Mag-log inMagtatanghali na, at ang kalsada sa labas ng paborito kong coffee shop sa siyudad ay abala sa mga taong nagmamadaling pumasok sa kani-kanilang trabaho. Pero ako, heto, nakakulong sa apat na sulok ng kapihang ito, sinusubukang lunukin ang lahat ng probisyon ng Civil Law habang lumalaklak ng kape.
Isang buwan na ang nakalipas simula noong graduation, at ang review para sa Bar Exam ang tanging bagay na nagpapanatili sa akin na maging matino. O baka naman ito rin ang unti-unting sumisira sa akin. "Excuse me, Miss? Pwede bang maki-share ng table? Wala na kasing bakante," tanong ng isang lalaki. Hindi ako nag-angat ng tingin. "May nakaupo na rito," pagsisinungaling ko, kahit ang totoo ay ang bag ko lang naman ang nasa tapat na silya. "Talaga? Ang pagkakaalam ko, ang mga bag ay walang karapatang bumoto o umupo sa mga public spaces, Atty. Laureano." Halos mabitawan ko ang highlighter ko nang marinig ko ang boses na iyon. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko, nanalangin na sana ay namamali lang ako ng dinig. Pero hindi. Sa harap ko, nakatayo ang lalaking tila naging personal na sumpa ng buhay ko. Si Lucas Sebastian Salazar. Naka-casual na polo shirt siya na kulay navy blue, nakatupi ang mga manggas hanggang siko, at may hawak na iced americano sa kabilang kamay. Ang kaniyang buhok ay bahagyang gulo-gulo, iyong tipong kagigising lang pero mukhang pang-bench billboard pa rin. At siyempre, ang kaniyang trademark na ngisi ay naroon na naman. "Salazar. Hindi ba uso ang ibang coffee shop sa lungsod na ito?" mariin kong tanong habang inaayos ang salamin ko. "Masarap ang kape rito, Danah. At masarap ding makita ang itsura mo kapag nabibigla," sagot niya bago siya tuluyang naupo sa harap ko nang hindi man lang naghihintay ng permiso. Inusog niya ang bag ko nang walang pasabi. "Ang kapal din talaga ng mukha mo, 'no? Kita mong nag-aaral ako, 'di ba?" singhal ko sa kaniya. "I’m reviewing too, you know. Hindi lang ikaw ang gustong maging abogado," sabi niya habang inilalabas ang kaniyang sariling mga libro mula sa messenger bag niya. Nakita ko ang kaniyang reviewer—puno rin ng mga notes, pero mas maayos tingnan kaysa sa akin. "Besides, sharing is caring. Isang table lang 'to, huwag kang masyadong possessive." "Hindi ako possessive. I just value my peace of mind. Something that disappears whenever you’re around," ganti ko. Uminom siya ng kape niya habang nakatingin nang diretso sa akin. "Bakit ba ang laki ng galit mo sa akin? Dahil ba tinalo kita? O dahil hanggang ngayon, hindi ka pa rin maka-get over sa katotohanang may isang tao na kayang pantayan ang talino mo?" "Wala akong pakialam sa'yo, Lucas. At mas lalong wala akong pakialam sa pagkapanalo mo. Ang ayaw ko lang ay ang yabang mo na akala mo ay ikaw ang nagmamay-ari ng mundo," sabi ko, sinusubukang ibalik ang atensyon sa libro, pero ang bawat salita ay tila nagiging malabo na. "Galit ka lang kasi hindi mo ako mabasa," bulong niya. Inilapit niya ang kaniyang silya, sapat na para maamoy ko ang hinalong caffeine at ang kaniyang panlalaking scent. "Ganyan ka ba talaga kapag lunch time? Caffeine and contempt? Baka ma-high blood ka niyan, wala pang exam." "Shut up, Lucas." Natahimik kami sandali. Sinubukan kong mag-focus, pero nararamdaman ko ang kaniyang mga mata na paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin. Ang bawat paglipat niya ng pahina, ang bawat paghigop niya ng kape, lahat 'yon ay nagiging distraction. "Your notes on Property Law are a mess," biglang sabi niya habang nakasilip sa papel ko. "Excuse me?" "You’re overcomplicating the concept of usufruct. Look," kinuha niya ang ballpen ko nang walang pasabi at may iginuhit sa gilid ng reviewer ko. "Simplihan mo lang. Law is about clarity, Danah. Hindi 'to debate stage na kailangang marami kang mabulaklak na salita. Sa Bar, direct to the point dapat." Agad kong hinablot ang ballpen ko. "Huwag mong pakialaman ang notes ko! I have my own way