LOGIN
LILY'S P O V ~
Kumukulo sa kaba ang dibdib ko habang nagmamadali ako sa paglalakad. Hawak ko sa isang kamay ang baso ng mainit na Americano, habang ang isang kamay ay mahigpit na hawak ang makapal na folder na kailangan para sa internship. Unang araw ko ngayon bilang intern sa Padilla Legal Group. Matagal kong pinaghirapan ang pagkakataong ito kaya ayokong mahuli. 'Malapit na mag-alas-otso.' Mabilis akong sumulyap sa relo ko. Sa pagmamadali ko, hindi ko na napapansin ang mga taong nakasalubong ko. Ang nasa isip ko lang ay ang makarating sa law firm bago magsimula ang orientation. Bago pa ako makatawid sa kalsada, isang matangkad na lalaki ang biglang humakbang sa harapan ko at yumuko upang pulutin ang isang bagay sa semento. Hindi ako agad nakapreno. Muntik nang tumapon ang mainit kong kape sa puting blouse ko kaya mabilis kong itinaas ang kamay ko. Napaatras pa ako para hindi tuluyang mawalan ng balanse. "Ano ba?! Mag-ingat ka naman sa dinadaanan mo!" bulyaw ko dito, salubong ang mga kilay. Nang tumayo siya, saka ko napansin kung gaano siya katangkad. Bagay sa kanya ang navy blue suit, lalo na sa seryoso niyang mukha at matalim na mga mata sa likod ng manipis na salamin. Saglit na natigilan ako sa pagtitig dito. ‘Okay. Gwapo’. Agad kong inalis ang tingin. ‘Focus, Lily. First day mo ngayon.’ "Look! Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo, Miss," malamig niyang sagot. Itinaas ng lalaki ang kanyang kanang kamay, at doon nakasabit ang isang ID lace na nahulog mula sa bag ko. "Iyo ata ito. Wala kang pag iingat." Sa halip na mapawi ang galit ko at magpasalamat dito, lalo pang umiral ang aking likas na pagiging palaban at pasaway. Dala na rin ng matinding stress at kaba para sa aking unang araw. "Puwede mo naman akong tawagin nang maayos o hawakan muna 'yan, hindi 'yung bigla kang nanghaharang sa daan na parang nangho-holdap” Hinablot ko ang ID mula sa kamay niya. “At saka, ID lang 'yan, hindi ko ikamamatay kung maiwan sa sahig. Istorbo sa nagmamadali. Unless may gusto ka sakin kaya ka bumubuntot?" pagtataray ko. Bahagyang itinaas nito ang isang kilay. Sinundan niya ako ng tingin habang inaayos ko ang folder. "Sana lang ay mapanatili mo ang ganyang tapang kapag pumasok ka na sa loob ng gusaling iyan, Miss Cruz.” Bahagya siyang ngumiti. “Tandaan mo ang mukha kong ito. Dahil baka pagsisihan mo ang sinabi mo ngayon." "Aba, nagbabanta ka pa talaga? Tabi nga, baka mahuli pa ako, balita ko pa naman ay napakabagsik ng may-ari ng kumpanya!" asik ko bago tuluyang tumalikod. Makalipas ang ilang minuto, nasa conference room na ako kasama ang iba pang interns. "Narinig niyo ba?" bulong ng isang babaeng intern na katabi ko. "Ang mismong founding partner at may-ari ng law firm ang mag-o-orient sa atin ngayon. Si Attorney Rex Padilla. Sabi nila, wala pang intern ang tumatagal sa kanya ng higit sa isang buwan dahil sa sobrang higpit at tapang niya. Pero balita ko ang gwapo at kisig nya, narinig ko din sa ibang mga abogado mahigpit na pinagbabawal daw makipag relasyon dito sa loob ng law firm." Inayos ko ang sarili, hindi ko na inisip ang lalaking nakasalubong ko kanina. Hanggang sa bumukas ang p***o. