Share

IV. UNMASKED

"Okay, class dismiss." Pagkasabi ng teacher namin no'n ay nagtayuan agad ang mga kaklase ko.

"Saan tayo ngayon?" tanong ni Jayson.

"Ngayon na lang kami bibili ni Brix ng mga decorations," sagot ko. "Sofia, ano pa bang kulang?"

"Ise-send ko na lang sayo 'yung list," sagot niya at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.

"Okay! Magkita-kita nalang tayo sa town hall," saad ni Macey. Sumang-ayon naman ang lahat.

Lumabas na kami ng classroom. Habang naglalakad sa hallway ay may nakita kaming babaeng tumatakbo. Namumutla ito at mukhang takot na takot.

Bigla siyang tumigil sa harapan namin.

"Miss, anong problema?" tanong ni Jayson.

"M-may lalaki sa CR!" Naiiyak na saad niya.

"Oh my God!" sigaw ni Macey.

"Hindi kaya 'yon din 'yung nakita ko?" tanong naman ni Sofia.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin do'n sa babae.

"Nakita mo ba 'yung itsura? Nasa'n na siya?" tanong ni Brix.

Umiling-iling 'yung babae. "Naka maskara siya kaya hindi ko nakita 'yung mukha niya. Bigla na lang siya tumakbo palabas ng CR," paliwanag nito.

Nakamaskara? 'Yon din 'yung nakita ni Sofia!

"What's happening here?"

Napalingon kami sa nagsalita – si Mr. Francisco.

"Nagpakita na naman daw po 'yung lalaking nakita ni Sofia noong isang araw," sagot ni Brix.

"What?!" sigaw ni Mr. Francisco. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at may tinawagan.

"Tumawag kayo ng pulis! Ngayon na!" Pagkasabi niya no'n ay binaba niya na ang tawag at muli kaming tinignan.

"Ms. Macey, please tell the other students to go to the auditorium,"

utos ni Mr. Francisco.

Sinamahan muna namin si Macey para mai-announce niya ang inutos ng principal.

"Good afternoon, Greenville students. This is your student council president, Macey Johnson. Please go to the auditorium now. I repeat, please go to the auditorium RIGHT NOW!"

Pagkatapos niyang magsalita ay tumingin siya sa 'min.

Nandito na kaming lahat ngayon sa auditorium. Pinagtipon-tipon kami dito ni Mr. Francisco dahil hindi pa alam kung estudyante lang ba 'yung nanakot o taga-labas.

Ilang saglit lang ay biglang nagsigawan ang mga estudyante. Lahat kami ay napatingin sa entrance ng auditorium kung saan papasok sila dad kasama ang ibang pulis. Hawak-hawak ni dad at ng isang pulis ang isang lalaki na naka mask at may duguang damit.

"Siya 'yung nakita ko kanina!" sigaw no'ng babaeng lumapit sa 'min.

Tinignan kong mabuti 'yung lalaki. Matangkad ito at payat. Gulo-gulo rin ang buhok nito.

"Mr. Francisco, nakita po namin siya sa likod ng high school building, umaakyat sa bakod para tumakas," sabi ni dad.

"Sir, sa palagay namin ito na 'yung tinutukoy nila na pumapasok sa CR ng mga babae."

Nilapitan ni Mr. Francisco 'yung lalaki.

"Tanggalin niyo ang maskara," utos nito.

Napatakip ako nang bibig nang makita kung sino ang nasa likod ng maskara. Narinig ko rin ang mga usap-usapan ng mga estudyante, lahat ay hindi makapaniwala sa nakikita.

Kahit ako ay hindi makapaniwala na magagawa ito ng isang lalaking katulad niya.

"Jude Dela Cerna," saad ni Mr. Francisco.

Si Jude ay estudyante dito. Grade 12 student tulad namin. Isang nerd at hindi mo talaga aakalain na magagawang manakot ng ganoon. Pero bakit niya ginagawa iyon?

"OMG! Sabi na nga ba hindi lang siya basta-basta na nerd. Err...binibigyan niya pa ako ng letter dati," inis na sabi ni Macey.

Tinignan ko ulit si Jude. Nakayuko lang ito at hindi manlang pumapalag sa pagkakahawak sa kaniya.

"Anong binabalak mo? Bakit mo tinatakot ang mga babae dito?" tanong ni dad sa kaniya pero hindi siya sumagot. Napahawak na lang sa ulo si dad dahil sa inis.

"Dalhin n'yo na 'yan," utos ni dad sa mga kasama niya pagkatapos ay tumingin siya kay Mr. Francisco.

"Mr. Francisco, kami na po ang bahala sa estudyanteng 'yon. Babalitaan na lang namin kayo."

"Maraming salamat, Mr. San Diego."

Umalis na sila daddy at isa-isa na rin kaming pinauwi pagkatapos kaming kausapin saglit.

