Pagkapasok ni Zelena sa kaniyang kuwarto ay bigla niyang naalala ang mga memories nila ni Drake, ang kaniyang ex-boyfriend.
Napatakip siya sa kaniyang bibig habang umiiyak.
Nanikip ang kaniyang dibdib at nahihilo kaya napahawak siya sa kama at naupo roon.
Nagpaulit-ulit sa kaniyang isipan ang sinabi ng kaniyang ina nang malaman niyang iniwan siya ni Drake.
'Babae ka lang at pinagnanasaan niya ang katawan mo, that's why he left you when he got what he wanted.'
College silang dalawa noong naging magkarelasyon sila. Hanggang sa isang araw ay iniwan siya nito nang hindi nagpapaalam. Hindi rin niya alam kung ano'ng nangyari sa kaniya dahil lumipat ito ng university.
Hinawakan niya nang mahigpit ang kaniyang unan saka iyon ibinato.
"Bullshit!" sigaw niya at isa-isang ibinato ang mga bagay na kaniyang nahahawakan.
Hindi niya matanggap na magkasama ang dalawang taong patuloy na nananakit sa kaniya.
Biglang bumukas ang pintuan at nagulat si yaya Tina nang makita siya sa ganoong sitwasyon.
"Hija, tama na, tama na," saad nito at nagmamadaling lumapit kay Zelena.
"No! I fucking hate them!"
Hinawakan niya ang kaniyang side table at ibinaliktad iyon.
Niyakap siya ni yaya Tina upang kumalma siya, patuloy naman siya sa paghagulgol.
Napaupo sa sahig si Zelena at hindi naman siya binitawan nito.
"Shh. Tama na, anak."
Hinaplos nito ang kaniyang ulo.
"A-Ayoko na, Nanay. Ang sakit sa dibdib. Why is he here? Why is he with Dylan?"
Pinunasan ni yaya Tina ang mga luha niya.
"Hindi ko siya nakita agad, hindi ko nakitang si Drake 'yon."
Tumingin siya sa mga mata nito.
"M-Matapos niya akong iwan, nandito siya ulit. P-Parang— Parang 'yong sakit, bumalik ulit."
Niyakap siya nito saka hinagod ang kaniyang likod.
"W-Wala na 'yong pagmamahal, but the pain doesn't go away," wika ni Zelena habang humihikbi.
Nasa ganoong sitwasyon sila nang mas lalong bumukas ang pintuan.
"What the hell is going on?" kunot-noong tanong ni Dylan.
"Get the fuck out of here!" sigaw ni Zelena habang masama ang tingin sa kaniya.
Tila nagulat naman ito at bahagyang napatigil.
Umiling-iling ito saka umalis doon.
Nagpatuloy naman siya sa pag-iyak at niyakap si yaya Tina.
Hindi na makaimik si Zelena dahil sa kaniyang paghagulgol at dahil hindi na rin siya makahinga.
"Ano'ng kaartehan na naman ang ginagawa ni Zelena—"
"Hijo, pagpahingahin mo muna siya, dahil hindi naman ikaw ang nasa sitwasyon niya," pamumutol ni yaya Tina sa sasabihin niya matapos nilang kumain ng dinner at hindi pa bumababa si Zelena.
Napangisi naman si Dylan.
"That means she hasn't really moved on yet. Sana lang ay hindi mag-back out si Sir George after niyang malaman na ang ex-girlfriend niya ay ang pinakasalan ko."
Napabuntong-hininga naman si yaya Tina.
"Sana lang ay malagpasan lahat ito ni Zelena. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Kung alam mo lang."
Natahimik naman si Dylan.
Kinabukasan ay kunot-noong nagmamadaling nagtungo sa garahe si Zelena.
"Hey!"
Huminga siya nang malalim nang marinig ang sigaw ni Dylan. Nasa garahe rin ito at papunta sa kaniyang sasakyan nang makita si Zelena.
