Share

Chapter 2

Author: Blue Jasmine
last update publish date: 2026-05-20 09:52:30

Walang kamalay-malay si Juancho na may matinding galit ang dalawang taong nasa harap niya. Nanatili siyang kalmado, blangko ang ekspresyon habang balak sanang maupo sa sofa.

"Huwag kang maupo! Tumayo ka riyan!"

Isang matalim na pautos ang bumasag sa katahimikan mula kay Teresita. Natigilan si Juancho. Bahagyang nagtagpo ang kanyang mga kilay ngunit hindi siya lumaban. Biyenan niya pa rin si Teresita. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya Gokongwei kaya para sa kanya ang bawat panunumbat at galit nito ay tinatanggap niya na parang isang mahigpit na ina.

Nang makitang sumunod si Juancho, bahagyang lumambot ang mukha ni Teresita. Ngunit bago pa man ito makapagsalita muli, humakbang na si Alfonso ng dalawang beses para humarang sa mismong tapat ni Juancho.

Napatingin si Teresita sa kanilang dalawa. Halos magkapareho sila ng taas. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, si Juancho na madalas ay mukhang mahina at walang laban ay tila nagtataglay ngayon ng isang awra na mas matayog at mas nakatatakot kaysa kay Alfonso. 

Napakurap si Teresita, iniisip na baka namamalikmata lang siya.

Maging si Gretchen na nakatayo sa gilid ay nakaramdam din ng kakaiba. Parang naging ibang tao si Juancho sa mga sandaling iyon.

Subalit para kay Alfonso, nagpapanggap lang na matapang ang lalaking nasa harap niya.

"I have two purposes for coming here this time," nakangiting saad ni Alfonso kay Juancho, mapang-uri ang mga mata. "First, gusto kong makita kung anong klaseng lalaki ang pinakasalan ni Mercedes. Second, ako ang magpapasya kung ano ang gagawin ko sa taong iyon depende sa sitwasyon."

Bahagyang natigilan si Juancho sa narinig. Hindi niya akalaing ang kasal nila ni Mercedes ay kakailanganin pa ng pasya ng isang estranghero.

"Tita, Mercedes is my childhood friend. Gusto ko lang siguraduhin kung kaya ba siyang bigyan ng buhayin at pasayahin ng asawa niya. Hindi naman kayo magagalit sa ginagawa ko, 'di ba?" baling ni Alfonso kay Teresita.

Bahagyang dinalaw ng ilang si Teresita. 

Sa totoo lang, usapin ito ng pamilya Gokongwei, at gaano man kalapit si Alfonso kay Mercedes, nananatili itong ibang tao. Ngunit hindi siya kumibo. Kung tutuusin, gusto niya ring makitang mapahiya si Juancho. Mas mabuti kung kusa itong lalayas sa pamilya nila para makahanap si Mercedes ng mas disenteng asawa!

Ang pananahimik ni Teresita ay itinuring ni Alfonso na isang pagsang-ayon. Muli niyang binalingan si Juancho.

"Now that I've seen it, I'll make a decision." Humakbang pabalik si Alfonso, puno ng pandiri ang tingin kay Juancho. "Hindi ka karapat-dapat para sa kaniya."

"Mercedes needs someone who can help her. Ang pananatili mo rito ay pabigat lang sa kanya." Pagpapatuloy ng binata, mas lalong naging mayabang. "Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ni Mercedes pero kung may kaunti ka pang konsensya alam mong ang pag-alis mo ang pinakamabuting magagawa mo para sa kanya."

"Gawin natin itong simple. I'll give you 100,000 pesos. Simula sa araw na ito, lalakad ka palayo sa pamilya Gokongwei."

Hindi kumilos si Juancho. Tahimik lang niyang pinanood si Alfonso na parang tumitingin sa isang tanga.

Umaapaw ang yabang at kapalaluan sa mukha ni Alfonso. 

Sa isip niya, matapos niyang sabihin ang mga linyang iyon, tiyak na susugod si Juancho para saktan siya tulad ng isang baliw, o kaya naman ay magwawala ito para patunayan ang kanyang dignidad.

Ngunit bakit ganito ito kakalma?

