Share

Kabanata 04

“Kuya, may gustong humingi ng pizza!”

“Di ah!” sigaw ko sa bata. Nataranta ako bigla nang magsimulang humikbi ang bata hanggang sa ito ay tuluyang umiyak. Patakbo siyang lumapit kay Yohann Min at nagtago sa kanyang likuran napara bang nagsusumbong siya sa ama. 

Ipinagkrus ko ang mga braso habang pinapanood siyang lumuhod sa lupa para patahanin ito. Sumama ang tingin sa akin ni Yohann Min dahilan para tumaas kaagad ang kanang kilay ko. “Hindi ko inaway ‘yan”

“Pero sinigawan mo”

“Malay ko bang sensitive ‘yan”

“Bata ‘to”

“Eh ano naman?” pagtataas ko ng noo. He stares me na para bang siya na ang pinakadakilang magtatanggol sa mga naaapi. Hindi ko naman talaga inaway ang bata eh, napataas lang talaga ang boses ko, tsk. 

“Mag-sorry ka”

“What?” 

“Sa bata”

“Eh hindi ko nga inaway ‘yan” inis ko. Napapikit ako. “Pasensya na, bata” pagkokonswelo ko na lang. Nag-iwas ako ng tingin at napakamot sa ilong. Sinubukan ko silang sulyapan ulit at nagulat nang makitang yakapin ng lalaking ito ang madungis na bata. Napaiwas ulit ako ng tingin nang lingunin niya ako habang kayakap pa rin ang batang lalaki. 

“Umuwi na kayo” ginulo niya ang buhok ng mga bata na halatang ilang araw nang hindi naliligo at ngumiti sa mga ito. Napanganga ako. Totoo ba itong nakikita ko o pakulo lang niya ito?

“Paalam, kuya Yohann!” they all said in chorus. Kinawayan siya ng mga bata bago tuluyang umalis. Ginantihan naman niya ito ng malaking ngiti sa labi at kaway. Nakita ko kung paano unti-unting nawala ang magandang ngiti niya at napalitan nang malalim na buntong hininga. Seryoso niya akong nilingon. “Ba’t ka nandito?”

“Naks!” palakpak ko. “Pa’no nga ulit ‘yong ngiti?” aasarin ko pa sana siya kaso tinalikuran niya ako. “Woi”

“Oh?” walang kaemo-emosyon niya akong nilingon.

Nangapa ako bigla. “Uwi ka na?” 

Hindi siya sumagot kaya inis ko ulit siyang tinawag, paulit-ulit. Doon na ako natahimik nang huminto siya paglalakad palayo at hinarap ako. 

“What do you want, Miss? Wala na akong pizza—

“Hindi naman pizza—

“Then what?” walang kasing lamig na tanong niya. Pakiramdam ko ibang tao na naman ang kaharap ko. Malayong-malayo sa lalaki kanina. Tumaas ang gilid ng kanyang labi. “Ah, let me change the question. Who do you want? Me?”

Napanganga ako. Ano bang pinagsasabi nito.

“Did you follow me?”

“Nagkataon lang ‘to okay?” depensa ko. Pinanliitan niya ko ng mga mata. Naiinis talaga ako sa mukha niya. “Feelingero mo. Hindi nga kita sinusundan!”

“Ba’t ka nandito?”

“Nagkaton nga lang” 

Nakangisi pa rin niya akong tinalikuran. “Umalis ka na. Paulan na”

Nag-angat ako ng tingin sa langit at napaismid. Sa linaw ng mga bituin sa langit, imposibleng uulan sa gabing ito. “Aba, oo aalis talaga ako. Feeling nito” bulong ko. Nasa loob na siya ng kanyang sasakyan nang matanaw ko. 

Pinanood ko ang pag-alis ng kanyang magarang itim na sasakyan bago ako naglakad pabalik sa pinagparkingan ko ng motor kanina. Isinuot ko na ang helmet bago tinadyakan ang starter pedal ng aking itim na motor. Ipinagtaka ko ang hindi pag-andar nito kahit sa makailang beses kong pagpadyak. Tinanggal ko ang susi at ipinasok muli pero hindi pa rin ito umaandar. Pambihira, maayos naman ito kanina ah. 

