Share

Chapter 3

Penulis: Blue Jasmine
last update Tanggal publikasi: 2026-05-20 09:53:39

Para kay Mercedes, walang anumang mali sa mga salitang binitawan niya. 

Simula nang pumasok si Juancho sa buhay niya at sa pamamahay nila, sanay na siyang sabihan ito ng mga ganoong bagay.

At sa pagbitaw ng mga salitang iyon, lalong lumakas ang mapang-uyam na tawanan ng mga tao sa paligid.

"Ang lalaking umaasa lang sa pagkain at pera ng asawa niya, may lakas pa ng loob mag-marunong na kaya niyang manggamot? Napakakatawa," bulong ng isang naroroon sabay iling.

Maging ang babaeng tadtad ng mamaso ang mukha ay nawawalan na rin ng pasensya. "Wala akong pakialam sa usapang pamilya niyo! Pero kung hindi mo magagamot ang mga sugat na ito sa mukha ko ngayon, ihanda niyo na ang isang daang milyong danyos!"

"Kung hindi, sa isang salita ko lang ay sisiguraduhin kong lalayas ang buong pamilya niyo sa Buenavista!"

Sa banta ng babae, sabay-sabay na namutla sina Mercedes, Teresita, at Gretchen.

Dugo't pawis ang itinalaga nila para lang makapagtayo ng milyong-milyong negosyo rito. Kung mapipilitan silang umalis, hindi ba't babalik sila sa simula? Magiging abala na naman ang lahat.

"Makinig kayo," basag muli ni Juancho sa katahimikan. "Walang sinuman sa inyo rito ang makagagamot sa kanya, at lalong walang isang daang milyon ang pamilyang ito. Bakit hindi niyo ako hayaang sumubok? Kung lumala man, hindi ba't ganoon din naman ang bagsak natin?"

May tiwala si Juancho sa kanyang kakayahan.

Noong tanggapin niya ang buong kaalaman ng misteryosong matanda, ang kanyang kakayahan sa medisina ay lampas pa sa alam ng mga ordinaryong doktor. 

Sigurado siyang ilang pirasong halaman lang ang kailangan niya para pagsasama-samahin, dudurugin, at ipapahid sa mukha nito. Sa loob ng sampung minuto, babalik sa normal ang balat ng babae!

Bahagyang lumaktaw ang tibok ng puso ni Mercedes. May punto si Juancho, ngunit...

"Hindi pwede! Hindi ka naman doktor, at wala ka man lang lisensya! Paano kung mapatay mo siya sa ginagawa mo? Hindi ba't lalong madadamay ang pamilya Gokongwei?!" humakbang pasulong si Teresita, marahas ang kunot sa noo habang nanunumbat.

"Juancho, kung gusto mong magpakamatay, huwag mong isama si Mercedes sa gulo mo! Kung talagang gusto mong manggamot, mangako ka sa Diyos na kapag pumalya ka, walang kinalaman ang pamilya Gokongwei at ikaw lang ang haharap sa lahat ng parusa!" sigaw naman ni Alfonso, malamig at mayabang.

Sa narinig na iyon, tuluyang naging yelo ang mga mata ni Juancho.

Ang masakit pa, matapos sabihin iyon ni Alfonso, seryosong tumango si Teresita bilang pagsang-ayon.

Maging si Mercedes ay nanatiling tahimik at hindi man lang siya ipinagtanggol.

Isang mapait na ngisi ang sumilay sa labi ni Juancho bago muling humakbang nang may paninindigan. "Madam, ako po si Juancho…nangangako ako gamit ang aking buhay at kapalaran na kung hindi ko magagamot ang mukha mo, handa kong tanggapin ang kahit anong parusa, at walang anumang kinalaman ang pamilya Gokongwei dito!"

Napasinghap sa gulat ang mga nakarinig. 

Mayabang na natawa naman si Alfonso, habang si Mercedes naman ay bahagyang natigilan, dinalaw ng hindi maipaliwanag na konsensya sa kanyang dibdib.

Ngunit sa sumunod na segundo, binura agad ni Mercedes ang emosyong iyon. 

