Share

CHAPTER 7

last update Tanggal publikasi: 2026-06-01 17:23:39

Marielle’s POV

“Bitawan mo siya.”

Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang malamig na boses ni Giovanni sa likuran namin.

Ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin sa paligid.

Mabigat. Mapanganib. At punong-puno ng tensyon.

Mas humigpit ang hawak ni Ryan sa kamay ko habang matalim nitong tinitigan si Giovanni.

“At kapag ayaw ko?” puno ng galit nitong sagot.

Unti-unting napangisi si Giovanni. Pero walang init doon. Para iyong babala bago dumating ang bagyo.

“Then I’ll make you.”

Napasinghap ako nang marahas akong hilahin ni Ryan palapit sa kanya.

“Marielle, sabihin mo sa kanya na wala siyang karapatan makialam sa pamilya natin!”

Pamilya.

Dati, gustong-gusto kong marinig ang salitang iyon mula kay Ryan. Pero ngayon? Parang wala na itong bigat. Napayuko ako habang pilit pinipigilan ang sakit sa dibdib ko.

“Ryan…” mahina kong saad. “Tama na.”

“Hindi!” galit nitong sigaw. “Hindi ko hahayaang sirain tayo ng lalaking ‘to!”

Biglang tumigas ang ekspresyon ni Giovanni. At bago pa lumala ang sitwasyon, mabilis na yumakap si Mikayla sa binti ko.

“Mommy…” takot nitong bulong.

Parang may pumiga sa puso ko. Mabilis kong niyakap ang anak ko habang nanginginig ito sa takot. At doon ko napagtanto…

Hindi lang ako ang nasasaktan sa gulong ito. Pati ang anak ko.

“Please…” umiiyak kong sabi habang nakatingin kay Ryan. “Ayoko nang mag-away tayo sa harap ni Mika.”

Nakita kong bahagyang lumambot ang mukha ni Ryan nang marinig ang pangalan ng anak namin. Ngunit saglit lang iyon. Dahil muli siyang tumingin kay Giovanni nang puno ng selos at galit.

“May relasyon ba kayo?” diretsong tanong niya.

Huminto ang paghinga ko. Hindi ako agad nakasagot. Dahil kahit ako…Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang namamagitan sa amin ni Giovanni. Hindi kami magkasintahan. Hindi rin simpleng estranghero. Pero sa bawat tingin niya sa akin…

Parang unti-unti akong hinihila palapit sa kanya.

“At kung meron?” malamig na sagot ni Giovanni.

Nanlaki ang mata ko. Pati si Ryan ay tila hindi makapaniwala.

“Putangina…” galit nitong bulong bago ako muling hinarap. “Marielle, ganito ka kabilis magpalit?”

Parang may matalim na bagay na tumarak sa dibdib ko. Ako pa ngayon ang masama? Ako pa ang pinapalabas niyang nagtaksil?

“Ryan,” nanginginig kong saad, “ikaw ang unang nangloko.”

Natahimik siya. At ang katahimikang iyon ang tuluyang sumira sa natitirang awa ko para sa kanya. Mabilis kong hinawakan si Mikayla bago marahang umatras palayo kay Ryan.

“Pagod na pagod na ako,” umiiyak kong bulong. “Pagod na akong mahalin ka.”

Parang natulala siya sa sinabi ko. Ngunit bago pa siya makapagsalita—

Biglang naramdaman ko ang mainit na kamay ni Giovanni sa bewang ko. Agad akong napatingin sa kanya.

Malamig pa rin ang mukha niya ngunit mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin, tila ba pinapaalala niyang hindi ako nag-iisa. At nakakainis dahil sa simpleng hawak niya…

Parang gusto kong umiyak lalo.

“Let’s go,” mababa niyang saad.

Tahimik akong tumango. Ngunit bago kami makaalis, mabilis na hinawakan ni Ryan ang braso ko.

“Hindi kita susukuan.”

Unti-unting nagdilim ang mga mata ni Giovanni.

At sa isang iglap, mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Ryan sa akin.

“Touch her again,” malamig niyang bulong, “and I swear you’ll regret it.”

Nanlamig ako sa paraan ng pagsasalita niya. Hindi iyon simpleng pagbabanta. Parang kaya niya talaga itong gawin. Ngunit ang mas nakakatakot?

May parte sa akin na naniniwalang ligtas ako kapag si Giovanni ang kasama ko.

Tahimik ang buong biyahe pauwi. Nasa likod si Mikayla at mahimbing nang natutulog habang ako naman ay tahimik na nakatingin sa bintana.

Pero ramdam ko ang titig ni Giovanni sa akin.

Mainit. Mabigat. Parang may gusto siyang sabihin ngunit pilit niyang pinipigilan.

“Bakit mo ako tinutulungan?” mahina kong tanong.

Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay mariing napahawak sa manibela.

“I don’t know anymore.”

