LOGINPOV: MicahPagkasara pa lamang ng pinto ng executive office ni Amiel, agad kong ibinaba ang aking mga balikat at marahang ipinikit ang aking mga mata."Finally..."Iyon lang ang nasambit ko bago ako nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga.Pagod na pagod ako.Hindi iyong uri ng pagod na mararamdaman mo pagkatapos ng isang mahabang shopping spree sa Rockwell o isang gabing halos hindi ka nakatulog dahil sa pagpapakapuyat sa panonood ng paborito mong K-drama series. Hindi rin iyong mababaw na pagod na madaling nawawala pagkatapos uminom ng iced Americano at sumandal sa komportableng sofa.Ito iyong pagod na ramdam mo hanggang sa kaibuturan ng mga daliri mo—iyong pakiramdam na kahit ang pag-angat ng isang pulso para tumingin sa oras ay parang kailangan mo pang pagplanuhan.Buong araw akong nakatutok sa mga kapares na dokumento, meeting preparations, departmental financial reports, at kung anu-ano pang kailangang ayusin at linisin sa departamento ni Amiel. At hindi pa roon natatap
Natahimik ako sandali habang inilalabas ang sasakyan sa parking. "How was your day down there?"Nakarinig ako ng mahinang buntong-hininga sa kabilang linya. "Same as usual... Maraming panggigipit at pinapagawa. May ilang documents na pinabalik sa akin dahil may mali raw sa formatting, tapos may report na kailangan kong ulitin dahil hindi raw tugma ang figures sa finance."Napahigpit ang hawak ko sa manibela habang nakikinig. "Did you ask someone to explain the corrections to you?""Yes... pero parang naiinis lang sila kapag nagtatanong ako.""Then ask them to show you properly. You can't learn if they only tell you that something is wrong without explaining why," paliwanag ko sa kaniya."Alam ko naman, Amiel. Pero minsan, pakiramdam ko ayaw talaga nila sa akin at pinag-iinitan lang ako."Napapikit ako saglit sa pulang ilaw ng trapiko. Hindi ko gustong isipin na totoo ang sinasabi niya, ngunit hindi ko rin gustong ipagpalagay na walang dahilan ang mga empleyado upang mainis kung paulit
Hindi ko inaasahan ang mga salitang iyon mula sa kaniya. Sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa aking opisina, wala siyang halong pang-aasar o pahiwatig sa kaniyang boses. Seryoso siya sa kaniyang mga sinabi—mula sa kaniyang prinsipyo sa trabaho.At ang mas nakakainis, wala akong mahanap na kahit anong dahilan upang kontrahin siya."I expect that from anyone I hire," malamig kong sagot."I know.""Then don't make it sound like you're doing me a favor.""I didn't say I was doing you a favor, Sir.""Good."Ngumiti siya nang bahagya. "I'm just doing my job. That's all." Pagkasabi niyon ay bahagya siyang yumuko bilang paggalang. "Good night, Mr. Robles.""Good night."Lumabas siya ng opisina at dahan-dahang isinarad ang pinto.Naiwan akong nakatingin sa pintuan. Muli kong naramdaman ang kakaibang bigat sa dibdib ko—hindi dahil sa mismong mga salita niya, kundi dahil sa matalas na direksyon kung paano niya ito sinabi.Hindi niya ako pinilit na magustuhan siya. Hindi niya ako hinil
Si Audrey ay hindi lumaki sa mundong ginagalawan nina Micah at ng mga magulang nito. Hindi siya anak ng mga tycoon. Hindi siya sanay sa mga board meeting at business negotiations. Hindi rin siya nagmula sa pamilyang may malawak at matatag na koneksiyon sa negosyo.At marahil, iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko siya kailanman hinusgahan nang ganoon kahigpit.Hindi ko hiniling na maging katulad siya ng ibang tao. Hindi ko siya pinilit na makipagsabayan sa mga taong mas may malawak na karanasan sa kaniya. Gusto ko lamang na maging komportable siya sa trabaho niya. Gusto ko lamang na magkaroon siya ng pagkakataong matuto nang paunti-unti.Gusto ko lamang na hindi siya masaktan.Ngunit habang iniisip ko iyon, isang mabigat na tanong ang hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko: 'Hanggang kailan ko siya kailangang protektahan mula sa mga bagay na dapat ay matutunan niyang harapin nang mag-isa?'Napatingin ako sa summary report na nasa aking mesa.Hindi ko gustong maging malupit
Muli na namang napunta sa isip ko ang kalagayan niya sa chairman's office.Hindi ko naman gustong mahirapan siya roon. Alam kong sinasadya ng Mommy ko na subukin at gipitin siya, at hinding-hindi ko nagustuhan ang paraang ginagamit nito para lamang itaboy si Audrey.[Amiel: Don't skip your meals, babe. And don't hesitate to ask for help if you need it.][Audrey: I know. Thank you, love. Miss na kita.]Napangiti ako nang bahagya habang tinitingnan ang screen.[Amiel: Miss you too.]Ibinalik ko ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Ngunit nang mag-angat ako ng paningin, nakita ko si Micah na nakatayo sa tapat ng pinto at tahimik na nakatingin sa akin."What's that look for?" tanong ko, bahagyang kumunot ang noo.Umiling siya nang may bahagyang ngiti sa labi. "Nothing, Sir.""Then why are you staring?""Because you look entirely different when you're talking to someone you truly care about."Awtomatikong nawala ang ngiti sa labi ko. "That's none of your business, Micah.""Of course," sagot ni
Napatingin ako kay Micah, na kasalukuyang maingat na tumutulong sa isang director na ibalik ang mga dokumento sa tamang folder."Micah prepared it," sagot ko kay Director Santos.Bahagyang napataas ang kilay ng matanda, kitang-kita ang gulat sa kaniyang mga mata. "Really? She's only been with you for a week, hasn't she?""Yes, Director.""Impressive," tumango-tango siya nang may matinding paghanga. "She clearly understands the material. And she knows how to present it without wasting everyone's time.""She's doing well.""Well? Keep her, Mr. Robles. People like that are extremely valuable to the company."Pagkasabi niyon ay ngumiti siya sa akin, tinapik muli ang balikat ko, at tuluyang lumabas ng conference room.Naiwan akong nakatayo sa tabi ng malaking mesa, hawak ang sarili kong leather folder.'Keep her...'Napailing ako sa sarili ko.Hindi naman ako ang magpapasya kung hanggang kailan mananatili si Micah bilang executive secretary ko. Alam kong pansamantala lamang ang lahat ng it
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m
PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots







