Share

HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE
HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE
Author: JOHNLES

Chapter 1

Author: JOHNLES
last update Last Updated: 2025-10-23 06:02:27

Maririnig ang lagaslas ng tubig sa bathroom. Naliligo si Alexander. Alas tres na ng madaling araw ngunit kakauwi niya lang. 

Nakatayo si Aina sa pinto ng bathroom dahil may gusto siyang sabihin kay Alex. Kinakabahan siya at hindi niya sigurado kung papayag ba si Alex sa sasabihin niya ngunit naglakas ng loob siyang tumayo doon. Habang nag-iisip siya ng sasabihin ay bigla siyang nakarinig ng ingay. 

Pinakinggan niyang mabuti iyon at ang naririnig niya nga ay si Alex. Nagsasarili ito.

Ang mga paghingal at ungol na iyon ay parang mabibigat na martilyo na sunud-sunod na tumatama sa kanyang puso– mabigat at mabagsik. Ang sakit na nararamdaman niya ay mabilis na kumalat na parang alon, at siya ay lumulutang sa gitna ng pagdadalamhati at hindi halos makahinga. 

Ngayon ay araw ng kanilang wedding anniversary. Ang ika-limang taon na kasal siya kay Alex ngunit kahit kailan ay hindi naging mag-asawa ang turingan nila dahil mas gusto niyang gawin ng mag-isa ang bagay na iyon kaysa hawakan siya. 

Habang palakas nang palakas ang paghinga ni Alex ay bigla siyang umungol nang mahina ngunit may matinding pagtitiis, “Juliana…”

Ang mga pag-ungol na iyon ang nagbigay kay Aina ng nakakamatay na dagok. Napakasakit. Bumilis ang tibok ng kanyang puso na para bang may kung anong pira-pirasong nabasag. 

Sinubukan niyang takpan ang kanyang bibig para patigilin ang sarili sa pag-iyak ng malakas. Umikot siya at tumakbo ngunit nadulas siya sa unang hakbang palang, tumama siya sa sink at natumba sa sahig. 

“Aina?” rinig niyang sambit ni Alex habang nasa loob pa rin ng bathroom. Naririnig niya pa rin ang pagpipigil nito at ang paghinga nito ay malalim pa. 

“Gusto kong magbanyo. Hindi ko alam na naliligo ka…” nagsinungaling siya at mabilis na kumapit sa sink upang makatayo.

Pero habang lalo siyang kinakabahan ay mas lalo naman siyang nahihiya. May tubig sa sahig at sa sink. Sa wakas ay tumayo siya, ngunit biglang lumabas si Alex. Ang puti niyang roba ay mukhang madalian nitong isinuot, ngunit mahigpit namang nakatali ang sinturon nito.

“Natumba ka ba? Ako na.” nag-pretend siyang hawakan si Aina. 

Sobrang nasaktan si Aina at mabilis na gumuhit ang luha sa kanyang mga mata ngunit tinulak niya ang kamay ni Alex. Nahihiya man ngunit determinado siyang panindigan iyon, “Hindi na, ako na. Kaya ko naman.” 

Muntik na naman siyang madulas, kaya pa-ika-ika at pasuray-suray siyang bumalik sa kwarto. 

Ang ginawa niya ay “pagtakas” tama lang ang salitang iyon. 

Matagal na siyang tumatakas at tumatakbo sa limang taong kasal nila ni Alex. 

Tumatakas sa outside world, tumatakas sa mga mata ng nakararami at tumatakas sa awa at simpatya sa kanya ni Alex dahil ang asawa ni Alexander Montero ay isang pilay. 

Sabagay, paano nga namang ang isang lumpong kagaya niya ay magiging karapat-dapat kay Alex na isang gwapo at successful na tao?

Pero meron din naman siyang may kurbang binti. 

“Nasaktan ka ba? Patingin ako.” saad nito paglabas niya na puno ng pag-aalala at malumanay na boses. 

“Hindi na, okay lang.” Mahigpit niyang ibinalot ang sarili sa kumot kasama ang hiya niya. 

“Okay ka lang ba talaga?” tanong ni Alex na talagang nag-aalala.

“Oo.” saad ni Aina sabay tango at tumalikod nalang. 

