Share

Kabanata Apat

Sa pagtama ng kanilang mga tingin ay tila nanlambot si Rada. Pakiramdam niya anumang sandali ay mabubuway siya. Bakit ba ganoon na lamang ang epekto ng presensiya ni Rafael sa kanya? Pinabibilis nito ang tibok ng kanyang puso. Tila ito alon sa dagat na basta na lamang rumaragasa pahampas na ikabubuway niya.

Naramdaman niya ang paghigpit ng kamay ng binata sa maliit niyang palad.

"Ayos ka lang ba Miss Buenavista? Para kang bubuway saiyong pagkakatayo." pansin ni Mrs. Esperanza. Nagplaster sa mukha ng propesora ang pagkabahala.

May sumilip na gahiblang emosyon kay, Rafael. Maagap siya nitong nahawakan sa may baywang. Napalunok siya nang kung ilang beses. Tila nawalan ng saysay ang suot na unipormeng pangtaas. Ramdam niya ang init ng palad ni Rafael nang lumapat iyon sa kanyang balat. Ang init na dulot niyon ay mistulang nagpayanig at nagbigay ligalig sa mga pandama niya. Naguguluhan siyang unuwain ang pabago-bagong emosyon at sikolohikal na kamalayan.

"A..ayos lang po ako." sagot niya sa propesora.

Ngumiti si Mrs. Esperanza. Umaliwalas ang mukha.

" Kung ganoon ay maiwan ko na kayong dalawa at nang makapag-usap. Mr. Samaniego ikaw na ang bahala kay Miss Buenavista. Pagplanuhan niyo na ang mga hakbang na inyong gagawin."

Malugod naman na tumango si Rafael.

Pagkatalikod ng propesora ay binalingan siya ng lalaki. Marahan nitong inialis ang kamay sa pagkakahawak sa kanyang likod nang masigurong maayos naman sya. Wala pa ring pagbabago sa ekspresyon nito. Naroon ang lagi na'y lamig sa mga mata.

Napakapormal at ni hindi magawang magbigay ng kahit kapiranggot na ngiti. Kung saan ang pagiging seryoso ay nahalinhinan pa ng pagkunot nito ng noo.

He looks deep into her eyes. Palalim ng palalim na tila gusto siyang arukin. May bumundol na kung anong kaba sa dibdib niya sa paraan nito ng pagtitig. Hindi tuloy niya maialis ang mga mata sa lalaki.

Those pairs are very familiar.

Tila kay lamig at gustong manuot sa kanyang mga kalamnan. Dahilan upang makaramdam sya ng pagginaw. Ngunit hindi niya matukoy kung saan niya huling nakita ang pares na mga matang iyon.

Ehem... ang panabay na tikhim mula sa likuran ni Rada.

Lumingon ang dalagita.

Pawang nakangiti nang makahulugan sila Cathy at Bing. Larawan ng pagtatanong at kaaliwan sa namamasdan.

"Baka naman gusto mo kaming ipakilala sa kanya?" tukoy ni Cathy kay Rafael, sabay ngiti sa lalaki.

"Did I hear promise a while ago?" sabad naman ni Bing na pinakadiin-diinan ang salitang pangako.

Sinuyod ng tingin ng dalawa si Rafael mula ulo hanggang paa, gusto tuloy niyang batukan ang mga kaibigan sa eksaheradong mga reaksyon.

Naiikot niya ang mga mata alam niyang hindi titigil sila Cathy at Bing. Kaya't marahan siyang bumaling kay Rafael. Alanganin siyang ngumiti.

"Sila Cathy at Bing mga, kaibigan ko," pakilala niya sa dalawa.

"Hello, I'm Cathy. Sa wakas ay nagkakulay rin ang drawing," mabilis na lahad ni Cathy ng kamay sa lalaki habang sa mata ay nakapagkit ang pamamangha. Tinanggap naman agad iyon ni Rafael.

"Searching is over now, I'm Bing.” wika naman ni Bing na sinubukan pang magbiro at magpahiwatig. Kaya naman mas lalo pang nanggigil si Rada rito.

Bahagya namang kumunot ang noo ng binata. Bagamat pabiro ay nahulaan agad nito ang gustong ipahiwatig ng mga kaharap.