Naging malamig ang mukha ni Alfonso. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla siyang binalot ng takot habang nakatitig sa kanya si Juancho. Isang pakiramdam na labis na nagpaiswal sa kanya.

"Ano'ng tinitingin-tingin mo riyan?! Isang pipi na walang kwenta, nagkakamali ba ako? Maliban sa ikaw ang dahilan ng kamatayan ng mga magulang mo, may lakas ka pa ng loob na sirain ang buhay ni Mercedes!"

"Let me tell you this, Juancho. Ngayong bumalik na ako, hindi ko na hahayaang makasama ka pa ni Mercedes! Hindi magtatagal at palalayasin ka rin sa pamilyang ito! Dadalhin ko si Mercedes sa tuktok, habang ikaw... mananatili kang isang pipi na titingala lang sa akin habambuhay!" malamig na banta ni Alfonso.

Lumingon siya kay Teresita. "Tita, paanong ang isang duwag na katulad ni Juancho ay makakapagbigay ng kaligayahan kay Mercedes? Sabihin niyo lang at palayasin siya, bukas na bukas din ay papakasalan ko si Mercedes!"

Nanginginig ang buong katawan ni Teresita, naguguluhan ang kanyang isip sa mga mabilis na pangyayari.

Malamig ang mga matang binalingan ni Juancho ang kanyang biyenan, ngunit nakita niyang wala itong balak na ipagtanggol siya.

"Huwag ka nang tumingin sa kanya! Kahit ang bobo, pipiliin ang mayaman kaysa sa isang basura! Juancho, hangga't buhay ako, mananatili kang basura sa ilalim ng mga paa ko!"

Sinalubong ni Juancho ang mga mata ni Alfonso. Ang kanyang mga titig ay may dalang kakaibang lamig. 

Nakaramdam si Alfonso ng isang matinding takot na bumaon hanggang sa kanyang buto.

Natatakot siya sa isang pipi? Ang pakiramdam na iyon ay isang malaking kahihiyan para sa kanya!

Agad na nagdilim ang mukha ni Alfonso. Itinaas niya ang kanyang kamay at marahas na sinunggaban ang kwelyo ng damit ni Juancho. "Gago ka, isang pipi ka lang! Ano'ng akala mo sa sarili mo? Kung hindi ka aalis sa harap ko ngayon, ako mismo ang magpapatalsik sa'yo rito!"

Kasabay ng kanyang mga salita, balak sana niyang ihagis palayo si Juancho gamit ang buong lakas. Sa buong pagkakataong iyon, walang sinabing kahit ano si Teresita. Tahimik nitong sinasang-ayunan ang bawat marahas na galaw ni Alfonso.

Ibinuhos ni Alfonso ang lahat ng kanyang lakas, ngunit laking gulat niya nang mapagtantong hindi man lang nagbago ang posisyon ni Juancho. Parang isang naglalakihang pader na hindi matitinag.

"Sino ka ba sa akala mo?!"

Nang makitang hindi niya kayang itulak si Juancho, nagngitngit ang mga ngipin ni Alfonso. Itinaas niya ang kanyang kamao at buong lakas na isinuntok patungo sa mukha ni Juancho!

Walang nakasaksi na aabot sa ganoon ang sitwasyon! Si Gretchen na nanonood lang sa gilid ay natakot din at mabilis na tumayo para pigilan ang gulo.

Ngunit sa sumunod na segundo, ang kamao ni Alfonso ay madaling nasalo ng isang kamay. Hindi na ito nakasulong pa kahit isang pulgada. At ang may-ari ng kamay na iyon ay walang iba kundi si Juancho.

Tulala ang tatlong taong nasa sala habang nakatitig sa kanya. Kailan pa naging ganito kalakas si Juancho?

Namula ang mukha ni Alfonso habang pilit na nagpupumiglas para makawala, ngunit ang kamay ni Juancho ay nanatiling parang bakal na nakakapit sa kanya.

"Ikaw na walang kwenta, duwag, at pipi... bitawan mo ako!" hiyaw ni Alfonso, lumalabas na ang mga ugat sa kanyang leeg.

