Share

Kabanata 06

Bumaba ang seryoso niyang mga mata sa labi ko kaya napalunok ako. “You want me to kiss you?” usal niya bago muling naglakad nang nakapamulsa. Napakurap ako bago siya mabilis na sinundan.

“K-Kanta lang ‘yon” utal ko. “Feeling mo naman”

“Pa’no nga ulit ‘yon? Ah, forgetful Rui...” 

Sumama ang mukha ko dahil sa sama rin ng boses niya. “Lucy ‘yon!”

“Lushi?”

“Anong lushi? Lucy!”

“Lushi nga”

“Lucy!”

“Lushi nga sabi ko” aniya kaya napanganga ako. “You want me to spell it?”

“’Wag na! Katungog pa rin ng shi ang letter C mo” 

“El, yu, shi...” nilingon niya ako. “Way”

“Oh ‘di ba? Kung makalait ka sa boses ko, tsk. Sabihin mo na”

“Ang alin?” inosenteng tanong niya bago nagdirediretso pa rin sa paglalakad. Nagtaka na lamang ako dahil papuntang exit na kaming dalawa. Sinabi lang ba niya iyon para sumunod ako rito? I shouted his name many times nang magtuloy-tuloy siya sa paglabas. Alam kong pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. Nakamot ko ang ulo bago mabigat ang mga paang hinabol na naman siya. 

Hanggang sa siya ay huminto at inosente akong nilingon.

“Sabihin mo na bilis. Alam mo bang may trabaho pa ‘ko, Mr. Yohann Min?” 

“Oh, about the...” nakamot niya ang sentido bago nakapikit na tiningala ang langit. Tumatama sa mukha niya ang sinag ng araw. Bumaba siya ng tingin sa akin. “You should ask yourself”

I tried to absorb what he was trying to say. Ask myself? Did I just follow him all around to ask myself? Nagpa-late lang ba talaga ako sa trabaho para sa ask yourself na sagot niya?

Naikuyumos ko ang mga kamay dahil pagkatapos niyang sabihin iyon ay nilagpasan na niya ako. Naiwan akong nakatayo sa labas ng Mall habang pinapanood siyang maglakad papuntang pedestrian lane. 

“Maging dough ka sana sa gitna ng kalsada” naiinis na bulong ko sa sarili. Mag-isa na lang siyang nakatayo roon dahil hindi siya sumunod sa mga taong tumatawid. Mukhang sira rin ang traffic light at wala pang traffic enforcer sa mga oras na ito. Hindi katulad kanina na maaga pa, marami na ngayong dumaraan na sasakyan. Lumilingon lang siya sa magkabilang direksyon at halatang may pag-aalinlangan ang kanyang mga paa. Lalakad siya ng dalawang hakbang pero aatras din pagkatapos.

Sinadya kong huminto sa gilid niya. Pinagtaasan ko kaagad siya ng isang kilay nang lingunin niya ako. Napalingon-lingon ako sa magkabilang direksyon bago kalmadong tumawid ng mag-isa. Akala ko ay sumunod siya pero nagkamali ako. Nakatayo pa rin siya roon habang nakatingin sa akin mula rito. Napangisi ako sa naisip. Marunong nga siyang magdrive ng sasakyan, pero hindi naman marunong tumawid tsk tsk.

Nang-aasar ko siyang kinawayan bago nakangising nagpatuloy sa paglalakad. 

Patalon-talon akong naglakad habang pinapaikot ang susi ng aking motor sa hintuturo. Pakiramdam ko nakaganti na rin ako sa kanya. Sinusundan pa rin niya ako ng tingin nang subukan kong tanawin siya roon. Mabilis ding nawala ang aking ngiti at huminto sa paglalaro sa susi nang makitang nakayuko na siya sa kanyang mga tuhod. 

Tinalikuran ko siya at pinagsawalang-bahala ang nakita. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero napahinto rin ulit. Mariin kong nakagat ang aking pang-ibabang labi at inis na naglakad pabalik. Ang hirap labanan ng konsenya! Gusto ko sana siyang samaan ng mukha pero kapansin-pansin ngayon ang pagiging balisa sa mukha at kilos niya. Mas naging halata pa iyon nang tuluyan na akong huminto sa kanyang harapan. 