"Hinahanap mo ako senyorita?" sulyap nito kay Rada pagkatapos kamayan si Bing.

Napalunok laway tuloy si Rada.

Tinapunan ng tingin sila Cathy at Bing, na napatutop bigla sa mga bibig.

Sabay na umilap ang mata ng dalawa nang pandilatan niya. Hindi tuloy niya maiwasang pamulahan ng pisngi. Dama niya ang pag-init ng mukha maging pagpapawis ng noo.

"Kuwan, ahh." Rada stopped in mid-sentence, took a deeper breath, and turned her head to Rafael again.

Nang mga oras na iyon ay gusto niyang sabunutan ang dalawang mahaderang kaibigan sa walang limitasyong kadaldalan ng mga ito.

Nahagip pa niyang nag sign of peace si Bing, subalit pahapyaw niya itong inirapan. Si Cathy ay tila nananadya pang nagbitaw ng kindat.

Pagkatapos humugot ng isa pang malalim na paghinga ay Isang nahihiyang ngiti ang pinakawalan niya para sa lalaki.

"Yes, gusto ko kasing magpasalamat. Alam mo na, di ba?" tugon niyang hindi sigurado sa kanyang sagot.

Sa totoo lang ay gusto niyang maglaho sa kinatatayuan sa pambubukong ginagawa ng mga kaibigan. Wala talaga siyang masabi sa kadaldalan ng mga ito. Dapat talaga sa mga bibig nito sinisilihan pagkatapos ay busalan ng mga magtanda.

"Sa pagkakatanda ko ay nagpasalamat ka na sa akin," sagot ni Rafael na ang tinutukoy ay ang una nilang pagtagpo.

"Ah, ang ibig niyang sabihin ay ang magpasalamat muli," salo ni Cathy sa kaibigan.

Nagpalit-lipat ang tingin ni Rafael sa tatlo bago tumango na tila nakaunawa

Si Rada ay tila nalulon ang dila. Gusto niyang mairita sa sarili sa kawalan ng masabi. Sa harap ng lalaki ay halos mautal pa sya. Saka ano ba naman kasing rasones mayroon siya? Para lang may ma-idahilan ay hindi manlang nag-isip ng sasabihin. Bakit hindi na lamang niya kasi aminin na gusto niya itong makilala para tapos na. Bakit ba tila bagang kay hirap magsabi ng totoo?

Nakakapanibago ang ganitong asal.

Animo siya pipi na hindi makapagbitaw ng mga salita. Pakiramdam niya ay tuluyan nang bumitaw ang butil ng pawis sa kanyang noo.

Talo pa niya ang nakasalang sa nakakakabang oral recitation sa klase ng isang terror na guro. Hindi niya mahanap ang mga tamang pananalita. As in a mental block.

Isang lalaki sa 'di kalayuan ang pumukaw sa kanilang pansin.

Tinatawag nito si Rafael sa pangalan kasabay ang walang humpay na pagkaway. Base sa suot ng lalaki na kapareho ng kay Rafael ay nahulaan nilang maaaaring magkaklase ang dalawa. Gumanti ng kaway ang huli at sumenyas na susunod na. Pagkatapos ay binalingan silang tatlo. Huminto ang mata nito kay Rada.

"Maaari ba nating ipagpaliban ang ating pag-uusap senyorita? Maraming ipinakikiusap na gawain si Mrs Castro," ang tinutukoy nito ay ang propesora sa Agrikultura, na mahilig manaliksik ng mga organikong pataba na maaaring magamit sa mga pananim ng hindi na kinakailangang gumamit ng agro-chemicals. Kung gayon ay kabilang sa mga Iskolar ng Bayan Program ng kanyang ama si Rafael.

"Ipagpaumanhin niyo sana kung ako'y magpapaalam na muna."

" Ahm...walang kaso Pael...marami pa namang araw na pwede tayong makapag-usap at mahaba pa naman ang panahon." wika niya na ang nais tukuyin ay ang pag sponsor niya rito.

Tumango si Rafael bago bumaling sa mga kaibigan niya.

"Ikinagagalak ko kayong makilala Cathy at Bing." anang lalaki sa banayad na tono.

