LOGINMarielle’s POV
Hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng katawan ko kahit nakalabas na kami ng boutique. Pakiramdam ko ay bumabagal ang bawat paghinga ko habang nakatingin ako kay Giovanni. May dugo pa sa kamao niya. Malamig pa rin ang mga mata niya. At kahit katatapos lang niyang iligtas ako, pakiramdam ko mas lalo lang akong nalulunod sa presensya niya. “Giovanni…” mahina kong tawag. Mabilis siyang lumingon sa akin. At doon ko nakita ang biglaang paglambot ng ekspresyon niya. Parang ibang tao. Parang sa akin lang niya ipinapakita ang side na iyon. “Nasaktan ka ba?” mababa niyang tanong habang marahang hinahaplos ang sugat sa labi ko. Napasinghap ako sa init ng palad niya. “H-Hindi naman malala.” Mariing tumigas ang panga niya. “Hindi ko dapat hinayaang mangyari ‘yon.” Napailing ako. “Hindi mo kasalanan.” Ngunit hindi siya nagsalita. Sa halip, mas lalo lamang dumilim ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. At hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may kakaibang init na bumabalot sa buong katawan ko sa tuwing magkadikit ang mga mata namin. Delikado. Pero hindi ko kayang lumayo. “Mommy!” Bigla akong natigilan nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita si Mikayla na mabilis na tumatakbo papunta sa akin habang hawak ng kapitbahay naming si Tiya Lourdes. “Mika!” agad kong sambit habang nakaluhod para salubungin siya. Mahigpit akong niyakap ng anak ko. “Mommy, umiiyak ka na naman…” malungkot nitong bulong. Parang piniga ang puso ko. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at pilit ngumiti. “Okay lang si Mommy, baby.” Ngunit bago pa ako makapagsalita muli, napansin kong tahimik na nakatingin si Mikayla kay Giovanni. Curious ang mga mata nito. Samantalang si Giovanni? Parang natigilan. Hindi ko alam kung bakit, pero tila hindi siya sanay makakita ng bata. Unti-unting kumapit si Mikayla sa braso ko bago marahang tumingin kay Giovanni. “Mommy…” bulong niya. “Siya po siya? Napasinghap ako sa hiya. “M-Mika!” Ngunit mas lalo lang lumalim ang tingin ni Giovanni kay Mikayla. At sa unang pagkakataon simula nang makilala ko siya… Parang may nakita akong init sa mga mata niya. Hindi malamig. Hindi mapanganib. Kundi malambot. Tahimik siyang lumuhod sa harap ng anak ko. “What’s your name?” mababa niyang tanong. Ngumiti si Mikayla. “Mikayla po. Pero Mika lang tawag ni Mommy.” Napatitig ako kay Giovanni nang marahan itong napangiti. At Diyos ko… Mas lalo siyang naging gwapo. “Giovanni,” pagpapakilala niya. Mabilis na kumislap ang mga mata ni Mika. “Ang pogi mo po.” Napahawak ako agad sa noo ko dahil sa hiya. Ngunit mahina lamang natawa si Giovanni. At ang simpleng tunog na iyon ay tila nagpabilis lalo sa tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan. Paano nagagawa ng lalaking ito na guluhin ako nang ganito? “Mommy,” inosenteng saad ni Mika habang nakatingin sa amin, “He’s like a prince.” “Mika!” Ngunit bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay natawa si Giovanni. At pakiramdam ko… Mas lalo akong nahulog sa lalaking hindi ko dapat gustuhin. —---------- Makalipas ang ilang minuto, tuluyan nang nakatulog si Mikayla nang pauwi kami sa maliit naming apartment, matapos ang lahat ng pagod at takot sa nangyari. Tahimik akong lumabas ng kwarto habang maingat na isinara ang pinto. Ngunit agad akong natigilan nang makitang nakasandal si Giovanni sa dingding habang tahimik akong pinagmamasdan. Nakaalis na si Luca. Kami na lang dalawa. At biglang parang lumiit ang buong apartment dahil sa tindi ng presensya niya. “Salamat,” mahina kong sabi. Hindi siya sumagot agad. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa muli kong naamoy ang mamahalin niyang pabango. “Hindi ka dapat mag-isa rito,” malamig niyang saad. Napayuko ako. “Sanay na ako.” “Then stop getting used to pain.” Huminto ang paghinga ko. Napakagat ako sa labi habang pilit iniiwas ang tingin ko. Pero mabilis niyang hinawakan ang baba ko. “Look at me.” At parang tanga naman akong sumunod. Doon ko nakita ang matinding emosyon sa mga mata niya. Galit. Pagnanasa. At kung ano mang bagay na pilit niyang nilalabanan. “Giovanni…” “You keep crying,” paos niyang bulong. “And it’s driving me insane.” Mabilis na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na alam kung tama pa bang hayaan siyang lumapit. Pero sa tuwing nasa tabi