"Pipi?"

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Juancho sa harap ng naguguluhang mga mata ng tatlo. 

"Walang kwenta?"

Binalot ng nakabibinging katahimikan ang buong sala. Natigilan si Teresita, ganoon din si Gretchen. Ang mga mata ni Alfonso ay napuno ng dugo sa labis na gulat at galit.

"Nakakapagsalita ka...?" tanong ni Gretchen, ngunit agad na napalitan ng matinding pandidiri ang kanyang mukha. "Nakasasalita ka naman pala pero nagpanggap kang pipi! Napakababoy mo! Niloko mo si Ate sa loob ng maraming taon, hindi ka ba nahihiya?!"

Maging si Teresita ay marahas ding napakunot-noo.

Nahimasmasan na si Alfonso. Gamit ang isa pa niyang kamay, mabilis niyang hinablot ang table lamp sa gilid at buong lakas na ipinalo kay Juancho!

"Mamatay ka na!"

Bago pa man tuluyang tumama ang lampara, mabilis na sinunggaban ni Juancho ang leeg ni Alfonso. Agad na nagbago ang kulay ng mukha ng binata—naging ube sa labis na pagkakasakal.

"Ano'ng ginagawa mo?! Bitawan mo ako!" Nag-panic si Alfonso. Ang kamay na nakasakal sa kanyang leeg ay may taglay na kakaiba at nakatatakot na lakas.

"Sino ka para subukang patayin ako?" Bakas ang galit sa boses ni Juancho, tuluyan nang nauubos ang kanyang pasensya para sa lalaking ito.

"Juancho, tumigil ka riyan! Alam mo bang labag sa batas ang manakit ng tao?!" sigaw ni Teresita, natatakot na baka sa isang iglap lang ay mapatay ng manugang si Alfonso.

Bahagyang natigilan si Juancho at lumingon kay Teresita na may kunot sa noo.

“Labag sa batas ang manakit? Noong sinubukan akong saktan ni Alfonso kanina, bakit hindi mo sinabing labag 'yon sa batas?”

Bago pa man makahingi ng paliwanag si Juancho, biglang tumunog ang telepono ni Teresita.

Agad na sinagot ng matanda ang tawag. Ang boses sa kabilang linya ay halatang balisa at sumisigaw, dahilan para mapatigil sa ere si Teresita, tuluyang naging estatwa.

"Ano... ano'ng sinabi mo? Si Mercedes... naaresto?"

Naaresto si Mercedes?

Binalot ng matinding gulat ang bawat isa sa loob ng silid.

"Sige, sige! Papunta na ako!"

Natatarantang ibinaba ni Teresita ang telepono. Kasabay niyon ay marahas na binitiwan ni Juancho ang leeg ni Alfonso. Pabagsak na napaatras ang binata. 

Gayunpaman, nakatatak na sa isip ni Juancho ang mukha nito. Kung hindi pa rin ito titigil at susubok muling gumawa ng gulo, hindi na siya magdadalawang-isip na pilayin ito.

"Tita, ano'ng nangyari kay Mercedes?" Hinimas ni Alfonso ang kanyang leeg, umaapaw ang poot sa kanyang mga mata habang pilit na ibinabaon ang galit. Tanda niya ang araw na ito. Babalikan niya si Juancho.

"May problema sa kumpanya. Pinaliligiran na ng pulis ang kumpanya at arestuhin daw si Mercedes," balisang sagot ni Teresita, halos maiyak na.

"Pulis? Tita, don't worry. May mga kakilala ako sa presinto rito. Sasamahan ko kayo, kakausapin ko sila. Ako ang bahala, siguradong walang mangyayaring masama kay Mercedes."

Nakahinga nang maluwag si Teresita sa narinig. Agad niyang hinila sina Alfonso at Gretchen palabas ng bahay.

Kumislap ang mga mata ni Juancho. Walang sabi-sabi ay sumunod siya sa kanila.

"Bakit ka sumusunod?! Manatili ka na lang sa bahay! Magdadala ka lang ng kamalasan doon at ako pa ang maglilinis ng dumi mo!" pandidiri ni Teresita bago sila mabilis na sumakay sa sasakyan at pinasibad ito palayo.