Bakit ba siya makararamdam ng guilt sa isang palamunin? 

Ano naman kung nakapagsasalita na ito ngayon? 

Kararating lang nito ay nagmamalaki na agad, kaya tama lang na pumirma ito ng kasunduan para hindi madamay ang pamilya niya!

Walang kamalay-malay si Juancho sa tumatakbo sa isip ng asawa. Ginagawa niya lang ang panunumpa para matapos na agad ang gulo at maprotektahan si Mercedes. Ngunit hindi niya akalaing habang sinusubukan niyang isalba ang asawa, handa naman nitong putulin ang lahat ng ugnayan sa kanya para lang sa sariling kaligtasan.

"Sige! Hahayaan kitang gamutin ako! Kung sabagay, pinaliligiran ng mga pulis ang lugar na ito. Kapag hindi mo ako nagamot, ipapakaladkad kita agad sa kanila!"

Ang pangalan ng babae ay Katrina Almeda, ang nakatatandang kapatid ni Edgardo Almeda. Napadpad lang siya sa Buenavista para asikasuhin ang kanilang ama, at nahatak ni Mercedes para bumili ng produkto, kaya hindi niya inaasahang magkakagito.

Nang bitawan ni Katrina ang mga salitang iyon, binalot ng katahimikan ang paligid. Walang gustong huminga nang malalim.

"Walang problema." Tumango si Juancho. 

Binalingan niya si Mercedes. "May botika sa kaliwang bahagi ng entrance. Bilhan mo ako ng gamot na ito, at bumili ka na rin ng mortar and pestle."

Kumuha si Juancho ng kapirasong papel sa front desk, mabilis na isinulat ang mga pangalan ng halaman, at iniabot iyon kay Mercedes.

Nang tanggapin ang papel, naging kakaiba ang tingin ni Mercedes sa asawa. Hindi niya alam kung paanong natuto si Juancho na mag-diagnose ng sakit. Nang tingnan niya ang listahan, mga karaniwang halaman lang ang nakasulat doon—tulad ng angelica, sophora flavescens, at coptis chinensis.

“Sigurado ka ba rito?” Napakunot-noo si Mercedes.

"Sige na," tumango si Juancho bago muling hinarap si Katrina.

Napakagat-labi si Mercedes at mabilis na naglakad palabas patungo sa botika. Dahil tuluyan nang inihiwalay ni Juancho ang sarili sa pamilya nila, wala na siyang dapat ikatakot pa.

Nang makaalis si Mercedes, binalingan ni Juancho si Katrina Almeda. "Walang anomang depekto ang mga produkto ng RB Cosmetics. Sadyang sensitive lang balat mo, at may mataas na toxic heat sa loob ng katawan. Iyon ang dahilan kung bakit nag-react ang produkto at lumabas ang mga pimples."

Nalilito si Katrina Almeda. "Ibig mong sabihin... nagkaganito ang mukha ko dahil sa sarili kong katawan?"

"Ganoon na nga," tumango si Juancho. "Hindi dahil may lason ang produkto, kundi dahil hindi ito angkop sa kondisyon mo ngayon."

Eksakto namang pumasok si Mercedes dala ang plastic ng mga gamot at ang mortar and pestle. Sa loob ng papel, maayos na nakahati ang mga halaman. 

Humakbang si Juancho, pinagsama-sama ang mga iyon sa lalagyan, at sa ilang mabilis at swabeng pag-bayo ay nadurog niya ang mga ito bago hinaluan ng kaunting tubig.

Kasunod niyon, isang kakaibang enerhiya na hindi nakikita ng ordinaryong mata ang palihim na dumaloy mula sa mga daliri ni Juancho patungo sa dinurog na gamot.

"Tapos na."

Inilapag ni Juancho ang gamot sa harap ni Katrina. "Ipalid mo ito sa mukha mo. Sa loob ng sampung minuto, mawawala ang lahat ng pimples mo, madam."

"Iyon lang 'yon? Mga damong pinagsama-sama at hinaluan ng tubig? Hahaha! Ano'ng akala mo sa amin, mga tanga?!" malakas na tawa ni Alfonso, puno ng pang-uuyam.

