LOGINPagkatapos ng insidenteng iyon ay dinampot niya ang kanyang mga libro.
Hindi na siya nag-isip ng marami, umaasa nalang siya na makakahanap siya ng kaaliwan sa buhay. Isang bagay na pwede niyang gawin upang wag ng maisip ang mga salitang iyon na binitawan ni Alex.
Ngunit sino ang mag-aakala na ang mga pag-asa na iyon, na kanya lamang, ay magiging kaligtasan niya ngayon?
Mag-aaral siyang mabuti para sa exam bukas.
Lilisanin niya ang lugar na iyon sa abot ng makakaya dahil kahit ang isipin iyon ay nagdudulot pa rin ng matinding sakit sa kanyang puso.
Hindi niya masabi kung ang sakit ay dahil ba kay Alex o dahil sa kanyang maling pag-ibig sa loob ng limang taon.
Ngunit hindi na mahalaga iyon ngayon. Ang mahalaga ay hindi na niya papayagan ang sarili na manatili sa sakit.
Kahit na magtatagal pa bago maghilom ang mga sugat, kikilos siya upang iligtas ang kanyang sarili.
Nag-order siya ng takeout—isang light dinner at nagpalit ng damit.
Tumawag siya sa front desk at sinabi sa kanila na magbigay ng wake up service kinabukasan.
Pinilit niya ang sarili niyang makatulog.
Siguro dahil hindi siya natulog kagabi, mahimbing siyang natulog noong gabing iyon.
Nagising siya on time kinabukasan at binuksan ang cellphone.
Hindi mabilang na mensahe ang bumaha papasok, at walang tigil na nagva-vibrate iyon. Lahat ng iyon ay galing kay Alex.
Hindi niya binasa ang mga ito dahil baka maka-apekto lang sa exam niya.
Pagkatapos mag-almusal at maihanda ang lahat ay umalis na siya ng hotel at nagtungo sa exam room.
Malapit ang hotel sa venue ng exam sa IELTS, five-minute walk lang.
Paglabas pa lang niya ng hotel, nag-vibrate ang cellphone niya sa kanyang kamay.
Si Alex ang tumatawag.
Nataranta siya at muntik nang mahulog ang cellphone, mabilis niyang ini-swipe para i-reject ang tawag, pagkatapos ay pinatay ulit ito.
Malakas pa rin ang tibok ng puso niya nang makalabas siya sa exam room.
Napakasaya niya.
Mukhang maganda ang kanyang performance.
Nakangiti ang oral teacher habang kausap siya. Narinig niya ng malinaw ang bahagi ng listening part, at natapos niya nang maayos ang mga section ng reading at writing.
Hindi siya naglakas-loob na tantiyahin ang kanyang score, ngunit tinapos niyang lahat iyon.
Hindi siya ganoon kawalang silbi!
Naglakad siya sa sidewalk, nakayuko, inuulit sa isip ang bawat small details ng exam ngayon, hanggang sa nakakita siya ng isang pares ng leather shoes sa harap niya at tila hinaharangan siya sa kanyang dinadaanan ngunit hindi niya na mabawi ang kanyang paa at bumangga doon.
Kung hindi siya inalalayan ng taong iyon ay mahuhulog siya.
At ang taong iyon ay walang iba kundi si Alex. Ang taong ayaw niyang makita.
"Aina!"
Galit ito ngunit tila nagpipigil ng galit.
"Aina, bakit hindi ka umuuwi?" Hinawakan nito ang kanyang mga balikat at tinanong siya sa malambing na boses, kasing-amo at kasing-lambing ng dati.
Naisip ni Aina, "Bakit hindi ako umuuwi? Hindi mo ba alam?"
Ngunit wala siyang oras para makipagtalo dito. Kakabagsak lang ng bag niya sa lupa, bukas ang takip, at nakalantad ang isang bahagi ng IELTS pen niya.
Ayaw niyang malaman ni Alex na kumukuha siya ng IELTS!
