PAGLINGON ni Rave sa likod ay talagang natigilan siya nang makita ang babae kanina. The woman in front of her is a lot different from the woman he met earlier. Alam niyang maganda ito kahit na wala itong make up. But he didn’t expect that she possesses a beautiful innocent face. Tila isa itong anghel sa sobrang amo ng mukha nito.
Her big brown curls complimented her small and round face. Mapupula rin ang maliit at manipis na mga labi nito. Medyo chinita. Matataas ang pilik mata at tama lang ang tangos ng maliit nitong ilong. She was sexy and has all the perfect curves in the right places. She wore a simple dirty white blouse and black skinny jeans. She paired it with white strapped sandals na may naka desinyo pang mga perlas.
Masasabi niyang maputi ito pero mukhang nababad sa araw kaya bahagya itong nangitim. But nonetheless, she was still fair. He won’t admit it verbally, but he liked her pink puffy cheeks. He meant it as a compliment.
Tumikhim siya. “Let’s go.”
“Ahm, saan po tayo pupunta Sir?” alangan na tanong nito.
Hinarap niya ang babae. “I paid for you,” diretsa niyang sagot. “I believe, I have all the rights to where I should take you.”
Napayuko ito at nakagat ang ibabang labi. “Sorry po.”
Tinalikuran niya na ito at hinarap ang sasakyan. Pinagbuksan niya ito ng pinto sa front seat. “Get in,” utos niya rito. Sandali pa itong nag-isip bago kumilos at pumasok sa loob. Isinara niya ang pinto pagkatapos at umikot sa harap ng sasakyan papunta sa driver’s seat.
Ikinabit niya ang seat belt at pinaandar ang makina ng sasakyan.
“Put your seat belt on,” utos niya rito. Pagbaling niya sa babae ay nahihirapan pa itong ikabit ang seat belt sa katawan nito. Napakamot siya sa noo. Seriously? “Don’t you know how to put that thing on?”
Napa-igtad ito. Napansin niya naman agad ang panginginig ng mga kamay nito. Marahas siyang napabuntonghininga. Damn it, Rave. Easy on her.
May magagawa pa ba siya?
“Let me do it.” Dumukwang siya para tulungan itong ikabit ang seat belt.
Fine, just for tonight.
TUMIGIL yata ang pagtibok ng puso ni Laura nang dumukwang ito para tulungan siyang ikabit ang seat belt sa katawan niya. Hindi niya magawang huminga sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Sa ginawa nito ay mas lalo niyang nakita nang mas malapitan ang makinis at gwapo nitong mukha.Gustong-gusto niya ang pabango nito. Ibang-iba ang bango nito sa karaniwang pabango na gamit ng mga lalaki sa bar. Hindi niya alam pero panatag ang puso niya rito. Gusto niyang kabahan pero tila sinusupil ng presensiya nito ang lahat ng mga negatibong emosyon sa puso niya. Kung tutuosin ay isa lamang itong estranghero sa kanya. Pero bakit ganito ang epekto ng lalaki sa kanya?
“Huwag mo ako masyado titigan.” Napalunok siya sa sinabi ng lalaki. Humigpit ang paggagap niya sa kanyang mga kamay sa kandungan niya. Ibinaling nito ang mukha sa kanya. Sandaling naghinang ang kanilang mga mata. “I hate it when someone stare at me. It’s kind a rude.”
“S-Sorry po.”
“Stop saying po.”
“Sorry, Sir.”
“Don’t call me sir.”
Napasimangot sa isip si Laura. Eh ano ba dapat itatawag niya rito?
Ang sungit naman kasi nito masyado. Lahat na lang ng mga sasabihin niya ay kinukontra nito. Nakakainis din kaya. Gwapo ka sana kaso ang sungit mo, ha? Bad trip na bad trip yata ang ‘sang ‘to sa malamya niyang halik kanina.Tahimik lang siya sa buong b’yahe. Gusto niya sanang magtanong kung saan siya nito dadalhin pero nang itanong niya ‘yon kanina ay na inis lang ito. Baka kapag itinanong niya na naman ay pababain na siya nito sa kotse.
