LOGIN
“Ma, totoo bang magsasama na kayo ni Sir Dominic sa iisang bahay?”
Sandaling natigil si Victoria sa pag-aayos ng kaniyang hikaw sa harap ng salamin. Sa halip na agad sagutin ang anak, tiningnan niya muna ito mula ulo hanggang paa, na para bang isang napakawalang-kuwentang tanong ang narinig niya. “Bakit? Do you have a problem, Vivian?” Agad na umiling ang dalaga. “Wala naman po. Nagtatanong lang po ako.” “Then don’t ask questions you don’t need to know the answers to.” Napayuko si Vivian at pinaglaruan ang laylayan ng kanyang damit. malaki na siya pero sa tuwing kaharap ang sariling ina, pakiramdam niya ay bumabalik siya sa pagiging batang takot na takot magkamali. “I’m sorry, Ma.” “Good. At dahil mukhang wala ka namang ibang ginagawa, pakitiyak na malinis ang buong bahay bago dumating si Dominic mamaya. Ayokong may makitang kalat ang magiging asawa ko.” Napatingin si Vivian sa kanyang ina. “Magiging asawa n’yo na po siya?” “Of course.” Ngumiti si Victoria habang inaayos ang mamahaling kwintas. “Do you think a man like Dominic Vicente Namion would waste his time on a woman he doesn’t intend to marry?” Hindi na sumagot si Vivian. Kilala niya ang pangalan ng lalaking tinutukoy ng kaniyang ina. Sino ba naman ang hindi? Si Dominic ay isang kilalang bilyonaryo at business tycoon na madalas makita sa mga business magazine at social media. Isang lalaking may kapangyarihan, kayamanan, at reputasyong hindi basta-basta natatapatan ng sinuman. At ngayon, ang lalaking iyon ang magiging bahagi ng buhay nila. Dapat ay matuwa siya para sa ina. Dapat ay maging masaya siya dahil pagkatapos ng ilang taong silang dalawa lamang, sa wakas ay may bago na itong makakasama. Pero sa halip na saya, takot ang nararamdaman niya. Dahil sa buong buhay ni Vivian, isang bagay ang natutuhan niya kapag may bagong taong pumapasok sa buhay ng kaniyang ina, siya ang unang nawawalan ng puwang. “Ma, kapag nagsama na po kayo ni Sir Dominic…” Nag-alangan siyang ipagpatuloy ang sasabihin. “Dito pa rin po ba ako titira?” Dahan-dahang humarap sa kaniya si Victoria. Nawala ang bahagyang ngiti sa labi nito. “Can you just stop asking dumb questions, Vivian?” Hindi alam ni Vivian kung paano sasagutin ang tanong. Gusto niyang malaman na walang magbabago, pero may bahagi sa kaniya na nagsasabing mas mabuting itanong niya ngayon kaysa hintaying dumating ang araw na wala na siyang matitirhan. “Ma, I just wanted to ask if…” “Vivian, don’t start.” Kinuha ni Victoria ang kaniyang bag. “I’m already tired of dealing with your insecurities. You’re twenty-one, not a child. Matuto ka namang maging independent at huwag umasa sa akin sa lahat ng bagay.” Parang may kung anong kumurot sa dibdib niya. Hindi naman niya hinihiling na alagaan siya habambuhay. Hindi rin niya hinihiling na ibigay ng kaniyang ina ang lahat ng bagay na kaya nitong bilhin. Ang gusto lamang niya ay makasigurong may lugar pa rin siya sa buhay nito. Pero mukhang kahit iyon ay sobra na para hilingin. “ Yes, Ma,” mahina niyang sagot. “Good. At isa pa, kapag dumating si Dominic, I want you to behave. Huwag kang masyadong tahimik na para bang may problema ka sa mundo. He’s an important man, and I won’t tolerate you embarrassing me in front of him.” Tumango lamang si Vivian. Pagkaalis ng kaniyang ina, naiwan siyang nakatayo sa gitna ng silid habang pinakikinggan ang unti-unting paghina ng mga yabag nito. Ilang segundo siyang hindi gumalaw, hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang kaniyang mga balikat. Minsan, naiinggit siya sa mga taong kayang yakapin ang kanilang mga ina nang walang takot na itulak palayo. Huminga siya nang malalim bago nagsimulang maglinis ng bahay. Pagsapit ng hapon, halos wala nang bahid ng alikabok ang bahay. Inayos niya ang mga unan sa sala, pinakintab ang malaking mesa, at sinigurong maayos ang lahat hanggang sa kusina. Nang matapos siya, nagpalit siya ng malinis na damit at tahimik na naghintay sa pagdating ng bisita. Alas-sais nang marinig niya ang tunog ng sasakyang huminto sa labas. “Vivian! are you there?” Agad siyang lumabas mula sa kusina nang marinig