Share

Chapter 5

Author: Blue Jasmine
last update publish date: 2026-05-20 09:55:08

Ang pagsisisi ni Edgardo Almeda ay umalingawngaw sa buong apat na sulok ng ICU. Bawat salita nito ay tila patalim na sumasaksak sa sarili nitong dibdib.

“Muntik nang mamatay ang ama ko…” Dahil hinarangan niya ang paggamot ni Juancho. 

Ang sarili niyang katigasan ng ulo at garapalang pagmamataas ang muntik nang pumatay sa sarili niyang ama, at muntik na ring sumira sa buhay ng isang inosenteng lalaki. Siya ang Association Secretary ng Buenavista City; ang pagkakamaling ito ay higit pa sa sapat para ibaon ang kanyang pangalan at karera sa limot habang-buhay.

Bahagyang nagulat si Juancho sa biglaang pagluhod ni Edgardo kaya mabilis niya itong dinaluhan para patayuin.

"Juancho... Juancho, 'di ba?" namumula ang mga mata ni Edgardo, nanginginig ang boses sa labis na emosyon. "Napakalaki ng kasalanan ko sa'yo. Humihingi ako ng tawad... pakiusap, tanggapin mo ang paumanhin ko rito. At salamat... salamat dahil isinalba mo ang buhay ng ama ko."

Ang mga doktor sa paligid ay nanatiling tulala. Walang nakapagsalita. 

Paanong ang isang palamunin lang sa paningin ng iba ay nagawang hilahin pabalik ang isang pasyenteng hinatulan na ng kamatayan?

"Magsagawa tayo ng routine check-up," basag ng isang doktor sa katahimikan, at agad namang may nagtulak ng mga makabagong kagamitan para suriin ang matanda.

Ang dayuhang doktor naman ay mas lalong naging madilim ang mukha. Hinding-hindi niya naisip na sa isang sulok ng Pilipinas ay tuluyang madudungisan ang kanyang tanyag na pangalan bilang eksperto.

"Malalim at malawak ang kasaysayan ng traditional medicine. Libo-libong taon na itong bahagi ng kultura natin," pahayag ni Juancho habang mataman na namang tinatanaw ang matanda sa kama. "Kailangan ko pa siyang dumaan sa acupuncture nang dalawang beses bago siya tuluyang gumaling."

"Kung ganoon ay ipagkakatiwala ko siya sa'yo. Maraming salamat," tuluyan nang nagbago ang pakikitungo ni Edgardo kay Juancho sa mga sandaling iyon. Ang dating pagka-arogante ay napalitan ng labis na paggalang.

Matapos sumang-ayon na babalik sa susunod na dalawang araw, nagpasya na si Juancho na lumingon para umalis, ngunit mabilis siyang hinabol at pinigilan ni Katrina Almeda.

"Young man, ibigay mo sa akin ang bank card number mo. I-transfer ko na ang pera sa'yo ngayon din," ani Katrina, habang may bakas pa rin ng matinding hiyang gumuhit sa kanyang mukha. "Pasensya ka na talaga... sa mga nangyari ngayong araw..."

"Ayos lang po. Noong pinili kong gamutin ang pasyente, hindi ko na inisip ang mga bagay na 'yon."

Nangilid ang luha sa mga mata ni Katrina sa narinig na kababaang-loob. "Salamat... maraming salamat!"

Matapos ibigay ang kanyang account number, laking gulat ni Juancho nang makita si Mercedes na naghihintay pala sa labas ng ward. 

Agad niya itong nilapitan, ang kanyang puso ay bahagyang hinaplos ng pagtataka.

"Tara na?" Itinuro ni Juancho ang dulo ng koridor. 

Sumunod si Mercedes ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa likod ng asawa, puno ng kumplikadong emosyon. 

Sobrang laki ng ipinagbago ng lalaking ito. 