Maging si Katrina Almeda ay nagpakita rin ng pag-aalinlangan.

Isang malamig na ngisi ang isinagot ni Juancho habang nakatitig kay Alfonso. "Kung hindi ito gumana, ako ang mananagot. Ano'ng pakialam mo?"

Agad na namula ang mukha ni Alfonso sa labis na kahihiyan.

"Ang mga halamang gamot na ito ay para lang pawiin ang init at magtanggal ng lason sa katawan. Kahit ang mga ordinaryong tao ay walang mararanasang side effects kapag ipinahid ito," pahayag ni Juancho, kalmado ang boses. "Kung hindi ka naniniwala, pwede mo munang subukan sa kamay mo."

Nagngitngit ang mga ngipin ni Katrina Almeda. "Huwag na. Ganito na rin naman ang mukha ko."

Kasabay ng mga salitang iyon, marahas niyang ipinahid ang kulay-itim at basang gamot sa buong mukha niya, bago tahimik na nag-abang sa paglipas ng oras.

"Gusto kong makita kung paano gagamitin ng basurang 'yan ang ganyang klaseng dumi para lang gamutin ang mukha ng ginang," mapang-uyam na bulong ni Alfonso, nag-aabang na pumalya si Juancho.

Ang taong nagmamagaling ay siyang unang bumabagsak. Mas lalong sasaya si Alfonso kung maipapakulong si Juancho ngayon din para magkaroon ng sapat na dahilan si Mercedes na hiwalayan ito at sumama sa kanya.

Kumplikado naman ang rumeshistrong emosyon sa mukha nina Mercedes, Teresita, at Gretchen. 

Isang taon nang kasal si Juancho sa pamilya nila, at sa loob ng isang taon na iyon, masasabi nilang kilalang-kilala na nila ito. Ngunit ngayon... parang naging ibang tao si Juancho sa harap nila.

Kailan pa ito natutong manggamot? Kailan pa ito nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita nang may ganyang kapangyarihan?

Bago pa man makasagot si Juancho, mabilis na lumipas ang sampung minuto. Hindi na nakapaghintay si Alfonso na mang-uyam.

"Ten minutes have passed, Juancho. Hindi mo ba huhugasan ang dumi na 'yan sa mukha niya?"

Sinalubong siya ng isang malamig at madilim na tingin ni Juancho. Sa isang iglap, natigilan si Alfonso at napako sa kanyang kinatatayuan.

"Madam, ang restroom po ay nasa unahan lang," turo ni Juancho sa direksyon. Agad namang naglakad patungo roon si Katrina Almeda.

Paglipas ng isang minuto, isang matinding tilian ang umalingawngaw mula sa loob ng banyo!

“Ahhhhh!”

Agad na nagkagulo ang buong hall. Sabay-sabay na lumingon ang lahat kay Juancho.

Natauhan naman si Alfonso at malakas na humalakhak. "Anong klaseng basurang gamot ba 'yan?! Alam ko na ngang may masamang mangyayari, eh! Juancho, katapusan mo na!"

Bahagyang napakunot-noo si Juancho, nagtataka sa naging reaksyon sa loob. May nagkamali ba sa gitna ng proseso?

"Juancho, may isang salita ang lalaki. Huwag mong kakalimutang ikaw lang ang mananagot sa lahat ng ito!" asik ni Gretchen, puno ng pandidiri ang mukha. Akala niya talaga ay may magagawa ang walang kwenta niyang bayaw, nagmamagaling lang pala!

Maging si Juancho ay nakaramdam na rin ng kaunting pag-aalinlangan. Ngunit sa eksaktong sandaling iyon, isang babaeng may napakaputing balat ang dahan-dahang lumabas mula sa restroom.

Nang makalapit ito sa karamihan, tuluyang napaatras ang lahat sa gulat dahil hindi ba't ito si Katrina Almeda?

