Se connecterAng graduation day ay dapat masaya. Dapat puno ito ng tawanan, iyakan ng katuwaan, at ang matamis na lasa ng tagumpay matapos ang ilang taong pagpupuyat sa ibabaw ng makakapal na codals. Pero habang sinusuot ko ang itim na toga sa harap ng salamin, wala akong ibang maramdaman kundi ang bigat sa aking dibdib.
"Danah, anak, napakaganda mo sa suot mo," sabi ni Mama habang inaayos ang kulyar ng toga ko. "Sabi ko na nga ba, magiging ganap na abogado ang anak ko." Pilit akong ngumiti sa repleksyon ni Mama sa salamin. "Hindi pa po, Ma. Review pa po para sa Bar." "Sus, ikaw pa ba? Top 1 ka nga sa batch niyo, 'di ba?" pagmamalaki niya. Iyon na nga ang problema. Kahit ako ang Top 1 ng aming unibersidad, kahit ako ang may pinakamataas na GPA sa buong College of Law, ang pakiramdam ko ay palaging may kulang. Parang may isang malaking batik sa record ko na hindi mabura-bura. At ang batik na iyon ay may pangalan—Lucas Sebastian Salazar. Ang graduation ceremony ay ginanap sa isang malaking convention center kung saan nagsama-sama ang iba't ibang unibersidad para sa isang joint recognition ng mga top achievers sa buong probinsya. Iyon ang huling bagay na gusto kong maranasan. Ang makasama sa isang kwarto ang taong sumira sa huling taon ko sa law school. Habang naglalakad kami patungo sa aming mga upuan, rinig na rinig ang ingay ng mga silya at ang masayang tugtog ng banda. Pero sa paningin ko, ang lahat ay tila naka-slow motion. Ang mga itim na toga na suot namin ay tila mga aninong naglalakad. Ang bawat hakbang ko ay puno ng galit na hindi ko maipaliwanag. Galit sa pagkatalo, galit sa sarili ko dahil hinahayaan kong maapektuhan ako, at galit sa lalaking iyon na kahit kailan ay hindi nawala sa isip ko. "Danah, look! Sila Lucas oh, sa kabilang row lang!" bulong ni Mia habang hinihila ang laylayan ng toga ko. Hindi ko na kailangang hanapin. Ramdam ko na ang presensya niya bago ko pa man siya makita. Naroon siya, ilang upuan lang ang layo sa amin. At gaya ng inaasahan, kahit sa ilalim ng simpleng itim na toga, lumilitaw pa rin ang kaniyang aura. Nakikipagtawanan siya sa kaniyang mga kaklase, tila walang paki-alam sa mundo. Nang magsimula ang programa, isa-isang tinawag ang mga summa cum laude at top students ng bawat school. Noong tinawag ang pangalan ko, malakas na palakpakan ang bumalot sa hall. Umakyat ako sa stage nang may taas-noo, hawak ang aking medalya. Pero bago ako bumaba, hindi ko napigilang sulyapan ang pwesto nila Lucas. Nagtagpo ang mga mata namin. Sa gitna ng libu-libong tao, parang kaming dalawa lang ang naroon. Hindi siya pumalakpak. Nakatingin lang siya sa akin nang seryoso, bago unti-unting lumabas ang isang maliit na smirk sa kaniyang mga labi. It was that same look. Ang tingin na nagsasabing kahit anong taas ng narating ko, talo pa rin ako sa paningin niya. Bumaba ako ng stage na nanginginig ang mga tuhod. Hindi ito dahil sa kaba, kundi dahil sa purong poot. Pagbalik ko sa upuan ko, hindi ko na narinig ang susunod na mga speech. Ang tanging naririnig ko ay ang mabilis na tibok ng puso ko at ang boses ni Lucas sa isip ko. Matapos ang seremonya, nagkaroon ng picture taking sa labas ng hall. Lahat ay masaya, naghahagis ng mga graduation caps, nag-aabutan ng bulaklak. Habang abala ang pamilya ko sa pakikipag-usap sa ibang mga magulang, humiwalay muna ako para kumuha ng hangin. Lumakad ako patungo sa garden area ng convention center, malayo sa ingay. "Hindi ko alam na ang mga topnotcher pala ay mas gustong mag-isa sa dilim," isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan ko. Napapikit ako nang mariin bago lumingon. "Salazar. Hindi ka ba talaga napapagod na bwisitin ang araw ko?" Nakatayo siya sa ilalim ng isang puno, ang kaniyang toga ay nakabukas na at nakalagay ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang slacks. "I just wanted to congratulate you, Danah. Top 1 ka pala sa school niyo. Not bad." "Hindi ko kailangan ng congratulation mo," malamig kong sagot. "And for your information, hindi ako not bad. I worked hard for this." Lumapit siya sa akin, ang kaniyang mga hakbang ay dahan-dahan. "I know you did. Kitang-kita naman sa eyebags mo. Pero alam mo, Danah, kahit gaano karaming medalya ang isabit sa leeg mo, hinding-hindi niyan matatabunan ang katotohanan na sa huling debate natin, ako ang nagwagi." "You cheated your way to that victory, Lucas. Ginamit mo ang emosyon ng judges. You didn't win by merit, you won by manipulation," ganti ko, nararamdaman ang panginginig ng boses ko sa galit. Tumawa siya nang mahina, isang tunog na tila humahaplos sa pandinig ko sa paraang kinamumuhian ko. "In the legal world, manipulation is a skill, Danah. Ang tawag doon ay strategy. Kung hindi mo kayang gawin 'yon, baka sa library ka na lang dapat tumira habambuhay." "I am going to be a better lawyer than you will ever be," panunumpa ko habang tinititigan siya nang diretso sa mga mata. "We’ll see about that," sagot niya, mas inilapit pa ang kaniyang mukha sa akin. "The Bar is coming. Let’s see kung sino ang mas mabilis bumigay sa ilalim ng pressure. But honestly, Danah... look at you. You’re so full of resentment. It’s eating you alive." Inabot niya ang kamay niya at hinawakan ang tela ng toga ko sa may balikat. "Napakaganda sana ng suot mo, pero ang dumi ng nasa loob. Too much hate, too much pride." Tinampal ko ang kamay niya. "Do not touch me. And do not act as if you know me." "Oh, I know you more than you think, Danah Elise Laureano," bulong niya, ang kaniyang mga mata ay naging seryoso sa isang iglap. "I know that behind that perfect student image is a girl who’s scared of losing. And that fear? That’s my favorite thing about you."Ang library ng City Hall ay ang pinakamatahimik na lugar na alam ko sa buong siyudad. Dito, ang tanging ingay na maririnig mo ay ang paglipat ng mga pahina, ang mahinang pag-ugong ng lumang aircon, at ang paminsan-minsang pag-ubo ng librarian. Walang music, walang malakas na tawanan, at higit sa lahat, walang distraction. O iyon ang inakala ko.Alas-otso pa lang ng umaga ay narito na ako. Pinili ko ang pinakasulok na table, iyong malayo sa bintana para hindi ako maakit tumingin sa labas. Nakalatag na ang aking Codals, ang aking mga makukulay na highlighters, at ang aking notebook na puno ng mga mnemonics na ako lang ang nakakaintindi. Criminal Law ang focus ko ngayong araw. Kailangan kong kabisaduhin ang bawat elemento ng bawat krimen."Rebellion, Sedition, Treason..." bulong ko sa sarili ko habang sinusulat ang mga keywords.Maayos na ang lahat. Naka-focus na ang utak ko. Pero makalipas ang isang oras, naramdaman ko ang pagbukas ng mabigat na pinto ng library. Hindi ko sana papansini
Magtatanghali na, at ang kalsada sa labas ng paborito kong coffee shop sa siyudad ay abala sa mga taong nagmamadaling pumasok sa kani-kanilang trabaho. Pero ako, heto, nakakulong sa apat na sulok ng kapihang ito, sinusubukang lunukin ang lahat ng probisyon ng Civil Law habang lumalaklak ng kape.Isang buwan na ang nakalipas simula noong graduation, at ang review para sa Bar Exam ang tanging bagay na nagpapanatili sa akin na maging matino. O baka naman ito rin ang unti-unting sumisira sa akin."Excuse me, Miss? Pwede bang maki-share ng table? Wala na kasing bakante," tanong ng isang lalaki.Hindi ako nag-angat ng tingin. "May nakaupo na rito," pagsisinungaling ko, kahit ang totoo ay ang bag ko lang naman ang nasa tapat na silya."Talaga? Ang pagkakaalam ko, ang mga bag ay walang karapatang bumoto o umupo sa mga public spaces, Atty. Laureano."Halos mabitawan ko ang highlighter ko nang marinig ko ang boses na iyon. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko, nanalangin na sana ay namamali l