Naiwang nakatayo si Juancho sa tapat ng pinto. Pinanood niya ang papalayong sasakyan nang walang kahit anong emosyon. Matagal na niyang alam na walang gusto sa kanya ang pamilya Gokongwei. Si Mercedes lang naman ang nagpumilit sa kasal na ito, at kailanman ay hindi iyon tinanggap ng mga magulang ng asawa.

Ngayong dumating pa ang panggugulo ni Alfonso, lalong bababa ang tingin sa kanya ni Teresita.

Ngunit kahit anong mangyari, si Mercedes ang asawa niya. At dahil nasa panganib ito, kailangan niyang pumunta roon makatutulong man siya o hindi.

Lumabas si Juancho sa subdivision at pumara ng taxi. 

"Sa RB Cosmetics po."

Pagdating niya sa RB Cosmetics, sinalubong agad siya ng nagkakagulong marami sa tapat ng gusali. Mula sa loob ng main hall, naririnig ang nagngangalit na mga sigaw ng mga tao. Doon ay pinaliligiran ang isang babaeng may angking ganda at perpektong hubog ng katawan.

Si Mercedes.

Direktang nakaharap sa kanya ang isang babaeng tadtad ng mapupulang nanalang mamaso at taghiyawat ang buong mukha. Histerikal itong sumisigaw at nagpapakawala ng mga mura kay Mercedes.

"Napakakinis ng mukha ko noon! Pero sinira mo ang lahat dahil sa mga basurang cosmetics na ibinebenta mo! Napakasama ng ugali mo! May pamilya ka ba?! Bakit ka nagbebenta ng mga pekeng cosmetics?!"

Tinitigan ni Mercedes ang mga taong nakapaligid sa kanya na walang tigil sa pagbulong at pagturo sa kanya. Bakas ang labis na takot at pagkalito sa kanyang magandang mukha. Alam niyang ligtas ang kanilang mga produkto, kaya bakit nagkaganito ang mukha ng babaeng ito?

Nang makita ng biktima ang walang kapintasang mukha ni Mercedes, lalong umakyat ang matinding inggit sa utak nito.

"Mamili ka! Mabulok ka sa kulungan, o sirain mo ang sarili mong mukha at lumuhod ka sa harap ko para magmakaawa o magbayad ng isang daang milyong piso para sa danyos!"

Isang daang milyon...

Natigilan si Mercedes. Isang imposibleng hiling. Kahit pa ubusin at ibenta ang lahat ng ari-arian ng pamilya Gokongwei, hinding-hindi nila maaabot ang halagang iyon.

Lumingon si Mercedes sa kanyang paligid, humihingi ng tulong, ngunit agad na nag-iwas ng tingin ang mga katrabaho niya at napaatras. Walang gustong madamay. 

Ang babaeng sumusugod ngayon ay nagmula sa isang napakamakapangyarihang pamilya at isang maling galaw lang ay baka buhay nila ang maging kapalit.

Habang pinapanood ang pag-iwas ng mga taong itinuring niyang kaibigan, dinalaw ng lamig ang puso ni Mercedes.

Eksakto namang nagkagulo sa may pinto at pumasok sina Teresita, Gretchen, at Alfonso. Nang makita ang malalang kondisyon ng mukha ng babae, napasinghap din ang tatlo. Alam nilang malaking gulo ito.

"Mom," bulong ni Mercedes, tila nakakita ng sandigan.

"Bakit ako tinawagan ng katrabaho mo?" lumunok si Teresita bago nagtanong.

Nagngitngit ang mga ngipin ni Mercedes at mabilis na ipinaliwanag ang sitwasyon—na nagkaroon ng malalang reaksyon ang mukha ng babae dahil sa kosmetikong pino-promote niya, kahit na wala namang ibang nakaranas ng ganoon sa ibang kostumer.

"Ikaw ba ang ina ng babaeng ito?" humalakhak ang nanalang babae. "Since nandito ka na rin naman, ilabas mo na ang isang daang milyong piso ngayon din! Paluhurin mo ang anak mo, sirain ang mukha niya habang humihingi ng tawad para tapos ang gulo!"