Noon, kahit sampalin ito ng kahit sino ay hindi ito lumalaban at isa iyon sa madalas niyang ikagalit dahil sa tingin niya ay kaduwagan iyon.

Ngunit ngayon, napagtatanto niyang baka hindi iyon takot, kundi isang mahabang pagtitiisin at pagpaparaya lang. Labis na kinakain ng kuryosidad ang sistema ni Mercedes kung ano ba talaga ang nangyari kay Juancho.

Ang lahat ng naganap ngayong araw ay tila ba isang panaginip. Bigla na lang itong natutong magsalita, manggamot, at ngayon ay yukod-tulad pa itong pinasalamatan ng isang makapangyarihang opisyal na tulad ni Edgardo Almeda.

Ito... ito ang mga bagay na kailanman ay hindi niya naisip na mangyayari sa buhay nila.

"Suwerte lang 'yon. Huwag mong masyadong isipin na magaling ka na, baka sa susunod ay mas matindi ang bagsak mo!" malamig na riri ni Mercedes bago maunang sumakay sa kotse.

Napailing na lang si Juancho at napangiti nang mapait. Malinaw na napakaaga pa para asahan niyang ang isang yelong tulad ni Mercedes ay titingin sa kanya nang may paghanga. Gayunpaman, hindi siya nagmamadali. 

Sa totoo lang, may malalim siyang guilt na nararamdaman para sa asawa.

Noong mga panahong pipi pa siya, napakaraming kumpanya ang ayaw tumanggap sa kanya. At dahil hindi naman siya totoong baldado, hindi rin siya kwalipikado sa mga tulong para sa PWD. 

Sa ganoong sitwasyon, napakaraming masasakit na salita at panghuhusga ang hinarap ni Mercedes dahil sa pagpili sa kanya bilang asawa. Alam ni Juancho na may iba pang mabigat na dahilan si Mercedes kung bakit siya ang pinili nito, ngunit hindi nito nababago ang katotohanan na naging pabigat siya sa buhay ng babae.

Kaya naman, kailanman ay hindi niya nagawang magalit kay Mercedes. Ang tanging nararamdaman niya lang ay panghihinayang at matinding paumanhin.

Saktong pag-andar ng kotse palayo ay ang siyang paglabas naman ni Alfonso mula sa entrance ng ospital. Ang mukha nito ay tila demonyong binalot ng matinding pagnanasang pumatay.

"Juancho... hindi ko akalaing napakaswerte mo para makatakas sa kulungan nang dalawang beses sa isang araw lang," bulong ni Alfonso, nagngangalit ang mga ngipin. "Kung ganoon, ako na mismo ang kikilos. Marunong kang manggamot, 'di ba? Puputulin ko ang dalawang kamay mo para makita ko kung paano ka pa gagamot ng tao!"

Mabilis na tinahak ng sasakyan ang daan patungo sa mansyon ng pamilya Gokongwei. Ang bahay ay nakatayo sa prestihiyosong villa sa ng Buenavista City malapit mismo sa highway.

Pumasok ang sasakyan sa residential area at dumiretso sa garahe. 

Pagpasok nina Juancho at Mercedes sa malawak na sala, bumadya sa paningin nila ang mag-asawang Gokongwei kasama si Gretchen na prehong nakaupo sa mamahaling sofa.

Agad na tumayo si Teresita nang makita ang anak.

"Mercedes, anak, kamusta ka? Natakot ka ba sa mga nangyari sa kumpanya ngayon? Ang walang kwentong palamunin na 'yan, pinag-alala at pinaglinis ka na naman ng dumi niya, 'di ba? Halika rito at magpahinga ka."

Inakay ni Teresita si Mercedes para maupo at agad itong ipinaghanda ng kape at tubig. Pagkatapos niyon, marahas nitong binalingan si Juancho na nakatayo lang sa gilid.