Napakagat ako sa labi. Dahil gano’n din ang nararamdaman ko. Hindi ko na rin maintindihan kung bakit sa tuwing kasama ko siya…

Parang gusto kong kalimutan lahat.

Pagdating namin sa apartment, maingat niyang binuhat si Mikayla palabas ng sasakyan. At doon ko muling nakita ang side niya na hindi nakikita ng iba.

Maingat. Gentle. Malambot. Parang ibang Giovanni.

Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang marahang inaayos ang kumot ni Mikayla sa higaan.

“Giovanni…” mahina kong tawag.

Mabilis siyang lumingon sa akin. At muling bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin…

Parang ako lang ang nakikita niya.

“Hindi ko na alam ang nararamdaman ko,” amin ko habang nanginginig ang boses.

Dahan-dahan siyang lumapit.

Hanggang sa halos magkadikit na kami.

“Then let me make you feel something better,” paos niyang bulong.

At bago pa ako makahinga—

Mariin niya akong hinalikan. Mainit. Mapusok. At punong-puno ng emosyon na matagal ko nang pilit ikinukubli.

Napakapit ako sa polo niya habang mas lalo niyang pinalalim ang halik. At sa mismong sandaling iyon…

Napagtanto kong hindi na si Ryan ang laman ng puso ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 80

    Marielle’s POV“Nandito na siya…”Halos pabulong kong sambit, pero sapat iyon para marinig ni Giovanni. Parang ang bawat salita ay may bigat na bakal na dumadagundong sa loob ng isip ko.“Si Kael… si Uncle K. Buhay siya.” Napalunok ako, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “At napapaligiran na niya tayo.”Mahigpit na hinawakan ni Giovanni ang magkabilang braso ko. Matalim ang mga mata niya, pero malinaw kong nakikita ang pag-aalala roon.“Marielle, look at me.”Napatingin ako sa kanya.“Don’t be afraid of the dark.” Bahagya siyang yumuko para magtama ang mga mata namin. “Hangga’t magkasama tayo, hindi tayo basta-basta matatalo. Maaaring siya ang nagplano ng lahat ng ito, pero hindi ibig sabihin na kontrolado niya ang bawat galaw natin.”“Pero ang dami niyang alam, Giovanni.” Nanginginig kong sagot. “Kilala niya ako. Kilala niya ang pamilya ko. Kilala ka niya. He has been watching us from the beginning. Parang hinihintay lang niya ang tamang pagkakataon para lumabas.”“At doo

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 79

    Giovanni’s POV“Sino ’yon?”Halos pabulong na lang ang tanong ni Marielle. Nanginginig ang boses niya, at kahit pilit niyang pinatatatag ang sarili, kita ko ang takot sa mga mata niya.“Ang boses niya… parang familiar, Giovanni.” Napalunok siya. “Pero hindi ko maalala kung saan ko siya narinig.”Hinawakan ko nang mahigpit ang magkabilang kamay niya, pinipilit kong manatiling kalmado kahit may kaba ring gumagapang sa dibdib ko.“We don’t know who he is yet, Mahal. Pero huwag kang matakot. As long as we’re together, we’ll find the answers. Kahit gaano pa kalalim ang mga bagay na itinago nila sa atin.”Bumalik ang tingin niya sa lumang sulat na nakalatag sa mesa.“Sinasabi rito na matagal na siyang nagmamasid sa atin.” Bahagya siyang napailing. “He was watching us from the beginning. Hinihintay lang niyang matapos ang lahat ng laban natin bago siya lumabas.”Huminga siya nang malalim.“Ibig sabihin… pinanood lang niya tayong masaktan? Pinanood niya tayong maghirap habang naghihintay siya

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 78

    Marielle’s POV“May mali pa rin… ’di ba?”Mahina kong tanong habang nakatayo kami ni Giovanni sa tabi ng bintana, kapwa pinagmamasdan ang unti-unting pagliwanag ng langit.Tahimik ang buong paligid, pero sa loob ng dibdib ko, parang may unos na ayaw tumigil.Lahat ng taong sangkot sa pagtataksil ay nahuli na. Lahat ng sikreto na matagal nang itinago ay unti-unti nang nabunyag. Dapat ay tapos na ang lahat.Dapat ay makakahinga na ako.Pero bakit parang may kulang pa rin?Bakit pakiramdam ko, may isang bagay na hindi pa namin nakikita?Naramdaman ko ang paghigpit ng mga braso ni Giovanni sa baywang ko bago niya ako dahan-dahang hinarap. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at tinitigan ako nang malalim.Sa mga mata niya, nakita ko ang pag-unawa.Pero nakita ko rin ang kaba.“Alam ko,” mahina niyang sabi. “Ramdam ko rin.”Napakunot ang noo ko.“Parang may isang last piece ng puzzle na hindi pa natin nakikita,” pagpapatuloy niya. “At kahit gaano kaliit ang pirasong iyon… baka iyon pa a