"Kung hindi... sisiguraduhin kong sa rehas ang bagsak niyan!" hiyaw ng babae.

"Ano?! Isang daang milyon?!" halos mawalan ng hininga si Teresita.

Napakunot-noo si Alfonso at naglakas-loob na humakbang pasulong. "Madam, sinabi na rin naman ni Mercedes na marami ang gumagamit ng cosmetic na ito at kayo lang ang nagka-ganito. Malinaw na hindi ang produkto ang may kasalanan."

Agad na nagdilim ang mukha ng babae. "Gago ka ba? Ano'ng ibig mong sabihin? Na sinadya kong sirain ang sarili kong mukha para lang perahan kayo?!"

Bahagyang kinabahan si Alfonso, ngunit pinilit niyang panatilihin ang marangyang tindig. "How about this, let's compromise. May mga koneksyon ako sa district head. Kung papatayin natin ang isyung ito, pwede kitang tulungan sa kahit anong kailangan mo, tulad ng mga malalaking proyekto, ibibigay ko—"

"Sino ka ba sa akala mo para ipagmayabang ang district head na 'yan? Ang district head mo ay parang ipis lang sa harap ko!" marahas na putol ng babae, puno ng pandidiri kay Alfonso.

"I'm Edgardo Almeda's sister!"

Ano...? Si Edgardo Almeda?

Tuluyang napatulala si Alfonso. 

Si Edgardo Almeda ang bagong upong Association Secretary ng Buenavista City. Isang napakataas na opisyal na kayang magpabagsak ng kahit sinong negosyante sa isang kurap lang.

Nang marinig ang pangalang iyon, lalong napaatras ang mga tao sa paligid. Maging si Mercedes ay tuluyang nawalan ng lakas. Hindi niya akalaing ang isang simpleng gusot sa kumpanya ay aabot sa isang napakamakapangyarihang tao.

Nanghina rin ang mga tuhod ni Teresita. Ano na ang gagawin nila?

Habang ang lahat ay binalot ng takot, dahan-dahang umabante pabalik si Alfonso at pumuwesto sa likod. Hindi niya kayang kalabanin ang ganoong kalaking tao, at wala siyang balak madamay sa pagbagsak ng mga Gokongwei.

Nang makita ni Teresita ang pag-iwas ni Alfonso, umakyat ang matinding galit sa kanyang dibdib. Kung makasigaw at makapagmalaki ito sa bahay nila kanina, akala mo ay kayang ibigay ang buong mundo kay Mercedes, ngunit ngayong totoong gulo na ang nasa harap, mabilis pa ito sa alas-kwatrong naghugas ng kamay!

"Kung papayag ang ginang na ito na tingnan ko ang kanyang mukha, sinisiguro ko na sa loob ng sampung minuto, mawawala ang lahat ng mamaso at pamamaga riyan. Pagkatapos niyon, tabla na tayo. Ano, payag ka ba?"

Isang baritono at malamig na boses ang biglang bumasag sa maingay na bulwagan. Sabay-sabay na lumingon ang lahat sa tapat ng pinto. Gusto nilang makita kung sinong baliw ang may lakas ng loob na magsalita ng ganoong kawalang-galang sa gitna ng ganitong sitwasyon.

Puno ng pasasalamat na lumingon si Mercedes, ngunit agad na naging yelo ang kanyang buong katawan nang makita kung sino ang nagsalita.

"Juancho... nakakapagsalita ka na?" tulalang tanong ni Mercedes. Hindi kayang iproseso ng kanyang utak kung paanong ang piping asawa na kasama niya sa loob ng isang taon ay dire-diretsong naglalakad ngayon habang nagsasalita.

Nang makita naman ni Alfonso si Juancho, bigla itong humalakhak nang malakas. "Akala ko naman kung sinong henyo, ang palamunin at walang kwentong asawa mo lang pala, Mercedes! Isang taon ka nang nakasandal sa pamilya Gokongwei dahil wala kang trabaho, tapos ngayon sasabihin mong kaya mong gamutin 'yan? Napakayabang mo, hindi mo naman kayang panindigan!"

