分享

Kabanata 52.2

作者: Rhea mae
last update publish date: 2026-05-19 20:02:58

Hindi sumagot si Rafael sa kapatid niya. Nagpalitan lang silang dalawa ng mga nakamamatay na tingin.

“Iyun ba ang tingin mo sa akin?” blangkong tanong ni Rafael. Ang tinig nito, nagpapabiktima na naman. Kung ikaw yung tipo ng tao na mabilis maniwala dahil lang sa tono ng boses at paawang mga mata, madadala ka na naman at maniniwala.

“Tama na kuya, alam ko na ang totoo. Palihim kang nakikipagkita sa mga board members dahil gusto mong alisin si Kian sa posisyon niya. Bakit mo ito ginagawa sa pama
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節

最新章節

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 52.3

    Nang mailipat ng kwarto si Nick ay pinuntahan kaagad ito ni Kian. Diretso siyang nakatayo habang seryosong nakatingin kay Nick. Isa si Nick sa pinagseselosan ni Kian dahil alam niya, nakikita niya sa mga mata ni Nick na may gusto ito kay Ayesha pero hindi niya akalain na gagawin ito ni Nick sa kanila.“Anong ginagawa mo sa lugar na yun, Nick? Alam mo bang kami ang mababangga? May alam ka ba kung sino ang gumawa nito sa amin?” mahinang sambit ni Kian habang nakatingin pa rin kay Nick na hindi naman siya naririnig.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kian. Ilang tao pa ang mapapahamak para lang iligtas sila? Ilang tao pa ang maaaksidente bago sila makahanap ng ebidensya?“Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan, Nick, pero maraming salamat. Utang ko sayo ang buhay ng mag-ina ko dahil sa lakas ng impact sayo, siguradong hindi magagawang mabuhay ng anak namin ni Ayesha.” Aniya pa. Tanging tunog lang ng mga monitor ang naririnig niya.Pagkatapos niyang bisitahin si Nic

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 52.2

    Hindi sumagot si Rafael sa kapatid niya. Nagpalitan lang silang dalawa ng mga nakamamatay na tingin.“Iyun ba ang tingin mo sa akin?” blangkong tanong ni Rafael. Ang tinig nito, nagpapabiktima na naman. Kung ikaw yung tipo ng tao na mabilis maniwala dahil lang sa tono ng boses at paawang mga mata, madadala ka na naman at maniniwala.“Tama na kuya, alam ko na ang totoo. Palihim kang nakikipagkita sa mga board members dahil gusto mong alisin si Kian sa posisyon niya. Bakit mo ito ginagawa sa pamangkin mo? Wala akong maalala na may ginawa ako sayo. Ibinigay ko sayo ang lahat ng kailangan mo. May posisyon ka dito sa kompanya ko at may share ka kaya bakit? Hindi pa ba sapat? Kung nagawa mo nang saktan ang driver ng anak ko at ang mga anak ko. Sino naman ang isusunod mo? Ako naman para makuha mo na ang gusto mo?” Napaigting ang panga ni Rafael sa sinabi ni Dexter.“Hindi ko alam kung anong nangyari sa mga anak mo para sugurin mo ako rito at pagbintangan sa mga kasalanang hindi ko naman gina

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 52.1

    Inihatid na ni Kian si Ayesha sa bahay nila. Hindi na muna nila sinundan si Nick sa hospital kahit na gustong-gustong puntahan ni Ayesha. Madilim ang mukha ni Ayesha at salubong ang mga kilay niya.“He saves us. Gusto ko lang namang malaman ang kalagayan niya. Ilang beses ko bang sasabihin sayong okay lang ako?” Hindi pa rin tumitigil si Ayesha pagkatapos nilang magtalo ni Kian.“Kalalabas mo lang ng hospital, Ayesha. Ilang beses ko rin ba sasabihin sayo na hindi tayo lulubayan ng panganib? Bakit hindi mo na lang ako intindihin? Kaligtasan mo ang iniisip ko for heaven’s sake! Wala akong oras sa pagtatantrums mo. Magalit ka sa akin kung gusto mo, magtampo ka go on. Hindi kita pipigilan pero kailangan kitang pigilan na pumunta ng hospital. Paano kung nasa paligid lang natin ang gustong pumatay sa atin? Oo, nahuli nila ang driver pero hindi mauubusan ng tauhan si Uncle Rafael! Mas mabuting manatili ka muna sa bahay. Hangga’t papalapit tayo nang papalapit sa katotohanan, hindi titigil si

