LOGINNapansin ni Alex ang mga ekspresyon ng mukha at sumabat sa tamang oras, "Alex, wag ka ng malungkot dahil lang sa nagsasalita kami ng masama tungkol sa asawa mo. Totoong concern sila para sa iyo. Isipin mo, matagal na kayong magkaibigan. Kahit na hindi maganda ang sinabi nila, pakinggan mo lang at kalimutan mo na. Wag mong dibdibin!"
"Hindi ako galit." Ibinaba ni Alex ang cellphone niya, "Hayaan mo na, hindi naman siya pupunta kahit saan, tara na."
Kung tutuusin, sa nakalipas na limang taon, hindi siya kailanman nagpunta sa kahit saang lugar maliban sa bahay nila, at wala rin siyang ibang mapupuntahan.
Sumulyap si Owen kay Julie at bumulong, "Napakabait ng Julie namin. Kung hindi lang kayo naghiwalay noon..."
"Ano ba ang sinasabi mo?" Inirapan ni Julie si Owen. "Hindi mo makontrol ang bibig mo buong gabi, puro nonsense yang sinasabi mo! Kasal na si Alex, kaya hindi mo dapat sabihin iyan..."
Pagkasabi nito, napuno ng hinanakit ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Alex, "Bumalik ako, at wala naman akong hinihiling. Basta't handa ka pa ring tanggapin ako at manatili sa tabi ko, masaya na ako..."
"Ano ba ang pinagsasasabi mo? Ikaw ang paborito ng grupo namin. At kapag may naglakas-loob na api-apihin ka, hindi kami papayag! Diba, Alex?" Nagsalita si Owen habang padabog na tinapik ang dibdib niya.
Kaunti lang ang sinabi ni Alex, banayad lang niyang inikot-ikot ang baso ng alak niya.
Pamilyar ang eksena.
Noong mga nakaraang taon, ganito rin siya, masayang pinapanood ang mga kapatid na tumatawa at nakikipaglaro kay Julie at kapag sumobra na ang ingay, lalapit lang sila sa kanya at tatanungin siya tungkol dito, at saka niya gagawin ang kanyang parte.
Ngayon, tinanong nila ulit si Alex at ngumiti siya nang bahagya, "Syempre."
Hindi umuwi si Aina.
Nag-stay siya sa hotel na binook niya.
Ang lahat ng hinanakit at sakit ay biglang sumambulat nang magsara ang pinto ng kwarto sa hotel.
Ang pag-ika-ika ni Owen ay patuloy na nagfa-flash sa kanyang isip, at ang tawanan ay patuloy na umikot sa kanyang tenga na parang isang sumpa.
Sa totoo lang, alam na niya ang sinasabi ng mga kaibigan Alex tungkol sa kanya nang pribado, ngunit hindi niya kailanman binanggit iyon kay Alex.
Naging mabuting kaibigan sila ni Alex sa loob ng maraming taon, at naiintindihan niya.
Nahihirapan siya sa labas, at naiintindihan din niya.
Kaya, ayaw niyang makagawa ng gulo para abalahin si Alex, at ayaw niya ring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga ito dahil sa kanya.
Ngunit ngayon ay masyado siyang nag-iisip.
Paano magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan si Alex sa mga kapatid nito dahil sa kanya? Iyon ay mga kapatid niya sa loob ng maraming taon!
Ano siya?
Isa lang siyang utang na kailangang pagbayaran at pakasalan ni Alex upang masuklian ang kabutihan niya. Isa siyang pasanin para kay Alex. Mas masaya ang buhay ni Alex kung wala siya.
"Pilay siya! Sino pa ang magkakagusto sa kanya kung hindi ka magpapakasal sa kanya?"
"Pilay siya, ano pa ang dapat niyang ikadismaya sa pagpapakasal sa isang taong tulad ni Alex?"
"Kung ako si Alex, mas gugustuhin ko pang ako ang mapilayan ng sasakyan kaysa magpakasal sa isang pilay at pagtawanan."