“Ayos ka lang?”

“Go”

“Tsk” asik ko at hinawakan ang kanang balikat niya. “Tumawid na tayo. Kaya mo?”

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin habang nakatukod pa rin ang mga kamay sa tuhod. Kapansin-pansin din ang paghahabol niya ng hininga. May malalaking butil din ng pawis sa kanyang noo. Nagugulat niya akong tinitigan. 

Sinadya kong tumingin sa magkabilang kalsada para maiwasan ang mga mata niya. “Bilis. May trabaho pa ‘ko” mahinang usal ko. Inilahad ko ang kanang kamay pero mabilis niyang tinapik ito. Napasinghap ako ng hangin at bumuntong-hininga. “Tara na”

Ako na mismo ang kumuha sa kanang kamay niya nang hindi siya umimik. Hinigpitan ko ang pagkakahawak doon nang subukan naman niyang kumalas. Ako naman ang nagulat nang humigpit rin ang kanyang hawak sa kamay ko habang tumatawid na kami ng kalsada. Itinikom ko na lang ang bibig. Kaagad ko siyang binitawan at iniwan pagkatapos naming makatawid sa kabila. Naririnig ko ang pagtawag niya pero binalewala ko iyon at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Sana heto na ang huling pagkikita namin.  

Humingi kaagad ako ng pasensya kay Ma’am Laureal dahil sa pagiging late ko ngayon. Idinahilan ko na lamang na may kinailangan akong tulungan papunta rito. I immediately walked inside the personnel room para makapagbihis sa pulang uniporme. Bukod sa Gre-May pizza parlor na pinagtatrabahuan ko every weekdays at Saturdays, isa rin ito sa mga part-time job ko tuwing Linggo. Dishwasher ako dito sa Avery cafe pero kapag may kulang na crew o lumiban sa trabaho ay ako ang madalas na nagti-take over. Mabait naman si Ma’am Laureal pero isa sa pinakaayaw niya ay ang nali-late sa trabaho.

Habang naghuhugas dito sa lababo ay tinawag ako ng isa sa mga katrabaho ko, si Ashley. “Substitute ka raw muna sa labas. May ipinabibili pa si ma’am kay Luckas”

Tumango kaagad ako at mabilis na tinapos ang hinuhugasan. Hinubad ko ang suot na gloves bago naglakad papunta sa stall. Nagkagulatan kaming dalawa ni Jalen habang inaayos ko ang pagkakatali sa suot na apron at siya naman ay nakatingala sa menu. “Anong order mo?” ngumiti ako. 

“Hmm...isang Rui, take out” sabay kindat pa nito sa akin. Napalingon ako sa kasama ko. Mabuti at abala siya. 

“Not available” sagot ko. Natawa si Jalen.

Itinukod niya ang isang siko at mas lumapit pa. “Wala kang gagawin mamaya, Rui?” umiling ako. “Pati sa weekend wala ka pa ring free time?” gulat niya.

“May trabaho din ako mamayang gabi, psh. Bilisan mo na, may susunod pa oh” 

“Tsk tsk tsk, hindi mo naman kailangang maging kalabaw sa sobrang sipag. You can ask your parents naman kung may gusto kang bilhin. Hmm, what is it? Lacoste bag? Kotse? Gusto mong bumili ulit ng panibagong motor?”

Umiling lang ako dahil wala sa mga nabanggit niya ang dahilan. “Order ka na, Jalen”

“Yeah okay. Isang truffled scramble at ice Americano” aniya, kumilos kaagad ako. “Eh mamayang hapon?”

“Matutulog muna ako sa bahay saglit” sagot ko. Hinarap ko ulit siya pagkatapos maihanda ang mga inorder niya. He kept looking at me with those puppy-dog eyes habang nakanguso. Madalas niyang gamitin ang strategy na iyon para makuha ang gusto niya, lalo na sa mga babae. Saksi ako kung ilang babae na ang dumaan sa buhay niya. Madalas hanggang isang buwan lang. Hindi naman ako nagkulang sa sermon at pangangaral sa babaerong bestfriend kong ito. “Next time na lang. Dine in or take out?” dagdag ko.