Kahit ganoon ay nagpapasalamat pa rin siya at hindi siya nito iniwan. Alam niyang mali na magsaya siya dahil alam niya namang may kapalit ang malaking pera na inilabas nito. Pero aarte pa ba siya? Hindi na importante kung ano man ang mawawala sa kanya sa gabi na ‘yon. Gagawin niya ito para sa kapatid. Para madugtungan ang buhay nito.
Umibis ang kotse nito sa harap ng isang marangyang hotel na sa tingin niya ay isa sa mga sikat at mamahaling hotel sa Maynila. Kulang na lang ay idikit niya ang mukha sa bintana ng sasakyan para silipin ang entrance ng hotel.
“Sanjercas Hotel,” basa niya sa magandang signage.
Pamilyar sa kanya ang pangalan ng hotel. Nabasa niya na ‘yon sa kung saan. Na feature na rin ‘yon sa isang show sa TV.
Lumabas ng sasakyan ang lalaking kasama na hanggang ngayon ay hindi niya alam ang pangalan. Narinig niyang tinawag itong Rave ng kasama nito sa bar. Marahil Rave nga ang pangalan nito.
Inabot nito ang susi ng sasakyan sa isang unipormadong staff na lalaki na sumalubong rito. Kumunot ang noo niya nang hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Pagkatapos nitong kausapin ang staff ay bahagya lang nitong itinuro ang direksyon niya. Pagkatapos ay dumiretso na agad ito sa loob.
Wow! Iniwan ako. Sinubukan niyang buksan ang pinto ng sasakyan. Noong una ay nahirapan siya dahil mukhang naka lock ‘yon. Hindi naman siya talagang clueless, ‘no? Marunong din naman siyang sumakay ng taxi.
Marahas na nabuksan niya ang pinto ng sasakyan. Natutop niya ang bibig nang kamuntik na niyang tamaan ang lalaking staff. Nakagat niya ang ibabang labi at ilang beses na yumuko para humingi ng paumanhin.
“Sorry po!” Nag-peace sign siya sa lalaki bago madaling sumunod kay Rave sa lobby ng hotel.
Naman, akala ko ba sweet ang mga lalaki sa mga babaeng kinakama nila? Sa mga naririnig niya sa mga kasamahan ay kulang na lang ay pagawan ng mga lalaki sa bar ang mga ito ng palasyo. Tingin ng mga ito sa kanila ay reyna. Pero ang ‘sang ‘to? Kung umasta akala mo walang kasama.
Mangha na nailibot niya ang buong paningin sa kabuoan ng lobby ng hotel. Tila nakapasok siya sa isang palasyo. Halos lahat ng nakikita niya ay kumikinang. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok siya sa isang five star hotel. Laki siya sa probinsiya at tabing dagat. Wala ring hotel sa Tabuelan dahil malayo-layo na ‘yon sa siyudad.
Hindi niya pa rin nalilibot ang buong Maynila. Takot siyang mawala at gumastos. Doble rin talaga ang presyo ng mga paninda sa Maynila kumpara roon sa Cebu. Sa tuwing walang pasok ay nasa bar lang siya.
“Ang ganda,” halos bulong na lamang ‘yon na lumabas sa kanyang bibig.
Kung sana ay may camera ang cell phone niya ay kanina pa niya kinunan ng mga larawan ang lugar. Tiyak siyang maiinggit ang kapatid kapag nakita nito ang mga pictures. Pangarap nilang dalawa ang magbakasyon sa isang magandang hotel at buong araw na maglunoy sa swimming pool.
Balang araw, balang araw ay madadala niya rin ang kapatid sa lugar na iyon. Libre naman ang mangarap.
Sa tuwa niya ay palipat-lipat pa siya ng upo sa mga upuan na naka display roon. Dinama ng mga palad niya ang malambot at magandang tela na halatang malinis at madetalye ang pagkakagawa ng mga iyon.