Lumingon naman siya at hindi nagsalita.
Magkasalubong ang mga kilay nito habang papalapit sa kaniya.
"Why did you postpone my meeting with my client before? Ngayon ay nagkagulo na ang schedule ko!" sambit nito nang makalapit siya.
Nakatingala naman si Zelena.
"S-Sorry—"
"Sorry? Palibhasa hindi mo naman iniisip ang pera! You're all about spending and buying things, so even if you hurt other people, it's okay with you!"
Napatalon siya sa lakas ng pagsigaw nito.
"Why are you shouting at me?" kunot-noong tanong niya.
Napangisi naman si Dylan saka ulit sumeryoso.
"Now it's my fault that I react this way?"
"You can talk to me properly, don't yell at me!"
Nagulat din si Dylan sa pagsigaw ni Zelena.
"Ikaw kasi, hindi ka rin naman makausap nang maayos. Lagi ka na lang nakikialam sa buhay ko!"
Nagpamewang naman siya.
"Bakit? Binata ka pa rin ba?"
"Bakit? Ginusto ko bang ikasal sa'yo?" tanong nito pabalik.
Hindi nakaimik si Zelena at nanatiling nakatingin lang kay Dylan.
"Just so you know, nahihirapan akong kasama ka!" sigaw ulit nito.
Napakuyom ang mga palad ni Zelena at humakbang palapit sa kaniyang asawa.
"I also fucking hate living with you! P*tanginang utang kasi 'yan!" galit ang mga matang sambit niya.
"Eh 'di, bumalik ka na sa ex-boyfriend mo! Tutal m*landi ka naman—"
Hindi naituloy ni Dylan ang sasabihin niya nang malakas siyang sampalin ni Zelena.
"Y-You better shut your fucking mouth. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko. D-Dahil ikaw, puro ka pasarap, puro ka sex sa ibang babae," may diing sambit ni Zelena habang naluluha.
Lumayas na siya sa harapan nito, habang si Dylan ay nakahawak sa kaniyang panga at nakatingin kay Zelena na humaharurot na ang sasakyan paalis doon.
"Narinig ko ang sagutan niyo kaninang umaga ni Zelena, hijo," wika ni yaya Tina saka inilapag ang kape sa harapan ni Dylan.
Alas-syete na ng gabi at katatapos niya lang uminom ng alak.
Huminga siya nang malalim saka tumingin sa pool.
"Alam niyo po kung gaano ako naiipit sa sitwasyon ko. Ni hindi ko na nga magawa ang mga dati kong ginagawa. I missed hanging out with a lot of people," sambit niya.
"Parehas lang naman kayo ni Zelena na naiipit sa sitwasyon, anak. Ang pinagkaiba lang ay hindi ka niya sinasaktan."
Napalingon naman si Dylan sa kaniya.
"Nakita niyo po ba ang ginawa niya kanina sa akin? She slapped me!"
"Pero narinig ko rin ang sinabi mo. Sinabi mong m*landi siya. Hindi ba ganoong klaseng babae naman ang gusto mo?" wika nito.
Hindi naman siya nakasagot saka siya napailing.
"Hijo, hindi mo alam ang nangyari sa kaniya—"
"Kahit alam ko man o hindi a nangyari sa kaniya, 'Nay, wala siyang karapatang pahirapan din ako. She probably thought I wouldn't know that she was the reason my meeting was postponed. Ang hilig niyang mangialam, kagaya nina Mommy at Daddy. They are all selfish," kunot-noong saad ni Dylan.
Hindi umimik si yaya Tina.
"It's not my fault na ganito ang nararamdaman ko. Saka na lang ako sumasaya kapag lumalabas ako, pero kapag umuuwi ako, this house reminds me of how much my parents use me for their own purposes."
"Pero bakit mo dinadamay si Zelena? Naiipit lang din siya sa sitwasyon, hijo."
Napangisi siya.