“Tulog na tayo? Hindi ka na ba naiihi?”

“Hindi na, matulog na tayo,” mahina niyang saad. 

“Okay. Nga pala, ngayon ang anniversary natin. Binilhan kita ng regalo. Pwede mong buksan iyon bukas, tignan mo nalang kung magugustuhan mo.”

“Okay.” Naroon ang regalo sa gilid ng kama. Nakita niya na iyon ngunit alam niya na kung anong laman kahit hindi niya buksan. 

Taon-taon ay iyon nalang palagi ang regalo sa kanya ni Alex. Same size ng box at relo. Kasama na ang regalo niya tuwing birthday. Puno na ang drawer niya ng siyam na magkakaparehong relo at pang sampu na ito. 

Natapos ang usapan nila doon. Pinatay na ni Alex ang ilaw at humiga. Ang hangin ay puno ng amoy ng shower gel, ngunit hindi niya man lang nararamdaman na lumubog ang kama sa side niya sa dalawang metrong kamang iyon, nasa malayong gilid si Alex at mayroon pang space para sa tatlong katao. 

Walang kahit sino sa kanilang nagtangkang banggitin ang pangalan ni Julie, at kung ano man ang ginawa ni Alex sa bathroom ay parang walang nangyari. 

Nahiga siya sa kama, ang kanyang mga mata ay animo’y nasusunog. 

Si Julie at si Alex ay magkaklase noong college at siya ang first love nito, ang kanyang diyosa. 

Pagkatapos makagraduate sa university ay naghiwalay sila at nag-abroad si Julie. Dahil doon ay na-depress si Alex at nalulong sa pag-inom ng alak araw-araw. 

Magkaklase naman si Aina at Alex noong nasa highschool palang sila at inaamin ni Aina na may lihim siyang paghanga kay Alex ng mga panahong iyon. 

Alex that time was the school hunk, cool siya at matalinong tao, habang si Aina naman ay isang art student. Kahit siya ay may angking ganda ay marami ring magagandang babae doon at sa high school ay pataasan ng grado ang labanan at ang mga arts students ay hindi gaanong napapansin at madalas ay hinuhusgahan pa sila ng ibang tao kung kaya’t inilihim niya lang ang paghanga niya kay Alex ngunit kailanman ay hindi niya naisip na makakadaupang palad niya ito. 

Summer vacation iyon nang makauwi si Aina pagkatapos niyang grumaduate sa dance academy at nakita niya si Alex ngunit napansin niyang lugmok ito at animo’y nagdurusa. 

Nang gabing iyon ay lasing si Alex at pasuray-suray na naglalakad sa kalsada at nang tumawid ito ay hindi niya muna sinuring mabuti ang mga traffic lights. Isang mabilis na kotse ang ngayon ay hindi man lang nakapag preno. Nagawa niyang itulak si Alex ngunit ang kapalit ay siya ang napuruhan. 

Isa siyang dancer at natanggap na siya sa graduate school ngunit simula nang mangyari ang aksidente na iyon ay napinsala ang kanyang binti. 

Hindi na siya makakapag sayaw pa. 

Simula ng mangyari iyon ay pinakasalan siya ni Alex at itinigil na nito ang pag-iinom. 

Nilalamon ng labis na konsensya si Alex kung kaya’t palagi siyang malumanay makipag-usap kay Aina at nagpapasalamat siya sa ginawa nito ngunit nananatili siyang malamig at animo’y hindi interesado ngunit palagi niya itong binibigyan ng mga regalo at pera. Ngunit alam niya sa sarili niyang hindi niya ito mahal. 

Ang buong akala ni Aina ay magagamot ng panahon ang lahat ngunit hindi niya naisip na pagkatapos ng limang taon ay maaalala pa rin ni Alex ang pangalang “Julie” at tinatawag pa siya sa pangalang iyon habang pinagsisilbihan nito. 

Pero ang lahat ng iyon ay dahil isa siyang hangal at inosente. 

Hindi siya nakatulog ng gabing iyon dahil paulit-ulit niyang binabasa ang email sa cellphone niya. 

Isang offer iyon sa graduate school sa isang foreign university at iyon talaga ang orihinal niyang plano na sasabihin niya kay Alex ngayong gabi—kung ayos lang ba na mag-aral siya sa abroad?

