Share

CHAPTER 15

Mahigit isang linggo na ang nakalilipas nang mangyari ang insidenteng iyon sa gubat. Hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataon na makitang muli pa sila Argon dahil sa paghihigpit ni Xavion. Nagdoble-ingat na rin ito sa kanya dahil ayaw na nitong mangyari pa ang nangyari noong nakaraan.

Minsan gusto na rin niyang magmaktol dahil palagi na lang siyang nasa loob ng bahay. Nalibot na siguro niya ang buong bahay dahil sa kabagutan. Dagdag pang todo-bantay pa ito sa kanya. Isang buwan mahigit pa lang naman ang tiyan niya pero pakiramdam niya ay kabuwanan na niya.

Tinalo pa niya ang lumpo sa sobrang OA ni Xavion.

Katulad ngayon, mailapat niya lang ang paa sa sahig ay may nakaabang na agad na wipes. Ewan niya ba pero naiinis na siya kapag nakikita niya ang pagmumukha nito. Gusto niyang pigain ang ulo nito sa sobrang inis. Nailipat na ata niya sa lahat ng channel at hanggang ngayon wala pa rin siyang matipuhang panoorin.

"Bakit kasi hindi na lang siya magbuntis ng anak niya, nananamay pa ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status