"Okay na ba 'to?" tanong ni Brix habang pinapakita ang nakita niyang pang-decorate.

Tumango ako. "Okay na 'yan."

Nasa counter na kami nang biglang tumunog ang phone naming dalawa.

Notification from GU Secret Files

Binuksan ko 'yon.

GU Secret Files

Unmasked!!

Finally, nahuli na rin ang psycho na pagala-gala sa school. OMG! Nakakatakot talaga!

-AB

300 likes 212 comments

"Usap-usapan na si Jude sa buong school," saad ko.

"Alam mo, feeling ko may nag-utos lang sa kaniya." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Brix.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Matagal na nating kilala si Jude, pati na rin ang pamilya niya. Wala naman daw siyang sakit sa pag-iisip at kung may balak nga siyang manakot, sana matagal niya ng ginawa."

Napanguso ako at nag isip-isip. May point naman siya doon sa sinabi niya. Hindi rin imposible na may mag-utos kay Jude para gawin ang pananakot na iyon.

Pagkatapos namin bayaran ang mga pinamili namin ay umalis na kami para pumunta sa town hall kung saan nag-aantay ang mga kaibigan namin.

"Jayson, patulong naman dito," mahinhin na sabi ni Sofia kay Jayson habang tinuturo ang mga kahon kung saan nakalagay ang ibang decorations.

"Sige." Agad na lumapit si Jayson kay Sofia at binuhat ang kahon.

"Thank you," nakangiting sambit ni Sofia.

Maya-maya lang ay bigla kaming nakarinig ng busina. Tinignan namin kung saan nanggaling iyon at nakita namin ang isang pink na sasakyan.

Napangiti agad kami nang mapagtanto namin kung sino ang sakay ng kotseng iyon – ang ate ni Brix.

Pagbaba pa lang niya sa sasakyan ay sinugod agad namin siya ng yakap.

"Ate Bianca, namiss ka namin!" saad ni Sofia.

"Aww...so sweet. Namiss ko rin kayo." 2 months ago nang huli namin siyang nakita. Nag out-of-town kasi siya para sa business niya.

Tumingin sa 'kin si Ate Bianca at pang-asar na ngumiti.

"How are you, my sister-in-law? Kamusta na kayo ni Brix?" kinikilig na tanong niya.

Natawa na lang ako at napailing.

"I'm fine, Ate Bianca. Ayos lang din kami ni Brix," nakangiting sagot ko.

"Kinakamusta ka nga pala ni Kuya Derrick," dagdag ko na nagpapula sa mukha niya. Alam kong kahit matagal na silang wala ni Kuya Derrick, may nararamdaman pa rin sila sa isa't-isa. Nang maghiwalay silang dalawa ay hindi na rin naghanap si Ate Bianca ng bago. Itinuon na lang niya ang pansin niya sa kaniyang business.

"Mukhang busy kayo, ah," saad ni Ate Bianca.

"We're preparing for the homecoming," sagot ni Macey.

"Oo nga pala," sambit niya pagkatapos ay bumaling kay Sofia. "I'm so happy for your family, Sofia."

"Thank you, Ate Bianca," saad ni Sofia.

"By the way, may maitutulong ba ako dito?" tanong ni Ate Bianca.

"Kaya na namin 'to, ate. Magpahinga ka na lang muna," sabi ni Brix.

"Okay lang ako. Hindi rin naman ako makakapagpahinga sa bahay pag umuwi ako," sagot ni Ate Bianca.

Ang sipag niya talaga. Hanggang sa bahay ay dinadala niya ang trabaho niya.

"Okay, kung 'yan ang gusto---"

Naputol ang sasabihin ni Brix nang makarinig kami ng isang malakas na putok.

"Saan galing 'yon?" tanong ni Jayson.

"Parang putok ng baril 'yon," saad ni Brix na nagpakaba sa aming lahat. Naglabasan ang ibang tauhan ni Mayor pati na rin ang mga guard.

"Sa likod galing 'yung putok!" Rinig naming sigaw ng isang guard na tumatakbo.

Walang pagdadalawang-isip ay tumakbo kami at sumunod sa mga guard.

Naramdaman ko ang paghawak ni Brix sa kamay ko.

Nang makarating kami sa likod ng town hall kung saan magubat, naabutan namin ang mga guard na pinalilibutan ang isang patay na aso.

Biglang nahulog ang hawak kong panyo dahil sa panginginig ng kamay ko. Nang kukunin ko na ito ay may napansin akong isang punit ng papel na may bahid ng dugo.

Dahan-dahan ko itong dinampot at binuklat.

"I'm back!"

Ano 'to? Kanino galing 'to?

Pabalik-balik ang tingin ko roon sa duguang aso at dito sa kapirasong papel na hawak ko.

Hindi kaya iisa lang ang may gawa nito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status