MasukMarielle’s POVSa gitna ng biglang kadiliman at sunod-sunod na putok, napaakap ako nang mahigpit kay Giovanni.Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sino ang tinamaan. Hindi ko rin alam kung ligtas pa ba kami o kung may susunod pang atake.Ang tanging naririnig ko ay ang mabibigat na paghinga ng mga tao, ang mga sigaw na naghalo-halo sa dilim, at ang malakas na pagbagsak ng isang katawan sa sahig.“Stay behind me.”Mariing hinawakan ni Giovanni ang braso ko at inilagay ako sa likuran niya. Nakataas ang baril niya, nakatutok sa direksiyong pinanggalingan ng mga putok.“Whatever happens, don’t let go of me. Do you understand?”Tumango ako kahit nanginginig ang buong katawan ko.“Giovanni…”“I’m here, Mahal. I won’t let anything happen to you.”Ilang segundo pa ang lumipas bago muling bumalik ang ilaw.Napapikit ako sandali dahil sa biglang liwanag bago ko mabilis na sinuyod ng tingin ang buong sala.At doon ko nakita si Ryan.Nasa sahig
Marielle's POV"Ang taong pinagkakatiwalaan ninyo nang higit sa lahat... nasa panig ko na."Parang huminto ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Ryan mula sa labas ng pinto.Hindi ako agad nakagalaw.Napahawak ako sa dibdib ko habang dahan-dahang napatingin kay Giovanni. Seryoso ang mukha niya, halatang pinipigilan lang niyang magpakita ng emosyon para hindi ako tuluyang panghinaan ng loob.Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay ko."Look at me," mahina niyang sabi.Napatingin ako sa kanya."Kahit anong mangyari sa labas... stay with me."Napalunok ako."Sino ang tinutukoy niya?" halos pabulong kong tanong. "Sino pa ang puwedeng magtaksil sa atin?"Huminga siya nang malalim bago sumagot."Hindi ko alam."Saglit siyang napapikit."But whatever happens... promise me one thing.""Ano 'yon?""Huwag mong hahayaang sirain nito ang tiwala mo sa atin."Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luha.Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niya."Giovanni..."Umiling ako."Wala nang
Giovanni's POV"Akala n'yo... tapos na kami?" mariin kong sabi habang mahigpit pa ring nakakapit si Marielle sa likuran ko. Nakatutok ang baril ko kina Ryan at Roxanne. "Akala n'yo nakuha n'yo na ang lahat?"Ngumisi si Ryan at itinaas ang sariling baril."Wala ka nang laban, Giovanni. We already know every move you make. 'Yung mga tauhan na inaasahan mong darating? Nasa amin na sila. Unti-unti naming kinuha ang lahat—kapangyarihan mo, impluwensya mo... pati ang tiwala ng mga taong nasa paligid mo."Ramdam ko ang bahagyang panginginig ni Marielle. Mas humigpit ang kapit niya sa likod ng polo ko.Dahan-dahan kong hinaplos ang kamay niyang nakayakap sa akin.Isang tahimik na pangako.Nandito lang ako."Mali kayo," kalmado ngunit matigas kong sagot. "Akala n'yo kami ang naloko n'yo. Pero ang hindi n'yo alam, matagal na kaming handang isugal ang lahat para sa isa't isa."Napangiti ako nang bahagya."Money? Power? Those things can always be earned again. Pero ang tiwala at pagmamahal na nab
Third Person POV ( Roxanne and Ryan)“See? I told you they'd believe everything,” mahinang tawang sabi ni Roxanne habang ibinabagsak ang maliit na transmitter sa lumang mesa. “Grabe... ang dali nilang manipulahin.”Napailing si Ryan, saka umupo sa lumang upuan sa madilim na silid. Wala na ang maamong ekspresyon na lagi niyang ipinapakita sa harap nina Giovanni at Marielle. Ang mga mata niya ngayon ay malamig at walang anumang bakas ng konsensya.“Of course they did,” sagot niya. “They wanted someone to blame. Kaya binigay natin sa kanila si Kael.”Napangisi si Roxanne.“At gumana. Pinaniwala natin silang si Kael ang mastermind, na may kung sinu-sinong kasabwat, at may sindikatong hindi nila kayang labanan. Habang abala silang hinahabol ang isang multo…”“…tayong dalawa ang tahimik na kumukuha ng lahat ng gusto natin,” dugtong ni Ryan.Sandaling natahimik ang dalawa bago muling nagsalita si Roxanne.“Funny, isn't it?” mahina niyang sabi. “Si Kael... matagal nang patay. Pero hanggang ng
