Share

CHAPTER 14

Lumusot ang ulo ni Argon sa palumpong na ikinagulat ni Rose. Nakangiti ito sa kanya. Maya-maya ay sumunod naman ang tatlo.

Sa tagal nilang nakatengga roon ay natuyo na ng sadya ang mga damit nila. Nakabalot na sila ngayon sa dahon ng saging para maibsan ang ginaw sa katawan nila.

"Ate, marunong kayo kumanta?" kuryosong tanong nito.

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Kantahan niyo po kami. Ang tahimik kasi, mas natatakot kami kapag sobrang tahimik." saad ni Shai.

Nag-init ang pisngi niya sa naging request ng mga bata. Hindi naman sa hindi maganda ang boses niya, nahihiya lang talaga siya. Simula noong mawala ang inay niya, itinigil na niya ang pagkanta sa mga publikong lugar na lubhang ikinadismaya ni Sally sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "Okay, isa lang."

"Yeyyy!" tuwang-tuwa na nagpalakpakan ang tatlo.

Tumikhim siya bago nagsimulang itono ang boses niya. Isang kanta lang ang madalas niyang kantahin at hindi makalimutan. It was one of her all-time favorite song from the movie Moana,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status