INICIAR SESIÓNLILY'S P O V~
Hindi ko alam kung paano ko natapos ang orientation nang hindi tuluyang bumigay ang tuhod ko. Paglabas ko ng Padilla Legal Group, saka lang ako nakahinga nang maluwag. Sa unang araw pa lang, agad kong naranasan kung gaano kataas ang standards ni Attorney Rex Padilla. Hindi man siya palaging nagbibigay ng papuri, alam kong kapag sinabi niyang ‘Good’, ibig sabihin ay maayos ang ginawa ko. At iyon ang sapat na para sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. Bago pa man ako makasakay, nag-vibrate ang cellphone ko. May isang bagong message. Apartment Application Update. Napakunot ang noo ko. Agad ko iyong binuksan. Congratulations! Your application has been approved. Nanlaki ang mga mata ko. Napangiti ako nang hindi ko namamalayan. Ilang araw ko ring hinihintay ang sagot na iyon. Malapit ang apartment sa trabaho kaya hindi ko na kailangang magbiyahe nang matagal araw-araw. Sa dami ng nangyari ngayong araw, ito lang ang magandang balita na kailangan ko. May trabaho na ako. At may matitirhan na rin ako. Napatingin ako sa gusali ng Padilla Legal Group. Napailing ako. "At least sa apartment, wala siya." Napangiti ako sa sarili ko. Umuwi muna ako sa bahay para kunin ang ilan sa mga gamit kong kailangan. Ang importante ay ang mga damit, personal na gamit, ilang libro, at mga bagay na kakailanganin ko habang nagsisimula ako sa bagong lugar. Pagdating ko sa apartment, agad kong inilabas ang mga gamit ko at pumasok sa loob. Tahimik ang buong lugar. “Finally,” bulong ko habang inilapag ang bag ko. Isa-isa kong inayos ang mga damit at personal na gamit. Nang matapos ako, umupo muna ako sa gilid ng kama. Sa wakas, mayroon na akong lugar na matatawag kong akin. Ilang minuto pa lang akong nagpapahinga nang marinig ko ang pagbukas ng p***o. Napahinto ako. Napalingon ako sa may pintuan, at doon ako natigilan. Si Rex. “Boss?” Saglit siyang natigilan nang makita ako. “Ms. Cruz?” Tiningnan ko ang hawak niyang bag, pagkatapos ay ang loob ng apartment. “Dito ka nakatira?” Bahagyang itinaas niya ang isang kilay. “Mukhang pareho tayo ng tanong.” Napatingin ako sa hawak niyang susi. Tumingin ako sa apartment, tapos sa kanya. "Wait." Kinuha ko agad ang cellphone ko at binuksan ang message mula sa management. Pareho. Napatingin ako sa kanya. "Roommate kita?" Tumango siya. "Looks like it." Napapikit ako sandali. "Seriously, Boss?" Bahagya siyang ngumiti. "May problema ba?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mai-stress. Tapos ngayon, kailangan ko pa siyang makasama sa bahay? Mas nakakabahala iyon. Kinuha niya ang mga gamit niya at naglakad papunta sa kabilang kuwarto. “Since we'll be living together, let's keep things simple.” “Simple?” “Respect each other's privacy. Keep the apartment clean.” Tumango ako. "Fine." Bago siya tuluyang pumasok sa kuwarto, napatingin siya sa akin. Sandali kaming nagkatitigan. Mabilis akong umiwas. Lumipas ang ilang oras. Tahimik ang apartment. Pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit, lumabas ako ng kuwarto para kumuha ng tubig. Pagdating ko sa kusina, sakto namang lumabas si Rex mula sa kabilang kuwarto. Wala na ang suit niya. Naka-long sleeves na lamang siya na bahagyang nakatiklop ang manggas hanggang siko. Hindi ko alam kung bakit napatingin ako sa kanya nang ilang segundo. Agad kong iniwas ang tingin ko. "Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya. "Kukuha lang ako ng tubig." Tumango siya. Pareho kaming lumapit sa counter. At sa parehong oras, sabay kaming umabot sa baso. Nagkadikit ang mga kamay namin, kaya pareho kaming natigilan. Saglit na nanahimik ang paligid. Ramdam ko ang init ng kamay niya bago ako agad bumitaw. "Sorry," mabilis kong sabi. Agad kong kinuha ang baso. Pero bago ako tuluyang umatras, napansin kong nakatingin siya sa kamay ko. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang mukha ko, at kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Kukunin ko na." "Go ahead." Lumayo ako nang kaunti at nagsalin ng tubig. Pero kahit nakatalikod ako, ramdam ko pa rin ang presensya niya. Bakit parang ang awkward? Nagkadikit lang naman ang mga kamay namin. Wala naman iyong ibig sabihin. Kinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa sa inaasahan ko. Paglabas ko ng kuwarto, nadatnan kong nasa kusina na si Rex. May hawak itong tasa ng kape habang nagbabasa ng ilang dokumento. Napatingin siya sa akin. "Morning." "Good morning, Boss." Saglit kaming nagkatitigan bago ako dumiretso sa kusina. Mula noon, nagsimula nang maging normal ang mga umaga namin. Hindi naman palaging tahimik. Minsan, may simpleng pagtatalo. Katulad nang isang umaga na nakita kong naiwan ni Rex ang isang stack ng documents sa dining table. "Boss, sabi mo keep the apartment clean." Hindi siya agad tumingin. "They're not trash." "Pero nasa dining table." "I'll move them later." "Later means kailan?" "You're starting to sound like my mother." Napairap ako. "At least may nagre-remind sa'yo." Bahagya siyang ngumiti. "Noted.” Isang gabi, umuwi akong may dalang ingredients. Magluluto sana ako ng pasta. Pagpasok ko sa kusina, nakita kong may niluluto si Rex. "Boss, anong ginagawa mo?" "Dinner." "Alam ko. Pero pasta sana lulutuin ko." Tumingin siya sa mga dala kong ingredients. "I was planning to make steak." "Steak?" "Yes." Napatingin ako sa kawali. "Pwede namang pasta." "I prefer steak." "I prefer pasta." Tahimik kaming nagtitigan. "Then you cook yours," sabi niya. "At ikaw ang maghuhugas?" At sa unang pagkakataon, sabay kaming naghanda ng pagkain sa iisang kusina nang hindi nagtatalo nang tuluyan. Lumipas ang mga araw nang ganoon. Minsan nagtatalo kami tungkol sa gamit. Pero sa pagitan ng mga maliliit na pagtatalo, unti-unti rin kaming nasasanay sa isa't isa. Nasanay ako sa tunog ng pagbukas ng p***o kapag umuuwi siya. At higit sa lahat, nasanay ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin na minsan ay hindi ko maipaliwanag. Isang gabi, habang naglalagay ako ng baso sa cabinet, bigla kong naramdaman ang presensya niya sa likuran ko. "Need help?" Umiling ako. "I'm fine." Inabot niya ang baso sa kamay ko. Sandali kaming nagkalapit kaya nagtagpo ang mga mata namin. Pero tulad ng mga nakaraang araw, may kakaibang kaba na muling dumaan sa dibdib ko. Mabilis akong umatras. "Good night, Boss." Bahagya siyang ngumiti. "Good night, Lily." Pumasok na ako sa kuwarto ko. Ngayon lang niya ako tinawag sa pangalan ko. 'Bakit parang iba kapag Lily ang tawag niya sa akin?’Kinabukasan, kapansin-pansin ang pag-iwas ni Lily sa akin.Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kagabi, pero mas tahimik siya kaysa dati. Kapag nagkakatagpo ang mga mata namin, siya agad ang unang umiiwas.Napasulyapan ako sa kaniya. Napansin ko ang mahaba at straight niyang buhok, ang mahahabang pilikmata, at ang magandang hugis ng labi niyang mapula kahit kaunti lang ang makeup niya.Natural ang ganda niya.At hindi ko maintindihan kung bakit ngayon ko lang iyon napapansin nang ganito.“Boss?”Napakurap ako at napatingin kay Lily.“Nandito pa kayo?”“Of course.”Tumango siya at bumalik sa ginagawa niya.Napabuntong-hininga ako.Ano bang nangyayari sa akin?Bago pa ako makapag-isip nang maayos, tumunog ang cellphone ko. Si Adrien.Matalik na kaibigan ko at isa ring attorney.“Rex, huwag mong kalimutan mamaya,” bungad niya nang sagutin ko ang tawag.“Ano?”“May salu-salo tayo para sa mga attorneys. Darating din ang ibang co-attorneys mula sa iba't ibang law firms.”“Hindi ako pupun
REX'S P O V~ Tahimik ang opisina ko nang araw na iyon. Napatingin ako sa labas ng glass wall. Diretso ang tingin ko sa desk ni Lily. Wala siya. Binalik ko ang tingin ko sa dokumento. Makalipas ang ilang minuto, muli akong napatingin. Wala pa rin. Napakunot ang noo ko. Hindi naman ito ang unang pagkakataong wala siya sa desk niya. Intern siya. May mga ipinapagawa rin sa kanya sa ibang bahagi ng opisina. Pero bakit parang ilang beses ko nang hinahanap ang presensya niya? Napabuntong-hininga ako at pilit na ibinalik ang atensyon ko sa trabaho. Lumipas pa ang halos isang oras. Wala pa rin si Lily. Tumayo ako at kinuha ang mug ko. Iyon ang dahilan na ibinigay ko sa sarili ko. Lumabas ako ng opisina at dumiretso sa kitchen. Pagpasok ko roon, awtomatiko akong napatingin sa paligid. Wala siya. Napailing ako sa sarili ko. Bakit ko ba inaasahang nandito siya? Nagtimpla ako ng kape at saglit na nanatili roon. Habang hinihintay kong lumamig nang kaunti ang kape, narinig ko ang i