Marielle’s POV“Nakakakaba, 'di ba?” mahina kong tanong habang pinagmamasdan si Giovanni. Nakatayo siya sa harap ng malaking bintana, tahimik na nakatanaw sa madilim na kalangitan.“Kahit alam nating tama ang ginagawa natin… hindi ko pa rin maiwasang isipin na baka may mas malaking panganib na naghihintay sa atin.”Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Sa kabila ng bigat ng mga natuklasan namin, lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Agad siyang lumapit, marahang hinawakan ang magkabilang kamay ko, saka ito pinisil nang banayad na para bang gusto niyang iparamdam na hindi niya ako hahayaang harapin ang lahat nang mag-isa.“Alam ko, mahal,” malumanay niyang tugon. “Pero hangga't magkasama tayo, kakayanin natin ang lahat. Ang mga ebidensyang hawak natin ang magiging daan para mailabas ang katotohanan at tuluyang matuldukan ang mga kasinungalingang matagal nang itinago ni Kael.”Magkatabi kaming naupo sa malambot na sofa. Sa unang pagkakataon matapos ang sunod-sunod na pangyayari, sinubuk
Giovanni’s POVNang tuluyan nang makaalis sina Ryan at Roxanne, hindi ko agad inalis ang tingin ko sa sobre at mga litratong naiwan sa mesa. Tahimik na naupo si Marielle sa tabi ko. Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya, pero ramdam kong bahagya pa rin itong nanginginig. Ang pag-asang naramdaman namin kanina ay mabilis na napalitan ng panibagong bigat at pangamba.“Halika, maupo tayo nang maayos,” mahina kong sabi.Dahan-dahan ko siyang inalalayan papunta sa sofa. Kinuha ko ang sobre at ang mga larawan, saka maingat na inilatag ang mga iyon sa mesa sa harap namin.“Tingnan natin nang mabuti. Hindi tayo makakausad kung hindi natin malalaman ang buong katotohanan.”Tahimik naming sinuri ang mga lumang litrato. Isa sa mga iyon ang kuha sa likod ng lumang mansyon ng pamilya ko. Nakapaligid doon ang ilang taong pamilyar ang mga mukha—mga opisyal at kilalang negosyante na noon ay inakala naming walang kinalaman sa lahat ng nangyari.Binaligtad ko ang isang litrato.Sa likod nito ay may mga pa
Marielle’s POVHindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko habang nakatanaw sa labas ng malawak na bintana ng penthouse ni Giovanni. Sa likuran ko, narinig ko ang marahang pagbukas ng bote ng alak kasabay ng mabibigat ngunit banayad na yabag ni Giovanni palapit sa akin.“You're overthinking again,
Marielle's POV Nasa loob kami ngayon ng itim na SUV ni Giovanni habang binabaybay ang daan pabalik sa siyudad. Kailangan naming dumaan sa dati kong apartment para kunin ang ilang gamit namin ni Mikayla. Hindi ako mapakali—may kakaibang kutob ako na parang may masamang mangyayari. “Masyado kang
Marielle's POVKinabukasan.Hindi pa rin mawala sa sistema ko ang imahe ng litratong nakita namin. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga numerong nakasulat sa ibaba nito: Room 1708. Parang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang eksenang iyon habang nakaupo ako sa veranda ng safehouse.S
Giovanni POV Hindi ako mapakali. Ilang oras na ang lumipas mula noong makita namin ni Marielle ang lumang litrato sa silid-aklatan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang bawat detalye nito. Nasa loob ako ng aking opisina, nakatayo sa harap ng mesa at nakatitig nang matagal