Wala na rin naman gaanong tao sa lobby dahil pasado alas onse na rin ng gabi. Gusto niyang mahiga na lamang doon. Muntik pa nga kung hindi niya lang napigilan ang sarili. Tama na ‘yan Laura. Mukha ka nang tanga. Pero hindi niya mapigilan ang tuwa sa puso niya.
Bigla ay may tumikhim sa harap niya.
Naingat niya ang mukha sa seryosong mukha ni Rave. Bigla ay hinawakan nito ang pupulsuhan niya at hinila siya patayo. Muntik pa siyang mabuwal dito. Akala niya ay maglalapat ang mga labi nila pero mabilis ito. Nagawa nitong pihitin siya patalikod dito. Ilang beses siyang napakurap-kurap.
“Let’s go up,” basag nito. Napasinghap siya nang bigla siya nitong hilahin sa direksyon ng elevator. “Doon ka na maglaro.”
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Naglalaro ba ako? Bumukas ang elevator at mabilis na pumasok sila roon.
Napalunok siya nang sumara ang pinto ng elevator. Sa totoo lang ay first time niya ang sumakay roon. At nang makita kung saang floor siya dadalhin ni Rave ay lalo siyang nanghina. Sa pinaka last floor ng hotel kasunod ng 24th floor na litrang P lamang ang nakalagay. May kung ano itong code na pinindot pagkatapos i-scan ang isang card na hawak. Umilaw ang P sign na kasama ng mga floor numbers na nandoon. Dios ko! Hindi naman siya masyadong engot para ‘di malaman kung ano ang P na ‘yon.
‘Yon siguro ang penthouse ng hotel.
Gusto niyang dumikit sa metal na pader nang mga oras na ‘yon pero hindi niya magawa dahil hawak-hawak nito ang isa niyang kamay – ang pupulsuhan niya. Nahihilo na siya. Humugot siya nang malalim na hininga at kinalma ang sarili at ipinikit na lamang ang mga mata. Ilang segundo pa ay tumunog na ang bell at naramdaman na niya ang pagbukas ng elevator.
Pagmulat niya ng mga mata ay ganoon na lamang ang pagkamangha niya. Tila ibang lugar na iyon. Binitiwan nito ang kamay niya at naunang lumabas ng elevator. Mabilis ang mga hakbang na sumunod siya.
Bumungad agad ang magandang sala sa kanila. Ang floor to ceiling glass panel wall. Mula sa salamin na ding-ding ay kitang-kita niya ang iba’t ibang kulay ng mga gusali at establishmento na nakatayo sa buong Maynila. May pinto rin na magdadala sa kanila sa labas ng sala kung saan may patio at outdoor swimming pool.
Nalula siya sa ganda. Napako ang tingin niya sa likod ni Rave. Ang yaman siguro nito at sa ganoong karangyang lugar pa siya nito dinala. Maliit na bagay lamang siguro rito ang five hundred thousand pesos para maikama ang isang birhen na babae.
“Okay.” Bigla ay hinarap siya nito. “You can do anything you want.”
Humakbang siya palapit dito. “Ahm, maghuhubad na ba ako?”
Kumunot lang ang noo nito. “Kung gusto mong maligo, maghubad ka. Pero huwag sa harap ko.” Ano raw? “May banyo sa itaas, you can take a shower there. If you want, you can also take a dip in the pool ‘yon ay kung ‘di ka naman ginawin. Feel at home.” ‘Yon lang at tinalikuran na siya nito.
Napakamot tuloy siya sa noo.
Eh ano pala ang gagawin namin dito?