"Kung wala kang ginagawa riyan, kunin mo ang map at linisin mo ang sahig bago ka magpalit ng damit! Ngayong gabi ay lalabas tayo para mag-dinner kasama ang mga kapatid ko. Huwag na huwag kang gagawa ng ingay o magmamarunong doon para lang ipahiya kami dahil lang nakapagsasalita ka na ngayon!"

Tumango si Juancho at akmang maglalakad na paakyat sa hagdan nang biglang magsalita ang lalaking kanina pa tahimik na nagbabasa.

"Sandali!"

Si Jaime Gokongwei, ang pinuno ng pamilya Gokongwei.

Napakunot-noo ito habang nakatitig kay Juancho, bago bumaling kay Mercedes.

"Matagal na kayong kasal. Ang dahilan kung bakit ko kayo pinilit na mag-isang dibdib noon ay dahil gusto ko nang magkaroon ng apo sa lalong madaling panahon. Isang taon na ang lumipas, ngunit wala pa rin kayong balita."

"Sa taong ito, bago matapos ang taon, kailangang bigyan niyo ako ng apo. Kung hindi, asahan niyo na ang diborsyo pagpasok ng bagong taon." Naging malamig ang ekspresyon ni Jaime. 

Matapos bitawan ang ultimatum, muli nitong ibinalik ang pansin sa hawak na pahayagan habang may binubulong sa sarili. "Parami nang parami ang mga pekeng antigo ngayon... kahit ang pinakasikat na Antiques Dealer ay nabisto na nagbebenta ng peke!"

Alam ni Juancho na mahilig sa mga lumang kagamitan at antigo ang kanyang biyenang lalaki, lalo na sa tinatawag na Azure Porcelain Urn, ngunit sa kasamaang palad, wala pa itong nakukuha kahit isang orihinal na piraso hanggang ngayon.

Palihim na itinalaga ni Juancho ang impormasyong ito sa kanyang isipan. Paakyat na sana siya nang mapansin ang matatalas na mata ni Gretchen na nakatitig sa kanya mula sa sofa.

"Juancho, tandaan mo, bahay namin ito. Palagi mong isasara ang pinto ng kwarto mo! At isa pa... kung wala kang suot na damit sa loob, siguraduhin mong naka-lock ang pinto!"

Pagkabitaw na pagkabitaw ni Gretchen sa mga salitang iyon, mabilis na lumingon si Teresita, nanlilisik ang mga mata.

"Ano? Nagagawa mo pang manyakin si Gretchen dito sa loob ng bahay nang walang suot na damit?!"

Napakunot-noo si Juancho. 

Maging si Mercedes ay napaguhit din ang matinding kunot sa noo. 

Simula nang magpakasal sila ni Juancho, palagi silang magkahiwalay ng kama, kaya alam niyang nananatiling inosente ang asawa. 

Pero ano ang ibig sabihin ng mga binitawang salita ni Gretchen ngayon lang? Dahil ba hindi makuha ni Juancho ang loob niya, kaya si Gretchen naman ang pinagdidiskitahan nito?

Batid ni Gretchen na nagdulot ng maling impresyon ang mga sinabi niya, ngunit mas pinili niyang manahimik at huwag nang magpaliwanag. 

Noon pa man ay labis na ang galit at pandidiri niya sa kanyang bayaw. Dahil kay Juancho, hindi mabilang na beses siyang naging tampulan ng tukso at hiyain ng mga kaklase niya sa paaralan. 

Kung may kahilingan man siya, iyon ay ang tuluyang maglaho na si Juancho sa mundong ito!

"Magpaliwanag ka!" asik ni Teresita, hindi maipinta ang mukha sa galit.

"Kumalma nga kayo at umupo!" saway naman ni Jaime, may awtoridad ang boses. "Bakit ba napaka-eskandaloso niyo? Kung totoong binastos ni Juancho si Gretchen, sa tingin niyo ba ay makauupo pa nang ganito ka-kalmado ang batang 'yan dito?"

"Huwag kayong palaging sumisigaw na parang walang pinag-aralan. Magpalit na kayo ng damit."

