Share

Chapter 6

Author: Azrael
last update Last Updated: 2024-11-15 19:22:10

Pagkalabas ng munisipyo, nagpaalam si Irina kay Alec. Saglit na sinulyapan niya lamang ang mukha nito at nag iwas na ng tingin.

“Mr. Beaufort, hindi pinapayagan ng doktor ang mga bisita ngayong hapon, kaya’t hindi na ako sasama sa inyo. Bibisitahin ko si Auntie Amalia bukas ng umaga.”

Ngayong naiintindihan na ni Irina ang nais ng lalaking ito, batid niyang kailangan niyang maging maingat at magtimpi. Kapag wala si Amalia, kusa siyang naglalagay ng distansya sa pagitan nila ni Alec.

“Suit yourself,” malamig na tugon ni Alec.

Nais umirap ni Irina, ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Hindi na siya sumagot at naglakad na lamang palayo. 

Samantala, sa loob ng sasakyan, nakatanaw si Greg, ang assistant at driver ni Alec, kay Irina habang papalayo ito.

“Young Master, hindi ka ba nag-aalala na baka tumakas siya?” tanong niya sa kanyang amo na tahimik sa backseat. 

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Alec.

“Tumakas? Kung talagang may balak siyang tumakas, bakit siya nagtrabaho bilang waitress sa paborito kong restaurant? Why did she go to my mom to borrow some money? Ang una’t ikalawang pagtakas niya ay wala kundi para lamang pataasin ang halaga niya,” ani Alec na tila ba sigurado siya sa kanyang mga sinabi.

“Sabagay.” Iyon na lamang ang tanging nasabi ni Greg.

“Let’s go,” utos ni Alec sa kanya.

Tumango si Greg at inistart na ang engine. Mabilis silang nakaalis sa harapan ng munisipyo nang hindi man lang nililingon ni Alec si Irina. Mataas ang kumpiyansa ni Alec sa kanyang sarili na hindi na siya tatakbuhan ni Irina ngayon.

At kung mangyari man iyon ay kahit saang sulok ng mundo pa magtago ang babae ay mahahanap at mahahanap niya ito.

Samantala, bagsak ang balikat ni Irina nang siya’y makarating sa tinitirhan niya. Ramdam na ramdam niya ang pagod ng kanyang katawan nang araw na iyon at nais na lamang niyang magpahinga. Mula nang malaman niyang buntis siya ay tila ba dumoble ang pagod na kanyang nararamdaman. 

Nasa pintuan pa lamang siya at akmang bubuksan iyon nang biglang may sumulpot na tao mula roon.

“Sabi na nga ba’t dito ka lang nagtatago.”

Nang tingnan niya kung sino iyon ay nanlaki ang kanyang mga mata nang bumungad sa kanya si Zoey, ang anak ng mag-asawang Cassandra at Nicholas Jin.

Dalawang taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang bangungot sa buhay ni Irina, nang abusuhin ng isang matandang pulubi si Zoey. Sa sobrang nais protektahan ang kanyang sarili ay aksidente itong napatay ni Zoey nang pukpukin niya ito ng kanyang takong sa ulo at agad na namatay.

Of course, Zoey doesn’t want to go to jail.  Upang mapawalang-sala, pinainom niya at ng kanyang asawa si Irina hanggang malasing at lihim na inilagay sa crime scene upang siya ang mapagbintangan. Dahil dito, nasentensyahan si Irina ng sampung taon sa kasong homicide habang si Zoey ay malaya.

Tila nais sakalin ni Irina si Zoey hanggang ito’y malagutan ng hininga dahil sa labis na galit. Umirap siya at napailing saka tamad na tiningnan ang babae.

“Paano mo nalamang dito ako nakatira?”

Mas lumapad ang ngiti ni Zoey, may kayabangan sa mga mata. Pinasadahan pa siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa.

“Irina, alam mo ba kung anong tawag sa lugar na ‘to? Squatter area, ang nag-iisang squatter area sa city, kung saan ang karamihan sa mga nakatira ay mga naglalako ng sarili. Makakahanap ka rito ng kaladkarin sa halagang limang-daan, at maaari kang kumita ng isang libo sa isang gabi. Tsk, tsk, malaking pera.”