Ang graduation day ay dapat masaya. Dapat puno ito ng tawanan, iyakan ng katuwaan, at ang matamis na lasa ng tagumpay matapos ang ilang taong pagpupuyat sa ibabaw ng makakapal na codals. Pero habang sinusuot ko ang itim na toga sa harap ng salamin, wala akong ibang maramdaman kundi ang bigat sa aking dibdib."Danah, anak, napakaganda mo sa suot mo," sabi ni Mama habang inaayos ang kulyar ng toga ko. "Sabi ko na nga ba, magiging ganap na abogado ang anak ko."Pilit akong ngumiti sa repleksyon ni Mama sa salamin. "Hindi pa po, Ma. Review pa po para sa Bar.""Sus, ikaw pa ba? Top 1 ka nga sa batch niyo, 'di ba?" pagmamalaki niya.Iyon na nga ang problema. Kahit ako ang Top 1 ng aming unibersidad, kahit ako ang may pinakamataas na GPA sa buong College of Law, ang pakiramdam ko ay palaging may kulang. Parang may isang malaking batik sa record ko na hindi mabura-bura. At ang batik na iyon ay may pangalan—Lucas Sebastian Salazar.Ang graduation ceremony ay ginanap sa isang malaking conventio
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang gabing iyon sa Saint Jude, pero ang bawat hibla ng utak ko ay nakakandado pa rin sa bawat salitang binitawan ni Lucas Sebastian Salazar. Hindi ko matanggap. Hindi ko maproseso kung paanong ang isang taong tinitingnan ang batas bilang isang laruan ay siyang nakakuha ng parangal na pinaghirapan ko nang buong tatlong taon."Danah, stop it. You’re going to burn a hole through that page," bulong ni Mia sa tabi ko.Napatingin ako sa librong hawak ko. Halos mapunit ko na nga ang pahina ng Constitutional Law Review book sa higpit ng hawak ko. Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili."I’m fine, Mia. Nag-aaral lang ako," sagot ko, kahit alam naming dalawa na kanina ko pa binabasa ang iisang sentence nang hindi ito pumapasok sa isip ko."No, you’re not. Simula nang matalo tayo, para ka nang laging sasabog. Move on na, girl. Graduation is just around the corner. Focus na tayo sa review for the Bar," payo niya habang nililigpit ang kaniyan
Paglabas ni Danah sa auditorium, parang sumikip ang dibdib niya sa dami ng hangin na kailangang ilabas. Ang bawat hakbang niya sa hallway ng Saint Jude College ay tila may kasamang bigat na hindi niya maipaliwanag. Hindi lang ito basta pagkatalo sa isang debate. Ito ay ang pagguho ng kaniyang mundo .Hindi siya sanay matalo. Sa loob ng tatlong taon, siya ang pambato. Siya ang boses na hindi nanginginig. Pero kanina, sa harap ng lalaking iyon, tila naging marupok ang bawat salitang binitawan niya."Danah! Sandali!" sigaw ni Mia, ang kaniyang best friend, habang hinahabol siya.Tumigil si Danah pero hindi lumingon. "Mia, please. Gusto ko lang mapag-isa.""Danah, it was a split decision! Isang point lang ang lamang nila. You were brilliant out there," pag-alo ni Mia nang makalapit ito. Inabutan siya nito ng bottled water pero tinitigan lang iyon ni Danah."Isang point o isang daang point, Mia, talo pa rin. Talo ako kay Salazar," mariing sabi ni Danah. Ang pangalan ni Lucas ay parang lason
Ang amoy ng lumang kahoy, aircon, at ang mabigat na presensya ng kaba ang bumabalot sa buong session hall ng Saint Jude College. Para sa karaniwang estudyante, isa lang itong requirement o isang event na kailangang daloan para sa extra credits. Pero para kay Danah Elise Laureano, ito ang kaniyang entablado. Ito ang laro kung saan siya ang reyna.Naka-upo si Danah sa dulo ng mahabang lamesa, suot ang kaniyang pinakamalinis na white blazer. Maayos ang pagkaka-pusod ng kaniyang buhok. Sa harap niya ay ang kaniyang laptop at ang makapal na folder na naglalaman ng kaniyang mga argumentong ilang linggo niyang ppinagpuyatan."Kaya mo 'to, Danah. You are a Laureano. Failure is not in your vocabulary," bulong niya sa sarili habang hinihintay ang pagsisimula ng Inter-College Debate Championship.Lumingon siya sa kabilang panig ng hall. Ang ingay ng mga estudyante mula sa San Sebastian University ay tila isang babala. Doon, nakita niya ang kaniyang magiging katunggali. Ang usap-usapan ng lahat.







