共有

4

作者: marcella_ph
last update 最終更新日: 2023-06-07 21:06:23

Kabanata 4

Tinigil niya ang motorbike nang makarating na kami sa labas ng gate ng aming bahay. Mabilis akong bumaba, napapaso sa lapit namin. Tinanggal ko rin ng mabilisan ang helmet.

Kumunot ang noo ko nang tinanaw ang labas ng aming bahay.

Napansin ko na may mga tao roon. Rinig na rinig ang halakhakan kahit nasa labas pa lang kami.

"Mga Engineer at Architect sa kumpanya ninyo. Narito sila para i-celebrate ang isang malaking proyekto niyo."

Nilingon ko si Rafael nang sinabi niya iyon.

Iyon ba ang dahilan kung bakit abala kanina ang mga kasambahay?

"Tara na," aya niya at una nang pumasok.

Tahimik na sumunod ako.

Bumungad sa akin ang siguro'y hindi lalagpas sa labinglima na mga bisita. Mas marami ito kumpara noon. Nasa may pwesto sila sa labas at kumakain, nagkwekwentuhan at ang iba ay nag-iinuman.

Habang naglalakad, natanaw ko sila Daddy at Mommy. May kausap na grupo at tumatawa.

They don't look bothered or worried at all.

Nagtaka ako. Hindi ito ang eksenang inaasahan kong madatnan!

I thought they would be waiting for me at the entrance of our house with worried faces. Hindi ganito.

Tumigil si Rafael sa pwesto nila Daddy. Agad din siyang napansin ng mga ito. Nang makalapit ay tumigil din ako.

"Valiente!" tawag ng ilang mga lalaki kay Rafael nang matanaw siya.

Tinanguan ni Rafael ang mga ito at saglit silang nagbatihan.

Valiente? That must be his last name. Rafael Valiente.

"Oh! There you are! Akala ko ay hindi ka na makakarating, Raf. Bakit ka natagalan——Wait. You're with my daughter?" Daddy asked when he got a short glimpse of me behind Rafael.

Kumunot ang noo ni Mommy sa akin. She's also surprised to see me.

Nanlamig ang katawan ko nang may napagtanto.

"Is that your youngest, Sir?" someone in the group asked.

Hilaw na tumawa si Daddy nang nilingon niya ang nagtanong. "Ah. Yes, Alfredo. She's Maria Aia. Maia."

My parents briefly introduced me to them.

I forced myself to smile and greet them back.

"I hope you're enjoying the night po," I said my rehearse line.

"Yes, we are. Nabusog na kami at heto nagkwekwentuhan na," ani ng isa sa kanila na hindi ko matandaan ang pangalan.

Ngumiti ako.

"Paniguradong matalino rin ang bunso niyo, Engineer. Katulad ng kaniyang mga kapatid," sambit pa ng isa.

"Sana nga ay ganoon, Tom. Pero iba ang hilig nitong si Maia kaya distracted. Hindi tuloy tumataas sa uno ang kaniyang grado," ani Daddy. "Ewan ko ba kung kanino siya nagmana. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang pagkahilig sa arts na ‘yan."

Nanlamig ako. Feeling embarrassed around these people.

Hilaw na tumawa ang nagtanong at sinulyapan ako.

"Nako, eh, Engineer, maganda rin naman ang career na iyan. Madami akong kilala na successful sa ganyan."

Nag-angat ako ng tingin sa nagsabi no'n. Ngumiti siya sa akin.

"But it's not for the long-term. Kapag nagsawa siya sa pagpipinta ay saan siya pupulutin? Mas mabuting kursong business ang kunin niya para makatulong sa kumpanya. Pursuing arts are for those people who have no clear plans in their life.”

Nag-iwas ako ng tingin. Mas lalo lang nanliliit sa usapan.

Nilihis naman ng isa ang usapan.

"Pasensya na, Engineer, Mrs. Asuncion. Natagalan po ako. Namataan ko ang anak niyo sa daan. Kaya kasama ko siya ngayon para iuwi sa inyo," pormal na paliwanag ni Rafael sa kanila nang magkaroon na ng tyempo.

Umiling si Daddy sa kaniya at tinapik siya sa balikat.

Napatango-tango naman si Mommy at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang siko ko.

"Umalis ka? Akala ko ay nasa kwarto ka lang?" she whispered.