ko siya… Pakiramdam ko gusto kong makalimutan lahat ng sakit. “Hindi mo ako kailangang iligtas,” mahina kong saad. Bigla siyang napangisi nang bahagya. “Too late.” At bago ko pa mapigilan ang sarili ko— Hinawakan ko ang polo niya. Mabilis na nagdilim ang tingin niya sa ginawa ko. “Marielle…” babala niyang bulong. Ngunit sa halip na umatras… Mas lalo akong lumapit. At wala nang natitirang kontrol sa pagitan namin. Mariin niya akong hinalikan. Napasinghap ako habang agad akong napasandal sa kitchen counter dahil sa lakas ng halik niya. Mainit. Mapusok. Nakakahilo. Parang lahat ng sakit at lungkot ko ay gusto niyang burahin gamit lang ang mga labi niya. Mahigpit ang hawak niya sa bewang ko habang mas lalo niyang pinalalim ang halik. Napakapit ako sa balikat niya habang mabilis akong hinihingal. “Damn it…” paos niyang bulong laban sa labi ko. “You’re becoming my weakness.” Huminto ang puso ko sa sinabi niya. Ngunit bago pa ako makapagsalita— Biglang nag-ring ang cellphone niya. At sa isang iglap… Nagbago ang ekspresyon ni Giovanni. Muling naging malamig. Mapanganib. Unti-unti siyang napalayo sa akin habang sinasagot ang tawag. Ngunit nang marinig niya ang nasa kabilang linya… Biglang nagdilim ang buong mukha niya. “Anong sabi mo?” malamig niyang tanong. Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ko ang sumunod niyang sinabi. “Bantayan niyo si Marielle at ang bata.” At doon ko unang naramdaman… Na may mas malaking panganib na paparating sa buhay namin.Giovanni's POV Pinindot ko ang send bago marahang ibinulsa ang cellphone. "Handa na akong makipagkita. Tapusin na natin ito nang maayos. Wala nang paligoy-ligoy." Ilang segundo akong nanatiling nakatitig sa madilim na bintana bago dahan-dahang huminga. Alam kong mababasa niya ang mensaheng iyon. At mas lalo kong alam na hindi niya hahayaang matapos ang lahat sa simpleng pag-uusap. Kung may isang taong hindi marunong sumuko, si Miranda iyon. Sigurado akong may inihanda na naman siyang patibong. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako ang lalaking dating takot harapin ang sarili kong nakaraan. Hindi na ako nag-iisa. Sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, may pamilya na akong ipinaglalaban. Narinig ko ang marahang yabag ni Marielle sa likuran ko. Huminto siya sa tabi ko at marahang hinawakan ang braso ko. "Sino ang kausap mo?" mahina niyang tanong. Lumingon ako at sinalubong ang nag-aalala niyang mga mata. "Si Miranda." Bahagya siyang natigilan. "Nag-message ako. S
Marielle's POVTahimik akong nakatayo sa may bintana ng pasilyo habang pinagmamasdan si Giovanni sa ibaba.Dati, palagi siyang may itinatagong bahagi ng sarili niya. Kahit gaano kami kalapit, pakiramdam ko ay may isang pinto na hindi niya kailanman hinayaang mabuksan.Pero ngayon...Wala na ang pintong iyon.Nakatayo siya sa gitna ng bulwagan, napapalibutan ng kanyang mga tauhan. Kalmado ang boses niya, pero sapat na iyon para mapatahimik ang lahat."Walang sasantuhin," sabi niya. "Kapag may nagtaksil, ako mismo ang haharap sa kanya."Walang umimik.Tahimik na tumango ang mga lalaki bago isa-isang umalis.Tahimik lang akong nakatingin hanggang sa mapansin niya ako.Sa sandaling nagtama ang mga mata namin, tila nawala ang mabigat na ekspresyon sa mukha niya. Bumalik ang pamilyar na lambing na ako lang ang nakakakita.Iniwan niya ang mga tauhan niya at agad na umakyat."Kanina ka pa ba riyan?" tanong niya paglapit.Tumango ako."Hindi ka ba natakot?"Napangiti ako nang bahagya."Kung da
Giovanni's POVNakatayo ako sa gitna ng opisina habang sunod-sunod na nagbibigay ng utos sa telepono."Doblehin ang bantay sa lahat ng entrance.""Siguraduhing gumagana ang bawat camera.""Walang papasok at walang lalabas nang hindi dumadaan sa security.""At tandaan n'yo—walang pagkain, parsela, o kahit anong delivery ang tatanggapin nang hindi muna sinusuri."Isa-isang sumagot ang mga tauhan ko bago ko tinapos ang tawag kay Luca.Hindi na ako papayag na maulit ang nangyari.Isang pagkakamali lang ang kailangan para masira ang lahat ng pinoprotektahan ko.Pagharap ko, nakita ko si Marielle na tahimik na nakasandal sa may pintuan. Kanina pa pala siya roon.Ngumiti siya nang bahagya."Natapos ka na?"Tumango ako. "Oo."Lumapit siya hanggang sa magkalapit na kami."Pwede ba kitang tanungin?""Siyempre."Huminga muna siya nang malalim."Kailangan ko bang malaman ang lahat ng plano mo?" tanong niya. "Ayokong dumating sa puntong may mangyari na lang bigla, tapos saka ko lang malalaman."Hi