Ang mga salita ni Alfonso ay mabilis na lumikha ng ingay sa paligid. Nakilala ng lahat si Juancho. Hindi dahil sikat ito, kundi dahil masyadong kilala at tinitingala si Mercedes. Si Mercedes ang diyosa sa puso ng nakararami noon, at walang nag-akala na pipiliin nito ang isang piping lalaki na ulila na sa magulang. Ngunit tulad ng iba, nagtataka rin sila kung bakit ito nakakapagsalita ngayon.

"Juancho, kung gusto mong magpakamatay, huwag mo kaming idamay! Huwag kang gumawa ng gulo rito, lumayas ka!" pagmumura ni Gretchen.

Doon lang natauhan si Mercedes. Agad na pumasok sa isip niya na baka matagal na siyang niloloko ng asawa. Binalot ng matinding pandidiri ang kanyang puso. "Wala kang pakialam dito, Juancho. Huwag kang magpanggap na alam mo ang ginagawa mo, baka lalo mo lang kaming ipahamak na lahat."

Para kay Mercedes, kilala niya na ang buong pagkatao ni Juancho, kaya sigurado siyang pumunta lang ito rito para mag-eskandalo.

Bahagyang napakunot-noo si Juancho. Kung walang maniniwala sa kanya, hindi niya talaga masisimulang gamutin ang babae. Lumapit siya nang husto sa tabi ng asawa.

"Kaya ko talagang gamutin ang sakit niya, Mercedes. Maniwala ka sa akin."

Pagkatapos magsalita ni Juancho, isang koro ng mapang-uyam na tawa ang umalingawngaw sa bulwagan.

Umiling si Mercedes, ang kanyang mga kilay ay halos magsalubong na sa galit at pagkadismaya. "Juancho, hindi ako nagsasalita ng masama sa'yo noon dahil naging mabuti ka sa akin, pero alam ko ang limitasyon mo. Sa tingin mo ba maniniwala ako sa kwentong pambata na 'yan?"

"Umalis ka na ngayon din bago pa ako tuluyang magalit sa'yo. Huwag mo nang ipahiya ang sarili mo rito!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 5

    Ang pagsisisi ni Edgardo Almeda ay umalingawngaw sa buong apat na sulok ng ICU. Bawat salita nito ay tila patalim na sumasaksak sa sarili nitong dibdib.“Muntik nang mamatay ang ama ko…” Dahil hinarangan niya ang paggamot ni Juancho. Ang sarili niyang katigasan ng ulo at garapalang pagmamataas ang muntik nang pumatay sa sarili niyang ama, at muntik na ring sumira sa buhay ng isang inosenteng lalaki. Siya ang Association Secretary ng Buenavista City; ang pagkakamaling ito ay higit pa sa sapat para ibaon ang kanyang pangalan at karera sa limot habang-buhay.Bahagyang nagulat si Juancho sa biglaang pagluhod ni Edgardo kaya mabilis niya itong dinaluhan para patayuin."Juancho... Juancho, 'di ba?" namumula ang mga mata ni Edgardo, nanginginig ang boses sa labis na emosyon. "Napakalaki ng kasalanan ko sa'yo. Humihingi ako ng tawad... pakiusap, tanggapin mo ang paumanhin ko rito. At salamat... salamat dahil isinalba mo ang buhay ng ama ko."Ang mga doktor sa paligid ay nanatiling tulala. Wa

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 4

    Saktong pagdating nina Mercedes at Alfonso ay ang siyang paglabas naman ni Juancho mula sa sasakyan. Ngunit bago pa man sila tuluyang makalapit, mabilis na sinagot ni Katrina Almeda ang tumutunog nitong telepono."Inilipat sa ICU? Maayos naman siya kahapon, ano'ng nangyari?"Natigilan si Katrina sa kanyang kinatatayuan. Hawak ang telepono, tila ba siya pinakidwatan sa narinig habang ang kanyang mukha ay tuluyang binalot ng matinding panic."Sige, sige. Papunta na ako riyan."Pagkababa ng linya, walang lingon-likod na tumakbo si Katrina patungo sa loob ng ospital. Sa nakitang iyon, mabilis na sumunod si Juancho sa kanyang mga yapak.Bahagyang lumingon si Katrina at natigilan nang makitang kasunod pa rin niya ang binata. May bakas ng paumanhin sa kanyang boses nang magsalita siya. "I'm sorry, pero mukhang hindi ka na namin kailangan dito. Inilipat na ang ama ko sa intensive care unit at baka kailanganin na siyang operahan ngayon."Gusto sana ni Katrina na ipakita ang ama kay Juancho sa