ang boses ng kaniyang ina. Nakita niya si Victoria na halos nagmamadaling lumapit sa p***o, inayos ang buhok, at ngumiti sa paraang bihira niyang makita kapag silang dalawa lamang ang magkasama. Ilang sandali pa, bumukas ang p***o. At doon niya unang nakita si Dominic Vicente Namion. Matangkad ito, wearing a perfectly tailored black suit that screamed luxury. His expensive watch, polished shoes, and neat appearance reflected the kind of wealth na hindi kailangang ipagmayabang. He had sharp eyes, a cold expression, and an intimidating presence. “Dominic!” masayang bati ni Victoria bago ito hinalikan. “I’ve been waiting for you.” “Traffic,” maikling sagot ng lalaki. Napangiti si Victoria na para bang sapat na ang isang salita nito upang mapasaya siya. Pagkatapos ay hinawakan niya ang braso nito at itinuro si Vivian. “Oh, and this is my daughter, Vivian.” Napatuwid ang dalaga. “Good evening po, Sir Dominic.” Bahagyang lumipat ang tingin ng lalaki sa kaniya. Hindi siya nito agad sinagot sa halip, ilang segundo siyang pinagmasdan ng mga matang tila sinusuri ang katawan niya. “Vivian,” ulit nito, para bang kinikilala ang pangalan niya. “Yes, sir.” “I’m Dominic. You don’t have to call me sir.” Hindi alam ni Vivian kung bakit, pero mas lalo siyang kinabahan sa mahinahong tono nito. “O-okay po.” “Dominic,” saway ni Victoria habang tumatawa nang mahina. “She’s always like that. Mahiyain at halos hindi makausap. Don’t mind her.” Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki, ngunit hindi na ito nagkomento. Sa halip, inabot nito ang maliit na kahong dala ng kasama nitong driver at iniabot kay Victoria. “For you.” Agad na nagliwanag ang mukha ng kaniyang ina nang makita ang laman. Isang mamahaling kuwintas na tila mas mahal pa sa lahat. “Oh, my God, Dominic! It’s beautiful!” “You mentioned that you liked it.” Hinalikan ni Victoria ang pisngi nito, pagkatapos ay muling humarap sa salamin upang tingnan ang suot na kuwintas. Sa sandaling iyon, nakatayo lamang si Vivian sa gilid, tahimik na pinagmamasdan ang eksenang matagal na niyang gustong maranasan ang makitang masaya ang kaniyang ina. Dapat ay sapat na iyon. Pero habang pinagmamasdan niya ang ngiti ni Victoria, hindi niya maiwasang isipin kung bakit tila napakadaling maging malambing nito sa isang lalaking ilang buwan pa lamang nitong nakikilala, samantalang sa kaniya, kahit isang simpleng yakap ay hindi nito maibigay. “Vivian.” Napabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang malalim na boses ni Dominic. “Prepare dinner for us,” utos ni Victoria bago pa man siya makasagot. “And make sure everything is perfect.” “Opo, Ma.” Nang maglakad siya papunta sa kusina, hindi niya alam na sinusundan siya ng tingin ni Dominic. Hindi rin niya alam na napansin ng lalaki ang paraan ng mabilis niyang pagyuko, ang mahinang boses, at ang tila nakasanayan na niyang pagsunod kahit walang pagtutol. At lalong hindi niya alam na ang gabing iyon ang magiging simula ng pagbabagong hindi niya kayang pigilan. Dahil sa unang pagkakataon, may isang taong nakakita sa kaniya hindi bilang anak na palaging may pagkukulang, kundi bilang isang dalagang tila matagal nang natutong mabuhay nang hindi humihingi ng kahit ano.Maagang nagising si Vivian kinabukasan. Pagkatapos maligo at mag-ayos, bumaba siya para mag-breakfast.Pagdating niya sa dining area, napansin niyang nakahanda na ang pagkain. May mga housekeepers ding abala sa pag-aayos ng mesa.“Good morning, Miss Vivian,” bati ni Mrs. Elena.“Would you like some coffee?”“Water na lang po muna. Thank you.”Umupo siya at nagsimulang kumain. Hindi pa rin siya sanay na may mga taong naghahanda ng pagkain para sa kanya. Minsan, naiilang pa rin siya kapag may housekeeper na lumalapit para kunin ang mga pinagkainan niya.Ilang sandali pa, dumating si Dominic. Nakasuot ito ng dark blue polo shirt at black trousers habang may hawak na phone.Napatingin si Vivian. “Good morning, Mr. Dominic.”Umupo ito sa tabi niya at kinuha ang tasa ng kape.“Did you sleep well? I hope getting lost in the mansion last night didn’t affect your sleep.” Mahina itong tumawa.“Yes po. Pero malilito pa rin ako kapag hahanapin ko yung kitchen.”Napangiti si Dominic. “Then per
