LOGINHindi ako gumalaw. Tinitigan ko lamang siya habang pilit siyang pinatatayo ng mga security personnel palayo.“Amiel! Ako ito! Ako ang babaeng minahal mo!”Napahigpit ang panga ko. “Hindi ko na alam kung sino ka,” mariin kong sagot.Saglit siyang natigilan. At sa unang pagkakataon mula nang magkakilala kami, nakita ko ang totoong takot sa mga mata niya—ang takot na hinding-hindi ko na kayang pawiin sa pamamagitan lamang ng isang yakap o matamis na pangako.“Hindi mo puwedeng gawin ito sa akin,” bulong niya, nanginginig ang mga labi.“Hindi ko ginawa ang lahat ng ito sa iyo, Audrey. Ang mga sarili mong desisyon at kasinungalingan ang nagdala sa iyo rito.”“Sinira mo ang buhay ko!”Hindi na ako sumagot. Dahil alam kong wala na akong dapat patunayan o ipaliwanag pa sa kanya.Habang inilalayo siya nang tuluyan ng mga guwardiya, patuloy pa rin siyang nagpumiglas at sumigaw. “Amiel! Tandaan mo ang araw na ito!” Lumingon siya sa akin, at ang mukha niyang kanina ay basang-basa ng pagmamakaawa
“Kung mahal mo ako, bakit mo ginamit ang pangalan ni Micah para palabasing siya ang masama? Bakit mo siya pinahiya? Bakit mo pinaniwala ang sarili mong may karapatan kang yurakan ang mga taong nagtatrabaho para sa akin?”“Dahil natakot ako!” sigaw niya sa gitna ng pag-iyak. “Dahil ayokong mawala ka sa akin!”“Kung gayon, dapat mas natakot kang saktan ang mga taong mahalaga at tunay na nagmamahal sa akin!”Natigilan siya.Gayunpaman, hindi pa rin siya sumuko.Dahan-dahan siyang gumapang palapit sa akin. Napaatras ako agad.“Audrey, huwag.”Ngunit hindi siya nakinig. Hinawakan niya ang laylayan ng pantalon ko at mahigpit na kumapit sa binti ko nang may desperation.“Please, Amiel. Please!” humahagulgol niyang sambit. “Kahit huwag mo na akong mahalin. Kahit hindi mo na ako pansinin kailanman. Bigyan mo lang ako ng trabaho!”“Ano?”“Wala na akong mapuntahan! Wala nang tumatanggap sa akin kahit saan! Alam na nila ang ginawa ko. Kahit saang kumpanya ako mag-apply, tinatanggihan nila ako!”Na
“Audrey, bitawan mo ako.”“Hindi! Please!” nanginginig ang boses niya habang mas lalong humihigpit ang kapit. “Alam kong galit ka sa akin. Alam kong nasaktan kita. Pero huwag naman sanang ganito. Huwag mo naman akong tuluyang iwan sa ere.”Tiningnan ko ang mga nanginginig niyang kamay na nakakapit sa aking braso.Dati, sa bawat pagkakataong ginagawa niya ito, pakiramdam ko ay kailangan ko siyang sagipin at protektahan sa anumang kapahamakan. Pakiramdam ko ay may mabigat akong responsibilidad na tiyaking walang sinumang mananakit sa kanya.Ngunit ngayon, ang tanging nararamdaman ko ay ang labis na kapaguran. At ang isang matinding kalungkutan para sa sarili kong naging bulag nang napakatagal.“Isang linggo na,” mahina kong wika. “Isang linggo na mula nang malaman ko ang buong totoo, Audrey. At ngayon ka lang nagpakita.”“Hindi kita maiwasang lapitan dahil alam kong ayaw mo akong makita!” mabilis niyang sagot. “Ilang beses kitang tinawagan. Ilang beses akong pumunta rito, pero hindi ako
Isang linggo na ang lumipas mula nang tuluyang mabunyag ang mga kasinungalingan ni Audrey.Isang linggo na rin mula nang tuluyang gumuho ang buhay na akala ko ay maayos kong naitatayo kasama siya.Sa loob ng isang linggo, marami akong natutuhan tungkol sa aking sarili. Natutuhan kong puwedeng maging bulag ang isang tao kahit bukas na bukas ang kanyang mga mata. Puwedeng maging bingi kahit malinaw na malinaw ang katotohanang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kanya. At higit sa lahat, puwedeng makasakit ng napakaraming tao ang isang lalaking naniniwalang siya lamang ang tama sa lahat ng pagkakataon.Ako ang lalaking iyon.Ako ang taong nagbigay kay Audrey ng kapangyarihang manakit ng iba dahil naniwala akong siya ang babaeng nagligtas sa buhay ko. Ako ang nagbintang kay Micah nang hindi man lang hinintay o hiningi ang panig niya. Ako ang nagbanta sa mga empleyado kong matagal nang nagtatrabaho para sa kumpanya dahil lamang ayaw nilang magpagamit sa babaeng mahal ko.At ako rin ang lal
“Daddy, seryoso naman po ako,” sagot ni Akiro. “Gusto ko lang malaman ni Kuya na mahal namin siya kahit minsan, parang hindi ginagamit ang utak niya.”“Hoy!” reklamo ko.Mas lumakas ang tawanan namin.At sa unang pagkakataon sa maghapon, gumaan nang bahagya ang dibdib ko.Hindi dahil nawala ang problema ko.Hindi dahil bigla akong pinatawad ni Micah.Kundi dahil kahit sa sandaling nakita nila akong bumagsak, hindi ako nag-iisa.Maya-maya, tumayo si Amara at niyakap ako mula sa gilid.“Group hug!” sigaw niya.“Amara, ano ba—”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil niyakap na rin ako ni Akiro mula sa harap. Sumali si Mommy, at kahit si Daddy na kanina’y kunwari pang seryoso ay lumapit at inilagay ang kamay sa aming mga balikat.Nagsiksikan kaming apat sa sofa habang nagtatawanan at nagrereklamo dahil walang komportableng puwesto.“Ang sikip!” reklamo ni Akiro.“Edi bumitaw ka!” sagot ni Amara.“Hindi nga! Ako ang bunso, dapat ako ang nasa gitna!”“Ang kapal ng mukha mo!”Natawa si M
Pagdating ko sa bahay, mabigat pa rin ang dibdib ko.Buong biyahe, paulit-ulit kong naaalala ang mga nangyari sa kumpanya. Ang mukha ni Micah habang nakatayo sa harap ng lahat. Ang mga dokumentong nagpatunay na siya ang tunay na nagligtas sa buhay ko. At ang huling mensaheng ipinadala ko sa kanya na hanggang ngayon ay wala pa ring sagot.Hindi ko siya masisisi.Kung ako ang nasa kalagayan niya, marahil ay hindi ko rin gugustuhing makipag-usap sa isang taong paulit-ulit akong hinusgahan nang hindi man lang ako pinakikinggan.Huminga ako nang malalim bago buksan ang pinto ng bahay.Ngunit bago pa ako tuluyang makapasok, narinig ko na ang masasayang tawanan mula sa sala.“Ang ganda talaga ng lakad mo, Amara!” masiglang papuri ni Mommy Rendy. “Nakita ko ang video ng runway mo. Ang galing mo! Parang ipinanganak kang nasa stage.”Napangiti ako nang bahagya.“Mommy, tigilan mo nga ako,” natatawang sagot ni Amara. “Nahihiya ako!”“Bakit ka mahihiya? Maganda ka, mahusay ka, at pinaghirapan mo
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m
PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots