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 3

    Para kay Mercedes, walang anumang mali sa mga salitang binitawan niya. Simula nang pumasok si Juancho sa buhay niya at sa pamamahay nila, sanay na siyang sabihan ito ng mga ganoong bagay.At sa pagbitaw ng mga salitang iyon, lalong lumakas ang mapang-uyam na tawanan ng mga tao sa paligid."Ang lalaking umaasa lang sa pagkain at pera ng asawa niya, may lakas pa ng loob mag-marunong na kaya niyang manggamot? Napakakatawa," bulong ng isang naroroon sabay iling.Maging ang babaeng tadtad ng mamaso ang mukha ay nawawalan na rin ng pasensya. "Wala akong pakialam sa usapang pamilya niyo! Pero kung hindi mo magagamot ang mga sugat na ito sa mukha ko ngayon, ihanda niyo na ang isang daang milyong danyos!""Kung hindi, sa isang salita ko lang ay sisiguraduhin kong lalayas ang buong pamilya niyo sa Buenavista!"Sa banta ng babae, sabay-sabay na namutla sina Mercedes, Teresita, at Gretchen.Dugo't pawis ang itinalaga nila para lang makapagtayo ng milyong-milyong negosyo rito. Kung mapipilitan si

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 2

    Walang kamalay-malay si Juancho na may matinding galit ang dalawang taong nasa harap niya. Nanatili siyang kalmado, blangko ang ekspresyon habang balak sanang maupo sa sofa."Huwag kang maupo! Tumayo ka riyan!"Isang matalim na pautos ang bumasag sa katahimikan mula kay Teresita. Natigilan si Juancho. Bahagyang nagtagpo ang kanyang mga kilay ngunit hindi siya lumaban. Biyenan niya pa rin si Teresita. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya Gokongwei kaya para sa kanya ang bawat panunumbat at galit nito ay tinatanggap niya na parang isang mahigpit na ina.Nang makitang sumunod si Juancho, bahagyang lumambot ang mukha ni Teresita. Ngunit bago pa man ito makapagsalita muli, humakbang na si Alfonso ng dalawang beses para humarang sa mismong tapat ni Juancho.Napatingin si Teresita sa kanilang dalawa. Halos magkapareho sila ng taas. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, si Juancho na madalas ay mukhang mahina at walang laban ay tila nagtataglay ngayon ng isang awra na mas matayog at ma

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 1

    "Juancho?!” Tarantang sigaw ni Gretchen saka mabilis na lumingon sa paligid. “Bakit pipi ang sumundo sa akin?" Kunotnoong sinalubong ni Gretchen si Juancho pagkalabas na pagkalabas nito sa gate ng St. Augustine University. Kitang-kita ang pandiriri sa mga mata ng hipag niya habang balisa itong lumingon-lingon sa paligid."Bilisan mo nga! Kapag nakita ako ng mga kaklase ko, ewan ko na lang kung anong mukha ko pa ang ihaharap ko sa kanila!" Hindi na hinintay ni Gretchen ang tugon ni Juancho. Humakbang na ito palayo nang mabilis.Bahagyang pinagdikit ni Juancho ang kanyang mga labi bago tahimik na sumunod. Narito siya para sunduin si Gretchen dahil sa pakiusap ng kanyang asawa. Kadalasan ay si Mercedes ang gumagawa nito, ngunit nag-text ito kanina na marami pa itong kailangang asikasuhin sa kumpanya kaya siya muna ang pinapunta.Papunta na sana sila sa sasakyan nang biglang may tatlong magkakabarkadang babae ang humarang sa kanilang landas, nangingiti ang mga ito nang mapanuri."Oh my

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status