“So, nandito ka para ipagmalaki sa akin na kumita ka ng isang-libong piso sa isang gabi?” malamig na tanong ni Irina.

“You, bitch!” Umangat ang kamay ni Zoey, handang manakit, ngunit tumigil ito sa kalagitnaan. Bigla na lamang itong ngumiti na parang baliw.

“Nevermind. Listen, magpapakasal na ako at ipaparenovate ang bahay. Habang nililinis ng mga katulong ang mga basura, may nakita silang ilang litrato mo at ng iyong ina...”

Nang marinig iyon ni Irina ay agad nabuhay ang interes niya sa mga sinasabi ng babaeng ito.

“Mga litrato ni mama? Kukunin ko sila. Huwag mong itapon!” Naaalarmang tugon niya.

Pumanaw na ang kanyang ina, at ang natitirang mga litrato na lamang nila ang napakahalaga sa kanya.

“Kailan mo sila kukunin?” Walang pakialam na tanong ni Zoey.

“Bukas ng hapon.”

“Fine, tomorrow afternoon! Kung hindi, magpaparumi pa ang mga basura sa bahay ko ng isang araw!” Pagmamaktol na sabi nito saka naglakad palabas ng bahay niya habang nakataas-noo, may yabang sa bawat hakbang.

Makalipas ang ilang sandali mula nang umalis si Zoey, napapikit sa antok si Irina. Nasa maagang yugto siya ng pagbubuntis at napagod sa kakalakad buong araw. Gusto niyang makapagpahinga nang maaga para bumangon nang maaga kinabukasan at pumunta sa ospital para sa pagsusuri, kaya iyon ang kanyang ginawa.

Kinabukasan, maagang dumating si Irina sa ospital at pumila sa color Doppler ultrasound room. Nang isa na lang ang nasa unahan niya, tumunog ang kanyang telepono at si Alec ang nasa linya.

“Mr. Beaufort, may kailangan ka ba?” mahina niyang tanong sa lalaki.

“Mom misses you,” Alec coldly said to her.

Nakita ni Irina na isa na lang ang tao sa pila at nagkalkula ng oras.

“Makakarating ako sa ospital sa loob ng isa’t kalahating oras.”

“Sige,” maikling sagot ni Alec.

“Ah...” Nilunok ni Irina ang kaba. “Gagawin ko ang lahat para mapasaya si auntie. Pwede mo ba akong bigyan ng dagdag na pera? Pwede mo itong ibawas sa bayad sa annulment settlement na ibibigay mo sa akin?”

“Pag-usapan natin pagdating mo,” aniya at pinutol na ang tawag nang walang alinlangan.

Pinakaaayawan niya ang mga nakikipagtawaran sa kanya!

Nagpatuloy sa pagpila si Irina.

Nang siya na ang papasok, biglang dumating ang isang pasyenteng emergency para sa color Doppler ultrasound, na nagtagal ng higit sa kalahating oras. Nang sa wakas ay siya na ulit ang nasa pila, nalaman niyang kailangan pang magbukas ng file para sa unang pregnancy check-up kaya naantala ng mahigit kalahating oras ang pagpunta niya sana kay Amalia.

Pagdating ni Irina sa silid ni Amalia, narinig niyang umiiyak ang matanda.

“Walang utang na loob! Niloloko mo ba ako? Tinanong kita kung nasaan si Irina!”

“Mom, nakuha na namin ang marriage certificate kahapon,” iniabot ni Alec ang sertipiko sa kanyang ina na agad tinanggap ni Amalia nang galit pa rin.

“Hanapin mo si Irina ngayon din!” Mariing itinulak ng matanda ang kanyang anak.

“Pupuntahan ko na siya,” tumayo si Alec at lumabas.

Sa pintuan, sinalubong ni Irina ang malamig at mapanlinlang na tingin ni Alec. Ibinaling niya ang ulo at lumapit kay Amalia na may bitbit sa kanyang kamay. 

“Tita, pasensya na po, na-late ako. Naririnig ko po palagi na gusto niyo ng buns na ganito nung nasa kulungan ako, kaya bumili po ako ng isang kahon para sa inyo,” pag aalo niya kay Amalia at inabot ang isang supot ng buns na dala niya.

