MasukPOV: MicahHuminga ako nang malalim bago tuluyang harapin si Julian.Kanina pa siya nakatayo sa harap ng mesa ko, hawak ang isang folder na katatapos lang naming pag-usapan. Ilang minuto na rin kaming tahimik mula nang matapos ang meeting namin. Para bang may gusto pa siyang sabihin, pero nag-aalangan siyang ilabas iyon.Ngumiti ako sa kanya. "Dito na lang, Julian. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo."Napakamot siya sa ulo at bahagyang natawa. "Sigurado ka na ba talaga?"Napataas ang kilay ko. "Alin?""Alam mo na kung ano."Napatawa ako nang mahina. "Julian, ilang beses mo pa ba akong tatanungin?""Hangga't hindi ako sigurado sa sagot mo."Umupo ako sa swivel chair at pinagkrus ang mga braso. "May pagkakataon pa ba akong bawiin ang desisyon ko?""Meron naman. Hindi pa naman ako nakakapagpa-print ng wedding invitations."Natawa ako nang tuluyan. "Ang aga mo naman!""Eh, kasi baka bigla mong sabihin na gusto mo na akong pakasalan."Umiling ako habang nakangiti. Nakakatuwa talaga si
“Oo na, oo na.”Napansin kong may ibinulong si Amara kay Micah. Hindi ko narinig kung ano iyon dahil mahina lamang ang kanilang pag-uusap. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Micah bago ito ngumiti at marahang tinapik ang braso ng aking kapatid.“Ano iyon?” tanong ko, bahagyang nagtataka.Agad na humarap sa akin si Amara. “Wala!”“Parang may pinag-uusapan kayong dalawa, e.”“Mga usapan ng babae ito, Kuya. Hindi mo kailangang malaman.”“Talaga lang ha?”“Oo.”Napatingin ako kay Micah. Ngumiti lamang siya at umiling, na para bang tahimik na sinasabing huwag ko na silang usisain pa.Hindi ko na sila pinilit.Maya-maya pa ay nagpaalam ang dalawa.“Aakyat muna kami sa silid ko,” sabi ni Amara. “May ipapakita ako kay Micah.”“Anong ipapakita mo na naman?” tanong ni Akiro na kasalukuyang kukuha ng inumin sa mesa.“Mga damit!”“Akala ko ba may dala ka nang mga damit galing New York?”“Meron nga. Kaya nga ipapakita ko sa kanya!”Napailing si Akiro. “Bahala kayo riyan.”“Mommy, aakyat lang kami s
Sa wakas, nakalabas na rin ako ng ospital.Ilang araw akong nanatili roon matapos ang insidente kay Audrey. Naging mahirap ang pagpapagaling, lalo na noong mga unang araw na halos hindi ako makagalaw dahil sa sugat sa aking tagiliran. Pero sa tulong ng mga doktor, gamot, at higit sa lahat, sa walang sawang pag-aalaga ni Micah, unti-unti akong nakabawi.Hindi ko maitatangging naging masaya ako sa mga panahong iyon.Hindi dahil sa pagkakasugat ko, kundi dahil sa pagkakataong nakasama ko siya nang malapitan kahit sandali. Kahit hindi namin tuwirang pinag-uusapan ang nakaraan, kahit puro trabaho at mga nangyayari sa labas ang laman ng aming mga kwentuhan, sapat na sa akin ang makita siya sa bawat pagmulat ng aking mga mata.Ngayon, nakauwi na ako sa aming tahanan.Naroon ang buong pamilya ko upang salubungin ako nang may ngiti. Si Mommy Rendy, Daddy Denis, Akiro, at si Amara na kararating lamang mula sa New York. Kasama rin namin si Micah, na mula pa noong maospital ako ay hindi nagkulang
Ilang araw pa raw akong mananatili sa ospital ayon sa doktor. Hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat ko sa tagiliran at kailangan ko pang magpahinga nang lubusan upang maiwasan ang anumang komplikasyon. Kahit na gustong-gusto ko nang lumabas at umuwi, wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanilang payo.Sa totoo lang, hindi naman ganoon kasama ang manatili rito.Dahil naroon si Micah.Hindi naman siya palaging nasa tabi ko dahil marami rin siyang mahahalagang inaasikaso sa Lorenzo Corporation. May mga meeting siyang kailangang daluhan, mga tambak na dokumentong kailangang pirmahan, at mga desisyong negosyo na naghihintay sa kanyang pagpapasya. Pero sa tuwing matatapos ang oras ng trabaho niya, hindi siya lumalampas ng isang araw nang hindi dumadaan sa ospital.Minsan ay may dala siyang paborito kong pagkain. Minsan naman ay mainit na kape para sa sarili niya at ilang sariwang prutas para sa akin. May mga pagkakataong diretso siyang uupo sa upuan sa tabi ng aking kama habang binubuksa
“Hindi ikaw ang nagbigay sa akin ng kidney. At hinding-hindi ikaw ang nagligtas sa buhay ko.”Natahimik siya, ngunit ilang segundo lamang ang lumipas ay sumambulat ang kanyang galit. Marahas siyang umiling habang pilit na pinaninindigan ang kanyang kasinungalingan.“Sinungaling ka, Amiel! Ako ang nagbigay sa iyo ng kidney! Ako ang nagligtas sa buhay mo!” sigaw ni Audrey, nanginginig ang buong katawan habang dinuduro ang sarili. “Nakalimutan mo na ba?! Ako ang nagbantay sa iyo noon! Ako ang nagtiis para lang mabuhay ka!”“Huwag mo nang ipagpilitan ang kasinungalingang iyan, Audrey,” malamig kong sagot. “Alam ko na ang totoo. Si Micah ang nagbigay niyon. Si Micah ang nag-isa at tahimik na nagligtas sa akin nang walang hinihinging kapalit habang ikaw ay abala sa pag-angkin sa buhay ko.”“Hindi totoo iyan! Ako iyon! Ako!” hysterical na sigaw niya, pilit pa ring itinatanggi ang katotohanan hanggang sa huli. “Bakit ba mas pabor ka sa kanya?! Minahal kita, Amiel! Binigay ko ang lahat para sa
“Micah…”Bahagya akong itinulak ng babae sa harapan ko. Nagtataka siyang tumingin sa akin, tila hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya.“Amiel, ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit mo ako niyayakap? galit ka sa akin, hindi ba?” nangunot ang noo sa kanyang magandang mukha.Hindi ako agad nakasagot.Nakatingin lamang ako sa mukha niya—sa mga matang minsan kong binalewala, sa mga labing minsan kong pinagkaitan ng magandang salita, at sa ngiting matagal kong hindi pinahalagahan.Hindi ko alam kung bakit parang ngayon ko lamang lubusang nakita ang kagandahan niya. Hindi dahil sa panlabas na anyo, kundi dahil sa wakas ay nabuksan ang mga mata ko sa katotohanang matagal ko nang tinatakasan.Ngumiti ako nang marahan. “May narealize lang ako.”Napakunot-noo siya. “Ano naman iyon?”Huminga ako nang malalim bago muling hinawakan ang kanyang mga kamay. “Ikaw pala ang babaeng para sa akin, Micah.”Nanlaki ang mga mata niya. “Anong sinasabi mo?”“M
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots
Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m