They…...didn't know.

"I got bored so…I went for a walk," mahina at malamig kong sabi.

Nilingon ni Mom si Rafael. Lumambot ang mukha niya rito.

"Pasensya ka na sa abala, hijo. Salamat sa pag-uwi niya rito. Nakakahiya sa'yo. Hindi namin alam na umalis pala siya."

"Melinda is right. I'm sorry about Maia, Raf," si Daddy naman ngayon.

Bumagsak ang mata ko sa aking paa. Hindi kayang tingnan sila.

Instead of feeling worried about me, they feel sorry for Rafael. Dahil nakaabala ako sa lalaki.

"Wala po iyon, Engineer, Mrs. Asuncion. Ang mahalaga ay nakauwi siya ng ligtas sa inyo."

"Right. Right!" ani Dad at tawa. "You're such a nice man, hijo."

Nanuyo ang lalamunan ko.

"Oh siya, Maia. Pumasok ka na sa loob at magbihis. Kumain ka na rin at magtungo ka na sa kwarto mo," utos ni Mommy sa akin.

Parang robot na mauubusan na ng battery, tumango ako. Gusto ko na rin talagang pumasok sa loob dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pang manatali dito.

Narinig kong kinuha ni Daddy ang atensyon ng mga tao.

"Gentleman, here's Rafael. Matalino at ang laki ng potensyal. Kaya hindi na ako nagdalawang isip at kinuha ko siya na magtrabaho sa kumpanya at para mai-train na rin siya habang nagrereview siya para sa board exam. I cannot waste such talent like his…..."

Hindi ko na narinig ang mga sumunod na papuri ni Daddy dahil tumalikod na ako at humakbang na palayo.

He only gave me a brief introduction to his people. Puro negative pa. While he gives so much positive information about how good that Rafael is.

I gritted my teeth.

Mabigat ang pakiramdam na nagmartsa ako paalis doon. As I marched my way out, my siblings saw me. Nagtatanong ang mga mukha nila. Pero lumagpas din agad ang tingin nila sa likod ko.

Dumiretso na lang ako papasok. Mabibigat ang mga hakbang na pinakawalan ko hanggang sa paakyat na ako para makatungo sa kwarto. Ngunit natigilan dahil may nagsalita sa likod ko.

"Pagkatapos mong magpalit, bumaba ka agad para kumain."

It is Rafael.

Nilingon ko siya. Umalis siya sa grupo sa labas para pumasok dito? Dad was introducing him to the visitors.

"Malayo ang nilakad mo kaya kumain ka para magkaroon ka ng lakas."

Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang pagiging pala desisyon niya.

"You don't have to tell me what to do," malamig kong saad.

Kumunot ang noo niya.

Hindi na siya nakapagsalita dahil nang dumaan ang kasambahay naming si Ate Rosa na may dala-dalang mga baso, tinawag ko ang atensyon nito.

"Ate Rosa!"

Natigilan naman ang kasambahay at inangat ang tingin sa akin. Pabalik-balik pa ang tingin niya sa aming dalawa ni Rafael.

"Can you bring food to my room? Doon po ako kakain," ani ko.

Bumaba ang tingin niya saglit sa mga hawak bago tumango. "Sige, Maia. Aasikasuhin ko pagkatapos nito."

"Thanks po."

Hindi ko na muling sinulyapan si Rafael at agad na akong tumalikod para maka-akyat na sa aking kwarto.

I showered with warm water. Para naman maibsan man lang ang lamig na nararamdaman ko pero hindi naman nakatulong dahil paulit-ulit lang na nag-play sa utak ko ang nangyari.

Nang nakabihis na ako ng grey loose shirt and black dolphin short ay binagsak ko ang sarili sa aking kama.

Tulala ako sa kisame. Binabalikan na naman ang lahat ng nangyari ngayong araw.

Hindi alam nila Dad na umalis ako dahil naging abala sila sa mga bisita. Kaya hindi sila nag-alala. Iyon na lang inisip ko bilang pampalubag loob sa sarili.

Isang katok ang nagpalingon sa akin sa pinto.

Si Ate Rosa.

Bumangon ako at binuksan ang pinto.

Bahagya akong nagulat nang imbes na si Ate Rosa ang nadatnan ko ay si Rafael ang bumungad sa akin.