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 51.3

    Inilalagay na ni Kian sa bag ang mga gamit nila ni Ayesha. Inaalalayan naman ng isang nurse si Ayesha dahil nagbibihis pa ito.“Are you sure you’re okay now?” tanong ni Kian dahil mas mabuti ng magstay sila sa hospital masiguro niya lang na okay ang mag-ina niya.“Okay naman na ako. Tumigil naman na rin ang pagdurugo. Doctor na rin naman na ang nagsabi na pahinga na lang sa bahay ang kailangan ko. Huwag ka ng masyadong mag-alala dahil may personal doctor naman ang pamilya natin.” Napabuntong hininga na lang si Kian at pinagpatuloy niya na ang paglalagay ng mga gamit nila sa bag.Nang maayos niya na ang bill nila ay lumabas na rin sila ng kwarto. Nakakapaglakad na rin ng maayos si Ayesha.“Isang linggo ka munang magpapahinga sa bahay ha? Hayaan mo na muna ang mga trabaho mo sa kompanya. Ako na ang bahala sa mga iiwan mo.”“Pero hindi ba at busy ka rin? Iuwi mo na lang kaya sa bahay ang mga paperworks ko at dun ko gawin?” Mariing tiningnan ni Kian sa mga mata si Ayesha. Napapatikhim na

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 51.2

    Nang malaman ni Emma ang nangyari sa anak niya ay mabilis niya itong pinuntahan sa hospital.“Oh my God! What happened dear?” nag-aalala niyang tanong. Ibinaba niya ang mga pagkain na dala niya saka niya niyakap si Ayesha.“Can you please convince her to rest for a while?” ani ni Kian. “She’s stress at nakakaapekto yun sa baby namin.” Dagdag niya. Napabuntong hininga si Emma saka siya kumalas sa yakap at tiningnan si Ayesha.“Bakit hindi ka na lang muna magpahinga sa bahay? Paano kung may mangyari sayo at sa baby mo dahil sa sobrang pagod mo? I know, hindi mo gustong mangyari yun.”“Pakiramdam ko kasi kapag nasa bahay lang ako at naghihintay ng balita lalo akong mai-stress.”“No, you need to rest. Huwag matigas ang ulo mo, Ayesha. Kapag nakalabas ka dito, sa bahay ka na muna. Hindi pwedeng ipilit mo ang gusto mo. Hihintayin mo pa bang may mangyari sa baby mo bago ka makinig sa akin?” Panenermon ni Emma. Napapabuntong hininga na lang si Ayesha. Mukhang wala na siyang magagawa kundi ang

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 51.1

    Mariing ipinikit ni Ayesha ang mga mata niya habang pilit na pinapaalis ni Nick ang mga reporters. Hindi sila makaalis dahil sa mga nakaharang na paparazzi sa harap nila.“Paalisin niyo sila!” sigaw ni Nick sa mga guard na wala ring laban sa dami ng mga paparazzi na gustong makakuha ng impormasyon mula kay Ayesha.“Stop,” mahinang sambit ni Ayesha na unti-unti nang nanghihina pero wala pa ring nakikinig sa kanila.Mas lalo pang nagsiksikan ang mga tao sa paligid nila.“Ms. Ayesha, answer us!”“What is happening to you? Are you okay?” Patuloy na tanong ng mga ito.“Ano ba! Tumigil na kayo. Kailangan namin siyang idala sa hospital!” sigaw na rin ni Shane na nag-aalala na para sa boss niya.“Ayesha?” Ani ni Nick nang maramdaman niyang lalong nanghihina si Ayesha. “Oh shit! Padaanin niyo kami! This is not the right time para tanungin niyo siya!” Nanggagalaiti nang sigaw ni Nick.“Oh my God,” mahinang usal ni Shane at tila nanlamig ang katawan niya ng makita niya ang kulay pulang likido na

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 13.3

    “Bakit mo ginawa yun? Mas malala ka pa sa akin eh.” Wika ni Ayesha nang makalapit na sila ni Zayn sa kaniya. Naupo na si Kian saka niya pinaupo si Zayn sa mga hita niya.“Taste their own medicine.” Tanging sagot ni Kian. Napapailing na lang si Ayesha saka niya inayos ang buhok ng anak niya.“Siya n

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 13.2

    Nasa gitna nila si Zayn. Napapalunok na lang si Ayesha.“Are you guys ready?” tanong ng host na nasa stage. Nagtinginan si Kian at Ayesha.“Pwede ba kitang hawakan?” pagpapaalam ni Kian dahil kailangan nilang hawakan ang isa’t isa sa bewang. Bahagyang ngumiti at tumango si Ayesha dahil wala naman s

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 12.1

    Maaga pa lang ay umiiyak na si Zayn. Hindi alam ni Ayesha kung ano bang masakit sa anak niya dahil kanina pa niya ito pinapatahan. Nag-aalala na siya.Buhat buhat ni Ayesha si Zayn na lumabas ng kwarto nila.“Mom, where are you?” tawag niya sa kaniyang ina. Lumabas naman sa kusina si Emma at sinalu

  • Forbidden Heat Between Us   Kabanata 11.1

    Napapailing na lang si Lalaine sa kaibigan nilang si Kaye. Pilit nitong itinatago na okay lang siya.“Okay ka lang ba talaga?” tanong ni Ayesha kay Kaye. Bahagya namang ngumiti si Kaye.“Oo naman, ayaw ko ng pilitin pa ang sarili ko sa kaniya. Kung mas nakikita niya ang future niya kasama ang babae

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status