"Ang mga asawa ng ibang CEO ay kagalang-galang at mapagbigay, ngunit ang Alex natin ay wala man lang maiharap sa publiko."
...
Ang lahat ng tsismis na narinig niya sa nakalipas na limang taon ay bumalik sa kanyang isipan na parang isang whirlpool na lumulunok sa kanya at nilulunod siya.
Hindi siya makahinga, ang sakit ay bumubukol sa kanyang baga.
Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang isang album sa kanyang cellphone na hindi niya nagawang buksan sa loob ng limang taon. Naglalaman ito ng mga record ng kanyang pagsasanay at mga performance noong nag-aaral pa siya.
Mula nang hindi na siya makapag-perform sa stage, inimbak niya ang lahat ng kanyang mga litrato at video na may kaugnayan sa sayaw doon, ni-lock ng password, at hindi na muling binuksan.
Ngayon, gamit ang nanginginig na mga daliri, random siyang nag click ng video.
Sa saliw ng musika, umikot siya, bumagsak, at gumawa ng split sa hangin.
Noong panahong iyon, puno siya ng lakas, malakas ang kanyang katawan, at nakatanggap siya ng malalakas na palakpakan...
Kaya, mali ba ang pagligtas niya kay Alex?
Ngunit kahit sa sandaling iniligtas niya si Alex, hindi niya kailanman naisip na pakasalan ito.
Si Alex ang nagsabi na gusto niyang pakasalan si Aina, nagplano ng magarbong engagement party at lumuhod sa harap nito at nagpakita ng isang malaking diamond ring na nagbigay sa kanya ng pag-asa...
Bagama’t nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay ay pinatay niya ang cellphone niya at dumapa sa kama at umiyak nang malakas sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon.
Umiyak siya nang napakatagal.
Napakatagal hanggang sa mapagod siya, hanggang sa wala ng lumabas na kahit isang luha sa kanyang mga mata at ang tanging sakit nalang sa kanyang puso ang naiwan, nagliliyab na parang apoy.
Pero dahil sa sakit na ito, nakahanap siya ng kaliwanagan matapos siyang ipagpag sa nakakasakal na vortex na ito.
Kaya kung mas masakit, mas matino siya.
Nagpunta siya sa bathroom at naghilamos para pakalmahin ang sarili.
Sa pagtingin sa salamin sa sarili niyang lubusang naubos, tahimik niyang sinabi sa sarili, "Aina, sapat na ang isang beses na pag-iyak. Wag na. Ngayon, kumain ka nang maayos, magpahinga ka, at mag-aral ka nang mabuti para sa exam mo bukas."
Ang tanging ipinagpapasalamat niya ay sa loob ng limang taon nilang kasal, nag-aaral siya araw-araw upang palipasin ang oras.
Hindi dahil may mataas siyang ambisyon, kundi dahil lang sa sobra ang oras niya at naiinip siya.
Ang paghihintay kay Alex na umuwi ang siyang naging buhay niya.
Ngunit palagi itong umuuwi ng late.
Noong una, naisip niya na abala ito sa trabaho, ngunit katagalan, napagtanto niya na ayaw lang siyang makita nito.
Narinig niya mismo ito.
Noon ay naaawa siya sa hirap ng trabaho ni Alex at nagkaroon ng lakas ng loob na magpakita ng malasakit dito. Siya mismo ang naghahanda ng meryenda at dinadala iyon sa kumpanya ngunit narinig niya ang usapan na hindi niya dapat marinig.
Ang pag-uusap ni Alex at ng kababata nito sa opisina.
Tinanong siya ng kaibigan kung bakit hindi pa siya umuuwi, dahil halos wala ng tao sa kumpanya at siya nalang ang naiwan. Ang CEO, ay nag-o-overtime pa rin.
Sabi ni Alex, "Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sigasig ni Aina kapag umuwi ako."
Hindi kaagad naintindihan ni Aina ang pag-uusap na iyon noon ngunit ang kababata niya ay agad itong naunawaan.
“Alex! Wag mong sabihing wala pang nangyayari sa inyo?!”