“Take out” nguso niya.

Sabay kaming napalingon ni Jalen sa may pintuan dahil sa pagbukas ng pinto. Pumasok ang isang lalaki. Base sa kanyang tindig at katangkaran, nasisiguro kong hindi ito isang Pilipino. Ningitian ko ang bagong dating nang sulyapan ako nito. Bahagyang tumabi sa gilid si Jimin dahil sa paghinto ng lalaking ito sa harapan ko. 

“Good morning, sir. What’s your order?” masiglang tanong ko.

Hinubad niya ang tinted sunglasses na suot bago nag-angat ng tingin sa menu. Doon ako nakahanap ng tiyempong pag-aralan ang kabuuan niya. Nakasuot siya ng denim jacket na may plain white shirt sa ilalim at shorts na kulay gray. Humihiyaw naman sa kamahalan ang suot nitong kulay gintong relo sa kaliwang kamay na nasa kanyang bulsa. Pagdating sa balat ay magkakulay sila ni Jalen. Singkit din ang kanyang mga mata at sakto lang sa kapal ang itim na kilay. May kahabaan ang hugis ng kanyang mukha pero bumabagay iyon sa kanya. Slicked back naman ang style ng kanyang itim na buhok pero may iilang hibla ang tumatabon sa kanyang noo. 

Ngumiti muli ako nang magtama ang mga mata namin. Ginantihan din ng lalaking ito ang ngiti ko. Pagkalauna’y nailang din ako dahil sa matagal na paninitig niya, na para bang may sinasabi siya sa pagitan ng mga tinginan namin. 

Sa isip ay nagpasalamat ako nang putulin ni Jalen ang nakakailang na eksena. Nilingon din si Jalen ng lalaking ito. 

“Alis na’ko, Rui” ngiti sa akin ni Jalen bago niya binigyan ng nanghihinalang tingin ang lalaki. Tuluyang lumabas si Jalen dito kaya tumikhim ako at muling ngumiti sa lalaki matapos niya akong harapin ulit. 

“Nakapili na kayo, sir?”

“Yes. One caramel frapuccino and Ricotta pancakes, please”

“Dine in or take out?”

“Dine in” ngiti niya. Isinaboses ko ang mga inorder niya bago mabilis na kumilos. Si Ashley muna ang humarap sa kanya habang nandito ako sa loob, hinihintay na maluto ang order niyang Ricotta pancakes. 

Nakangiting tinanggap ng lalaki ang order niya at naupo sa malapit na pwesto kung saan harapan niya kaming mapapanood. Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho, marami na rin ang pumapasok na customer dahil Linggo. Palihim ko siyang sinusulyapan at madalas ay nakatuon dito ang paningin niya. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko nga siyang nakatingin sa akin pero mabilis niyang itinutuon iyon sa iba.

Natapos na ang working hours ko rito pero kataka-takang nandito pa rin ang lalaking iyon. Humigpit ang paghawak ko sa sling ng aking bag at nakayukong naglakad palabas nang hindi lumilingon sa kanya. Ibang usapan na talaga kapag lumabas pa iyon ngayon. Nagmadali akong nagsuot ng helmet at umangkas sa sariling motor. 

“Package delivery for Jaehyun Valmorida!” katok ko sa kulay itim na gate. Pinunasan ko ang pawisang noo bago inayos ang sumbrerong suot. Pagkatapos sa Avery cafe ay dumiretso kaagad ako sa isa ko pang part-time job. 