Bahagyang sumulyap si Juancho kay Jaime, may halong pasasalamat sa kanyang mga mata. Palihim niyang itinalaga sa sarili na sa loob ng susunod na dalawang araw, hahanapan niya ang biyenang lalaki ng isang tunay at de-kalidad na Azure Porcelain Urn para isukli rito.

Nagpakawala ng isang mahinang singhal si Gretchen, bahagyang namula ang mukha na tila ba may kung anong naalala.

Kitang-kita ni Mercedes ang reaksyong iyon ng kapatid kaya agad siyang tumayo. "Magpapalit na ako ng damit."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, matapos makita ang lahat ng ginawa ni Juancho ngayong araw, ang naging ekspresyon ni Gretchen ngayon lang ay nagdulot ng hindi pamilyar na bigat at inis sa kanyang dibdib.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, binusuhan mo ba si Gretchen?"

Pagkaakyat na pagkaakyat nila sa kwarto, agad na naupo si Mercedes sa gilid ng kama at malamig na tinitigan si Juancho.

Inilapag ni Juancho ang hawak nitong suit jacket bago hinarap ang asawa. 

"Hindi.Pagkatapos ko siyang sunduin kanina ay nagkataong nagpapalit ako ng damit sa kwarto. Nakalimutan kong i-lock ang pinto ko, at basta-basta na lang siyang pumasok kaya nakita niya ako."

"Iyon lang 'yon?" taas-kilay na tanong ni Mercedes.

"Iyon lang," walang magawang sagot ni Juancho, habang ang isang banayad na ngiti ay dahan-dahang sumilay sa kanyang karaniwang seryosong mukha. "Nagseselos ka ba?"

"Lumayas ka nga sa harapan ko! Ako? Magseselos? In your dreams! Maliban na lang kung may sakit ako sa utak! At isapa, kahit sinabi ni Papa na kailangan nating magka-anak sa taong ito, huwag mo nang pangarapin! Gagawa ako ng paraan ng walang nangyayari sa aitn!"

Tahimik na pinanood ni Juancho ang marahas na paglabas ni Mercedes sa kwarto. Unti-unti na namang nagtagpo ang kanyang mga kilay.

Naging labis na kumplikado at hindi kaaya-aya ang ekspresyon sa mukha ni Juancho. Ang ibig ba nitong sabihin... ay handa itong magdala ng ibang lalaki para lang magka-anak at malihis ang galit ng pamilya nito? At harap-harapan siyang gawing tanga?

Kinagabihan, si Jaime na mismo ang nagmaneho ng sasakyan patungo sa marangyang hotel.

Ito ang unang malaking pagtitipon ng pamilya Gokongwei sa taong ito, at kailangang kumpleto ang lahat kung hindi lang dahil sa protocol na ito, hinding-hindi papayagan ni Teresita na sumama si Juancho.

"Sinasabi ko sa'yo, magpanggap ka na lang na pipi ka pa rin tulad ng dati, at huwag na huwag kang magbibitaw ng kahit isang salita," paalala ni Teresita habang nakakunot ang noo sa backseat.

Tumango lang si Juancho. Kilala niya ang ugali ng mga kamag-anak ng pamilya Gokongwei dahil nakaharap niya na ang mga ito noong unang taon ng kasal nila. At sa totoo lang, wala naman talaga siyang balak makipag-plastikan sa mga taong iyon.

Pagdating nila sa nakareserbang pribadong silid ng hotel, nandoon na ang lahat.

Ang panganay na kapatid na babae ni Jaime kasama ang asawa nito, ang anak nilang si Mariana, at ang bago nitong asawa na si Lucio. Nandoon din ang pangalawang kapatid na babae ni Jaime kasama ang asawa nito at ang anak nilang si Inigo.

Kumislap ang mga mata ni Juancho. Nang makita niya si Lucio, alam niya na agad na ang hapunang ito ay isang malaking patibong. Bago pa lang si Lucio sa pamilya dahil kasasakal lang nito kay Mariana noong nakaraang bagong taon.