Natahimik si Alex dahil iyon ang totoo.
Kahit kailan ay hindi hinawakan ni Alex si Aina.
Nagbibigay siya ng pahiwatig, siya rin minsan ang nag-iinitiate ngunit palaging tumatanggi si Alex at nagdadahilan.
Halimbawa ay, “Hindi maganda ang pakiramdam mo.”
O kaya ay, “Masyado akong pagod nitong mga nakaraang araw.”
Hindi siya tanga, at kalaunan ay napagtanto rin niya na hindi lang siya mahal nito kaya ayaw siya nitong hawakan.
Ngunit tuwing naririnig niya ang mga pagdadahilan na iyon ay parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya, sobrang sakit na hindi na siya halos makahinga.
Kalaunan ay tinanong si Alex ng kababata niya, kalahating pabiro at kalahating seryoso, “Alex, hindi ka ba nagkakaroon ng physical reaction sa tuwing makikita mo siya? Napakaganda rin naman niya.”
Ngunit ang mga salitang isinagot ni Alex ay naging isang karayom na bumaon ng malalim sa kanyang puso at patuloy na tumutusok sa kanya tuwing naiiisip niya iyon.
"Sinubukan ko rin naman na magkaroon ng normal na relasyon sa kanya pero tuwing nakikita ko ang mga binti niya ay ka-agad-agad akong nawawalan ng gana."
Ganoon pala...
Ang kanyang mga binti na nagkaroon ng peklat at atrophied dahil sa pagligtas kay Alex ay nakakadiri para kay Alex, hindi nakakagana, at walang interes…
Hindi na siya kumatok pa at ang pagkaing inihanda niya para kay Alex ay itinapon niya sa basurahan sa office at kahit kailan ay hindi na siya bumisita pa doon.
Pagkatapos ng insidenteng iyon ay dinampot niya ang kanyang mga libro. Hindi na siya nag-isip ng marami, umaasa nalang siya na makakahanap siya ng kaaliwan sa buhay. Isang bagay na pwede niyang gawin upang wag ng maisip ang mga salitang iyon na binitawan ni Alex. Ngunit sino ang mag-aakala na ang mga pag-asa na iyon, na kanya lamang, ay magiging kaligtasan niya ngayon?Mag-aaral siyang mabuti para sa exam bukas.Lilisanin niya ang lugar na iyon sa abot ng makakaya dahil kahit ang isipin iyon ay nagdudulot pa rin ng matinding sakit sa kanyang puso.Hindi niya masabi kung ang sakit ay dahil ba kay Alex o dahil sa kanyang maling pag-ibig sa loob ng limang taon.Ngunit hindi na mahalaga iyon ngayon. Ang mahalaga ay hindi na niya papayagan ang sarili na manatili sa sakit. Kahit na magtatagal pa bago maghilom ang mga sugat, kikilos siya upang iligtas ang kanyang sarili. Nag-order siya ng takeout—isang light dinner at nagpalit ng damit.Tumawag siya sa front desk at sinabi sa kanila na m
Napansin ni Alex ang mga ekspresyon ng mukha at sumabat sa tamang oras, "Alex, wag ka ng malungkot dahil lang sa nagsasalita kami ng masama tungkol sa asawa mo. Totoong concern sila para sa iyo. Isipin mo, matagal na kayong magkaibigan. Kahit na hindi maganda ang sinabi nila, pakinggan mo lang at kalimutan mo na. Wag mong dibdibin!""Hindi ako galit." Ibinaba ni Alex ang cellphone niya, "Hayaan mo na, hindi naman siya pupunta kahit saan, tara na."Kung tutuusin, sa nakalipas na limang taon, hindi siya kailanman nagpunta sa kahit saang lugar maliban sa bahay nila, at wala rin siyang ibang mapupuntahan.Sumulyap si Owen kay Julie at bumulong, "Napakabait ng Julie namin. Kung hindi lang kayo naghiwalay noon...""Ano ba ang sinasabi mo?" Inirapan ni Julie si Owen. "Hindi mo makontrol ang bibig mo buong gabi, puro nonsense yang sinasabi mo! Kasal na si Alex, kaya hindi mo dapat sabihin iyan..."Pagkasabi nito, napuno ng hinanakit ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Alex, "Bumalik ak