of learning." "And your way is exhausting," bulyaw niya. "Para kang nakikipag-away sa libro. Relax. Law is not your enemy, it’s your tool." "Sabi ng taong ginagawang laruan ang batas," bulong ko, pero narinig niya. Huminto siya sa pagsusulat at tiningnan ako nang seryoso. Wala na ang ngisi. Ang kaniyang mga mata ay tila naging mas malalim. "Hindi ko nilalaro ang batas, Danah. Ginagamit ko lang ito para manalo. Masama ba 'yon? We are training to be advocates. Ang trabaho natin ay ipanalo ang kliyente natin, kahit anong mangyari." "Kahit pa mali?" "Ang tama at mali ay subjective sa loob ng korte. Ang ebidensya at argumento ang totoo," sagot niya nang walang kukurap-kurap. "Iba tayo, Lucas. I want to be a lawyer because I want justice. Ikaw, gusto mo lang maging abogado dahil gusto mong maging superior," sabi ko habang nililigpit ang aking mga gamit. Hindi ko na kaya ang presensya niya. Ang kape ko ay lumamig na, at ang utak ko ay masyado nang punong-puno ng inis. "Aalis ka na? Dahil lang sa sinabi ko?" tanong niya, bumalik na naman ang nakakalokong ngiti sa kaniyang mukha. "O baka naman... natatakot kang ma-realize na may punto ako?" "Natatakot akong mahawa sa kayabangan mo," sagot ko habang isinasakbit ang bag ko. "Enjoy your coffee, Salazar. Sana malunod ka sa caffeine." Tumawa siya nang malakas, isang tunog na naging sanhi ng paglingon ng ibang tao sa shop. "See you around, Danah! Huwag mong masyadong galingan sa pag-aaral, baka maunahan mo pa ako sa Top 10!" Hindi ko na siya nilingon. Naglakad ako palabas ng shop nang mabilis, ramdam ang init ng sikat ng araw sa aking balat. . "Bwisit ka talaga, Salazar," bulong ko sa sarili ko habang pilit na binubura ang kaniyang guhit, pero ang bakas ng tinta ay nanatili pa rin sa papel. Parang siya. Isang bakas na kahit anong gawin kong kaskas, hindi ko na kayang alisin sa sistema ko.Ang library ng City Hall ay ang pinakamatahimik na lugar na alam ko sa buong siyudad. Dito, ang tanging ingay na maririnig mo ay ang paglipat ng mga pahina, ang mahinang pag-ugong ng lumang aircon, at ang paminsan-minsang pag-ubo ng librarian. Walang music, walang malakas na tawanan, at higit sa lahat, walang distraction. O iyon ang inakala ko.Alas-otso pa lang ng umaga ay narito na ako. Pinili ko ang pinakasulok na table, iyong malayo sa bintana para hindi ako maakit tumingin sa labas. Nakalatag na ang aking Codals, ang aking mga makukulay na highlighters, at ang aking notebook na puno ng mga mnemonics na ako lang ang nakakaintindi. Criminal Law ang focus ko ngayong araw. Kailangan kong kabisaduhin ang bawat elemento ng bawat krimen."Rebellion, Sedition, Treason..." bulong ko sa sarili ko habang sinusulat ang mga keywords.Maayos na ang lahat. Naka-focus na ang utak ko. Pero makalipas ang isang oras, naramdaman ko ang pagbukas ng mabigat na pinto ng library. Hindi ko sana papansini
Magtatanghali na, at ang kalsada sa labas ng paborito kong coffee shop sa siyudad ay abala sa mga taong nagmamadaling pumasok sa kani-kanilang trabaho. Pero ako, heto, nakakulong sa apat na sulok ng kapihang ito, sinusubukang lunukin ang lahat ng probisyon ng Civil Law habang lumalaklak ng kape.Isang buwan na ang nakalipas simula noong graduation, at ang review para sa Bar Exam ang tanging bagay na nagpapanatili sa akin na maging matino. O baka naman ito rin ang unti-unting sumisira sa akin."Excuse me, Miss? Pwede bang maki-share ng table? Wala na kasing bakante," tanong ng isang lalaki.Hindi ako nag-angat ng tingin. "May nakaupo na rito," pagsisinungaling ko, kahit ang totoo ay ang bag ko lang naman ang nasa tapat na silya."Talaga? Ang pagkakaalam ko, ang mga bag ay walang karapatang bumoto o umupo sa mga public spaces, Atty. Laureano."Halos mabitawan ko ang highlighter ko nang marinig ko ang boses na iyon. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko, nanalangin na sana ay namamali l