Kapag nagkatapat ang dalawang manugang, hindi maiiwasan ang matinding komparasyon. Isang sadyang hakbang para lang ipahiya at tapakan ang pamilya ni Jaime! Kung hindi pa natatapos ang sampung taon na panunumpa ni Juancho ngayon, siguradong matinding kahihiyan na naman ang aabutin nila pag-uwi.

"Oh, nandito na pala kayo! Napakatagal na nating hindi nagkita! Halika, maupo kayo. Mas lalong gumaganda sina Mercedes at Gretchen, ah."

Sabay-sabay na tumayo ang dalawang pamilya para batiin sina Jaime, habang sadyang iniwasan ng kanilang mga mata si Juancho na tila ba isa lamang itong hangin.

Ngunit sa gitna ng pagbabalewala, biglang tumayo si Lucio, tila ba isang planadong eksena na binuo para sa sandaling ito.

"Ito siguro ang asawa ni Mercedes. Iho, ako ang asawa ni Mariana, Lucio ang pangalan ko."

Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Juancho kay Lucio. Isang mapaglarong ngisi ang palihim na gumuhit sa kanyang mga labi, habang may bulong sa sariling isip.

Ang simpleng pagpapakilala ni Lucio ang agad na nagdala sa buong hapunan sa isang matinding tensyon. 

Sa isang iglap, ang mata ng tatlong pamilya ay sabay-sabay na bumaling at nakatitig na ngayon sa kanya, nag-aabang sa kanyang reaksyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 5

    Ang pagsisisi ni Edgardo Almeda ay umalingawngaw sa buong apat na sulok ng ICU. Bawat salita nito ay tila patalim na sumasaksak sa sarili nitong dibdib.“Muntik nang mamatay ang ama ko…” Dahil hinarangan niya ang paggamot ni Juancho. Ang sarili niyang katigasan ng ulo at garapalang pagmamataas ang muntik nang pumatay sa sarili niyang ama, at muntik na ring sumira sa buhay ng isang inosenteng lalaki. Siya ang Association Secretary ng Buenavista City; ang pagkakamaling ito ay higit pa sa sapat para ibaon ang kanyang pangalan at karera sa limot habang-buhay.Bahagyang nagulat si Juancho sa biglaang pagluhod ni Edgardo kaya mabilis niya itong dinaluhan para patayuin."Juancho... Juancho, 'di ba?" namumula ang mga mata ni Edgardo, nanginginig ang boses sa labis na emosyon. "Napakalaki ng kasalanan ko sa'yo. Humihingi ako ng tawad... pakiusap, tanggapin mo ang paumanhin ko rito. At salamat... salamat dahil isinalba mo ang buhay ng ama ko."Ang mga doktor sa paligid ay nanatiling tulala. Wa

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 4

    Saktong pagdating nina Mercedes at Alfonso ay ang siyang paglabas naman ni Juancho mula sa sasakyan. Ngunit bago pa man sila tuluyang makalapit, mabilis na sinagot ni Katrina Almeda ang tumutunog nitong telepono."Inilipat sa ICU? Maayos naman siya kahapon, ano'ng nangyari?"Natigilan si Katrina sa kanyang kinatatayuan. Hawak ang telepono, tila ba siya pinakidwatan sa narinig habang ang kanyang mukha ay tuluyang binalot ng matinding panic."Sige, sige. Papunta na ako riyan."Pagkababa ng linya, walang lingon-likod na tumakbo si Katrina patungo sa loob ng ospital. Sa nakitang iyon, mabilis na sumunod si Juancho sa kanyang mga yapak.Bahagyang lumingon si Katrina at natigilan nang makitang kasunod pa rin niya ang binata. May bakas ng paumanhin sa kanyang boses nang magsalita siya. "I'm sorry, pero mukhang hindi ka na namin kailangan dito. Inilipat na ang ama ko sa intensive care unit at baka kailanganin na siyang operahan ngayon."Gusto sana ni Katrina na ipakita ang ama kay Juancho sa