Inalis niya ang kamay ni Alex, lumuhod, at mabilis na isinilid ang ballpen sa kanyang bag, at isinara ito nang mahigpit.
"Ano iyan?" tanong nito, nakatingin sa kanyang bag.
"Wala, ballpen lang." Nagkunwari siyang kalmado, ang kanyang mga daliri ay mahigpit na nakakapit sa bag kaya namuti ang mga ito.
"Ibigay mo sa akin," sabi nito.
Hindi, hindi pwedeng makita ni Alex ang ballpen niya.
Lalo niyang niyakap nang mahigpit ang bag. "Saan mo gagamitin ang ballpen?"
"Ibigay mo sa akin cellphone mo," sabi nito.
Nag-alinlangan siya sandali, ngunit kinuha niya rin ang cellphone niya sa bag at inabot dito.
Naka-off ito.
Tiningnan lang iyon ni Alex at ibinalik sa kanya. "Kanina pa kita tinatawagan, naka-ilang message na rin ako sayo, bakit hindi ka sumasagot? Galit ka pa rin ba?"
Hinawakan niya ang cellphone niya at sa isip-isip niya ay: Sa wakas, nakahinga rin ako ng maluwag. Natatakot ako na tignan niya ang cellphone ko. Paano kung makita niya ang email ng IELTS exam sa mailbox
Kung ito lang ang problema...
Inisip niya ito at nagpasya na wag nang magalit.
Gusto lang niyang tumakas.
Ang pag-iisip na ito ay lalong lumakas nang makita niya ulit si Alex.
Nang mapansin na wala siyang sinasabi, inakala ni Alex na galit pa rin siya at napabuntong-hininga. "Aina, hindi ba't naiintindihan mo naman? Bakit hindi ka pa umuwi this time?”
Ipinangako ni Aina sa sarili na ayaw na niyang magalit tungkol doon, ngunit pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Alex, kahit ang Diyos ay magagalit.
“So, kasalanan ko pa rin ba yung kahapon? Ignorante ba ako? Dapat ba pinuri ko si Owen nung dumating ako? At sinabi ko na 'Napagaling mo, napakagaling mong matutunan iyon?’ Hindi na niya kinaya.
Nahihiya ang mukha ni Alex, "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay hindi mo pwedeng kontrolin ang sinasabi ng iba tungkol sayo. Hindi mo kailangang damdamin iyon…”
"Oo, Hindi ko mako-kontrol, pero kaya mo!" Tiningnan niya ito, "Pero anong ginawa mo nung time na iyon? Kayo ni Julie mo ay nagkayakapan at tumatawa."
"Aina!" Galit na si Alex. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ito.
Naiintindihan na ni Aina.
Ang pangalang "Julie" ay ang kahinaan nito, isang minefield na hindi pwedeng hawakan.
Ano pa ang kanyang sasabihin?
Nilampasan niya ito dala ang kanyang bag.
Gayunpaman, inunat ni Alex ang braso at niyakap siya sa baywang.
"Patawarin mo ako, Aina, kasalanan ko. Napalakas lang boses ko kanina." Bulong nito, "Ayaw ko lang na hindi mo maintindihan si Julie. Magkaibigan lang kami. Itinuturing ko siyang kapatid. Hindi pa siya kasal. Hindi maganda na sabihin mo iyon sa kanya."
Hindi naintindihan ni Aina. Hindi ba't sila mismo ang gumawa niyan? Walang ingat na sumandal sa kay Alex si Julie. Ginawa niya iyon at ngayon natatakot siyang sabihin?
Ngunit mahinahon lang niyang sinabi, "Ah."
"Aina..." Naramdaman nito ang kanyang kalamigan, "Bakit galit ka pa rin? Tumakbo ka sa hotel para mag-stay mag-isa at hindi ka umuwi. Wala na akong sinasabi sa iyo, pero galit ka pa rin?"
Oo, kasalanan niya ang lahat.
"Aina, wag ka ng magalit. Mag lunch muna tayo, at pagkatapos ay sasamahan kitang mag-shopping, okay?”