Marielle's POVKakarating lang namin sa mansyon nang madaling-araw. Bitbit pa rin namin ang init at katahimikan ng gabing magkasama kami. Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming nangyari, inisip kong baka puwede na kaming huminga kahit sandali.Pero mali ako.Pagpasok namin sa opisina ni Giovanni, pareho kaming napatigil.May isang puting sobre na nakapatong sa ibabaw ng mesa, eksaktong ibabaw ng mga dokumentong kanina lang naming inayos. Walang pangalan. Walang tatak. Pero may kakaibang bigat itong dala na agad kong naramdaman.Tahimik na lumapit si Giovanni at dinampot ang sobre.Habang binubuksan niya iyon, napansin kong tumigas ang kanyang panga.May isang litrato ang nahulog mula sa loob.Nanlamig ang buong katawan ko.Si Mikayla.Mahimbing siyang natutulog sa kanyang kama. Ang kuha ay malinaw na mula sa labas ng bintana ng kanyang silid.Nanginginig ang mga daliri kong binaliktad ang litrato.Nakasulat sa pulang tinta ang mensahe."Akala n'yo ba tapos na? Ang pahinga ay pa
Giovanni's POVNang huminto ang sasakyan sa harap ng Armani Hotel—ang pribado kong hotel na bihira kong puntahan—napansin ko ang pagkamangha sa mukha ni Marielle. Kami lang ang magkasama, bukod sa driver, at sinigurado kong walang ibang bisita sa buong palapag para magkaroon kami ng katahimikan.Iniwan namin si Mikayla sa mansyon kasama si Aling Nena, ang matagal na naming kasambahay na itinuring na naming bahagi ng pamilya. Alam kong ligtas siya roon, at alam ko ring kailangan naming magkaroon ng oras para sa isa't isa, malayo sa lahat ng problema at kaguluhan.Pagpasok namin sa presidential suite, sinalubong kami ng banayad na musika at ng mainit na liwanag ng mga kandilang nakapalibot sa malaking jacuzzi sa balkonahe. Mula roon ay tanaw ang kumukutitap na ilaw ng buong Maynila. Ngunit sa sandaling iyon, wala akong ibang nakita kundi si Marielle.Dahan-dahan siyang lumapit sa gilid ng jacuzzi at napangiti habang pinagmamasdan ang tanawin."Giovanni... ang ganda rito," mahina niyang
Marielle’s POVNakaupo ako sa malambot na sofa sa loob ng opisina, tahimik na nakatitig sa mga papel na nakakalat sa ibabaw ng mesa. Paulit‑ulit kong pinagdugtong‑dugtong ang lahat ng nangyari—mula sa una naming pagkikita, sa mga pagkakataong tila iniiwasan niya ang mga tanong ko, hanggang sa mga banta at mga lihim na bumalot sa amin nitong mga nakaraang araw.Noon, akala ko ang lahat ng iyon ay mga pader na unti‑unting naghihiwalay sa amin. Pero ngayon… parang biglang luminaw ang lahat.Pareho lang pala kaming ginamit.Pareho lang kaming niloko ng mga taong pinagkatiwalaan namin—mga taong itinuring naming pamilya at kakampi.Si Giovanni… hindi siya ang kalaban.Isa rin siyang biktima. Isang lalaking piniling ilayo ako sa katotohanan dahil natatakot siyang madamay ako sa mundong pilit niyang nilalabanan.Napatingin ako sa kanya.Nakatayo siya sa harap ng malaking bintana, nakatalikod sa akin, habang nakasuksok ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon. Mabigat ang tindig ng mga balikat
Marielle’s POV “Bitawan mo siya.” Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang malamig na boses ni Giovanni sa likuran namin. Ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin sa paligid. Mabigat. Mapanganib. At punong-puno ng tensyon. Mas humigpit ang hawak ni Ryan sa kamay ko habang matalim nitong
Giovanni’s POV Hindi ako natatakot mamatay. Sa mundong ginagalawan ko, matagal ko nang tinanggap na anumang oras ay maaaring may bala nang nakatutok sa ulo ko. Marami nang nagtangkang pumatay sa akin. Marami nang gustong pabagsakin ang Armani Syndicate. Pero ngayon… Sa unang pagkakataon, may ma
Giovanni’s POVHindi ko dapat siya hinalikan. Pero sa sandaling nakita kong umiiyak si Marielle sa harap ko habang unti-unting dinudurog ng lalaking iyon ang natitira niyang dignidad…May kung anong madilim na parte sa akin ang tuluyang kumawala. At ngayon, habang nasa loob ako ng sasakyan at tahim
Marielle’s POVParang huminto ang buong mundo nang suntukin ni Giovanni si Ryan sa harap ko. Napasinghap ako habang napaatras si Ryan dahil sa lakas ng tama. Dumugo agad ang gilid ng labi nito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Giovanni.Ngunit mas nakakatakot ang lalaking nasa harapan k