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 3

    Para kay Mercedes, walang anumang mali sa mga salitang binitawan niya. Simula nang pumasok si Juancho sa buhay niya at sa pamamahay nila, sanay na siyang sabihan ito ng mga ganoong bagay.At sa pagbitaw ng mga salitang iyon, lalong lumakas ang mapang-uyam na tawanan ng mga tao sa paligid."Ang lalaking umaasa lang sa pagkain at pera ng asawa niya, may lakas pa ng loob mag-marunong na kaya niyang manggamot? Napakakatawa," bulong ng isang naroroon sabay iling.Maging ang babaeng tadtad ng mamaso ang mukha ay nawawalan na rin ng pasensya. "Wala akong pakialam sa usapang pamilya niyo! Pero kung hindi mo magagamot ang mga sugat na ito sa mukha ko ngayon, ihanda niyo na ang isang daang milyong danyos!""Kung hindi, sa isang salita ko lang ay sisiguraduhin kong lalayas ang buong pamilya niyo sa Buenavista!"Sa banta ng babae, sabay-sabay na namutla sina Mercedes, Teresita, at Gretchen.Dugo't pawis ang itinalaga nila para lang makapagtayo ng milyong-milyong negosyo rito. Kung mapipilitan si

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 2

    Walang kamalay-malay si Juancho na may matinding galit ang dalawang taong nasa harap niya. Nanatili siyang kalmado, blangko ang ekspresyon habang balak sanang maupo sa sofa."Huwag kang maupo! Tumayo ka riyan!"Isang matalim na pautos ang bumasag sa katahimikan mula kay Teresita. Natigilan si Juancho. Bahagyang nagtagpo ang kanyang mga kilay ngunit hindi siya lumaban. Biyenan niya pa rin si Teresita. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya Gokongwei kaya para sa kanya ang bawat panunumbat at galit nito ay tinatanggap niya na parang isang mahigpit na ina.Nang makitang sumunod si Juancho, bahagyang lumambot ang mukha ni Teresita. Ngunit bago pa man ito makapagsalita muli, humakbang na si Alfonso ng dalawang beses para humarang sa mismong tapat ni Juancho.Napatingin si Teresita sa kanilang dalawa. Halos magkapareho sila ng taas. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, si Juancho na madalas ay mukhang mahina at walang laban ay tila nagtataglay ngayon ng isang awra na mas matayog at ma

  • From Worthless Son-in-Law to Heir Supreme    Chapter 1

    "Juancho?!” Tarantang sigaw ni Gretchen saka mabilis na lumingon sa paligid. “Bakit pipi ang sumundo sa akin?" Kunotnoong sinalubong ni Gretchen si Juancho pagkalabas na pagkalabas nito sa gate ng St. Augustine University. Kitang-kita ang pandiriri sa mga mata ng hipag niya habang balisa itong lumingon-lingon sa paligid."Bilisan mo nga! Kapag nakita ako ng mga kaklase ko, ewan ko na lang kung anong mukha ko pa ang ihaharap ko sa kanila!" Hindi na hinintay ni Gretchen ang tugon ni Juancho. Humakbang na ito palayo nang mabilis.Bahagyang pinagdikit ni Juancho ang kanyang mga labi bago tahimik na sumunod. Narito siya para sunduin si Gretchen dahil sa pakiusap ng kanyang asawa. Kadalasan ay si Mercedes ang gumagawa nito, ngunit nag-text ito kanina na marami pa itong kailangang asikasuhin sa kumpanya kaya siya muna ang pinapunta.Papunta na sana sila sa sasakyan nang biglang may tatlong magkakabarkadang babae ang humarang sa kanilang landas, nangingiti ang mga ito nang mapanuri."Oh my

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status