Pagdating nila sa mansion, agad na bumaba si Dominic mula sa sasakyan. Inabot niya ang kamay kay Vivian upang tulungan itong bumaba.“Careful. Watch your step.”“Thank you...”Pagpasok nila, isang matandang babae agad ang sumalubong sa kanila.“Good evening, sir.”“Manang Elena, this is Vivian. She’ll be staying here from now on. I want you to make sure she’s comfortable.”“Of course, sir.”Dominic turned to Vivian. “She’ll show you your room. If you need anything, just tell her.”“Okay po. Thank you.”“Get some rest. I’ll see you at dinner.”Tumango si Vivian bago sumunod kay Elena.Pagbukas ng pinto, napahinto siya sa kinatatayuan.Malaki ang kwarto, may king-sized bed sa gitna, eleganteng furniture, at bintanang tanaw ang garden. May sariling bathroom at walk-in closet din sa isang bahagi ng silid.“Ma’am Vivian, this is your room” sabi ni Elena.“My room? Are you sure po?”“Yes, ma’am. Mr. Dominic personally instructed us to prepare everything for you.”Lumapit si Vivian at napan
Tahimik na umakyat si Vivian papunta sa kaniyang kuwarto. Pagkapasok niya, agad niyang kinuha ang maliit na maleta sa ilalim ng kama at inilapag iyon sa ibabaw nito. Isa-isa niyang inilagay ang mga damit, ilang personal belongings, at mga gamit na mahalaga sa kaniya. Hindi naman marami ang kaniyang pag-aari. Karamihan sa mga iyon ay mga lumang damit at ilang bagay na matagal na niyang iniingatan. Habang nag-aayos, hindi niya maiwasang mapatingin sa lumang litrato nilang mag-ina na nakapatong sa bedside table. Nandoon pa rin ang larawan nila noong bata pa siya, nakangiti habang nakayakap kay Victoria. For a moment, she smiled sadly. “Ang tagal na pala no’n,” bulong niya. Kinuha niya ang litrato at maingat na inilagay sa loob ng maleta. Kahit ganoon ang pakikitungo sa kaniya ng kaniyang ina, hindi pa rin niya kayang basta kalimutan ang mga panahong naging masaya sila. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya tuluyang maisara ang maleta. Paglabas niya ng kuwarto, bahagya siyang nagul
“Ma, please. Huwag n’yo naman po akong palayasin.”Napatigil si Vivian Cruz sa harap ng kaniyang ina, mahigpit na nakakapit ang mga daliri sa laylayan ng damit. Ilang minuto na siyang nakatayo sa sala, pilit inuunawa kung bakit bigla na lamang nagpasya si Victoria na paalisin siya sa bahay na kinalakihan niya.“Don’t make this difficult, Vivian. I’ve already made my decision.”“Pero saan po ako pupunta?” nanginginig niyang tanong. “Wala naman po akong ibang matitirhan.”“Then find one.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ni Vivian. Napatingin siya sa kaniyang ina, umaasang may makikita siyang kahit kaunting pag-aalinlangan sa mukha nito. Pero wala.Sa halip, abala si Victoria sa pagtingin sa kaniyang cellphone habang tila walang kwentang bagay lamang ang pagpapaalis sa sarili nitong anak.“Ma, did I do something wrong?” mahinang tanong ni Vivian. “please tell me. I’ll fix it, Ma. I’ll do better, I promise.”Napabuntong-hininga si Victoria at ibinaba ang cellphon
“Ma, totoo bang magsasama na kayo ni Sir Dominic sa iisang bahay?”Sandaling natigil si Victoria sa pag-aayos ng kaniyang hikaw sa harap ng salamin. Sa halip na agad sagutin ang anak, tiningnan niya muna ito mula ulo hanggang paa, na para bang isang napakawalang-kuwentang tanong ang narinig niya.“Bakit? Do you have a problem, Vivian?”Agad na umiling ang dalaga. “Wala naman po. Nagtatanong lang po ako.”“Then don’t ask questions you don’t need to know the answers to.”Napayuko si Vivian at pinaglaruan ang laylayan ng kanyang damit. malaki na siya pero sa tuwing kaharap ang sariling ina, pakiramdam niya ay bumabalik siya sa pagiging batang takot na takot magkamali. “I’m sorry, Ma.”“Good. At dahil mukhang wala ka namang ibang ginagawa, pakitiyak na malinis ang buong bahay bago dumating si Dominic mamaya. Ayokong may makitang kalat ang magiging asawa ko.”Napatingin si Vivian sa kanyang ina.“Magiging asawa n’yo na po siya?”“Of course.” Ngumiti si Victoria habang inaayos ang mamahal