Ilang minuto ang ginugol ko, paulit-ulit, pero nangalay na ang isang paa ko kakatadyak. Inis kong tinanggal ang suot na helmet at umalis sa pagkakaangkas. Ilang minuto ulit ang ginugol ko hanggang sa sumuko na ako at hinihingal na naupo na lang sa lupa. Bakit ba ang malas ko sa araw na ito?

Nag-angat ako ng tingin sa langit at napanganga. Kumpara kanina ay sobrang pula na ng kalangitan. Iba na rin ang ihip ng hangin. Uulan ba talaga?

Bigla akong napatili nang ensaktong kumulog pagkatayo ko. Ilang segundo pa ay nagsimula na ngang pumatak ang ulan kasabay ang malakas na hangin. Kinapa ko ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang kauna-unahang taong pumasok sa isipan ko. Si boss Amay.

“Oh Rui?”

“Hello, boss? Baka naman pwedeng pasundo dito?”

“Nasa bahay na’ko, asan ka ba?”

Napapikit ako. “Napatayan ako”

“Namatayan?” malakas na sigaw niya sa kabilang linya. 

“Napatayan. Napatayan ng motor, tsk” 

“Klaruhin mo kasi, aatakihin ako nang wala sa oras sa’yo!”

“Sige na please?” naipikit ko ang mata nang subukan kong tumingala sa langit. “Ayokong magpaulan”

“Eh di sumilong ka diyan! Tapos tawagan mo ex mo!”

“Ayoko nga” patakbo akong sumilong sa ilalim ng puno. “Sige na, dalian mo please? Umuulan na dito oh”

“Umuulan rin dito noh. Eh di mag-commute ka, porbida”

“Please?” pagmamakaawa ko. “Ang malas malas ko na sa araw na ‘to. Paniguradong papagalitan ako nila mama pagkauwi ko”

“Ang drama mo, sige na! Text mo address, bilis”

Sinubukan kong ayusin habang naghihintay. Palakas ng palakas na ang ulan at hangin. Basang-basa na rin ang kabuuan ko kahit pa nakasilong ako sa ilalim ng puno. Tignan mo nga naman, nagkatotoo pa talaga ang sinabi ng lalaking iyon. 

Tinawagan ko ulit si Amay pero hindi na niya sinasagot. Lumaylay ang aking balikat at napalingon-lingon sa bawat direksyon. Bilang lang ang mga sasakyang dumaraan dito. May kadiliman din sa lugar na ito. 

Mas lalong umakyat ang aking kaba matapos akong tawagan na nga ni mama. Idinahilan ko ang pagdalaw ko sa aking mga kaibigan.Yakap-yakap ang sarili, naghintay ulit ako ng panibagong limang minuto. Nang hindi ko na makayanan pa ang sobrang lamig ay nakapagdesisyon akong kaladkarin na lamang ang motor at nagsimulang maglakad ng dahan-dahan. 

Bukod sa bigat ng kinakaladkad ko ngayong motor, palalim na rin ang baha sa aking paanan. Kamalasan nga naman. 

Kinuha ko ulit ang motor sa bulsa para tawagan ulit si Amay. Dismayado akong napapikit nang hindi pa rin niya ito sinasagot. Muntikan nang madulas sa aking kamay ang hawak na cellphone dahil sa malakas na pagbusina ng sasakyan. Nagkaroon ako bigla ng pag-asa.

Ipinangharang ko ang kaliwang braso sa aking mga mata dahil sa nakakasilaw nitong ilaw na direktang nakatama sa akin. Pinanood ko siyang lumabas sa kanyang sasakyan at naglakad papunta sa kinatatayuan ko.

“Ang tagal mo bakla! Akala ko hindi ka na—”

Naputol ko ang sana’y sasabihin nang maharangan ng kanyang itim na payong ang nakakasilaw na ilaw ng sasakyan. Doon ko lang naklaro nang tuluyan kung sino itong taong may hawak na payong. Wala sa sarili akong napaatras nang makitang si Yohann Min ang aking kaharap imbes na ang kaibigan ko. 

Seryoso ang mga mata niyang nakatuon sa akin. Napakurap lang ako habang nilalabanan ang malalim na paninitig niya. “What are you doing here?” mas malinaw pa sa ulan ang boses niya.

Mabilis niya akong nahila at isinilong sa kanyang itim na payong nang subukan kong umatras ulit. Naguguluhan akong napatitig sa kanya. Pati ang panginginig ng aking katawan sa lamig ay huminto dahil sa kakaibang pakiramdam ng kanyang presensya. 