Ang mukha ni Katrina Almeda ay kasing-kinis na ng sa isang sanggol. Mas maputi pa ito ng doble kaysa sa balat ng kanyang leeg, at maging ang mga kulubot sa mukha nito ay tuluyang naglaho! Sa unang tingin, walang sinuman ang makakakilala sa kanya!

Doon lang tuluyang nakahinga nang maluwag si Juancho. Sinasabi niya na nga ba, walang pwedeng maging mali sa kanyang ginawa.

Mabilis na humakbang pasulong si Katrina Almeda at biglang hinawakan ang kamay ni Juancho. 

"Young man, napakahusay mo! Napakahusay mo talaga!"

Hindi lang si Katrina ang manghang-mangha dahil maging ang mga tao sa paligid ay hindi makapaniwala. Mas lalong natulala sina Mercedes. Paanong ang isang mangkok ng dinurog na halaman ay nagkaroon ng ganoong klaseng milagro?

"Para kang dermatologist!" nagniningning ang mga mata ni Katrina, bago may biglang naalala. "Young man, dahil napakahusay mo, itatanong ko lang kung kaya mo rin bang gamutin ang iba pang uri ng sakit?"

Bahagyang itinaas ni Juancho ang kanyang kilay. "Depende po kung anong klaseng sakit 'yan."

"Ang sakit ng ama ko ay napakakumplikado. Pumunta ako rito sa Buenavista para lang asikasuhin siya. Kung papayag ka, pwede kitang dalhin sa kanya ngayon din."

Nang mapansin ni Katrina ang bahagyang pag-aalinlangan ni Juancho, mabilis itong nagpatuloy, "Basta't sumama ka lang para tingnan siya, gumaling man siya o hindi, bibigyan kita ng consultation f*e! At kapag napagaling mo siya, bibigyan kita ng mas malaking treatment f*e."

Itinaas ni Katrina ang limang daliri niya. 

"Fifty million pesos."

Sabay-sabay na napasinghap ang lahat sa loob ng bulwagan! Tulalang nagkatinginan sina Mercedes at Teresita. Ang limampung milyong piso ay katumbas na ng kabuuang kita ng pamilya Gokongwei sa loob ng isang buong taon!

"Sige, pumapayag ako." Kumislap ang mga mata ni Juancho at agad na tumango. 

"Nababaliw ka na ba?!"

Mabilis na humakbang pasulong si Mercedes para harangan si Juancho. 

"Hindi ka pwedeng pumunta! Hindi ka naman totoong doktor, at ang ganitong klaseng bagay ay hindi mo na kayang hawakan! Ang paggamot sa mamaso at ang paggamot sa malalang sakit ay magkaibang-magkaiba!"

"Alam ko," isang tipid na ngisi ang isinagot ni Juancho. "Huwag kang mag-alala, titingnan ko lang at gagawin ko ang makakaya ko."

Napakunot-noo si Mercedes at mapait na natawa. "So akala mo talaga ngayon ay nagkaroon ka na ng pakpak para lumipad sa langit? Fine, pumunta ka! Pero kapag may mangyaring masama, huwag na huwag kang lalapit sa akin para ipaglinis ka ng dumi mo!"

Pagkatapos niyon ay marahas na tumalikod si Mercedes at naglakad palayo. Para sa kanya, tuluyan nang nawalan ng katwiran si Juancho. Nakagamot lang ng isang simpleng sakit sa balat, akala mo kung sinong magaling na hindi na mapigilan!

Hindi na pinansin ni Juancho ang mga binitawang salita ng asawa. Alam niyang natatakot lang si Mercedes na baka hindi siya makalabas nang buhay kapag pumalya siya. Dahil ang taong pupuntahan niya ay walang iba kundi ang ama ng makapangyarihang si Edgardo Almeda.

"Young man?" tawag ni Katrina habang nakakunot ang noo. "Kung handa ka na, pumunta na tayo sa ospital ngayon. May full-body checkup ang papa ko ngayon."

"Hmm." Tumango si Juancho at sumunod na kay Katrina palabas ng pinto.

Habang sumasama si Juancho kay Katrina patungo sa ospital, biglang napatigil si Mercedes sa paglalakad kasama ang kanyang ina at kapatid. Lumingon siya sa direksyon kung saan naroon ang ospital.