Ang pagpapanggap ni Owen ay nagpatawa sa lahat ng nasa loob nang malakas, hanggang sa si Julie, na nakaupo sa tabi ni Alex, ay tumawa at sumandal pa sa balikat ni Alex. At si Alex, hindi man lang nagsalita.Lumingon si Owen na nakangiti, "Ah Alex, ganyan ba..."Bago pa man niya maituloy ang tanong na "Ganyan ba," nakita niya si Aina na nakatayo sa pinto, at natigilan ang kanyang ngiti, "Aina… Aina…"Tumingin silang lahat sa pinto at nataranta.Tumayo si Julie mula sa balikat ni Alex at nakangiting nagsalita, "Ay, ito po pala ang kwento ng asawa ni Alex, tama ba? Hello po, tuloy po kayo, ako ang matalik na kaibigan ni Alex."Tinignan ni Aina ang lahat ng tao sa private room, at ang puso niya ay nanlamig na.Sa wakas ay tumayo si Alex at naglakad palapit sa kanya, "Aina, bakit ka nandito? Nagbibiro lang sila, wag mo nang dibdibin."Tinignan siya ni Aina at naramdaman na napakahiwaga talaga ng taong ito, hindi pa siya nakaramdam ng ganoong kahiwagaan noon.Kaya, kapag tinatawanan ng iba
Sinira niya na ang sumpaan at naglasing. Malinaw na nakainom na nga ito ng mga sandaling iyon pero sumigaw ba talaga ng ganon si Alex?Naalala ni Aina si Alex noong highschool na: isang malamig, matalinong mag-aaral na hindi lang seryoso sa problem solving. Maging sa sports field kapag inaalok siya ng tubig ng isang babaeng may gusto sa kanya ay babalewalain niya lang ito.Ngayon, nang maging asawa niya si Alex ay naging mas magalang ito, stable ang kanyang emosyon to the point na hindi na ito ngumingiti, ngunit hindi naman galit, palaging walang pakialam na kapag hinawakan mo ang kamay niya ay lalamigin ang kanyang katawan. Lumikot ang camera sa lahat ng mukha ng mga tao sa video at nakita niyang nakainom si Alex, ang mga mata nito’y kumikislap habang itinataas ang kanyang baso at tumatawa sa camera: “Welcome home, Julie.”Kaya niya palang ngumiti.Kaya niya palang maging passionate minsan. Tinatawag niya rin ang mga babae sa mga nicknames nila. Ngunit hindi nga lang sa kanya at
Maririnig ang lagaslas ng tubig sa bathroom. Naliligo si Alexander. Alas tres na ng madaling araw ngunit kakauwi niya lang. Nakatayo si Aina sa pinto ng bathroom dahil may gusto siyang sabihin kay Alex. Kinakabahan siya at hindi niya sigurado kung papayag ba si Alex sa sasabihin niya ngunit naglakas ng loob siyang tumayo doon. Habang nag-iisip siya ng sasabihin ay bigla siyang nakarinig ng ingay. Pinakinggan niyang mabuti iyon at ang naririnig niya nga ay si Alex. Nagsasarili ito.Ang mga paghingal at ungol na iyon ay parang mabibigat na martilyo na sunud-sunod na tumatama sa kanyang puso– mabigat at mabagsik. Ang sakit na nararamdaman niya ay mabilis na kumalat na parang alon, at siya ay lumulutang sa gitna ng pagdadalamhati at hindi halos makahinga. Ngayon ay araw ng kanilang wedding anniversary. Ang ika-limang taon na kasal siya kay Alex ngunit kahit kailan ay hindi naging mag-asawa ang turingan nila dahil mas gusto niyang gawin ng mag-isa ang bagay na iyon kaysa hawakan siya.