Inisip ito ni Aina at nagpasya siyang sabihin ang isang bagay dito.
Inihatid siya ni Alex sa isang kalapit na restaurant.
Pagpasok niya ay nakita niya kaagad ang mata ng waiter, nahiya siya at gustong magtago sa likod ni Alex at lumakad nang dahan-dahan upang hindi masyadong mahalata ang kanyang pag-ika-ika.
Ngunit, kaagad, gumaan ang pakiramdam niya.
Kung hindi sila karapat-dapat, hindi sila karapat-dapat. Gayon pa man, hindi na niya balak maging kapareha nito.
Umupo sila.
Nag-order si Alex ng mga pagkain.
Nang maihain na ang lahat ng pagkain ay inabot sa kanya ni Alex ang kubyertos na may malumanay na boses "Aina, kumain ka, lahat ng to paborito mong pagkain."
Tinignan ni Aina ang mga pagkain, lahat ay maanghang.
Mapait siyang ngumiti.
Hindi alam ni Alex na hindi siya kumakain ng maanghang at lahat ng pagkain sa bahay nila ay maanghang dahil iyon ang gusto nito.
"Alex, hindi ako gutom." Hindi niya ginalaw ang kubyertos, "May sasabihin ako sayo."
"Ano?" Bahagyang itinaas nito ang mga gilid ng labi, "Sasamahan kita kahit saan mo gustong pumunta. Libre ako ngayon buong araw. Sasamahan kitang maglaro sa hapon, at uuwi tayo sa bahay ng mga magulang ko para magdinner sa gabi."
Tinitigan niya ang invisible na ngiti nito, iniisip kung ano ang mga susunod na sasabihin, isang malakas na pakiramdam ng kapaitan ang bumalot sa kanyang puso.
Pagkatapos ng insidenteng iyon ay dinampot niya ang kanyang mga libro. Hindi na siya nag-isip ng marami, umaasa nalang siya na makakahanap siya ng kaaliwan sa buhay. Isang bagay na pwede niyang gawin upang wag ng maisip ang mga salitang iyon na binitawan ni Alex. Ngunit sino ang mag-aakala na ang mga pag-asa na iyon, na kanya lamang, ay magiging kaligtasan niya ngayon?Mag-aaral siyang mabuti para sa exam bukas.Lilisanin niya ang lugar na iyon sa abot ng makakaya dahil kahit ang isipin iyon ay nagdudulot pa rin ng matinding sakit sa kanyang puso.Hindi niya masabi kung ang sakit ay dahil ba kay Alex o dahil sa kanyang maling pag-ibig sa loob ng limang taon.Ngunit hindi na mahalaga iyon ngayon. Ang mahalaga ay hindi na niya papayagan ang sarili na manatili sa sakit. Kahit na magtatagal pa bago maghilom ang mga sugat, kikilos siya upang iligtas ang kanyang sarili. Nag-order siya ng takeout—isang light dinner at nagpalit ng damit.Tumawag siya sa front desk at sinabi sa kanila na m
Napansin ni Alex ang mga ekspresyon ng mukha at sumabat sa tamang oras, "Alex, wag ka ng malungkot dahil lang sa nagsasalita kami ng masama tungkol sa asawa mo. Totoong concern sila para sa iyo. Isipin mo, matagal na kayong magkaibigan. Kahit na hindi maganda ang sinabi nila, pakinggan mo lang at kalimutan mo na. Wag mong dibdibin!""Hindi ako galit." Ibinaba ni Alex ang cellphone niya, "Hayaan mo na, hindi naman siya pupunta kahit saan, tara na."Kung tutuusin, sa nakalipas na limang taon, hindi siya kailanman nagpunta sa kahit saang lugar maliban sa bahay nila, at wala rin siyang ibang mapupuntahan.Sumulyap si Owen kay Julie at bumulong, "Napakabait ng Julie namin. Kung hindi lang kayo naghiwalay noon...""Ano ba ang sinasabi mo?" Inirapan ni Julie si Owen. "Hindi mo makontrol ang bibig mo buong gabi, puro nonsense yang sinasabi mo! Kasal na si Alex, kaya hindi mo dapat sabihin iyan..."Pagkasabi nito, napuno ng hinanakit ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Alex, "Bumalik ak