Ngunit ngayon, sa tingin niya ay hindi na kailangan pang pag-usapan pa. 

Sa loob ng limang taon nilang pagsasama at hindi mabilang na walang pahingang mga gabi, sa wakas naroon na siya sa tagpong iyon. 

Nang magising si Alex ay inaantok pa si Aina, narinig niya ang asawa na nakikipga-usap sa kasambahay nilang si Yaya Minda, sa labas: “May appointment ako mamayang gabi, pakisabi kay Aina na wag na akong hintayin at matulog na siya ng maaga.” 

Pagkatapos na ibilin iyon ni Alex sa kasambahay ay bumalik siya sa kwarto upang muling tignan si Aina. Nakatalukbong pa rin ito ng kumot at ang unan nito ay puno ng luha. 

Karaniwan, kapag pumapasok siya sa opisina, laging inihahanda ni Aina ang mga damit niya at inilalagay sa isang tabi para kung sakali ay isusuot niya nalang ito ngunit ngayon ay hindi. 

Nagpunta siya sa walk-in closet para magpalit at umalis na papuntang opisina.

Iminulat naman ni Aina ang mga mata niya ngunit napansin niyang namumugto ang mga ito at namatay na ang alarm sa cellphone niya.

Iyon ang oras na sinet niya para bumangon at mag-aral ng english. 

Pagkatapos niya kasing ikasal, dahil sa kanyang problema sa binti ay iginugol niya na ang oras niya sa bahay at hindi na lumalabas pa. Naghahanap lang siya ng gagawin tuwing nasa bahay. 

Kinuha niya ang cellphone at pinatay ang alarm at nag scroll sa mga apps.

Naguguluhan ang isip niya at hindi siya makapag concentrate sa kahit anong bagay nang biglang mahagip ng mata niya ang isang video. Pamilyar ang babae sa picture kung kaya’t tinignan niya ang name ng account: Julie Saldivar at na-release iyon kagabi. 

Pinindot ni Aina ang video at may tugtog na agad na lumitaw at may sumigaw ng: One, Two, Three, welcome back Julie! Cheers!

Ang boses na iyon ay galing kay Alex.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 5

    Pagkatapos ng insidenteng iyon ay dinampot niya ang kanyang mga libro. Hindi na siya nag-isip ng marami, umaasa nalang siya na makakahanap siya ng kaaliwan sa buhay. Isang bagay na pwede niyang gawin upang wag ng maisip ang mga salitang iyon na binitawan ni Alex. Ngunit sino ang mag-aakala na ang mga pag-asa na iyon, na kanya lamang, ay magiging kaligtasan niya ngayon?Mag-aaral siyang mabuti para sa exam bukas.Lilisanin niya ang lugar na iyon sa abot ng makakaya dahil kahit ang isipin iyon ay nagdudulot pa rin ng matinding sakit sa kanyang puso.Hindi niya masabi kung ang sakit ay dahil ba kay Alex o dahil sa kanyang maling pag-ibig sa loob ng limang taon.Ngunit hindi na mahalaga iyon ngayon. Ang mahalaga ay hindi na niya papayagan ang sarili na manatili sa sakit. Kahit na magtatagal pa bago maghilom ang mga sugat, kikilos siya upang iligtas ang kanyang sarili. Nag-order siya ng takeout—isang light dinner at nagpalit ng damit.Tumawag siya sa front desk at sinabi sa kanila na m

  • HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 4

    Napansin ni Alex ang mga ekspresyon ng mukha at sumabat sa tamang oras, "Alex, wag ka ng malungkot dahil lang sa nagsasalita kami ng masama tungkol sa asawa mo. Totoong concern sila para sa iyo. Isipin mo, matagal na kayong magkaibigan. Kahit na hindi maganda ang sinabi nila, pakinggan mo lang at kalimutan mo na. Wag mong dibdibin!""Hindi ako galit." Ibinaba ni Alex ang cellphone niya, "Hayaan mo na, hindi naman siya pupunta kahit saan, tara na."Kung tutuusin, sa nakalipas na limang taon, hindi siya kailanman nagpunta sa kahit saang lugar maliban sa bahay nila, at wala rin siyang ibang mapupuntahan.Sumulyap si Owen kay Julie at bumulong, "Napakabait ng Julie namin. Kung hindi lang kayo naghiwalay noon...""Ano ba ang sinasabi mo?" Inirapan ni Julie si Owen. "Hindi mo makontrol ang bibig mo buong gabi, puro nonsense yang sinasabi mo! Kasal na si Alex, kaya hindi mo dapat sabihin iyan..."Pagkasabi nito, napuno ng hinanakit ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Alex, "Bumalik ak

  • HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 3

    Ang pagpapanggap ni Owen ay nagpatawa sa lahat ng nasa loob nang malakas, hanggang sa si Julie, na nakaupo sa tabi ni Alex, ay tumawa at sumandal pa sa balikat ni Alex. At si Alex, hindi man lang nagsalita.Lumingon si Owen na nakangiti, "Ah Alex, ganyan ba..."Bago pa man niya maituloy ang tanong na "Ganyan ba," nakita niya si Aina na nakatayo sa pinto, at natigilan ang kanyang ngiti, "Aina… Aina…"Tumingin silang lahat sa pinto at nataranta.Tumayo si Julie mula sa balikat ni Alex at nakangiting nagsalita, "Ay, ito po pala ang kwento ng asawa ni Alex, tama ba? Hello po, tuloy po kayo, ako ang matalik na kaibigan ni Alex."Tinignan ni Aina ang lahat ng tao sa private room, at ang puso niya ay nanlamig na.Sa wakas ay tumayo si Alex at naglakad palapit sa kanya, "Aina, bakit ka nandito? Nagbibiro lang sila, wag mo nang dibdibin."Tinignan siya ni Aina at naramdaman na napakahiwaga talaga ng taong ito, hindi pa siya nakaramdam ng ganoong kahiwagaan noon.Kaya, kapag tinatawanan ng iba

  • HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 2

    Sinira niya na ang sumpaan at naglasing. Malinaw na nakainom na nga ito ng mga sandaling iyon pero sumigaw ba talaga ng ganon si Alex?Naalala ni Aina si Alex noong highschool na: isang malamig, matalinong mag-aaral na hindi lang seryoso sa problem solving. Maging sa sports field kapag inaalok siya ng tubig ng isang babaeng may gusto sa kanya ay babalewalain niya lang ito.Ngayon, nang maging asawa niya si Alex ay naging mas magalang ito, stable ang kanyang emosyon to the point na hindi na ito ngumingiti, ngunit hindi naman galit, palaging walang pakialam na kapag hinawakan mo ang kamay niya ay lalamigin ang kanyang katawan. Lumikot ang camera sa lahat ng mukha ng mga tao sa video at nakita niyang nakainom si Alex, ang mga mata nito’y kumikislap habang itinataas ang kanyang baso at tumatawa sa camera: “Welcome home, Julie.”Kaya niya palang ngumiti.Kaya niya palang maging passionate minsan. Tinatawag niya rin ang mga babae sa mga nicknames nila. Ngunit hindi nga lang sa kanya at

  • HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 1

    Maririnig ang lagaslas ng tubig sa bathroom. Naliligo si Alexander. Alas tres na ng madaling araw ngunit kakauwi niya lang. Nakatayo si Aina sa pinto ng bathroom dahil may gusto siyang sabihin kay Alex. Kinakabahan siya at hindi niya sigurado kung papayag ba si Alex sa sasabihin niya ngunit naglakas ng loob siyang tumayo doon. Habang nag-iisip siya ng sasabihin ay bigla siyang nakarinig ng ingay. Pinakinggan niyang mabuti iyon at ang naririnig niya nga ay si Alex. Nagsasarili ito.Ang mga paghingal at ungol na iyon ay parang mabibigat na martilyo na sunud-sunod na tumatama sa kanyang puso– mabigat at mabagsik. Ang sakit na nararamdaman niya ay mabilis na kumalat na parang alon, at siya ay lumulutang sa gitna ng pagdadalamhati at hindi halos makahinga. Ngayon ay araw ng kanilang wedding anniversary. Ang ika-limang taon na kasal siya kay Alex ngunit kahit kailan ay hindi naging mag-asawa ang turingan nila dahil mas gusto niyang gawin ng mag-isa ang bagay na iyon kaysa hawakan siya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status