Ilang minuto pa ay may lumabas nang isang lalaki na may hawak pang fried chicken sa isang kamay habang ngumunguya. Napalunok ako ng laway at palihim na hinimas ang kumakalam nang sikmura. Alas tres na ng hapon at hindi pa ako nakakakain. Ngumiti kaagad ako. “Jaehyun Valmorida?” tanong ko at tumango siya. Iniabot ko kaagad sa kanya ang box na bitbit ko. “Pakipirmahan na lang po sir for proof purposes” Nagdalawang isip pa ako bago ko naibigay sa kanya ang ballpen dahil sa mamantika niyang kamay. Ngumunguya niyang pinirmahan ang papel at isinauli iyon sa akin pagkatapos. “Thank you”

“Thanks” ganti niya.

Natatawang napailing na lamang ako pagkatapos niya akong pagsarhan na ng pinto. Naupo ako sa malaking bato para ipahinga muna ang mga binti at kamay. 

Ginawa kong pantakip ang mga daliri para subukang tanawin ang tirik na araw. Ako rin mismo ang nasilaw sa ginagawa at napaiwas. Naituon ko ang mga mata sa pulang sasakyan kung saan kahit malabo ay nakikita ko ang taong nakasakay doon. Ensaktong pagkatayo ko para umusisa ay umandar iyon at lumiko paalis. 

Dumiretso ako sa karinderya ni Aling Baning para kumain. Isa ang karinderya niya sa pinakakilala rito sa Mandaluyong. May katandaan na si Aling Baning at ang karinderya niya, at magdadalawang taon na rin akong suki rito. Sinalubong kaagad ako ng ngiti ni Aling Baning. Hindi pa man ako nagsasalita ay alam na niya ang ihahanda sa akin. Iyong bulalo niya talaga ang pinakagusto ko. 

Naupo ako sa pang-isahang mesa sa bandang gilid. Ipinatong ko ang cellphone sa lamesa bago nagsimulang kumain. Palihim kong inaabangan ang cellphone ko na nasa gilid. Nakakatawang isipin na hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong magbabago ang isip ni Marky kahit masyado na iyong imposible dahil sa nangyari noong isang araw.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paghigop ng sabaw pero pagkalaunan ay sumisinghot na ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa anghang ng sabaw kaya ako naluluha o dahil naiisip ko na naman ang lalaking iniwan na lang ako bigla. Masyado akong abala sa trabaho para bigyan ng oras ang sarili ko. Kapag ganitong wala naman akong ginagawa ay awtomatiko akong nagiging emosyonal. 

Umiling ako at pinunasan ang luha sa pisngi. Makakamove-on ka rin kay Marky, Rui.

Kinuha ko ang cellphone at inabala ang sarili sa paghahanap ng marerentahang condominium unit na malapit dito sa lugar. Sa ganitong edad ko ay gusto ko nang tumira mag-isa. Balak kong tumira sana sa isang condominium kung makakahanap ako na medyo mura. Hindi pa ganoon kalaki ang naipon ko pero sapat na iyon para makapagrenta ng unit. Marami akong nakikitang maganda pero panlulumuan ka naman sa presyo. Naaalala ko ang sinabi ni Jalen kanina. Tama siya. Kung tutuusin ay afford nila mama na bilhin ang kahit anong gusto ko pero ako iyong may ayaw. Ayoko lang na may masabi sila pagkatapos. 

“Magkaiba ang bar sa club, Rui!”

Pinigilan nila akong dalawa nang subukan kong umalis. Akala ko waitress sa isang restaurant ang tinutukoy nila Amay at Greggy na raket kahapon. Nasapo ko ang noo habang pinapanood ang mga babae at lalaking pumapasok sa loob. 

“Sa club nangyayari ang girls take-out at jugjugan pero dito sa bar puro pasosyal lang ganun!”

“Pareho lang ‘yon!” asik ko.

“So tatanggi ka sa grasya?”

“Ba’t ba kasi—

“Okay, ipapaliwanag ko ulit ha? Hindi tayo makikipagjugjugan dito, bruha!” si Amay. Pinagtawanan nila akong dalawa ni Greggy. Naiinis ako kasi hindi nila nilinaw sa akin kahapon. Oo nga’t ayos lang sa aking maging waitress pero huwag naman sa ganitong lugar. 

“Tara na Greggy, ayaw ata nitong kumita” Pinigilan ko ang kamay ni Amay. Nilingon nila akong dalawa.”Oh?”