His eyes surveyed me for a bit. Bago niya tinigil ang tingin sa mukha ko.

Sinipat ko ng tingin ang tray na hawak niya. May laman iyon na pagkain.

"Bakit ikaw ang nagdala nito?" malamig na tanong ko sabay angat pabalik ng tingin sa mukha niya.

Naalala ko kung paano siya pinuri ni Daddy kanina. At pag dating sa akin ay kapalpakan ko ang sinabi ni Daddy sa mga tao.

Kinuyom ko ang kamao.

"Abala ang mga kasambahay n’yo sa mga bisita."

Nagtaas ang kilay ko.

"At ikaw ay hindi?"

I heard how the visitors called him earlier. Nakita ko kung gaano siya ka in-demand. Nakita ko kung gaano siya gustong makausap ng mga tao sa labas.

"The people outside are calling you. My parents, too. They need you outside," mapait kong sambit.

At ako ay hindi. My parents didn't even want me to stay. Pinapasok ako agad. Hindi na sinabing bumaba at bumalik para makihalubilo sa bisita.

Nagtagal ang titig niya sa akin bago umimik.

"I'm sure they can enjoy the night without me," aniya. "Ito na ang dinner mo. Babalikan ko na lang ulit ang tray mamaya pagkatapos mong kumain."

Bumagsak ang tingin ko sa tray na hawak niya. Galit ko iyong tiningnan.

I don't understand. Bakit ang dali niyang nakuha ang loob ng magulang ko? Bakit tuwing na sa paligid siya ay grabe ang atensyon na binibigay nila Dad sa kanya?

Habang ako ni isang beses ay walang narinig na papuri mula sa kanila. Kahit isa man lang! Kahit nga pilit baka tanggapin ko pa pero wala! Pero pagdating kay Rafael ay madali para sa kanilang purihin ito.

"Bakit? Ayaw mo nito? May iba kang gustong kainin?" tanong ni Rafael nang nagtagal ang mariing titig ko sa laman ng tray.

"Are you the one who prepared this?" I asked instead without looking at him.

"Oo. Niluto ko ang itlog dahil hindi masarap kapag malamig. Ang adobo ay galing sa kusina—"

"Ayoko na pala kumain," putol ko sa sinasabi niya.

Saka ako nag-angat ng tingin sa kaniya.

Nakakunot ang kaniyang noo.

"Kailangan mong kumain. Ayaw mo ba nito? What do you want? I can ask your maids to prepare it. O kung abala sila ay ako ang maghahanda."

"Sabi ko, ayokong kumain," ulit ko.

He sighed.

"Hindi ka pa kumakain, Maia. Masamang magpalipas ng gutom," aniya. Bahagya niyang inurong patungo sa akin ang tray. "Here. Eat your food."

Kumunot ang noo ko.

"Ayoko."

"You should eat," aniya. “Ano ba ang gusto mo para maihanda ko—”

Namula ako sa inis.

"Bakit ba ang kulit mo? Sabing ayoko nga!" sigaw ko at tabig sa tray na hawak niya.

Nawala ito sa kamay niya at bumagsak ito sa sahig. Gumawa ito ng ingay. Umalingawngaw iyon sa pangalawang palapag ng bahay namin. Ang pagkain ay nagkalat na ngayon sa sahig. Ang plato ay kubyertos ay tumilapon.

Sinulyapan niya iyon at nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Nang binaling niya sa akin ang tingin ay madilim na ang ekspresyon ng mukha niya.

Nag-iinit na ang pisngi ko dahil sa galit.

"Bakit mo ginawa iyon?" sambit niya. Medyo mataas na ang tono at salubong na ang mga kilay.

"Ipinipilit mo kasi! Ayoko nga sabing kumain!"

His eyes are bloodshot. I can see his anger and frustrations in his eyes.

"Bakit? Kanina ay nagpautos kang magpadala ng pagkain. Ngayon, ayaw mo na?"

"Bakit? Hindi ba pwedeng magbago ang isip ko? E sa biglang ayoko na e!"

"Kaya tinabig mo ang tray?" malamig at galit niyang sabi. “Kailangan mo ba talagang gawin iyon?”

"Kasi pinipilit mo sa akin!"

"I did not! I was asking you what you want to eat if you don't like what I prepared! Dahil hindi ka pa kumakain!"

