Share

S3 - Chapter 3

last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-02 16:05:36

Tisay POV

Sa totoo lang, hindi ko na rin maintindihan kung bakit ako pumayag. Siguro dahil malamig ang gabi. Siguro dahil ang lakas ng ulan. O baka dahil sa katahimikan sa pagitan namin ni Kaiser habang sabay naming inuubos ang huling baso ng alak. Hindi na rin namin naalala kung pang-ilang tagay na ‘yon. Basta ang alam ko lang, tuluyan na akong nalasing.

“Tisay,” tawag niya sa akin dahil inamin ko na rin na Tisay ang palayaw ko. Tawa pa nang tawa ang bundol kasi ang cute daw ng nickname ko.

Lasing na siya kasi makailang beses na niyang binabanggit ang nickname ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na niya akong tinignan nang ganoon ngayong gabi. Yung parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano sisimulan. “Kung… kung liligawan kita ngayon… papayag ka ba?”

Napahagalpak ako ng tawa. Hindi dahil iniinsulto ko siya, kundi dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya ‘yun. Ang seryosong tanong na ‘yon, bigla niyang binanggit habang tumatapon-tapon na ang wina haba
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
update pls....
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
Yan kase kakulitan mo, navirginan ka tuloy ng may amnesia ng Dahl sa alak
goodnovel comment avatar
Cristy Coronel Higue
ay inam din si tisay,kinangkang ng di alam
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 9

    Tisay POVAlas dos na ng madaling-araw. Pagod ako, pero tila hindi epekto ang pagod lang para makatulog agad. Nakatihaya ako sa kama, nakatitig lang sa kisame habang nakapatong ang dalawang kamay ko sa tiyan. Hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog.Bumaling ako sa kaliwa. Umayos ng higa. Bumaling sa kanan. Umayos ulit. Pero wala pa rin. Sa huli, kinuha ko na lang ang cellphone ko sa gilid ng unan, binuksan at muling pinanood ang video na ilang gabi ko na ring kinukutkot sa gallery.Sa video, nandoon kami ni Kaiser. Pareho kaming lasing. Tawa kami nang tawa habang nanginginig pa ang kamay niyang hawak ang cellphone. Maliwanag na maliwanag ang boses niya sa video na niligawan niya ako at maliwanag din ang pagsagot ko ng oo.Tapos, hinalikan niya ako nang mabilisan lang. Kahit nakailang panuod na ako nito, natatawa at nahihiya pa rin ako sa sarili ko.Pinanood ko 'yon nang paulit-ulit ngayong gabi. Para akong baliw. Paulit-ulit kong ina-analyze kung may halong totoo ang mga sinabi niya,

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 8

    Kaiser POVTumigil ako sa harap ng condo ni Herlyn, bestfriend ni Jamaica. Nakasuksok sa bulsa ang kamay ko, habang tinititigan ang pinto ng condo niya. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako o aatras. Alam kong hindi ito magiging madali. Pero kailangan kong marinig ang totoo, mula sa taong may lakas ng loob na magsumbong sa akin nang ginawang pagtataksil sa akin ng girlfriend ko.Pagbukas ng pinto, sumalubong ang mahinang boses ni Herlyn. “You’re early.”Alam niyang darating ako kasi nagsabi ako na gusto ko siyang makausap. Walang alam dito si Jamaica kaya tinapat ko na busy ang girlfriend ko.“I just need answers,” sagot ko habang diretsong pumasok, hindi na naghihintay na imbitahin niya akong maupo sa sofa. Pero tumayo lang muna ako doon.Tahimik siya habang sinasara ang pinto. Pagkasara siya ng pinto ay bumalik siya sa loob, sabay tayo sa harap ko. Suot niya ang isang simpleng oversized shirt at shorts—malayo sa corporate look niya kapag magkakasama kami ni Jamaica. Sa itsura pa lang n

