala-dala agad alak, hi

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 10

    Tisay POVSa wakas, tapos na ang malaking wedding cake na alas kuwarto palang ng madaling-araw ay ginagawa na namin. On the way na ito sa kasalanan at sure akong matutuwa ang ikakasal sa ganda ng cake na ginawa ko.Kakakain ko lang ng lunch at ngayon, nakaupo ako sa harap ng computer ko, naka-slouch pa habang hinihimas-himas ang tiyan ko. Tapos na rin ang nakaka-haggard na umaga—ang delivery ng mini cakes sa client, ang pag-aayos ng resibo at ang sunod-sunod na utos ko kanina kina Bebang, Junjun, Ate Glenda at Leny. Kaya heto ako ngayon, puwede nang mag-relax.Ang pahinga ko nga lang ay ang pag-iisip kay Kaiser.This time, sinubukan ko nang maghanap kahit pa paano. Nilagay ko ang pangalan niya sa search bar: Kaiser.Enter.Lumabas agad ang sangkaterbang resulta. May mga profile na may mahabang buhok, may may kalbo, may mukhang adik, pero karamihan pogi. May itsura talaga. May ilang nagpa-wow sa akin. Pero kahit anong kilatis ko, wala. Wala doon ‘yung hinahanap ko. Wala ‘yung lalaking

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 9

    Tisay POVAlas dos na ng madaling-araw. Pagod ako, pero tila hindi epekto ang pagod lang para makatulog agad. Nakatihaya ako sa kama, nakatitig lang sa kisame habang nakapatong ang dalawang kamay ko sa tiyan. Hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog.Bumaling ako sa kaliwa. Umayos ng higa. Bumaling sa kanan. Umayos ulit. Pero wala pa rin. Sa huli, kinuha ko na lang ang cellphone ko sa gilid ng unan, binuksan at muling pinanood ang video na ilang gabi ko na ring kinukutkot sa gallery.Sa video, nandoon kami ni Kaiser. Pareho kaming lasing. Tawa kami nang tawa habang nanginginig pa ang kamay niyang hawak ang cellphone. Maliwanag na maliwanag ang boses niya sa video na niligawan niya ako at maliwanag din ang pagsagot ko ng oo.Tapos, hinalikan niya ako nang mabilisan lang. Kahit nakailang panuod na ako nito, natatawa at nahihiya pa rin ako sa sarili ko.Pinanood ko 'yon nang paulit-ulit ngayong gabi. Para akong baliw. Paulit-ulit kong ina-analyze kung may halong totoo ang mga sinabi niya,

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 8

    Kaiser POVTumigil ako sa harap ng condo ni Herlyn, bestfriend ni Jamaica. Nakasuksok sa bulsa ang kamay ko, habang tinititigan ang pinto ng condo niya. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako o aatras. Alam kong hindi ito magiging madali. Pero kailangan kong marinig ang totoo, mula sa taong may lakas ng loob na magsumbong sa akin nang ginawang pagtataksil sa akin ng girlfriend ko.Pagbukas ng pinto, sumalubong ang mahinang boses ni Herlyn. “You’re early.”Alam niyang darating ako kasi nagsabi ako na gusto ko siyang makausap. Walang alam dito si Jamaica kaya tinapat ko na busy ang girlfriend ko.“I just need answers,” sagot ko habang diretsong pumasok, hindi na naghihintay na imbitahin niya akong maupo sa sofa. Pero tumayo lang muna ako doon.Tahimik siya habang sinasara ang pinto. Pagkasara siya ng pinto ay bumalik siya sa loob, sabay tayo sa harap ko. Suot niya ang isang simpleng oversized shirt at shorts—malayo sa corporate look niya kapag magkakasama kami ni Jamaica. Sa itsura pa lang n

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 7

    Tisay POVSa totoo lang, kung may award lang para sa pinaka-walang-pahingang araw, paniguradong panalo na ako ngayon. Wala pang alas otso ng umaga pero basang-basa na ang likod ko sa pawis at hindi pa man ako nakakain ng kahit na ano mula pagkagising ko. Pero okay lang. Mas pipiliin ko ang ganitong abala kaysa sa araw na matumal ang benta.“Ma’am Cristina, dumating na po ‘yung eggs at butter!” sigaw ni Bebang mula sa labas. Siya ang isa sa pinaka-masipag kong staff at trusted ko talaga sa lahat ng kitchen supplies.“Paki-check kung kompleto ha,” sagot ko habang hinihila ang apron ko sa baywang at tinatali ito. May harina pa sa pisngi ko, hindi ko na naalalang tanggalin. Mamaya na. Mas mahalaga ngayon ang mini cakes.Isang client kasi ang um-order ng 100 piraso ng mini cakes para sa binyag ng anak niya. Kulay pastel pink at blue daw, may simple icing lang na may pangalan ng baby sa ibabaw. Deadline daw ay bukas ng umaga. Kaya naman halos lahat ng tao sa shop ko ngayon ay abala na paran

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status