"Ano ngayon kung hindi pa ako kumakain? At sinabi ko na, hindi ba? Ayoko na ngang kumain!"

Natigil siya sa sinabi ko. He looks at me in awe. Para bang hindi niya maintindihan ang argumento ko.

"Bakit ba kasi ikaw ang nag-asikaso at nagdala n’yan dito? Ikaw ba ang inutusan ko? Ikaw ba si Ate Rosa?"

Humakbang siya ng isang beses palapit sa akin. Hindi naman ako nagpatinag kahit pa medyo nagulat sa ginawa niya.

"Iyan ba ang dahilan kung bakit tinabig mo? 'Yan ba ang dahilan kung bakit biglang ayaw mo nang kumain? Dahil ayaw mong ako ang maghanda at magdala nito sa'yo?" tanong niya na parang naliwanagan na siya sa dahilan ng galit ko.

Kinuyom ko ang kamao. Galit na mata ang pinukaw ko sa kaniya.

"Oo!" I almost shouted. "Ayokong ikaw ang gumawa nito! Hindi naman ikaw ang inutusan ko kaya bakit nandito ka? Dapat nasa labas ka at hindi dito!"

His jaw moved.

"What's happening here?"

Umangat baba ang dibdib sa hingal dahil sa mga binitawan kong salita at sa galit na nararamdaman sa kaniya.

Sinulyapan ko ang dumating at nakitang ang nasa malayo ay si Ate Ruby. Rafael did not glance at her. Instead, he looks at me with his menacing eyes full of frustrations and other emotions I refuse to name.

Nang nakalapit si Ate Ruby ay pinasadahan niya ng tingin ang sahig kung nasaan bumagsak ang tray at mga pagkain.

Nang inangat ni Ate Ruby ang tingin sa aming dalawa saka siya nilingon ni Rafael.

"Anong nangyari?"

"Nadulas lang sa kamay ko, Ruby," paliwanag ni Rafael.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
コメント (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
grabe nman kc ung magulang mo Maia nakakainis parang d ka nila anak kung tratuhin
goodnovel comment avatar
Sinthea V
grabe iyong away nila. pero gets ko si maia
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Forbidden Kiss   53

    Kabanata 53 “Miss, your mother called to say that all your things are now delivered to Mr. Valiente’s condo.” Napatigil ako sa paglalakad at halos mabali ang leeg ko sa marahas na paglingon sa aking sekretarya dahil sa binalita nito. “Ano?!” iritadong sambit ko. Napakurap-kurap naman siya dahil sa pagtaas ng boses ko. Some employees even glanced at us. Nang sipatin ko sila ng tingin ay dali-dali silang umalis. Minabuti kong ipagpatuloy ang paglalakad pabalik sa aking office. Mabibigat na hakbang ang binitawan ko. Sumunod naman si Rio at sinara ang pinto. “Habang nasa meeting kayo, tumawag si Mrs. Asuncion para ibalita na naipadala na ang lahat ng gamit niyo sa condo ni Mr. Valiente. Pinapaayos na rin sa mga tauhan ngayon. Pinapasabi na nakausap na daw po niya si Mr. Valiente kaya doon ka na lang daw dumiretso sa pag-uwi.” I scoffed as I sat at my swivel chair after hearing that. The party was just last night and they already shipped all my things to Rafael’s condo whil

  • Forbidden Kiss   52

    Kabanata 52 After that, we left Mr. Encinas so he could have time to entertain other guests. We also ate at nagsimula na rin kalaunan ang program. It was short at bumalik ulit ang lahat sa kasiyahan. Some chose to dance. Some chose to start conversation with other guests. Rafael then introduced me to other businessmen and clients he knew. Same cycle din ang nangyari. Nakangiti akong sinagot sila. Mr. Encinas did not find anything suspicious about us earlier, so that means, this is working. Sa kalagitnaan ng pag-uusap, I felt Rafael’s hand grip my waist to grab my attention. “Hmm?” I probed without glancing at him. Abala sa pakikinig sa usapan. He moved and leaned his mouth to my ear so he could whisper. “Stay here. I will just go to Perez's. You can follow me after you're done here.” Nakita ko kung paano natitigilan ang nagsasalita sa harap namin at ang ilang mata pa ay sinisipat kami ng tingin dahil sa ginawang paglapit ni Rafael sa akin. “Alright,” I replied. Isang hapl