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 7

    Tisay POVSa totoo lang, kung may award lang para sa pinaka-walang-pahingang araw, paniguradong panalo na ako ngayon. Wala pang alas otso ng umaga pero basang-basa na ang likod ko sa pawis at hindi pa man ako nakakain ng kahit na ano mula pagkagising ko. Pero okay lang. Mas pipiliin ko ang ganitong abala kaysa sa araw na matumal ang benta.“Ma’am Cristina, dumating na po ‘yung eggs at butter!” sigaw ni Bebang mula sa labas. Siya ang isa sa pinaka-masipag kong staff at trusted ko talaga sa lahat ng kitchen supplies.“Paki-check kung kompleto ha,” sagot ko habang hinihila ang apron ko sa baywang at tinatali ito. May harina pa sa pisngi ko, hindi ko na naalalang tanggalin. Mamaya na. Mas mahalaga ngayon ang mini cakes.Isang client kasi ang um-order ng 100 piraso ng mini cakes para sa binyag ng anak niya. Kulay pastel pink at blue daw, may simple icing lang na may pangalan ng baby sa ibabaw. Deadline daw ay bukas ng umaga. Kaya naman halos lahat ng tao sa shop ko ngayon ay abala na paran

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 6

    Kaiser POVNasa harap ako ngayon ng opisina ni Jamaica. Ramdam ko pa rin ang sakit at lungkot sa dibdib ko, kahit na sinikap kong pakalmahin ang sarili ko kanina sa biyahe pa lamang. Ilang beses kong iniisip ang message niya sa akin nung gabing ‘yon. Ang sabi niya, hindi siya nakapunta sa mansion ko dahil sa lakas ng ulan. Bumabagyo raw. Naisip ko, kung talagang gusto niyang ma-celebrate namin ang anniversary, maaga palang nagpunta na siya. Nung hindi pa umuulan ay sana nagpunta na siya.Hindi ko na nasagot kagabi ang message niya kasi kasabay din nun ang pagpasa sa akin ng bestfriend niya sa video na kalaswaang ginawa niya sa ibang lalaki niya.Pinunasan ko ng panyo ang pawis sa aking noo kahit malamig ang hangin sa hallway nitong building niya. Panay ang bati at tango sa akin ng mga staff niya dahil kilalang-kilala na ako rito na boyfriend ni Jamaica. Si Jamaica kasi ay CEO ng sikat na J Cosmetic na isa sa mga company ng mga makeup product na matunog ngayon.Huminga ako nang malalim

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 5

    Tisay POVHindi ko na nagawa ang pagpunta sa cake shop ko. Pagkatapos kong galain si Xamira, umuwi ako sa condo kasi sinabi niya na check ko raw ang kuha ng CCTV sa bedroom ko para makita kung totoo bang may nangyari sa amin ni Kaiser o baka may period lang ako.Ayoko sanang tignan pa at tila hindi ko rin kayang makita na gumaganoon ako ng gabing ‘yon. Pero dahil gusto ko ring makasiguro, sinunod ko ang utos ni Xamira. Gusto pa nga sana niyang makita para mapanuod din pero hindi ako pumayag. Sinabi ko na lang sa kaniya na babalitaan ko siya.Pag-uwi ko sa condo, tumuloy ako sa bedroom ko kung saan naroon ang table na pinaglalagyan ko ng laptop. Tumingin pa ako CCTV camera bago i-check ang kuha kagabi.Kabado at halos nahihiya talaga ako sa sarili ko. Pero tinapangan ko pa rin ang sarili ko. Tuloy-tuloy ko nang tinignan ang kuha kung saan makikita ang pangyayari dito sa bedroon kaninang madaling-araw.Pagka-check ko, inumpisahan ko doon sa magkatabi na kami sa sofa sa may sala. Napapai

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S3 - Chapter 4

    Tisay POVHindi ko kayang sarilihin itong nangyari. Kailangan kong may makausap about dito. Siguro dahil gulong-gulo pa rin ang isip ko matapos ang gabing ‘yon. ‘Yung gabing nagsimula lang sa cake at ulan, pero nauwi sa... Diyos ko, ‘di ko na nga alam kung paano ko ikukwento nang hindi ako mahiya sa sarili ko. Pero kailangan ko ng kausap. At kung may isang taong puwede kong lapitan sa mga ganitong sandali, si Xamira na ‘yon.Pagdating ko sa bahay nila, bumungad sa akin ang amoy ng lavender oil at ang super healthy tignan na si Xamira, naka-leggings at sports bra, nakalapat sa yoga mat, habang nakataas ang isang paa na parang ballerina.“Uy,” bungad ko habang pilit kong iniwas ang mata ko sa pose niya. “Baka ma-strain ka diyan, Xamira.”Napalingon siya at agad namang napangiti. “Oh, Tisay! Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ata busy sa cake shop mo?”Napakamot ako sa batok bago sumagot. “Ehh… may mahalaga kasi akong pinunta talaga rito.”Tumayo si Xamira, nagpunas ng pawis gamit ang towe

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status