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 77

    Marielle’s POVSa gitna ng biglang kadiliman at sunod-sunod na putok, napaakap ako nang mahigpit kay Giovanni.Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sino ang tinamaan. Hindi ko rin alam kung ligtas pa ba kami o kung may susunod pang atake.Ang tanging naririnig ko ay ang mabibigat na paghinga ng mga tao, ang mga sigaw na naghalo-halo sa dilim, at ang malakas na pagbagsak ng isang katawan sa sahig.“Stay behind me.”Mariing hinawakan ni Giovanni ang braso ko at inilagay ako sa likuran niya. Nakataas ang baril niya, nakatutok sa direksiyong pinanggalingan ng mga putok.“Whatever happens, don’t let go of me. Do you understand?”Tumango ako kahit nanginginig ang buong katawan ko.“Giovanni…”“I’m here, Mahal. I won’t let anything happen to you.”Ilang segundo pa ang lumipas bago muling bumalik ang ilaw.Napapikit ako sandali dahil sa biglang liwanag bago ko mabilis na sinuyod ng tingin ang buong sala.At doon ko nakita si Ryan.Nasa sahig

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 76

    Marielle's POV"Ang taong pinagkakatiwalaan ninyo nang higit sa lahat... nasa panig ko na."Parang huminto ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Ryan mula sa labas ng pinto.Hindi ako agad nakagalaw.Napahawak ako sa dibdib ko habang dahan-dahang napatingin kay Giovanni. Seryoso ang mukha niya, halatang pinipigilan lang niyang magpakita ng emosyon para hindi ako tuluyang panghinaan ng loob.Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay ko."Look at me," mahina niyang sabi.Napatingin ako sa kanya."Kahit anong mangyari sa labas... stay with me."Napalunok ako."Sino ang tinutukoy niya?" halos pabulong kong tanong. "Sino pa ang puwedeng magtaksil sa atin?"Huminga siya nang malalim bago sumagot."Hindi ko alam."Saglit siyang napapikit."But whatever happens... promise me one thing.""Ano 'yon?""Huwag mong hahayaang sirain nito ang tiwala mo sa atin."Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luha.Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niya."Giovanni..."Umiling ako."Wala nang

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 75

    Giovanni's POV"Akala n'yo... tapos na kami?" mariin kong sabi habang mahigpit pa ring nakakapit si Marielle sa likuran ko. Nakatutok ang baril ko kina Ryan at Roxanne. "Akala n'yo nakuha n'yo na ang lahat?"Ngumisi si Ryan at itinaas ang sariling baril."Wala ka nang laban, Giovanni. We already know every move you make. 'Yung mga tauhan na inaasahan mong darating? Nasa amin na sila. Unti-unti naming kinuha ang lahat—kapangyarihan mo, impluwensya mo... pati ang tiwala ng mga taong nasa paligid mo."Ramdam ko ang bahagyang panginginig ni Marielle. Mas humigpit ang kapit niya sa likod ng polo ko.Dahan-dahan kong hinaplos ang kamay niyang nakayakap sa akin.Isang tahimik na pangako.Nandito lang ako."Mali kayo," kalmado ngunit matigas kong sagot. "Akala n'yo kami ang naloko n'yo. Pero ang hindi n'yo alam, matagal na kaming handang isugal ang lahat para sa isa't isa."Napangiti ako nang bahagya."Money? Power? Those things can always be earned again. Pero ang tiwala at pagmamahal na nab

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 13

    Marielle’s POVHindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko habang nakatanaw sa labas ng malawak na bintana ng penthouse ni Giovanni. Sa likuran ko, narinig ko ang marahang pagbukas ng bote ng alak kasabay ng mabibigat ngunit banayad na yabag ni Giovanni palapit sa akin.“You're overthinking again,

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 12

    Marielle's POV Nasa loob kami ngayon ng itim na SUV ni Giovanni habang binabaybay ang daan pabalik sa siyudad. Kailangan naming dumaan sa dati kong apartment para kunin ang ilang gamit namin ni Mikayla. Hindi ako mapakali—may kakaibang kutob ako na parang may masamang mangyayari. “Masyado kang

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 11

    Marielle's POVKinabukasan.Hindi pa rin mawala sa sistema ko ang imahe ng litratong nakita namin. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga numerong nakasulat sa ibaba nito: Room 1708. Parang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang eksenang iyon habang nakaupo ako sa veranda ng safehouse.S

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 10

    Marielle’s POVHindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Mula noong mangyari ang pag-atake sa mansion kagabi, pakiramdam ko ay may mga matang nakabantay sa bawat galaw namin ni Mikayla. Kahit nasa safehouse na kami ni Giovanni—liblib, tahimik, at malayo sa ingay ng siyudad—hindi pa rin tuluyang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status