" We too...but the pleasure was ours." panabay na sagot ng dalawa na pawang nakangiti.

" Senyorita... Baling na muli ni Rafael kay Rada. "Ipanatag mo ang iyong loob at huwag sanang mangamba pa.” Tukoy ni Rafael sa akalang ikinababahala niya.

Sa narinig ay tuluyang lumukso ang puso niya tila napuno iyon ng galak. Wala naman talaga syang pag-aalinlangan kay Rafael. Naniniwala sya rito.

Tinanaw ni Rada ang lalaki habang papalayo. Hindi niya maiwasang mangiti ng hindi niya namamalayan. Sino ang mag-aakalang sa hindi niya inaasahang araw ay makikita ang matagal na niyang hinahanap. Siniko siya ni Bing.

"Oy, awat na sa kahahabol-tingin, friend. Kita mo, ang layo na. Gatuldok na eh. Halika na at manlilibre ka pa sa canteen," yakag na nito.

Ngunit tila walang naririnig si Rada. Patuloy pa rin siya sa pagtanaw kahit hindi na niya maaninag ang bulto ni Rafael. Kay tamis ng mga ngiti niya habang nakasuot ang pag-asam. Ngayong kilala na niya ang lalaki ay madali na lamang para sa kanya ang mga susunod na araw na makita itong muli at makausap. Sisiguraduhin niyang wala siyang sasayanging mga araw at oras.

"Malayo ang tingin wala namang tinatanaw..." si Cathy na bumanat na ng kanta.

Doon na sya natawa sa sintunadong tono ng kaibigan. Nilinga niya ang mga ito nang ngiting-ngiti pa rin.

"Senyorita ano't abot-abot ang iyong tuwa? Nais ko lamang ipaalala ang pangakong manlilibre ka, kaya’t halina na at

magpalamig sa kapetirya pagka't ang init sa katawan nitong suot nating baro't saya." biro pa ng kaibigan na hinila na siya. Natatawa na hinampas niya si Bing pero nagpatiayon naman ng igiya na siya nito patungong canteen kasunod si Cathy.

Sa kantina ay hindi pa rin maawat ang dalawa niyang kaibigan na patuloy pag-usapan si Rafael. Bukambibig ang binata nila Cathy at Bing. Dahil roon ay may kung anong kasiyahan na pumupuno sa kanyang dibdib at nagpapataba sa kanyang puso sa tuwing nababanggit ang pangalan ng lalaki. Bagay na hindi pa niya mapangalanan sa ngayon.

“Pambihira, kaya pala hirap na hirap tayo sa paghahanap kay Ibarra este Kay Rafael." si Cathy na pinasadahan muli ang hawak na bond paper na pinagguhitan ni Rada.

"Ang layo sa katotohanan nito. Kahit kuko ni Rafael hindi magma-match sa nakaguhit dito, iyong ilong naman pinagmukha mong si pinocchio sa pagsisinungaling. Eh, napaka-prominte ng ilong ni Ibarra."

"Akina na nga iyan!" hablot ni Rada sa papel. Tinupi niya iyon at inilagay sa bag. "Oo na ako na ang hindi marunong gumuhit." ismid niya kunwa kay Cathy na tinawanan lamang nito.

“Sa totoo lang nalito ang kagandahan ko kanina, buong akala ko ay nasa makaluma tayong panahon. Is that really how he speaks?" anang Bing bago s******p sa hawak na soft drinks.

" Tila baga ang kaharap ko ay ang napakakisig na si Ibarra. Napakamaginoo pa at kay lambing magsalita. Oh well, not bad akuin ang pagiging Maria Clara," maarte pa nitong wika. Nagmuwestra pa kunwa na may abaniko sa dibdib si Bing sabay namaypay sa napakamahinhing kilos. "

" Hoy, 'huwag mong asamin si Maria. Si Sisa pwede pa. Aagawan mo pa ng papel si Rada, eh pinaghirapan niyang iguhit si Ibarra, Hindi lang iyon muntikan na syang maging si Sisa sa haba ng araw ng paghahanap niya.” pambabara kunwa ni Cathy na nauwi lang din naman sa panunukso nito. Iling at tawa na lamang si, Rada.