"I know, 'Nay. Pero iba naman siya, iba ako. Ni hindi ko nga ma-enjoy ang pahinga ko rito. When I see her, I remember that all of this has a price."
"Kung wala bang utang ang pamilya mo sa pamilya niya, magugustuhan mo ba siya?" tanong ni yaya Tina.
Uminom naman siya ng alak.
"I don't know, 'Nay. Iyong tipikal na nararamdaman lang ng lalake kapag nakakakita ng sexy. She's not my type."
Ngumiti naman ng parang nang-aasar si yaya Tina saka tumango-tango.
Nakasuot ng itim na satin shift dress si Zelena at itim na shades. Nakahawak din siya ng puting clutch bag habang nakaupo sa loob ng events hall. May event ang mga Romano at siya ang ipinadala ng kaniyang ina habang wala sila roon.
Masakit ang loob niyang nagpunta roon, ngunit wala siyang nagawa dahil ang kaniyang ina ang nag-utos nito.
Hindi rin siya nakikipag-usap sa iba, lalo na sa mga Romano. Hindi pa rin mawala sa isipan niya kung paanong nawala sa isipan ng mga tao ang illegal na negosyo nila.
Nakita niya rin ang mga empleyado ni Dylan sa kaniyang department store kaya inasahan na niyang nandito rin ang kaniyang asawa.
Nagpalakpakan ang mga tao nang umakyat sa stage si Dylan.
Ininom naman ni Zelena ang kaniyang wine saka tumayo sa kaniyang kinauupuan.
Narinig niyang nagsimula nang magsalita si Dylan kaya nagmadali siyang lumabas mula roon at nagtungo sa garden upang magpahangin.
"Z."
Napalingon siya sa gulat dahil sa nagsalita.
Si Drake.
Napakuyom ang mga palad niya nang makita ito.
"Don't ever come near me," sambit niya saka siya umatras nang humakbang ito palapit sa kaniya.
"Gusto lang kitang makausap. Gusto kitang kumustahin," tila nagmamakaawang sabi ni Drake.
"Bullshit," natatawang wika ni Zelena saka niya tinanggal ang kaniyang shades.
"Kukumustahin mo ako matapos mo akong iwan na lang nang basta-basta? You're so funny, GD."
"It's not what you think, Z. Pakinggan mo ako," sabi naman nito.
Umiling-iling siya.
"No. You left, tapos bigla ka na lang magpapakita sa bahay ko?"
"Please, let me explain," naluluhang wika ni Drake.
Umiwas naman siya ng tingin dahil alam niyang maiiyak din siya.
"Ang tagal kitang hinintay, pero pinibayaan mo ako. Sa tingin ko nga ay may pamilya ka na rin. It looks like you're already rich and have someone to support," naluluhang sambit niya saka ibinalik ang paningin sa kaniyang ex-boyfriend.
"N-No. Noong umalis ako, I have never loved anyone else besides you. Mahal pa rin kita. I don't think I can replace you."
Napalunok pa ito saka pinunasan ang kaniyang sariling luha.
"A-Ayoko nang marinig pa ang mga kasinungalingan mo!" saad ni Zelena saka siya tumalikod.
"N-No, please, Z."
Mabilis siyang nilapitan ni Drake at niyakap siya patalikod.
Umiiyak namang nagpupumiglas si Zelena.
"S-Stop it. Stop. Ayoko na."
Binitawan siya ni Drake, ngunit pilit siya nitong inihaharap sa kaniya. Wala naman siyang nagawa dahil nanghina siya bigla sa presensya nito.
"M-Makinig ka sa akin. Kahit ngayon lang," nagmamakaawang sabi ni Drake.
Umiling-iling naman si Zelena habang umiiyak.
"I-I didn't know you were married, kaya huwag mong isiping ginugulo ko kayo ni Mr. Dylan. At gusto ko lang ding malaman mo ang dahilan kung bakit ako umalis. Nothing can stop me from saying this now," dagdag pa nito.
Napalunok siya at hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan.