Ang graduation day ay dapat masaya. Dapat puno ito ng tawanan, iyakan ng katuwaan, at ang matamis na lasa ng tagumpay matapos ang ilang taong pagpupuyat sa ibabaw ng makakapal na codals. Pero habang sinusuot ko ang itim na toga sa harap ng salamin, wala akong ibang maramdaman kundi ang bigat sa aking dibdib."Danah, anak, napakaganda mo sa suot mo," sabi ni Mama habang inaayos ang kulyar ng toga ko. "Sabi ko na nga ba, magiging ganap na abogado ang anak ko."Pilit akong ngumiti sa repleksyon ni Mama sa salamin. "Hindi pa po, Ma. Review pa po para sa Bar.""Sus, ikaw pa ba? Top 1 ka nga sa batch niyo, 'di ba?" pagmamalaki niya.Iyon na nga ang problema. Kahit ako ang Top 1 ng aming unibersidad, kahit ako ang may pinakamataas na GPA sa buong College of Law, ang pakiramdam ko ay palaging may kulang. Parang may isang malaking batik sa record ko na hindi mabura-bura. At ang batik na iyon ay may pangalan—Lucas Sebastian Salazar.Ang graduation ceremony ay ginanap sa isang malaking conventio
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang gabing iyon sa Saint Jude, pero ang bawat hibla ng utak ko ay nakakandado pa rin sa bawat salitang binitawan ni Lucas Sebastian Salazar. Hindi ko matanggap. Hindi ko maproseso kung paanong ang isang taong tinitingnan ang batas bilang isang laruan ay siyang nakakuha ng parangal na pinaghirapan ko nang buong tatlong taon."Danah, stop it. You’re going to burn a hole through that page," bulong ni Mia sa tabi ko.Napatingin ako sa librong hawak ko. Halos mapunit ko na nga ang pahina ng Constitutional Law Review book sa higpit ng hawak ko. Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili."I’m fine, Mia. Nag-aaral lang ako," sagot ko, kahit alam naming dalawa na kanina ko pa binabasa ang iisang sentence nang hindi ito pumapasok sa isip ko."No, you’re not. Simula nang matalo tayo, para ka nang laging sasabog. Move on na, girl. Graduation is just around the corner. Focus na tayo sa review for the Bar," payo niya habang nililigpit ang kaniyan
Paglabas ni Danah sa auditorium, parang sumikip ang dibdib niya sa dami ng hangin na kailangang ilabas. Ang bawat hakbang niya sa hallway ng Saint Jude College ay tila may kasamang bigat na hindi niya maipaliwanag. Hindi lang ito basta pagkatalo sa isang debate. Ito ay ang pagguho ng kaniyang mundo .Hindi siya sanay matalo. Sa loob ng tatlong taon, siya ang pambato. Siya ang boses na hindi nanginginig. Pero kanina, sa harap ng lalaking iyon, tila naging marupok ang bawat salitang binitawan niya."Danah! Sandali!" sigaw ni Mia, ang kaniyang best friend, habang hinahabol siya.Tumigil si Danah pero hindi lumingon. "Mia, please. Gusto ko lang mapag-isa.""Danah, it was a split decision! Isang point lang ang lamang nila. You were brilliant out there," pag-alo ni Mia nang makalapit ito. Inabutan siya nito ng bottled water pero tinitigan lang iyon ni Danah."Isang point o isang daang point, Mia, talo pa rin. Talo ako kay Salazar," mariing sabi ni Danah. Ang pangalan ni Lucas ay parang lason
Ang amoy ng lumang kahoy, aircon, at ang mabigat na presensya ng kaba ang bumabalot sa buong session hall ng Saint Jude College. Para sa karaniwang estudyante, isa lang itong requirement o isang event na kailangang daloan para sa extra credits. Pero para kay Danah Elise Laureano, ito ang kaniyang entablado. Ito ang laro kung saan siya ang reyna.Naka-upo si Danah sa dulo ng mahabang lamesa, suot ang kaniyang pinakamalinis na white blazer. Maayos ang pagkaka-pusod ng kaniyang buhok. Sa harap niya ay ang kaniyang laptop at ang makapal na folder na naglalaman ng kaniyang mga argumentong ilang linggo niyang ppinagpuyatan."Kaya mo 'to, Danah. You are a Laureano. Failure is not in your vocabulary," bulong niya sa sarili habang hinihintay ang pagsisimula ng Inter-College Debate Championship.Lumingon siya sa kabilang panig ng hall. Ang ingay ng mga estudyante mula sa San Sebastian University ay tila isang babala. Doon, nakita niya ang kaniyang magiging katunggali. Ang usap-usapan ng lahat.