"Alam ko naman iyon, etoh naman joke nga lang eh. Mamaya bawiin ng isa dyan ang libre niya, naku at wala pa naman akong baong pera sa kamamadali ko kanina." bawi ni Bing.

"Masyado akong masaya para bawiin pa ang mga sinabi ko" yabang niya sa mga kaibigan.

"Yown!" panabay na bulalas ng dalawa.

"Makaorder nga ng marami." habol ng mga ito.

“Masaya kami at natagpuan mo na rin si Rafael kahit na mahirap talagang pagtagpuin ang araw at gabi," maya-maya’y sambit ni Bing.

"Ang pagkakaalam ko karamihan sa mga iskolar ay panggabi ang klase," dagdag pa ng kaibigan.

Hindi sya agad nakaimik. Pagka't tama si Bing. Bakit hindi niya naisip agad ang bagay na iyon? Di sin sana'y noon pa niya nakilala si Rafael. Pero okay lang dahil nagbunga naman na ngayon ang mga paghihintay niya. Magana siyang bumalik sa pagkain ng inorder na cheesecake. Habang ang dalawa ay patuloy na pinagkwentuhan si Rafael. Siya naman ay pinagkasya na lamang ang sarili sa pakikinig sa mga ito.

Anang pa nila Cathy at Bing bagama't simple ay may kakaibang karisma raw ang lalaki. Hindi rin sila aware sa existence nito kaya naging interesante ang lalaki sa paningin nila. Troooot! dahil iyon din ang una niyang napansin sa binata. Subalit ay kay hirap raw arukin ang pagiging seryoso nito. Masyadong malalim yaong puno ng misteryo.

Walang problema dahil mahilig sya sa mga misteryo. Sya na ang bahalang alamin kung ano-anuman ang mga iyon.

Dagdag pa ng dalawa ay mukhang mahihirapan siya sa pagiging mailap ni Rafael. Lumalamig daw ang paligid pag nasa tabi ito. Binabalot raw kasi ng yelo ang presensiya ng lalaki.

Sa lahat ng iyon ay tahimik lamang siya sa pakikinig habang kumakain. Naroong natitigilan siya at lihim na napapangiti. Sa mga narinig niyang komento mula sa mga kaibigan ay tila naman nahahamon ang kanyang kakayahan. Nakaramdam siya ng kasabikan na muling makita si Rafael sa malaon at madali. Minabuti niyang huwag na ring magbigay opinyon sa dalawa patungkol sa binata. Ang mahalaga sa kanya ay nahanap na niya ito ngayon.

Mabilis na tinapos nila ang pag meryenda dahil malapit na ang oras ng susunod na klase. Matematika pa naman ang susunod na asignatura.

Napakaistrikto pa naman ni Ginoong Carpio pagdating sa klase nito. Pag nahuli-huli sila ng dating, malamang na patayuin na naman sila nito ng patingkayad habang ang dalawang kamay ay nasa harap. Kaya't nagmadali na silang tatlo na bumalik sa silid aralan at may distansya pa naman ito mula sa school canteen.

Ayaw niyang masampulan sa araw na ito. Dahil isa ito sa itinuturing niyang maswerteng araw. Lucky day, dahil parang idinuyan ng pagkakataon na muli silang magkita ni Rafael.Lucky day dahil siguradong madadalas ang kanilang pagkikita ngayong alam na niya kung saan ito pupuntahan.

Dala ni Rada ang gaan sa pakiramdam.

Masaya ang mga susunod na araw, wari niya.Ibang-iba sa salimuot nang nakaraang linggo. Masaya silang magka-kaibigan na pumasok sa kanilang susunod na klase. At mukha namang nagdilang-anghel si Rada.

Bukod sa maaliwalas ang naging takbo sa aralin, "di niya akalaing nakasagot siya sa klase ng hindi pinagpawisan. At sa unang pagkakataon natuto siyang intindihin ang mga equations.

Dala niya hanggang makauwi ang good vibes. Suot ang ngiting hindi naitago ng mga labi. Kaya naman wala ring awat sa panunukso ang dalawa niyang mga kabigan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status