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok ang isang pamilyar na lalaki. Naka navy blue suit. May manipis na salamin. Matalim na mga mata. Siya ang lalaking tinarayan ko kanina. ‘Bakit kailangan pa niyang maging ganito kagwapo?’ Agad kong iniwas ang tingin ko. Pero ilang segundo lang ang lumipas bago ako napatingin ulit. At nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Mabilis akong napayuko. ‘Fck pano nangyari to?.’ Bulong ko sa sarili ko. "Good morning, interns. I am Attorney Rex Padilla, founding partner of Padilla Group." Napatigil ako. Rex Padilla. Siya ang lalaking tinarayan ko kanina. At siya rin pala ang boss ko. "Welcome to Padilla Legal Group. Dito, mahalaga ang disiplina, respeto, at professionalism." Saglit siyang tumingin sa akin. Napalunok ako. Hindi maaari. "Kung sa unang araw pa lang ay hindi mo na alam kung paano rumespeto sa mga tao sa paligid mo, hindi ka karapat-dapat na magsuot ng abogasiya sa hinaharap.” Napalunok ako nang malalim. First day ko pa lang, pero mukhang magiging mahirap ang pakikitungo ko sa boss kong ito. Napatingin ako. Nagtagpo ang mga mata namin. Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Parang alam niyang hindi ko inaasahang siya ang makikita ko rito. "Let's begin.” Ipinaliwanag ni Rex ang mga rules ng firm, ang expectations sa mga interns, at ang pagiging maingat sa confidential documents. Mahigpit siya. At walang sinasayang na salita. Maya-maya, isa-isa niyang ipinamahagi ang assignments namin. Nang ako na ang tawagin, iniabot niya sa akin ang isang folder. "Case digest." Binuksan ko iyon. Makapal. Napatingin ako sa kanya. "Twenty-five cases?" "Yes." "Today?" "Tomorrow morning.” Napabuntong-hininga ako. "Problem?" Agad akong umiling. "Wala, Boss." "Good." Tumalikod na siya. Napatingin ako sa folder. First day pa lang. Pero imbes na panghinaan ako ng loob, inayos ko ang mga gamit ko at nagsimulang magtrabaho. Kung gusto kong manatili rito, kailangan kong patunayan na kaya ko. Lumipas ang mga oras. Halos hindi ako nakabangon sa desk ko habang binabasa ang mga case files at inaayos ang notes ko. Paminsan-minsan, napapatingin ako sa glass-walled office ni Rex. Minsan ay abala siya sa pagbabasa. Minsan ay nagsusulat. At isang beses— Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Mabilis akong yumuko. Bakit ba ako tumitingin sa kanya? Maya-maya, narinig ko ang boses niya. "Ms. Cruz.” Napatingala ako. Nakatayo na siya sa tabi ng desk ko. "Yes, Boss?" Tiningnan niya ang ginagawa ko. "You missed something." Napakunot ang noo ko. "Saan?" Itinuro niya ang isang bahagi ng document. "Look at the facts before the conclusion." Sinunod ko ang sinabi niya. At doon ko nakita ang maliit na inconsistency sa dates. "Ah." Tumingin ako sa kanya. "May mali nga." Tumango siya. "Don't rush just because you want to finish early." Saglit siyang tumingin sa akin. "One small detail can change an entire case." "Yes, Boss." Tinalikuran niya ako. Pero bago siya tuluyang makalayo, muli siyang lumingon. "Good work so far." Natigilan ako. Simpleng salita lang iyon. Pero hindi ko inaasahang maririnig ko iyon mula sa kanya. "Thank you." Tumango siya bago bumalik sa opisina niya. Napatingin ako sa kanya hanggang sa makaupo siya sa likod ng desk. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang gumaan ang pakiramdam ko. Bandang alas-singko ng hapon, natapos ko rin ang lahat. Maingat kong inayos ang case digest at dinala iyon sa opisina ni Rex. Kumatok ako. "Come in." Pumasok ako. "Boss." Tumingin siya sa akin. "I finished the case digest." Iniabot ko ang folder. Kinuha niya iyon at mabilis na sinuri ang ilang pahina. Pagkatapos ay tumango. "Good." Napangiti ako. "That's it?" Bahagya niyang tinaas ang kilay. "What do you want me to say?" "Wala naman." "Then go home." Napangiti ako. "Salamat, Boss." Paglabas ko ng opisina niya, saka ako nakahinga nang maluwag.LILY'S P O V~Wala po.”“Lily.”“Good luck, Boss!”Umiling siya at muling pumuwesto.Sa ikalawang hagis, muntik nang matumba ang target pero nanatili pa rin iyon sa kinatatayuan.Sa ikatlo, tuluyan na niyang napabagsak ang isa.Napapalakpak ako.“Isa na lang!”“May dalawa pa.”“Ah, oo nga pala.”Napatingin siya sa akin na para bang gusto niyang bawiin ang lahat ng sinabi niya tungkol sa paglalaro.Pero nang tuluyan niyang mapabagsak ang mga natitirang target, hindi ko napigilang mapatalon sa tuwa.“Boss! Nanalo ka!”Kinuha ng attendant ang teddy bear at iniabot iyon sa kaniya.Tinanggap niya ang premyo bago bumaling sa akin.“Here.”Inabot niya sa akin ang teddy bear.Napangiti ako nang malawak habang tinatanggap iyon.“Thank you, Boss!”“It's just a stuffed toy.”“Pero ikaw ang nanalo!”Hindi ko alam kung bakit biglang naging espesyal sa akin ang isang simpleng teddy bear. Hindi naman iyon ang pinakamagandang laruan na nakita ko, at hindi rin iyon ang pinakamahalagang bagay na maaari
LILY'S P O V~“Boss, paano kung doon tayo sumakay mamaya?”Napatingin siya sa akin. Pagkatapos ay tumingin siya sa Ferris wheel. At sa unang pagkakataon ngayong gabi, hindi siya agad nakasagot.Nagsalubong ang mga kilay niya habang pinagmamasdan ang malaking ride na dahan-dahang umiikot sa gitna ng makukulay na ilaw. Mula sa kinatatayuan namin, kitang-kita ang mga taong nasa loob ng mga cabin. May mga magkasintahang magkahawak-kamay, may mga magkakaibigang nagtatawanan, at may ilang taong abala sa pagkuha ng litrato habang unti-unti silang umaakyat.Para sa akin, napakaganda ng tanawin na ito. Nabawi ang lahat ng pagod at sakit na mga nararamdaman, kabaliktaran naman para kay Rex, parang isa iyong malaking problemang kailangan niyang solusyunan.“Bakit Ferris wheel pa?!” nagtatakang tanong niya sa wakas.Napangiti ako. “Kasi maganda ang view sa taas eh. Sabi mo naman lahat gagawin mo para sa akin, ito na 'yon, gustong-gusto ko makita ang tanawin sa itaas,” pagpapa-cute ko sa kaniya pa
LILY'S P O V~“Gusto ko po sana pumunta sa carnival. Alam ko kasing malapit lang iyon dito, Boss.”Ilang segundo akong tinitigan ni Rex matapos kong sabihin iyon. Nakatayo kami sa labas ng restaurant, at habang hinihintay ko ang sagot niya, hindi ko maiwasang kabahan. Kanina lang, sinabi niyang maaari akong humiling ng kahit ano bago kami umuwi. Hindi ko naman inakalang ganoon kahirap sabihin ang gusto ko kapag nasa harapan ko na siya.“Carnival?” ulit niya, para bang hindi siya sigurado kung tama ang pagkakarinig niya.Tumango ako. “Yes, Boss.”“Totoo ba ang sinasabi mo o nagbibiro ka lang?”“Bakit naman ako magbibiro tungkol doon?”Bahagya siyang napapikit at huminga nang malalim. Napansin ko ang paggalaw ng panga niya, na para bang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya muna.“Lily, galing tayo sa isang mabigat na pangyayari. Gusto mong pumunta sa carnival?”“Exactly, Boss.” Sinikap kong pigilan ang ngiti ko. “Gusto kong mag-enjoy kahit sandali. Ayoko namang buong araw na l