"U-Umalis ako dahil pinagbantaan ako ng Mommy mo. She knows we're not rich, so she doesn't want me for you. Alam ko ang kayang gawin ng Mommy mo, k-kaya umalis ako, umalis kami ng pamilya ko."
Napaawang ang bibig ni Zelena nang marinig iyon. Agad niyang tinakpan ang kaniyang bibig dahil hindi siya makapaniwala.
"Kung ano man ang mayroon ako ngayon, pinaghirapan ko 'to. I want to prove to you that I'm worthy of you, because I love you so much, Z," lumuluhang saad ni Drake.
"S-Sana sinabi mo sa'kin—"
"N-Natakot ako. Natakot ako na sa dami ng kasalanan ko sa'yo, ayoko nang masaktan ka kapag sinabi ko ang totoo. She's still your mother, at ayokong iwan mo ang pamilya mo para sa akin," pamumutol nito sa sasabihin niya.
Umiling-iling naman siya.
"GD, p-pinatawad kita sa nangyari noon. You know what you did was wrong, but I forgave you, because I love you. And in those times, ikaw lang ang sandalan ko. But you left me!"
Umatras siya at hindi naman lumapit sa kaniya si Drake. Pinagmasdan lang siya nitong lumayo.
"T-Trust me, kung ikaw ang nasa katayuan ko, gagawin mo rin 'yon—"
"No! Kung mahal mo ako, sasabihin mo sa akin ang totoo. There are many ways we can solve this before! I can talk to Mommy," sagot niya.
"How? Paano, Zelena? Kung ikaw nga mismo ay laging sumusunod sa kaniya. How can you solve all of this without her in the middle?" tila nawawalan ng pag-asang wika ni Drake.
Hindi namam siya nakasagot.
"See? Wala tayong magagawa, kasi wala namang paraan—"
"You say that because you let go so easily! Alam mo kung ano'ng pinagdadaanan ko kay Mommy, pati ikaw ay sinasaktan ako! Napaka-selfish mo! I hate you! I hope I never see you again!"
"Z!" tawag nito sa kaniya nang umalis na siya sa harap niya.
Hinabol siya nito at hinawakan sa braso, ngunit mabilis na binawi ni Zelena ang kaniyang braso.
"H-Huwag ka nang magpapakita sa akin. Alam kong connected ka sa asawa ko, but stay away when you see me. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinahirapan noong nawala ka," may diing sambit niya.
"P-Pero—"
"Do you know that I asked God to let me forget you? Because of you I had a trauma, at pinalagpas ko ang ginawa mo. Inisip ko na lang dati na it's normal, defense mechanism. Pero it keeps haunting me. So, please, g-go away," matigas ngunit lumuluhang sabi ni Zelena.
Huminga nang malalim si Drake saka siya nagpunas ng kaniyang luha. Ilang segundo niyang tinignan si Zelena saka siya umalis.
Naglakad na rin paalis doon si Zelena at nagpunta sa parking lot habang umiiyak.
Galit niyang inilabas ang kaniyang cellphone. Tinawagan niya ang kaniyang ina dahil sa ginawa nito.
"Why—"
"M-Mommy, bakit mo ba ako pinapahirapan? Why are you making my life a game?" nahihirapang wika niya.
"Why do you talk to me like that? Nag-iisip ka ba?" galit na rin sa kabilang linya ang kaniyang ina.
"A-Ayoko na sa buhay ko. I don't like what you're doing to me, Mommy. Pagod na ako," humihikbing sabi ni Zelena.
"No! You can't get tired! Napakadali lang ang magpabuntis! Wala ka namang pakinabang—"
"M-Mommy, ilang beses ko nang sinabi sa'yo na hindi ko na kaya. Please, listen to me. L-Listen to me. Pagod na akong akitin si Dylan kahit labag naman sa loob ko ang gusto niyong gawin niya sa akin. I love him, but not in a way that I would force him. I'm tired—"
Napatigil siya nang patayin na ng kaniyang ina ang tawag.
