SA HULI ay inabala na lamang niya ang sarili sa pagtingin sa mga nakahandang pagkain sa mesa sa dining room na inihatid kanina. Hindi basta-basta pagkain lang dahil animo’y inilabas ‘yon sa mga food menu ng isang restaurant. Natakam siya nang makita ang mga pagkain. Hindi siya gaanong nakakain kanina dahil sa kaba. Hindi rin naman masarap ang pagkain sa bar.
Naglalaway na siyang tikman ang mga ‘yon. Natatakot lang siyang kumain at baka isipin pa nito na patay gutom siya. Sirang-sira na nga ang imahe niya. Mamaya niyan tawagin na siya nito na babaeng hamog. Dinala niya ang isang daliri sa bibig. Pwede kayang tumikim?
Naigala niya ang tingin sa buong dining area. Kanina pa wala si Rave. Ewan kung na saan. Baka pwedeng tumikim lang naman siya nang kaunti, ‘di ba? Lumunok muna siya.
“Gutom na talaga ako.” Pikit mata at mabilis ang mga kilos na kinuha niya ang leg part ng lechon manok. Napangiti siya nang malasahan
Kumunot ang noo niya. “Bakit naman?”“I always forget things when I’m drunk. I don’t know, why? It’s kind of weird, right? Kaya malakas ang loob ko na sabihin sa’yo ang mga bagay na ito dahil bukas makakalimutan ko rin lahat ng mga ito.”“Buti ka pa,” mahinang sagot niya. Medyo naiinggit siya. Sana ganyan din siya. At least, kahit papaano, pwede niyang kalimutan ang mga bagay na hindi niya gustong maalala pa.“What are your dreams in life, Laura?” pag-iiba na naman nito.“Madami. Sa sobrang dami ng mga pangarap ko. Mahirap na silang abutin. Gustohin ko man alam ko na hindi pa pwede sa ngayon. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Hindi pa nga lang sa ngayon.” At baka hindi sa buhay na ito.“You’re too cautious with your answers. You really don’t want me to get inside your mind, ha? I want to know you, Laura. I tend to judge things based on
SUNOD–SUNODNA SAMPAL at tadyak ang natanggap ni Laura mula sa Hapon na asawa ng kanyang Tiyang Esme na si Akihiro Sato. Ramdam na ramdam niya ang sakit hindi lamang sa kanyang buong katawan pati na rin sa kanyang kalamnan. Nalasahan niya ang dugo sa bibig. Hinang–hina na siya at nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa pananakit ng tiyuhin.Naisandal niya ang likod sa malamig na pader ng opisina nito. Ramdam niya ang mga luhang umaalpas sa kanyang mukha. Pagod na pagod na siya. Hindi na niya kaya ang sakit. Parang mamamatay na siya.“Akihiro–san!” sigaw ng kanyang tiyang. “Tomete kudasai! Please stop.”Malakas na nagmura ito sa linggwahe nito.“Kuso! Mister Satoshi… an important customer,” sigaw nito sa matigas nitong Ingles. “Laura… do her job. She already did it. Why can’t… do it again?! Talk to your niece, Esme! She made me a fool… id
“WHAT?!”He put Mykael under loud speaker dahil nagda–drive pa siya. Mas lalo pa siyang natagalan sa daan dahil may truck at taxi na nagbanggaan. Kinailangan pa niyang humanap ng ibang route dahil kung maghihintay lamang siya roon ay baka umagahin na talaga siya. It was already past 10 pm on his watch.Banas pa siya sa kaibigan dahil niloko siya nito kanina. Akala niya ay kung ano nang nangyari rito. ‘Yon pala, Mykael set him up for a blind date. Nahilot niya ang sentido sa alaala ng date kanina. Pamela was okay. She’s beautiful, prim and proper, and also intelligent. In fact, papasa ito sa panlasa ng kanyang ina. Good family background, heiress ng isang mall. Active sa mga social elite gatherings at isang ideal daughter–in–law.“How was your date, Rave?”“She’s beautiful.”“And?”“I’m not interested.”Mykael groaned in the other line
GULAT ANG UNANG rumihistro sa mukha ni Laura nang magising siya. Napabalikwas siya ng bangon para lang mapangiwi sa naramdamang sakit sa buo niyang katawan. Kumawala ang mahinang ungol mula sa kanyang bibig. Maka–ilang beses niyang naikurap ang mga mata hanggang sa naging malinaw ang buong paligid sa kanya.Naigala niya ang tingin sa buong paligid. Mula sa walang kulay na pader sa apat na sulok na silid na ‘yon hanggang sa kulay itim na sofa, mesa sa tabi ng kanyang kama, at maliit na ref na nandoon. Ngayon din lamang niya napansin ang nakatusok na swero sa likod ng kanyang kanang kamay.Bigla ay naalala niya ang Tiya Esme niya. Dios ko! Ano na kaya ang nangyari sa tiyahin niya? Sana ay nasa maayos ang kanyang tiyang. Sana ay hindi ito pagdudahan ng asawa nito na tumulong sa kanya para makatakas.“You’re awake.”Mabilis na naibaling niya ang tingin sa direksyon ng pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sin