LILY'S P O V~ Kinabukasan, maaga akong nagising. Tahimik ang apartment. Paglabas ko ng kuwarto, wala si Rex sa sala. Siguro nauna na siyang pumasok sa office. Mas mabuti na rin. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng nangyari kagabi. Napahawak ako sa labi ko. Agad ko iyong ibinaba. “Stop it, Lily.” Trabaho lang ang dapat kong isipin. Pagdating ko sa office, abala na ang lahat. Dumiretso ako sa desk ko at inayos ang mga dokumentong kailangan kong tapusin. Ilang minuto pa lang akong nagtatrabaho nang marinig ko ang pamilyar na boses. “Miss Cruz.” Napatingala ako. Si Rex. “Good morning, Boss.” Tumango siya. “Good morning.” Saglit siyang tumingin sa hawak kong files. “Done with the case digest?” “Yes.” “Good.” Umalis siya. Napatingin ako sa likod niya. Ganun lang? Parang walang nangyari kagabi. Muli akong napabuntong-hininga at ipinagpatuloy ang trabaho. Lumipas ang ilang oras na puro trabaho lang ang ginawa namin. Banda
REX'S P O V~ Dati, gusto kong tahimik kapag nasa bahay. Ngayon, may isang taong palaging nasa paligid ko. At nakakagulat na hindi na iyon nakakainis. Nasa kabilang bahagi ng sofa si Lily, nakatutok sa laptop niya habang nagbabasa ng mga dokumento. Paminsan-minsan, napapatingin ako kay Lily. Hindi ko alam kung bakit ko napapansin ang maliliit na bagay tungkol sa kanya. Napatingin siya sa akin, kaya nagtagpo ang mga mata namin. Hindi agad siya umiwas. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago siya muling bumalik sa laptop niya. Napailing ako. ‘Ano ba'ng ginagawa ko?’ Binalik ko ang tingin ko sa files. Pero ilang minuto lang ang lumipas, napatingin na naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ni Lily. Napatingin siya sa screen. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila, pero ilang segundo lang ay napatingin na siya sa akin. "Boss." "Yes?" "Darating parents ko." Tumango ako. "Ngayon." Napatingin ako sa kanya. "Now?" Tuma
LILY'S P O V~ Hindi ko alam kung paano ko natapos ang orientation nang hindi tuluyang bumigay ang tuhod ko. Paglabas ko ng Padilla Legal Group, saka lang ako nakahinga nang maluwag. Sa unang araw pa lang, agad kong naranasan kung gaano kataas ang standards ni Attorney Rex Padilla. Hindi man siya palaging nagbibigay ng papuri, alam kong kapag sinabi niyang ‘Good’, ibig sabihin ay maayos ang ginawa ko. At iyon ang sapat na para sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. Bago pa man ako makasakay, nag-vibrate ang cellphone ko. May isang bagong message. Apartment Application Update. Napakunot ang noo ko. Agad ko iyong binuksan. Congratulations! Your application has been approved. Nanlaki ang mga mata ko. Napangiti ako nang hindi ko namamalayan. Ilang araw ko ring hinihintay ang sagot na iyon. Malapit ang apartment sa trabaho kaya hindi ko na kailangang magbiyahe nang matagal araw-araw. Sa dami ng nangyari ngayong araw, ito lang ang magandang balita na kailang
LILY'S P O V ~ Kumukulo sa kaba ang dibdib ko habang nagmamadali ako sa paglalakad. Hawak ko sa isang kamay ang baso ng mainit na Americano, habang ang isang kamay ay mahigpit na hawak ang makapal na folder na kailangan para sa internship. Unang araw ko ngayon bilang intern sa Padilla Legal Group. Matagal kong pinaghirapan ang pagkakataong ito kaya ayokong mahuli. 'Malapit na mag-alas-otso.' Mabilis akong sumulyap sa relo ko. Sa pagmamadali ko, hindi ko na napapansin ang mga taong nakasalubong ko. Ang nasa isip ko lang ay ang makarating sa law firm bago magsimula ang orientation. Bago pa ako makatawid sa kalsada, isang matangkad na lalaki ang biglang humakbang sa harapan ko at yumuko upang pulutin ang isang bagay sa semento. Hindi ako agad nakapreno. Muntik nang tumapon ang mainit kong kape sa puting blouse ko kaya mabilis kong itinaas ang kamay ko. Napaatras pa ako para hindi tuluyang mawalan ng balanse. "Ano ba?! Mag-ingat ka naman sa dinadaanan mo!" bulyaw ko dito, salubo