Mas lalo siyang napaiyak saka tumingin sa kaniyang cellphone at malakas na ibinato sa loob ng kaniyang sasakyan kaya nabasag ang bintana nito.
Napayuko na lang siya at mas lalong humagulgol.
Sa hindi kalayuan ay may nakatayong lalake at napangisi nang makita siya sa ganoong sitwasyon, ngunit agad din itong sumeryoso.
"Sir Dylan, let's go," sambit ng kaniyang guwardiya.
"Susunod na ako," sagot niya. Pinagmasdan muna niya si Zelena bago umalis doon.
Mabilis na hinawi ni Zelena ang kamay ni Yanna saka siya yumuko upang hindi siya tamaan ng balisong.Itinulak niya ito habang nakatalikod siya kaya ito natumba.Agad din siyang lumayo kay Yanna at napahawak sa kaniyang leeg nang maramdamang may dugo roon. Hinatak ni Dylan si Zelena at inilagay sa kaniyang likuran upang hindi siya malapitan ni Yanna."Itaas ang 'yong kamay at huwag kang kikilos nang masama!"Napatigil sa pagtayo si Yanna nang may lumapit sa kanilang mga pulis.Napalunok ito at tumulo ang kaniyang luha habang nakatingin kay Dylan na parang nagmamakaawa.Lumapit naman agad sina Katee at Lily kay Zelena.Tumango si Zelena nang makita niya ang kaniyang mga tauhan na papalapit sa kanila.Agad na dinakip ng mga pulis si Yanna. Tumakbo naman si Dave papunta sa kaniya at niyakap siya."Please po, huwag niyong kunin ang Mommy ko," pagmamakaawa nito.Hindi na rin nagsalita si Yanna, ngunit umiiyak siyang nakatingin kay Dylan habang umiiling.Nilagyan ng mga tauhan ni Zelena ng g
"Hija, gabi na, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni yaya Tina kay Zelena nang makita niya itong umiinom ng alak sa poolside."Later, 'Nay."Napabuntong-hininga naman ito."I've been holding on for a long time, 'Nay. Paulit-ulit na lang ang mga nangyayari," sambit ni Zelena saka uminom."Kaya mo pa bang kumapit kay Dylan? Kasi kung hindi mo na kaya, puwede ka namang magpahinga," paalala nito.Napatingin naman siya kay yaya Tina."He's just using me, I think I've gone blind dahil sa pagmamahal ko sa kaniya, 'Nay. Sa tingin ko nga ay ginagawa niya lang ito dahil may binabayaran silang utang sa amin.""Ano na ang plano mo ngayon sa pagbabalik ng ex-girlfriend niya?" nag-aalalang tanong nito.Matamlay naman siyang ngumiti."Mananatili po ako rito hanggang sa kaya ko. I will stay until I think there is still hope for Dylan and me."Tumango-tango naman ito saka hinaplos ang kaniyang likod saka siya iniwan.Naalala na naman niya ang nasaksihan niya kanina at napakuyom ang kaniyang mga palad.