Napangiti si Amalia sa galak. “Irina! You’re here… At naalala mo ang paborito ko.

“Syempre naman.” Binuksan ni Irina ang isang bun at inabot kay Amalia. “Tita, kumain na po kayo.”

Mataimtim na tiningnan ni Amalia si Irina, “Irina, just call me mom. Tutal ay mag-asawa naman  na kayo ng anak ko. Iyon na dapat ang itawag mo sa akin.”

Nahihiyang ngumiti si Irina at tumango. “Mom…”

“Heh…” Buntong-hiningang sabi ni Amalia na may kaunting saya, “Habang ikaw ay nasa tabi ni Alec, mapapanatag na ako kahit saan man ako makarating.”

Namula ang mga mata ni Irina, “Mom, huwag niyo pong sabihin 'yan, gusto ko pang mabuhay pa kayo nang matagal…”

Hindi napigilan ni Irina ang kanyang sarili na maalala ang sarili niyang ina. Hindi niya naranasang alagaan ito noong may sakit pa ito at habang nasa ospital. Wala rin siya noong namatay ito kaya labis ang pagsisisi na kanyang nararamdaman.

Ayaw niyang mangyari muli iyon kay Amalia dahil para na niya na talaga itong pangalawang ina.

Ilang oras pa silang nagkwentuhan ni Amalia bago ito tuluyang hilahin ng antok. Tipid na ngumiti si Irina nang makita ang maliit na ngiti ni Amalia sa labi nito. Matapos iyon ay saka lamang niya binalingan si Alec.

Nilapitan niya ito habang kagat-kagat ang kanyang labi.

“Mr. Beaufort, pwede ba akong makahingi ng kaunting pera?”

Walang pagbabago sa ekspresyon ni Alec. Tiningnan lamang siya nito gamit ang masungit at malamig nitong mga mata.

“Nangako ka na darating ka sa loob ng isa’t kalahating oras, pero tumagal ka ng tatlong oras. Sa susunod na mangyari pa ito, na parang pinaglalaruan mo ang pasensya at oras ko, hinding hindi ko na palalagpasin pa ito, Ms. Montecarlos,” mariin ngunit malamig na sambit ni Alec.

Biglang nanginig si Irina. Sa mahinahon niyang tinig ay naramdaman niya ang malamig na banta na nagdudulot ng kilabot.

Alam niyang hindi ito biro.

Ngumiti siya na puno ng kabiguan.

“Naiintindihan ko. Hindi na ako manghihingi ulit. Gusto ko lang makasigurado na tutulungan mo akong makuha ang rehistrasyon sa malaking lungsod.”

“Ang mga nakasaad sa kontrata ay hindi mawawala sa iyo,” ani Alec.

“Salamat, Mr. Beaufort. May pupuntahan ako ngayong hapon, aalis na muna ako,” aniya at walang lingon na naglakad palabas ng silid na iyon.

Ramdam ni Irina ang bigat ng kanyang dibdib habang papaalis sa hospital.

Samantala, sa silid, narinig ni Amalia ang mga sinabi ng kanyang anak at ni Irina.

“Alec…” Mahinang tawag niya rito.

Nang marinig iyon ni Alec ay mabilis niya itong nilapitan.

“Mom, may masakit ba sayo?” Nag aalalang tanong niya sa kanyang ina.

“Alam kong hindi mo gusto si Irina, pero anak, marami akong tiniis na paghihirap sa kulungan, at si Irina ang tumulong sa akin upang harapin ang mga iyon. Mas kilala ko ang kanyang katapatan at pagsasakripisyo kaysa kaninuman. Hindi ba’t madalas tayong napapailalim sa mga intriga sa mga Beaufort? Natatakot ako na sa hinaharap... Gusto kong makahanap ka ng kasama na hindi ka iiwan. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Mahinahon at mahinang paliwanag ni Amalia sa kanyang anak.

Tipid at pekeng ngumiti si Alec. “I… understand, mom.”

Dahan-dahang bumangon si Amalia mula sa kanyang higaan at kumapit sa anak.

