Share

20

Kabanata 20

"Oh? Anong nangyari sa noo mo?" nag-aalalang dalo sa akin ni Macy pagkapasok at pagkaupo ko.

Hindi naman malalim ang sugat sa noo ko at maayos naman na ito. Nilagyan na lang ni Manang ng band-aid kaya agaw pansin. Lalo na sa noo pa.

"Nadisgrasya ka?" dagdag na tanong niya.

"Maliit na accident lang. Muntik na kasi akong makasagasa ng pusa pero nakapreno naman agad ako. Kaso tumama ang noo ko sa manibela. Kaya…" I said and shrugged my shoulders.

"Talaga?! Nagamot na ba iyan?"

Ngumiti ako at tumango.

"Oo. Don't worry."

"Mabuti naman. Nako! Kinabahan ako sa'yo! Sabi na nga ba dapat talaga nagpasundo ka na lang sa driver niyo eh!" aniya.

"Ayos na ako, Macy. Huwag kang mag-alala."

Naputol ang kwentuhan naming dalawa nang dumating na ang propesor namin.

Umayos kami ng upo at nagsimula na ang klase.

Maayos naman ang una at dalawang klase. Nag-quiz kami at palagay ko'y hindi naman ako mangungulelat.

Ngunit ang panghuli naming klase para sa araw na iyon ay ang mahirap. Ang Oblicon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status