Naramdaman ni Zelena na may nakahawak sa kaniyang kamay nang magkaroon siya ng malay. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata.Napaupo agad siya nang maalala ang lalakeng humahabol sa kaniya."Zelly, calm down."Napatingin siya sa kaniyang gilid at nakita sina Katee, Lily, at yaya Tina.Napahawak siya sa kaniyang noo nang kumirot iyon. Nakapa niya ang gasa roon dahil nasugat siya."W-Why am I here? They didn't get me?" naguguluhang tanong niya.Napakunot-noo naman sila."Sino'ng kukuha sa'yo, hija?" tanong ni yaya Tina.Umayos naman siya ng upo at inalalayan siya ni Katee."S-Sinundan ko po kasi si Dylan. As I was walking inside the subdivision, a man was looking at me. Hinabol niya ako. Tapos biglang may bumangga sa akin. I heard the man talking to someone on his cellphone and he asked if they were going to get me," nauutal na sagot niya saka siya napalunok."What?!" eksaheradang sambit ni Lily."Pero may nagdala sa'yo dito sa hospital. Ang sinabi nila ay nakita ka nilang nas
"P-Please, can I see Dylan?" pag-uulit ni Yanna.Tila nanlambot naman si Zelena habang nakatingin sa kaniya."H-He's not—He's not home yet," nauutal at nalilitong sagot niya.Nagtitigan silang dalawa at ramdam niya ang pagiging desperada ni Yanna at ang pananabik nitong makita si Dylan.Napatingin silang dalawa sa kalsada nang may pumaradang sasakyan doon at bumusina sa kanila.Napalunok siya nang makitang ang sasakyan ni Dylan iyon.Bumaba sa sasakyan si Dylan dahil nakahrang ang sasakyan ni Yanna sa gate."It's already late, why are you still outside? Go talk inside—"Napatigil sa pagsasalita ang asawa ni Zelena habang papalapit sa kanila nang mamukhaan ang babaeng kausap niya.Napakagat-labi siya at nagbabadya ang luha dahil hindi niya alam kung kakayanin niyang mag-usap sa harapan niya ang kaniyang asawa at ang ex-girlfriend nito."D-Dylan," wika ni Yanna at agad siyang lumapit at niyakap ito.Napaiwas naman ng tingin si Zelena.Napatingin naman si Dylan sa kaniya at napansin ang
H*nalikan agad ni Dylan si Zelena habang unti-unti niya itong inihihiga sa kama.Napakapit naman si Zelena sa batok nito at hindi mapigilang makagat ang labi ng kaniyang asawa.Napalunok siya nang maramdamang bumaba ang kamay ni Dylan at napunta sa kaniyang underwear at dahan-dahan niya iyong ibinababa.Napapikit siya at hindi maiwasang manginig.Tumigil si Dylan sa kaniyang ginagawa at hindi pa gaanong ibinaba ang suot ni Zelena."Are you sure you want to do this? You're shaking," sambit nito.Napabukas ng mga mata si Zelena at tumingin sa kaniyang asawa at dahan-dahang tumango.Wala namang sinayang na segundo si Dylan at ibinaba na nang tuluyan ang kaniyang suot na underwear."Fuck," saad nito at pinagmasdan ulit ang buong katawan ni Zelena.Hinaplos niya ang mga hita ng kaniyang asawa at hindi naman maiwasang mapapikit ni Zelena, lalo na nang maramdaman ang mainit na palad ni Dylan.Marahas at mabilis na tinanggal ni Dylan ang sarili niyang pang-itaas na damit at ang kaniyang slack
"D-Dylan," hinihingal na sambit ni Zelena nang binitawan na siya nito.Nagmulat ng mga mata si Dylan saka inilayo ang kaniyang mukha."I-I'm sorry. I was..."Hindi niya maituloy ang sasabihin at nakatitig lang kay Zelena.Ilang segundo silang nagtitigan hanggang sa tumayo si Dylan at napalunok.Napapikit na lang sa hiya si Zelena at hinayaang umalis ang kaniyang asawa.Nang makapasok naman si Dylan sa kaniyang kuwarto ay napatingin siya sa kaniyang sarili sa salamin.Madiin siyang napapikit at sinuntok ang pader sa gilid ng salamin."This fucking lust," gigil na sambit niya.Nagmulat siya ng kaniyang mga mata at tinignan ulit ang sarili saka bumuntong-hininga.Biglang nasamid si Zelena sa kaniyang iniinom nang pumasok sa dining area si Dylan.Matapos ang nangyari sa kanilang dalawa ay hindi pa sila nagkakausap, at tila umiiwas sila sa isa't isa.Inilapag ni yaya Tina ang niluto niyang meryenda sa harapan nila at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa."Hija, okay ka na ba