Share

Kabanata Labing-Anim

Pilit namang pina-normal ni Rafael ang paghinga sa pakiramdam na kinakapos. Pilit ang mga ngiting ibinigay nya sa bagong rating.

Sadyang may kakulitan ang heredera. Hindi pa sya tapos sa gustong sabihin ay may nakahanda na agad itong pahayag. Ganoon kabilis gumana ang isip nito.

Walang saysay ang umiwas sa pagkakataong ito. Mukhang wala ring balak na makinig sa mga sasabihin niya ang dalaga dahil sa pinaiiral nitong katigasan ng ulo. Kaya Malabong maipagtabuyan niya ito.

Isa pa ilang ang sakahan sa bahaging ito ng San Isidro. Hindi malimit ang mga taong nagagawi sa lugar na ito maliban sa mga magsasakang tauhan ng asyenda.

Bihira rin daanan ng mga sasakyan ang kalsada kahit na ito pa ang pinakamabilis na way patungong bayan. Sadyang iniiwasan ang diversion road na ito pagka't makitid na ay lubak-lubak pa.

Katulad na lamang ngayon maputik at matubig ang kalsada gawa nang magdamag na buhos ng ulan. Walang mananakay at motorista ang maglalakas loob na pasukin ang ruta.

Kaya sigur
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status