LILY'S P O V~ Napatingin ako sa kaniya. “Hindi ko alam kung bakit mo ako ipinagtanggol nang ganoon kagabi. Pero salamat.” Natahimik si Rex. Sandali siyang tumingin sa akin bago niya inilapag ang kubyertos niya. “Hindi mo kailangang magpasalamat dahil lang hindi kita hinayaang sisihin sa ginawa ng ibang tao.” “Pero hindi naman lahat gagawin iyon.” “Hindi ibig sabihin na dahil hindi lahat gagawa, hindi na dapat gawin. Empleyado kita at ayaw kong may mapahamak ang mga empleyado ko lalo na kung tungkol sa trabaho.” Napakurap ako. Hindi ko alam kung bakit mas tumatak sa akin ang sagot niyang iyon kaysa sa lahat ng sinabi niya mula nang dumating siya sa hotel. Bahagya siyang yumuko, nakapatong ang mga braso sa mesa. Hindi nagbago ang tono niya nang muli siyang magsalita, pero may kung anong katapatan sa mga mata niyang hindi ko kayang balewalain. “Lily, hindi mo kailangang maging matapang sa lahat ng oras. Hindi mo kailangang akuin ang bawat problema para lang mapatunayan na kaya
LILY'S P O V~ “Boss, hindi ko naman kayang kumain ng lahat ng ganiyan.” “Alam ko.” “Kung alam mo, bakit ang dami naman niyan?!” “Dahil hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin rito.” Napakurap ako. Iyon lang ang paliwanag niya. Walang malaking ngiti, walang pagyayabang, at walang bakas na iniisip niyang may kakaiba siyang ginawa. Para bang normal lang sa kaniya na maghanda ng ganito karaming pagkain dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ko. “Puwede mo naman akong tanongin,” sabi ko. “Kung tinanong kita, baka sabihin mong kahit ano na lang.” Napanganga ako nang bahagya. “Paano mo naman nalaman?” “Dahil ilang beses mo nang sinabi sa akin ang ganiyan.” Napatawa ako, at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umupo ako habang umiiling, samantalang hinila niya ang upuan sa tapat ko at umupo rin. “Hindi ko naman akalaing matatandaan mo iyon.” Kinuha niya ang kutsara at tinidor, saka inayos ang mga ito sa tabi ng plato niya. “Marami akong na
LILY'S P O V~ Pagmulat ko ng mga mata, ang unang bumalik sa isip ko ay ang nangyari kagabi. Ang matigas na boses ni Rex habang kinakaharap si Xiam. Ang galit na pilit niyang kinokontrol sa bawat salitang binibitawan niya. At ang paraan ng pagtayo niya sa tabi ko, na para bang wala siyang pakialam kung sino ang makabangga niya basta hindi na ako muling masasaktan. Napapikit ako at napahigpit ang hawak sa kumot. Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap kalimutan—ang ginawa sa akin ni Xiam o ang paraan ng pagdepensa sa akin ni Rex. Sanay akong ako ang humaharap sa sarili kong problema. Kapag may nang-aapi sa akin, pinipili kong manahimik kung iyon ang pinakamabilis na paraan para matapos ang gulo. Kapag may naninisi sa akin, madalas ay hinahayaan ko na lang dahil ayokong humaba pa ang usapan. Pero kagabi, hindi ako pinabayaan ni Rex na akuin ang kasalanang hindi naman sa akin. Naririnig ko pa rin sa isip ko ang sinabi niya kay Xiam. Hindi niya ako hinayaang baligtarin ang nangyari. Hind