Ang pagpapanggap ni Owen ay nagpatawa sa lahat ng nasa loob nang malakas, hanggang sa si Julie, na nakaupo sa tabi ni Alex, ay tumawa at sumandal pa sa balikat ni Alex. At si Alex, hindi man lang nagsalita.Lumingon si Owen na nakangiti, "Ah Alex, ganyan ba..."Bago pa man niya maituloy ang tanong na "Ganyan ba," nakita niya si Aina na nakatayo sa pinto, at natigilan ang kanyang ngiti, "Aina… Aina…"Tumingin silang lahat sa pinto at nataranta.Tumayo si Julie mula sa balikat ni Alex at nakangiting nagsalita, "Ay, ito po pala ang kwento ng asawa ni Alex, tama ba? Hello po, tuloy po kayo, ako ang matalik na kaibigan ni Alex."Tinignan ni Aina ang lahat ng tao sa private room, at ang puso niya ay nanlamig na.Sa wakas ay tumayo si Alex at naglakad palapit sa kanya, "Aina, bakit ka nandito? Nagbibiro lang sila, wag mo nang dibdibin."Tinignan siya ni Aina at naramdaman na napakahiwaga talaga ng taong ito, hindi pa siya nakaramdam ng ganoong kahiwagaan noon.Kaya, kapag tinatawanan ng iba
Sinira niya na ang sumpaan at naglasing. Malinaw na nakainom na nga ito ng mga sandaling iyon pero sumigaw ba talaga ng ganon si Alex?Naalala ni Aina si Alex noong highschool na: isang malamig, matalinong mag-aaral na hindi lang seryoso sa problem solving. Maging sa sports field kapag inaalok siya ng tubig ng isang babaeng may gusto sa kanya ay babalewalain niya lang ito.Ngayon, nang maging asawa niya si Alex ay naging mas magalang ito, stable ang kanyang emosyon to the point na hindi na ito ngumingiti, ngunit hindi naman galit, palaging walang pakialam na kapag hinawakan mo ang kamay niya ay lalamigin ang kanyang katawan. Lumikot ang camera sa lahat ng mukha ng mga tao sa video at nakita niyang nakainom si Alex, ang mga mata nito’y kumikislap habang itinataas ang kanyang baso at tumatawa sa camera: “Welcome home, Julie.”Kaya niya palang ngumiti.Kaya niya palang maging passionate minsan. Tinatawag niya rin ang mga babae sa mga nicknames nila. Ngunit hindi nga lang sa kanya at
Maririnig ang lagaslas ng tubig sa bathroom. Naliligo si Alexander. Alas tres na ng madaling araw ngunit kakauwi niya lang. Nakatayo si Aina sa pinto ng bathroom dahil may gusto siyang sabihin kay Alex. Kinakabahan siya at hindi niya sigurado kung papayag ba si Alex sa sasabihin niya ngunit naglakas ng loob siyang tumayo doon. Habang nag-iisip siya ng sasabihin ay bigla siyang nakarinig ng ingay. Pinakinggan niyang mabuti iyon at ang naririnig niya nga ay si Alex. Nagsasarili ito.Ang mga paghingal at ungol na iyon ay parang mabibigat na martilyo na sunud-sunod na tumatama sa kanyang puso– mabigat at mabagsik. Ang sakit na nararamdaman niya ay mabilis na kumalat na parang alon, at siya ay lumulutang sa gitna ng pagdadalamhati at hindi halos makahinga. Ngayon ay araw ng kanilang wedding anniversary. Ang ika-limang taon na kasal siya kay Alex ngunit kahit kailan ay hindi naging mag-asawa ang turingan nila dahil mas gusto niyang gawin ng mag-isa ang bagay na iyon kaysa hawakan siya.