“Nasiraan ako” napalunok ako.

Walang salitang hinubad niya ang makapal na itim na jacket at ipinangtabon sa katawan ko. Napa-aray ako bigla nang hawakan niya ang aking isang kamay at pinanghawak niya sa payong niya. Naguguluhan ko siyang sinundan ng tingin nang basta na lamang siyang lumuhod sa bahang lupa, sa harapan mismo ng aking motor.  

“Anong gagawin mo?” 

“Kailan ka pa nagmomotor?”

Aligaga ko siyang nilapitan para payungan. Nababasa na rin siya ng ulan sa pinaggagagawa niya. “Ba’t mo naman tinatanong?” tanong ko. Nilingon lang niya ako bago ulit pinagkaabalahan ang motor ko. “Akala ko ba umuwi ka na?”

“Akala ko ba, ako ang hinihintay mo?” tanong din niya. Sumama ang aking mukha. Tumayo siya at inilahad sa harapan ko ang kanyang kanang palad. “Susi mo”

“Psh” ipinatong ko sa palad niya ang susi ng motor. Walang paalam siyang umangkas sa motor ko. Wala naman akong magawa kundi ang payungan na lamang siya. “Ilang attempt na ang ginawa ko, ayaw” usal ko pero hindi siya nagsalita. “Umuwi ka na, parating na kaibigan ko—” naitikom ko na lang ang bibig matapos niya akong lingunin. Ayan na naman ang seryoso niyang mukha. 

Pinanood ko ang reaksyon ng kanyang mukha. Katulad ko kanina ay halatang naiinis na rin siya. Ilang beses siyang pumadyak sa starter pedal at pabalik-balik na tinanggal pasok ang susi. Sa huli ay umalis siya sa pagkakaangkas. Naramdaman ko ulit ang jacket niya sa katawan ko nang yakapin ko ang sarili sa sobrang ginaw. “Pano mo nalaman na nandito ako? Did you...came for me?” ayoko mang itanong iyon. 

“Assumera mo rin eh”

“W-What?” sinundan ko siya ng tingin nang umikot siya sa kabila at umangkas ulit sa motor. Ipinasok niya ulit ang susi at tinadyakan muli ang starter pedal. Pareho kami ng reaksyon nang sa wakas ay umilaw at umandar ang makina nito. Nakangiti ko siyang inantay nang maglakad siya palapit sa akin. Mabilis ding nawala ang ngiti sa labi ko matapos makita ang walang emosyon niyang mukha. Habang patuloy na dumadaloy ang ulan sa kanyang buong katawan, natatabunan na rin halos ang kanyang mga maliliit na mata dahil sa kanyang basang buhok. 

Napalunok ako dahil na rin sa pagdikit ng kanyang basang puting long sleeves polo sa katawan niya. 

Humugot siya ng malalim na hininga bago ipinatong sa kanang palad ko ang susi ng motor. Nilabanan ko ang paninitig niya pero siya ang unang nag-iwas ng tingin sa huli. Magpapasalamat na sana ako nang basta na lamang niya akong nilagpasan. 

“Y-Yohann Min!”

Mukhang hindi niya narinig ang pagtawag ko dahil sumabay ang busina ng isang sasakyan. Napalingon ako sa sasakyan nang may tumawag sa pangalan ko. Nakakasiguro akong si Amay na iyon. Nakapayong niya kaming nilapitan. Nagpapalit-palit kaagad ang tingin ni Amay sa aming dalawa. 

“Uy, hala ser?”

Wala pa ring salitang sinulyapan ako ni Yohann Min bago tuluyang pumasok sa sarili nitong sasakyan. Bago pa niya tuluyang maisarado ang salamin ng kanyang bintana, naipatong ko na ang aking mga kamay. 

“What?”

“Jacket at payong mo—

“Keep that” pigil niya sa akin.

“Teka lang—

“Give it back to me tomorrow”

“Ha? Ngayon na lang—

“You know my address right?” tanong niya na kinatigilan ko. Idinungaw niya ang kanyang mukha sa bintana. Mas lumakas ang dating niya dahil sa nakalantad niyang noo. “You can officially thank me there” sabay kindat pa niya. 

Mabilis kong naialis ang mga kamay at napamura nang basta na lang niyang isinarado ang bintana at paandarin ang sasakyan paalis. Napako ang paningin ko sa kalsadang dinaanan niya. 