SA HULI ay inabala na lamang niya ang sarili sa pagtingin sa mga nakahandang pagkain sa mesa sa dining room na inihatid kanina. Hindi basta-basta pagkain lang dahil animo’y inilabas ‘yon sa mga food menu ng isang restaurant. Natakam siya nang makita ang mga pagkain. Hindi siya gaanong nakakain kanina dahil sa kaba. Hindi rin naman masarap ang pagkain sa bar.Naglalaway na siyang tikman ang mga ‘yon. Natatakot lang siyang kumain at baka isipin pa nito na patay gutom siya. Sirang-sira na nga ang imahe niya. Mamaya niyan tawagin na siya nito na babaeng hamog. Dinala niya ang isang daliri sa bibig. Pwede kayang tumikim?Naigala niya ang tingin sa buong dining area. Kanina pa wala si Rave. Ewan kung na saan. Baka pwedeng tumikim lang naman siya nang kaunti, ‘di ba? Lumunok muna siya.“Gutom na talaga ako.” Pikit mata at mabilis ang mga kilos na kinuha niya ang leg part ng lechon manok. Napangiti siya nang malasahan
Kumunot ang noo niya. “Bakit naman?”“I always forget things when I’m drunk. I don’t know, why? It’s kind of weird, right? Kaya malakas ang loob ko na sabihin sa’yo ang mga bagay na ito dahil bukas makakalimutan ko rin lahat ng mga ito.”“Buti ka pa,” mahinang sagot niya. Medyo naiinggit siya. Sana ganyan din siya. At least, kahit papaano, pwede niyang kalimutan ang mga bagay na hindi niya gustong maalala pa.“What are your dreams in life, Laura?” pag-iiba na naman nito.“Madami. Sa sobrang dami ng mga pangarap ko. Mahirap na silang abutin. Gustohin ko man alam ko na hindi pa pwede sa ngayon. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Hindi pa nga lang sa ngayon.” At baka hindi sa buhay na ito.“You’re too cautious with your answers. You really don’t want me to get inside your mind, ha? I want to know you, Laura. I tend to judge things based on
SUNOD–SUNODNA SAMPAL at tadyak ang natanggap ni Laura mula sa Hapon na asawa ng kanyang Tiyang Esme na si Akihiro Sato. Ramdam na ramdam niya ang sakit hindi lamang sa kanyang buong katawan pati na rin sa kanyang kalamnan. Nalasahan niya ang dugo sa bibig. Hinang–hina na siya at nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa pananakit ng tiyuhin.Naisandal niya ang likod sa malamig na pader ng opisina nito. Ramdam niya ang mga luhang umaalpas sa kanyang mukha. Pagod na pagod na siya. Hindi na niya kaya ang sakit. Parang mamamatay na siya.“Akihiro–san!” sigaw ng kanyang tiyang. “Tomete kudasai! Please stop.”Malakas na nagmura ito sa linggwahe nito.“Kuso! Mister Satoshi… an important customer,” sigaw nito sa matigas nitong Ingles. “Laura… do her job. She already did it. Why can’t… do it again?! Talk to your niece, Esme! She made me a fool… id
“WHAT?!”He put Mykael under loud speaker dahil nagda–drive pa siya. Mas lalo pa siyang natagalan sa daan dahil may truck at taxi na nagbanggaan. Kinailangan pa niyang humanap ng ibang route dahil kung maghihintay lamang siya roon ay baka umagahin na talaga siya. It was already past 10 pm on his watch.Banas pa siya sa kaibigan dahil niloko siya nito kanina. Akala niya ay kung ano nang nangyari rito. ‘Yon pala, Mykael set him up for a blind date. Nahilot niya ang sentido sa alaala ng date kanina. Pamela was okay. She’s beautiful, prim and proper, and also intelligent. In fact, papasa ito sa panlasa ng kanyang ina. Good family background, heiress ng isang mall. Active sa mga social elite gatherings at isang ideal daughter–in–law.“How was your date, Rave?”“She’s beautiful.”“And?”“I’m not interested.”Mykael groaned in the other line