“Oh sige sige na nga” kamot ko sa ulo. Kapag nalaman ito nila mama ay paniguradong papagalitan nila ako. Kilala nila mama at papa sila Amay at Greggy at ilang beses na rin akong pinayuhan ni mama na layuan silang dalawa dahil ayaw niya akong dumidikit sa mga katulad nila. Katulad nila? Tao rin naman sila kagaya ko. Ang homophobic lang sa pandinig. 

“Hep-hep! Waitress lang ‘to ha?” hinila ako ni Amay matapos sabihin iyon. Kaharap namin ang isang babae at mukhang siya ang may-ari sa lugar na ito. Nabanggit kasi nilang dalawa kahapon na kaibigan nila ang nagpapatakbo sa lugar. Transgender ito pero hindi halata dahil masyadong feminine ang mukha at katawan. Totoo nga ang sinabi nila dahil kaharap namin ito ngayon. Ningitian ako ng babae kaya napilitan akong ngumiti. 

“May pagka Maria Clara ang isang ‘to, madam. Masyadong conservative!”

Siniko ko si Amay.

“Hindi Maria Clara iyan, Amay. Si Sisa ‘yan!” pang-aalaska naman sa akin ni Greggy. Sinigawan ko silang dalawa. Ningitian kami ni Mother Lilie kung tawagin nila at binati kaming tatlo. Nag-usap sila sa lingwaheng sila lang ang nagkakaintindihan. Itinuon ko sa paligid ang paningin at nanlumo. 

Nakasimangot, dumiretso ako sa pahabang table para tulungan ang isang bartender sa paglalagay ng inumin sa baso. Hindi ako komportable sa suot kong kulay puting uniporme ngayon dahil masyado iyong hapit sa katawan. Pakiramdam ko kaunti na lang ay luluwa na ang dalawang dibdib ko. Masyadong maikli rin ang itim na skirt na ibinigay. 

“Rui, may kailangang i-serve sa VIP room. Gusto mong ikaw na?” mabilis akong tumanggi sa alok ni Amay. “Shunga, baka may tip pa ‘yon”

“Ikaw na lang”

“Psh, ikaw hetong gipit sa’ting dalawa” ngiwi niya. “Okay, ako na nga”

Pinanood ko siyang maglakad palayo. Nasa kabilang station naman si Greggy at abala rin. Inis kong ibinaba na naman ang umiiksing skirt na suot. 

“Bago ka lang?”

Huminto ako sa pagbaba ng skirt ko at napapahiyang nilingon ang kasama kong bartender. “O-Oh, eh” pekeng tawa ko. Abala siya sa paghahalo ng inumin para sa nakaupong dalawang babaeng customer sa harapan namin. Wala sa akin ang mga mata ng bartender na ito pero mukhang napansin niya ang ginagawa ko kanina pa sa suot ko. 

“Boulevardier and Moscow Mule for you and Asperol Spritz and Bloody Mary for you, lady” abot niya ng cocktail glasses sa dalawang babae na halatang patay na patay sa kanya. He seemed unbothered, mukhang sanay na. 

“Thank you, Jin!” magkasabay na usal ng dalawang babae.

Ensaktong lumingon sa akin ang bartender nang tapikin ako ni Greggy. “Rui, pakihatid nga sa table do’n”

“S-Saan?”

“Ayun. Iyong loner sa table na ‘yon. Nakita mo na?” nguso ni Greggy. Tumango ako.

Ramdam ko na naman ang pag-angat ng skirt ko habang naglalakad palapit sa tinutukoy niyang table. Mahigpit kong hinawakan ang tray na dala na may nakapatong na baso at inumin. Nakayuko na ang isang lalaki roon na mukhang lasing na. Maingat kong ibinaba ang tray sa lamesa niya nang makalapit. “What a mess” wala sa sarili kong usal. Maski ako ay nagulat din sa sinabi ko. Tuluyan akong pinamilugan ng mata nang kumilos siya at nag-angat ng tingin. 

Bigla akong naestatwa nang makita ang pagmumukha niya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status