“Tumawag ka pa eh nandito pala ang chinitong ‘yon!” humampas sa kaliwang braso ko ang mabigat na palad ni Amay. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. 

“Ba’t ba kasi ang tagal mo?” asik ko. 

“Ay wow, tignan mo kalsada Rui nang malaman mong bakla ka”

Lumaylay ang aking mga balikat. Nahawakan ko ang jacket na suot ko. Umaalingasaw pa roon ang panlalaking pabango niya kahit basa na. Amoy mamahalin tsk.

“Taray, may libreng pa jacket pa ang admirer mo!”

“Hindi ko admirer ‘yon. Isasauli ko pa ‘to”

“Wokey. Oh ano na? Sasakay ka o nah?”

“Naayos na ang motor ko” nakagat ko ang pang-ibabang labi.

“Ha? Teka...pakiulit nga?”

Peke akong tumawa. “Naayos na—aray!”

“Langya ka”

“Sorry na”

“Ewan ko sa’yo babae ka—

“Aalis ka na?”

“Ano pa bang gagawin ko rito, aber?”

“Sige, ingat ka” natawa ako. “Sorry na nga!”

“Ewan ko sa’yo!”

“Bye”

“Gaga, umangkas ka na!” pinanlisikan niya ako ng mata. Natatawang napailing na lamang ako at umangkas na sa sariling motor. “Subukan mong paandarin, Rui. Susundan kita” nakangiti akong tumango sa suhestiyon niya. 

Inaasahan ko nang sasalubungin ako ng mga magulang ko. Nakayukong pinakinggan ko na lamang ang sermon nila. 

“Magbihis ka na, Rui” maawtoridad na utos ni mama. Hudyat na iyon para makaalis na ako sa kanilang harapan. Nakayuko pa rin akong umakyat ng hagdan. Yakap ko ang basang sarili suot pa rin ang itim na jacket. 

“Kaninong jacket ‘yan?”

Napahinto ako sa paglalakad. Nilingon ko sila sa ibaba at nakita ang nagtatanong na mukha ni mama. Inosente kong hinubad ang jacket na suot at nagsalita. “Pinahiram lang ma”

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Kinabukasan, walang tigil ang aking paglunok ng laway habang tinatahak ang pamilyar na daan papunta sa condominium unit niya. Nagbaba ako ng tingin sa hawak kong paper bag na naglalaman ng payong at jacket niya. Isinumpa ko pa sa sarili kong hindi na ako babalik pa rito. 

Pangatlong unit sa pinakadulo sa bandang kaliwa, kung hindi ako nagkakamali.

Huminga ako ng malalim matapos huminto sa mismong labas ng kanyang pinto. Humigpit ang paghawak ko sa paper bag. “Isasauli mo lang ‘to sa kanya, Rui”

I cleared my throat and knocked three times. Ipinagtaka ko ang hindi na naman niya pagtugon. Tulog pa ba siya sa ganitong oras? Napairap ako at mas nilakasan pa ang pagkatok. Bumukas ang pinto.

Inilahad ko kaagad sa kanya ang paper bag habang nasa hallway ako nakatingin. Seryoso ko siyang nilingon pero pinanlakihan kaagad ako ng mata nang tumambad sa akin ang hubad na katawan ng isang foreigner na lalaki at ito’y naka-boxer lang. 

“Who are you?” 

“Sorry!” binawi ko sa kamay niya ang paper bag. “Sorry, wrong unit!” mabilis ko siyang tinalikuran nang bigla nitong hawakan ang kanang braso ko. Nagsimula akong mag-panic. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero nakangisi niya iyong hinigpitan. Inis kong pinatiran ang kahinaan niya dahilan para mapasigaw siya sa sakit. 

Aktong sasampalin niya ako nang may biglang pumigil sa kamay niya. 

“What the—

Humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Yohann Min. “You heard what she said” seryosong sabi ni Yohann Min sa kanya bago niya ako nilingon. Patapon niyang binitawan ang kamay ng lalaki at hinila ako paalis doon. 

Sa isip ay gusto kong magprotesta nang ipasok niya ako sa loob ng kanyang unit ngunit dahil na rin sa takot ay para akong lutang na sumusunod sa kanya. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at nag-aalalang tinitigan. 

“Gwaenchana?”

Napanganga na lamang ako sa tanong niya. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kanarie
WHAAAA THIS IS SOOO GOOD HAHAHA
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status