"Ma, mauna na kayong umuwi. Pupunta muna ako sa ospital para magpacheck-up," paalam ni Mercedes bago mabilis na naglakad palayo.

Kahit anong mangyari, malaki ang naitulong ni Juancho sa kanya ngayon. Kung hindi dahil dito, siguradong nakaluhod na siya ngayon sa harap ng babaeng 'yon para magmakaawa. Sa dahilan na 'yon, hindi niya kayang panandigan na makitang magpakamatay ang asawa niya.

"Mercedes!" Nang makita ni Alfonso na paalis ang dalaga, agad niyang pinatunog ang mga ngipin sa galit at sumunod. "May kotse ako, mas mabilis kung sasakay ka sa akin."

Natigilan si Mercedes ngunit hindi na tumanggi.

Pagkasakay na pagkasakay ni Mercedes sa sasakyan, agad na nagdilim ang mukha ni Alfonso habang hinahawakan ang manibela. "Bakit mo pa ba siya sinusundan? Karapat-dapat ba ang isang basurang tulad niya para pag-aksayahan mo ng panahon?"

Natigil ang kamay ni Mercedes sa pagsasara ng pinto. "Isang basura... ngunit nagawa niyang gamutin ang sakit na hindi kayang ayusin ng kahit sino kanina."

Nanigas ang mukha ni Alfonso. Palihim siyang nagmura bago mabilis na pinasibad ang kotse palayo.

Alam niyang wala siyang nagawa kanina habang si Juancho ay madali lang itong naresolba, ngunit hinding-hindi siya maniniwala na may ganoong klaseng kakayahan ang lalaking iyon!

"Suwerte at tsamba lang 'yon!" mapang-uyam na saad ni Alfonso. "Fine, pagdating natin sa ospital, ipapakita ko sa'yo kung ano ang totoong mukha niya, para tuluyan ka nang mawalan ng tiwala sa kanya."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 5

    Ang pagsisisi ni Edgardo Almeda ay umalingawngaw sa buong apat na sulok ng ICU. Bawat salita nito ay tila patalim na sumasaksak sa sarili nitong dibdib.“Muntik nang mamatay ang ama ko…” Dahil hinarangan niya ang paggamot ni Juancho. Ang sarili niyang katigasan ng ulo at garapalang pagmamataas ang muntik nang pumatay sa sarili niyang ama, at muntik na ring sumira sa buhay ng isang inosenteng lalaki. Siya ang Association Secretary ng Buenavista City; ang pagkakamaling ito ay higit pa sa sapat para ibaon ang kanyang pangalan at karera sa limot habang-buhay.Bahagyang nagulat si Juancho sa biglaang pagluhod ni Edgardo kaya mabilis niya itong dinaluhan para patayuin."Juancho... Juancho, 'di ba?" namumula ang mga mata ni Edgardo, nanginginig ang boses sa labis na emosyon. "Napakalaki ng kasalanan ko sa'yo. Humihingi ako ng tawad... pakiusap, tanggapin mo ang paumanhin ko rito. At salamat... salamat dahil isinalba mo ang buhay ng ama ko."Ang mga doktor sa paligid ay nanatiling tulala. Wa

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 4

    Saktong pagdating nina Mercedes at Alfonso ay ang siyang paglabas naman ni Juancho mula sa sasakyan. Ngunit bago pa man sila tuluyang makalapit, mabilis na sinagot ni Katrina Almeda ang tumutunog nitong telepono."Inilipat sa ICU? Maayos naman siya kahapon, ano'ng nangyari?"Natigilan si Katrina sa kanyang kinatatayuan. Hawak ang telepono, tila ba siya pinakidwatan sa narinig habang ang kanyang mukha ay tuluyang binalot ng matinding panic."Sige, sige. Papunta na ako riyan."Pagkababa ng linya, walang lingon-likod na tumakbo si Katrina patungo sa loob ng ospital. Sa nakitang iyon, mabilis na sumunod si Juancho sa kanyang mga yapak.Bahagyang lumingon si Katrina at natigilan nang makitang kasunod pa rin niya ang binata. May bakas ng paumanhin sa kanyang boses nang magsalita siya. "I'm sorry, pero mukhang hindi ka na namin kailangan dito. Inilipat na ang ama ko sa intensive care unit at baka kailanganin na siyang operahan ngayon."Gusto sana ni Katrina na ipakita ang ama kay Juancho sa