GULAT ANG UNANG rumihistro sa mukha ni Laura nang magising siya. Napabalikwas siya ng bangon para lang mapangiwi sa naramdamang sakit sa buo niyang katawan. Kumawala ang mahinang ungol mula sa kanyang bibig. Maka–ilang beses niyang naikurap ang mga mata hanggang sa naging malinaw ang buong paligid sa kanya.Naigala niya ang tingin sa buong paligid. Mula sa walang kulay na pader sa apat na sulok na silid na ‘yon hanggang sa kulay itim na sofa, mesa sa tabi ng kanyang kama, at maliit na ref na nandoon. Ngayon din lamang niya napansin ang nakatusok na swero sa likod ng kanyang kanang kamay.Bigla ay naalala niya ang Tiya Esme niya. Dios ko! Ano na kaya ang nangyari sa tiyahin niya? Sana ay nasa maayos ang kanyang tiyang. Sana ay hindi ito pagdudahan ng asawa nito na tumulong sa kanya para makatakas.“You’re awake.”Mabilis na naibaling niya ang tingin sa direksyon ng pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sin
“LAURA’S AUNT WAS killed by her husband.” Dumilim ang mukha ni Rave nang marinig ang sinabi ni Peter sa kanya. That bastard! Nagawa pa rin nitong makatakas. Two days ago, ay ni–raid ng mga pulis ang nasabing restorbar. Nagkaroon ng shootout dahil nanlaban ang grupo ni Sato. Marami ang nasaktan at nadamay pero sadyang may pagkapusa ang walangya dahil nagawa pa rin nitong makatakas. At natitiyak niyang babalikan nito si Laura at gagantihan ang pamilya nito. “Inaagnas na ang katawan ng babae kaya natitiyak nilang ilang araw nang patay ito bago paman mangyari ang raid,” Peter added. “Walang ibang suspect kundi ang asawa lang nito. Maaring nalaman ni Sato ang ginawa nitong pagtulong kay Laura na makatakas. Katulong ng tiyuhin ni Laura si Satoshi. Isa rin sa mga pinaghahanap ng FBI. Ito ang utak ng pedophile at cybersex dito sa Pilipinas.” “Fuck,” Mykael cursed. “I can’t believe this. I almost got ourselves killed.” “Kung saan–saan mo kasi dinadala
“WIFE?” ULIT NI LAURA.Seryosong tumango si Rave. “This is the only option we can do for now. You’ll be safe as Laura Sanjercas. No, let’s change your name as well.” Sandali itong nag–isip. “Are you okay with Lara Sanjercas. Inilas ko lang ‘yong ‘u’ sa Laura mo.”“Eh?”Ni sa hinagap ay ‘di niya na isip na tutulungan siya ng isang Rave Sanjercas. Kahit ‘di niya lubusang kilala ang lalaki ay alam niyang hindi ito basta–basta kagaya ng mga kaibigan nito. Ayaw niyang sagarin ang kabutihan nito sa kanya. Sobra na para sa kanya ang magpanggap na asawa nito para sa kaligtasan niya.“Sir Rave,” malumanay niyang tawag dito. “Malaki ho ang pasasalamat ko sa inyo. Halos buong buhay na ho ang utang ko sa kabutihan n’yo sa akin. Alam ko ho na maari ho akong balikan ng tiyo ko. Pero sobra na ho ang pagpanggapin n’yo akong
“DADDY TOLD ME that you’re my secret nanny,” kwento ni Ross habang magkahawak–kamay silang naglalakad sa pasilyo kung saan ang silid ng kapatid na si Lawrence. “Pero Lola and the rest will gonna think that you’re my Daddy’s new wife. He told me that there are bad guys who are after you. And he needs my help in protecting you.” Napangiti siya. ‘Yon ba ang kwento ni Rave sa anak nito tungkol sa kanya? “Oo, baby. May mga bad guys kasi na gustong umuway sa akin. Tapos ‘yong daddy mo ang superhero ko.” “Why do you need to pretend if Daddy can marry you for real?” Inihit siya ng ubo. “Are you okay po, Tita Lara?” “Ah, oo, okay lang ako.” Ibinalik niya ang ngiti sa mukha nang ibaba niya ang tingin kay Ross. “Hindi kami pwedeng magpakasal ng daddy mo kasi magkaibigan lang kami.” “But friends can get married for real, right?” “Pwede naman, kapag mahal nila ang isa’t isa.” Tumango–tango ito. “You know what po, I like you.” “Talag