“Tatawag ako mismo kay Yaya Felly para itanong kung naninirahan ba si Irina sa bahay. Kapag kayo ay ganap na mag-asawa, saka lamang ako mapapanatag.”

Hindi agad nakasagot si Alec sa sinabing iyon ng kanyang ina. Hindi niya nais malaman ng kanyang ina na hindi naninirahan si Irina sa mansion ngayon, kaya kailangan niyang kumilos agad upang pabalikin ito roon!

Bago pa siya makagawa ng hakbang ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Kaagad niya itong sinagot.

“What’s wrong?” He muttere coldly.

Sa kabilang linya, maririnig ang malambing na boses ni Zoey. “Alec, gusto sana kitang imbitahan sa bahay ngayong hapon para pag-usapan ang ating kasal, pwede ba?”

“I’m busy!” matatag na pagtanggi ni Alec.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gin Ylagan
bkit inulit n nman
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 889

    Puti na puti ang mukha ni Gia.Ang boses ni Alec, kalmado ngunit matalim, ay pumutok sa katahimikan.“Miss Cruz,” wika niya, “kung talaga namang pumunta ka sa opisina ko na ganyan ang suot—para lang talakayin ang negosyo, at may neckline na ganito kababa—hindi ka kailanman pinapasok ng aming receptionist.”Nakita ng receptionist, na nakamasid mula sa front desk, ang ibig niyang sabihin. Namulagat ang kanyang mga mata nang masilip ang malawak na bahagi ng maputlang balat sa ilalim ng collarbone ni Gia.“Sandali lang,” wika ng receptionist, tumuturo nang may akusasyon. “Bakit mo pinalitan ang damit mo?”Ngumiti si Irina, malamig at matalim.“Hindi niya pinalitan ang damit,” wika niya nang maayos. “Nang pumasok siya, tinakpan niya ang sarili ng scarf para magmukhang disente. Ngayon na nasa harap siya ng aking asawa, tinanggal niya ito at ginamit bilang bow sa buhok niya. Matalino, hindi ba?”Matingkad ang glare ng receptionist, mukha namumula sa galit.“Paano mo nagawang gawin iyon? Hind

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 888

    Halos bumagsak ang panga ni Gia. Namutla ang mukha niya, halos lumabas ang mga mata sa pagkagulat. Sandali, nakalimutan pa niya na nakaupo pa rin siya sa sahig—ang napunit na palda niya ay bahagyang naka-askew, at ang kanyang dignidad ay tuluyan nang nawala.Lahat ng empleyado sa lobby ay natigilan.Ang karaniwang malamig at hindi matitinag na si President Beaufort—ang “Living Yama” ng Southern City—ay ngayon nakaluhod sa isang tuhod sa harap ng kanyang asawang nakayapak.Walang kahit kaunting pag-aatubili si Alec. Sa harap ng mga nakatingin, mahinahong yumuko siya, inilagay ang mga mataas na takong sa harap ni Irina, at malumanay na sinabi, “Humawak ka sa balikat ko.”Tahimik na sumunod si Irina, inihawak ang kanyang kamay sa balikat niya na para bang ito ang pinakatinatanggap na kilos sa mundo.Tumingin si Alec sa kanya, may bahagyang ngiti sa labi. “Alam mo ba na lalabas ka para harapin ang mistress, at suot mo pa rin ang takong na ganito kataas? Sinusubok mo ba ang sarili mo?” w

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 887

    “Fine, stubborn ka pa rin,” napahagis ni Irina, mababa ngunit matalim ang tinig.Lumapit siya ng isa pang hakbang, bawat salita puno ng akusasyon.“Gia! Matagal mo nang nalaman kung saang kindergarten pumapasok ang anak ko—para lang sa sariling kapakanan mo. Nakipag-ugnayan ka pa sa akin nang maaga, ‘di ba?”Ang kanyang mga salita ay parang mga kutsilyo.“Pinag-isipan mo nang mabuti ang malamig at untouchable na imahen mo, nagkunwari kang mataas at superior—dahil inakala mong maa-appreciate ko ang ganitong babae, ‘di ba?”Pumuti ang mukha ni Gia.“A-ano ang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan ang pinapahayag mo! Pakawalan mo ako! Ito… ito ay sobrang masama para sa reputasyon ni President Beaufort sa kumpanya! Pakawalan mo ako ngayon—kumikilos ka na parang isang hysterial na babae!”Tumawa si Irina, malamig at walang kasiyahan.“Kung ako man ay hysterial o hindi, wala kang pakialam!” wika niya, tumutok sa babae.“Gia, ang larong ito na maingat mong pinlano—kasuklam-suklam.”Ngayon, naih