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 3

    Para kay Mercedes, walang anumang mali sa mga salitang binitawan niya. Simula nang pumasok si Juancho sa buhay niya at sa pamamahay nila, sanay na siyang sabihan ito ng mga ganoong bagay.At sa pagbitaw ng mga salitang iyon, lalong lumakas ang mapang-uyam na tawanan ng mga tao sa paligid."Ang lalaking umaasa lang sa pagkain at pera ng asawa niya, may lakas pa ng loob mag-marunong na kaya niyang manggamot? Napakakatawa," bulong ng isang naroroon sabay iling.Maging ang babaeng tadtad ng mamaso ang mukha ay nawawalan na rin ng pasensya. "Wala akong pakialam sa usapang pamilya niyo! Pero kung hindi mo magagamot ang mga sugat na ito sa mukha ko ngayon, ihanda niyo na ang isang daang milyong danyos!""Kung hindi, sa isang salita ko lang ay sisiguraduhin kong lalayas ang buong pamilya niyo sa Buenavista!"Sa banta ng babae, sabay-sabay na namutla sina Mercedes, Teresita, at Gretchen.Dugo't pawis ang itinalaga nila para lang makapagtayo ng milyong-milyong negosyo rito. Kung mapipilitan si

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 2

    Walang kamalay-malay si Juancho na may matinding galit ang dalawang taong nasa harap niya. Nanatili siyang kalmado, blangko ang ekspresyon habang balak sanang maupo sa sofa."Huwag kang maupo! Tumayo ka riyan!"Isang matalim na pautos ang bumasag sa katahimikan mula kay Teresita. Natigilan si Juancho. Bahagyang nagtagpo ang kanyang mga kilay ngunit hindi siya lumaban. Biyenan niya pa rin si Teresita. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya Gokongwei kaya para sa kanya ang bawat panunumbat at galit nito ay tinatanggap niya na parang isang mahigpit na ina.Nang makitang sumunod si Juancho, bahagyang lumambot ang mukha ni Teresita. Ngunit bago pa man ito makapagsalita muli, humakbang na si Alfonso ng dalawang beses para humarang sa mismong tapat ni Juancho.Napatingin si Teresita sa kanilang dalawa. Halos magkapareho sila ng taas. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, si Juancho na madalas ay mukhang mahina at walang laban ay tila nagtataglay ngayon ng isang awra na mas matayog at ma

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 1

    "Juancho?!” Tarantang sigaw ni Gretchen saka mabilis na lumingon sa paligid. “Bakit pipi ang sumundo sa akin?" Kunotnoong sinalubong ni Gretchen si Juancho pagkalabas na pagkalabas nito sa gate ng St. Augustine University. Kitang-kita ang pandiriri sa mga mata ng hipag niya habang balisa itong lumingon-lingon sa paligid."Bilisan mo nga! Kapag nakita ako ng mga kaklase ko, ewan ko na lang kung anong mukha ko pa ang ihaharap ko sa kanila!" Hindi na hinintay ni Gretchen ang tugon ni Juancho. Humakbang na ito palayo nang mabilis.Bahagyang pinagdikit ni Juancho ang kanyang mga labi bago tahimik na sumunod. Narito siya para sunduin si Gretchen dahil sa pakiusap ng kanyang asawa. Kadalasan ay si Mercedes ang gumagawa nito, ngunit nag-text ito kanina na marami pa itong kailangang asikasuhin sa kumpanya kaya siya muna ang pinapunta.Papunta na sana sila sa sasakyan nang biglang may tatlong magkakabarkadang babae ang humarang sa kanilang landas, nangingiti ang mga ito nang mapanuri."Oh my

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status