  • Forbidden Kiss   51

    Kabanata 51 We stepped outside the salon. Nauna siyang maglakad. I followed him until I saw a sleek, black beast of a car that matched his aura perfectly. Umarko ang kilay ko. This was a different car from before. This is not usually the type he used whenever we got out to eat dinner. That means he got lots of cars, huh? Ibang-iba na talaga siya. Far from the old Rafael who only owned an old model of motor. We got in, and the silence stretched between us for a moment. The scent of his cologne, a clean, masculine scent, filled the car. We drove in silence for a few minutes. The city lights blurred outside the window. The tension in the car was thick. Hindi pa ako kinakabahan para mamaya pero baka pagdating namin ay maramdaman ko na. I want this act to be perfect. I want to play this part right because one wrong move, we are screwed. We pulled up to the hotel where the party was being held. Rafael parked the car while I started checking my make up again through the mirr

  • Forbidden Kiss   50

    Kabanata 50 “Alam kong napag-usapan na natin ito sa call, Maia but I'm just really surprised that you and Rafael are now dating.” Nasa condo nila ako ngayon at pinagmamasdan ko ang anak niya na nasa lapag at naglalaro. Wala ang asawa ng kapatid ko dahil nasa trabaho. And ngayon lang ako nagkaoras para bumisita sa kanila. My sister is sitting on the sofa across where I am sitting. She is wearing her floral dress, crossing her arms while watching me curiously. "I mean, it's too sudden. It never occurred to me that you two…can happen. Considering the past,” she uttered. “I guess fate has plans for us,” I just said, sounding very reserved. I don't want to talk about it more because I knew I might give away the truth. Hindi naman siya umimik agad at sa gilid ng mata ko, alam kong pinapanood niya akong pinagmamasdan ang anak niya. I heard her sighed. “I have a hunch pero sana mali ako, Maia,” anito maya-maya. Saglit na natigilan ako bago ako huminga ng malalim. Alam ko

  • Forbidden Kiss   49

    Kabanata 49 After we talked that night, binalikan ko ng maigi ang mga napag-usapan namin. Inisip ko kung tama ba ang desisyon kong tanggapin ang deal na iyon. Pero sa huli, naisip ko na kung hindi ko naman tatanggapin iyon, mauuwi ako sa paghingi ng tulong kay Mr. De Vera. I heave a sigh. With that, we immediately started the plan. Tama na rin iyon dahil I am running out of time. "Is this really necessary?" I whispered when we entered. Halos magkasabay lang kami dumating kaya nagkasabay kami papasok ng restaurant. May ilang mga customer ang lumingon sa banda namin. "To make this set up work, we will need to go out,” he whispered back. May agad na lumapit na server sa amin. Kilala si Rafael kaya nahinuha ko na madalas siya dito. "VIP, please." Umangat ang isang kilay ko. Bago pa kami igiya ng server sa VIP room, inagaw ko na ang pansin ni Rafael. "Bakit VIP? If we want to be seen going out together, we should not choose the VIP room," bulong ko. Bukod doon, ayoko

  • Forbidden Kiss   48

    Kabanata 48 "...and marry me." Umawang ang labi ko at mabilis na nag-angat ng tingin sa kaniya. Laglag ang pangang tiningnan ko siya. "What?!" Ngayon, hindi ko na napigilan, tumaas na ang tono ko. I get it, okay. I need his help. But really? In this way? Umigting ang panga niya nang nakita ang bayolenteng reaksyon ko. He pursed his lips. Gamit ang dalawang kamay niya sa mesa ay tinulak niya ang sarili para makaahon. Hinila niya ang upuan at preskong umupo na roon na para bang hindi siya nagbitaw ng nakakalokong salita. "Did I hear it right? You want me to marry you?" ulit ko dahil baka nagkamali lang ako ng rinig. He sat there and looked at me. His face is now all serious. He is watching how surprised and bothered I am. "Yes," he replied firmly. Huminga ako ng malalim. I can't help but scoff at that idea. Anong kalokohan ito? Maiintindihan ko ang una niyang kondisyon dahil totoong malaking tulong iyon sa kumpanya. Pero ito? Ano? Gusto niya ako? Imposible iyon

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status