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 886

    “Sino ka?”Bumitak ang tinig ni Gia habang ang mga daliri ay marahas na kumapit sa kanyang buhok, pilit na iniangat ang ulo niya pabalik.“President Beaufort—! President Beaufort, ano’ng nangyayari?”Nasusunog ang anit niya sa hapdi. Tinangka niyang kumawala, ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak.“Sino ka nga ba?” muling tanong niya, pinilit gawing kalmado ang tinig. “Paanong nagiging—ganito ka—”Hindi na niya natapos ang sasabihin. Ang umaatake sa kanya — ngayo’y nakapaa, ang mga takong ay nakatapon sa may pintuan — ay muling hinila siya pasulong, malakas at walang pag-aatubili.Si Irina iyon.Kahit walang sapatos, mas matangkad pa rin siya kay Gia. Tahimik ang mga yapak niya sa karpet, ngunit ang galit niya ay umaalingawngaw sa bawat kilos.Ang kanyang kapit ay walang awa, ang kanyang ekspresyon malamig — kontrolado ang poot, halos elegante.Nais mang kumawala, si Gia ay walang nagawa kundi matisod pasulong, kumakapit sa mga pulsuhan ni Irina — ngunit hindi siya makaalpas.“

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 885

    Tumango nang mabilis ang receptionist. “O—opo, tama po.”Habang nagbubulong ang dalawang babae sa likuran, si Irina ay tahimik nang naglakad palayo. Ang tunog ng kanyang takong ay tumapat sa karpet — mabagal, pantay, at may deliberadong lakas. Bawat hakbang ay may dala ng tahimik na awtoridad, ang klase ng kilos na agad na nagpapaling ang mga mata sa kanya. Ito ang tunog ng isang babaeng nararapat na narito—isang babae na naglalakad sa mga pasilyo ng Beaufort Group na may kapangyarihan at kontrol.Umabot ang mahinang ritmo ng kanyang mga hakbang sa opisina ni Alec, kung saan nakaupo si Gia sa tapat niya. May bahagyang mapagmataas na ngiti sa kanyang mga labi. Malinaw sa kanya—mula sa matalim at kumpiyansang tunog ng hakbang—na may isa pang babae na pumasok upang makita si President Beaufort. At hindi basta-basta babae. Isa itong seryosong tao, isang babaeng marahil ay gusto niyang maipakita ang kanyang galing.“Perfect timing,” bulong niya sa sarili.Bahagyang inayos ni Gia ang

  • Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire   Chapter 884

    Natigil si Irina sa lugar. “Anong babae?”Sa kabilang linya, bumagsak ang mabilis at kinakabahang tinig ni Marco. “Irina, kasalanan ng pinsan ko—ang… yung pinsan kong si Gia. Nagtatrabaho siya sa isang kumpanya sa pananalapi. Ewan ko kung paano niya naipilit kay Papa—kayat pati sa tiyuhin mo rin.”Namula ang mukha ni Irina nang marinig ang pangalang Gia.“Siguro may sinabi siya sa kanya,” patuloy ni Marco, halatang nag-aalala, “kasi binigyan siya ni Papa ng isa sa mga business card ko! Tapos siya—dinala niya ang card na iyon diretso sa Beaufort Group, sabi niya gusto niyang pag-usapan ang financing at venture capital.”Tahimik ang sandali sa kabilang linya—hanggang sa narinig ni Irina ang kaluskos ng kanyang upuan habang itinutulak niya ito pabalik.Bago pa man makapagsalita muli si Marco, parang hangin na lang, tumakbo na si Irina palabas.“Irina! Irina!” tawag ni Mari, nagulat.Ngunit si Irina ay lumingon lamang nang saglit sa pintuan, mga mata’y nagliliyab. “Tulong, ipasabi na ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status