“LAURA’S AUNT WAS killed by her husband.” Dumilim ang mukha ni Rave nang marinig ang sinabi ni Peter sa kanya. That bastard! Nagawa pa rin nitong makatakas. Two days ago, ay ni–raid ng mga pulis ang nasabing restorbar. Nagkaroon ng shootout dahil nanlaban ang grupo ni Sato. Marami ang nasaktan at nadamay pero sadyang may pagkapusa ang walangya dahil nagawa pa rin nitong makatakas. At natitiyak niyang babalikan nito si Laura at gagantihan ang pamilya nito. “Inaagnas na ang katawan ng babae kaya natitiyak nilang ilang araw nang patay ito bago paman mangyari ang raid,” Peter added. “Walang ibang suspect kundi ang asawa lang nito. Maaring nalaman ni Sato ang ginawa nitong pagtulong kay Laura na makatakas. Katulong ng tiyuhin ni Laura si Satoshi. Isa rin sa mga pinaghahanap ng FBI. Ito ang utak ng pedophile at cybersex dito sa Pilipinas.” “Fuck,” Mykael cursed. “I can’t believe this. I almost got ourselves killed.” “Kung saan–saan mo kasi dinadala
“WIFE?” ULIT NI LAURA.Seryosong tumango si Rave. “This is the only option we can do for now. You’ll be safe as Laura Sanjercas. No, let’s change your name as well.” Sandali itong nag–isip. “Are you okay with Lara Sanjercas. Inilas ko lang ‘yong ‘u’ sa Laura mo.”“Eh?”Ni sa hinagap ay ‘di niya na isip na tutulungan siya ng isang Rave Sanjercas. Kahit ‘di niya lubusang kilala ang lalaki ay alam niyang hindi ito basta–basta kagaya ng mga kaibigan nito. Ayaw niyang sagarin ang kabutihan nito sa kanya. Sobra na para sa kanya ang magpanggap na asawa nito para sa kaligtasan niya.“Sir Rave,” malumanay niyang tawag dito. “Malaki ho ang pasasalamat ko sa inyo. Halos buong buhay na ho ang utang ko sa kabutihan n’yo sa akin. Alam ko ho na maari ho akong balikan ng tiyo ko. Pero sobra na ho ang pagpanggapin n’yo akong
“DADDY TOLD ME that you’re my secret nanny,” kwento ni Ross habang magkahawak–kamay silang naglalakad sa pasilyo kung saan ang silid ng kapatid na si Lawrence. “Pero Lola and the rest will gonna think that you’re my Daddy’s new wife. He told me that there are bad guys who are after you. And he needs my help in protecting you.” Napangiti siya. ‘Yon ba ang kwento ni Rave sa anak nito tungkol sa kanya? “Oo, baby. May mga bad guys kasi na gustong umuway sa akin. Tapos ‘yong daddy mo ang superhero ko.” “Why do you need to pretend if Daddy can marry you for real?” Inihit siya ng ubo. “Are you okay po, Tita Lara?” “Ah, oo, okay lang ako.” Ibinalik niya ang ngiti sa mukha nang ibaba niya ang tingin kay Ross. “Hindi kami pwedeng magpakasal ng daddy mo kasi magkaibigan lang kami.” “But friends can get married for real, right?” “Pwede naman, kapag mahal nila ang isa’t isa.” Tumango–tango ito. “You know what po, I like you.” “Talag
ISANG BOX NG SAPATOS ang bumati kay Laura nang umagang ‘yon. Nakapatong ‘yon sa itaas ng mesa katabi ng kanyang kama. Sa pagkakaalala niya ay wala naman ‘yon kagabi. Kailan at sino naman kaya ang nag–iwan ng box ng sapatos sa silid niya?Umayos siya ng upo sa higaan niya bago inabot at binuksan ang shoe box. Namilog ang mga mata niya nang makita ang laman ng kahon. Isang pares ng pulang doll shoes na may desinyong ribbon. Ang ganda!Tila kumikinang ang sapatos na ‘yon. Kahit simple lamang ang design ay maganda ang pagkakagawa at halatang mamahalin. Napakurap–kurap siya, sino naman ang magbibigay sa kanya nang ganoong klaseng sapatos?Mayamaya pa ay may napansin siyang nakausling papel sa isa sa mga sapatos. Kinuha niya ‘yon, isa pala ‘yong sticky note.I noticed that you don’t have any shoes. I hope you don’t mind if I give you one. –RaveNapatanga