Share

KABANATA 115

Ipinasyal muna ng lola niya sa bayan ang mga anak nila para bigyan sila ng pagkakataong mag-usap. Wala silang ibang kasama ni Kyle nang mga oras na iyon. Nanatiling nakatutok ang tingin niya sa sahig. Puro buntunghininga ang naririnig niya mula kay Kyle.

Hinintay niya lang na magsalita si Kyle bago niya simulan ang pagpapaliwanag. Ilang minuto na rin sila sa loob ng kwarto kung saan tumatanggap ng mga customers ang lola niya dati pero wala pa ring nagsasalita sa kanila.

"Why?" Mababang-mababa ang tono ng boses nito nang itanong iyon.

Sa isang salitang tanong na iyon ay alam niyang maraming katanungan ang kalakip doon. Siya naman ang napahinga nang malalim. Inangat na niya ang tingin sa mukha ng lalaki. Magkaharap silang nakaupo nito. Para siyang naghihintay ng sistensiya sa malaking kasalanang nagawa niya.

"You know why," ang maikling sagot niya.

Maraming beses na niyang inulit-ulit sabihin sa utak ang mga bagay na isusumbat niya sa lalaki kun

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status