Share

GAME FOUR: WESTERN EAGLE

Nagsiliparan ang mga ibon mula sa terasa. My eyes grew wider as horror spread on my body. Medyo kumirot ang lalamunan ko sa biglaang pagsigaw. Pigil ang hiningang humakbang ako papalapit sa tokador. Manginig-nginig ang mga tuhod at kamay kong inobserbahan ang pulang likido sa salamin.

My heart pounded as I saw those words again.

"Goddamnit! You make me laugh so hard, Akemi! Until now, you're still the Akemi that I've known!" sabi niya sa gitna ng kanyang mga tawa. "Freaking timorous lady!"

Lumabas si El Sandra mula sa banyo. Tuwang-tuwa siya sa naging reaksyon ko at sa pagkawaging takutin ako.

Pinadaan ko ang hintuturo sa salamin at natanaw ang mukha kong maputla!

Ketchup.

Ketchup lang pala, hindi dugo.

Naalala ko, ganito rin ito noong nakaraan. Ang pinagkaiba lang, totoong dugo ang ginamit noon na panulat sa nakatatakot na mga letra.

She is dead. You are next.

Limang taon na ang nakalipas pero tandang-tanda ko pa rin ang mga salitang iyon hanggang ngayon. At aaminin ko, ganoon pa rin ang takot na naramdaman ko nang mabasa ko ulit iyon.

Kahit noon, ipinaliwanag ni Tita Ingrid na gawa-gawa lang ang lahat ni El Sandra. She was bored so she pranked me! Mukha ba akong laruan para ulitin niya ulit ngayon?

Huminga ako nang malalim para ikalma ang sarili. "Kailan ka umuwi? Kasama mo si Tita Ingrid?"

"Just a few hours ago! And yes... Mom is also here."

Isang buwan matapos ang party, lumipad si Tita Ingrid pa-Maynila kasama si El Sandra para asikasuhin daw ang LEC. Hindi ko alam kung ano ang naging problema, hindi na rin ako nakapagtanong dahil emergency ang lahat. Basta ang alam ko lang, iniwan daw ni Engineer Dela Costa ang kompanya ng walang paalam. Kung ano ang dahilan, iyon ang hindi ko alam. Basta noong buwan din na iyon, nilisan daw ng pamilya Dela Costa ang bansa.

Tapos ko nang punasan ang salamin at wala nang bakas ng pulang likido roon. Tiningnan ko mula sa salamin si El Sandra na ngayon ay nakaupo na sa gilid ng kama.

"Kumusta ang Maynila? Totoo bang mas maganda roon kaysa rito sa isla?"

"Absolutely! There's a lot of beautiful places in Manila than here!" She rolled her eyes. "Walang wala ang isla na ito kung ikukumpara roon. And I really don't know what's going on in my Mom's mind! Bakit naisipan pang dito ganapin ang birthday party!"

Mula sa salamin ay malinaw para sa akin ang mga pagbabagong pisikal na naganap kay El Sandra. From a lady-like before, she is now a well-toned woman. A perfect curvature of brows for her deep-set of brown eyes with long and thick false eyelashes.

She looked bold now with her revealing pencil cut dress. Kahit noon pa man ay nahihilig na talaga siya sa mga dresses. Naalala ko tuloy sa kanya ang kontrabida sa mga pelikulang napanood ko---bold and elegant. Malayong-malayo sa hitsura ng tulad kong probinsiyana---simple at walang halos burluloy sa katawan.

I heaved a sigh as I looked at the mirror.

Kung walang makeup, makikita pa rin naman ang pagkakahawig namin ni El Sandra. Pareho naman ang haba ng mga buhok namin. Nga lang, unat na ang sa kanya samantalang maalon pa rin ang sa akin.

Nababagay lang sa akin ang suot kong puting T-shirt at tight jeans. At iyong mga gaya ng suot ni El Sandra... hindi.

"Birthday? Hindi ba sa November pa naman iyon? Napaaga yata?"

"Well, aside from that, Mom also wants me to continue my schooling here. Unfortunately, I will be transferring to your school this year."

"You mean... Western Eagle?"

She rolled her eyes again. "Yup! I'll spend my last years in Business Ad in that school. How bored, right?"

"Maganda sa Western Eagle. Mag-e-enjoy ka roon gaya ng nasa Western Academy pa tayo," I said, convincing her.

"Well, if enjoyment we'll be talking here... that's a big, big no, no! Prefer ko pa rin sa Manila." She stood up and flicked her hair. "I have a lot of friends there. Si Mom lang naman talaga ang gustong bumalik dito. If I would... I won't bother myself stepping barefoot here."

Ramdam ko ang tinding hindi pagkagusto ni El Sandra para sa desisyon ng kanyang ina sa paghalukipkip niya at pag-ikot ng mga mata. Hindi pa rin pala talaga siya nagbabago.

Or I guess... mas lumala pa siya.

Humikab siya matapos pasadahan ang pencil cut green dress. "Well, I'll go to my roo---oops! To your room pala. I want to rest now. Goodnight, Akemi," wika niya sabay beso sa akin.

My room?

Yeah.

Iyon ang dahilan kung bakit niya ako kinakausap ngayon. Dahil sa kagustuhan ko na maging malapit kami sa isa't isa, ipinaubaya ko sa kanya ang kuwarto ko. Kuwarto lang naman iyon, may guest room naman. Hindi nga lang kasing laki ng dating silid pero ayos na, kapalit naman noon ang pagkakasundo naming dalawa.

"How are you here, Hija?" tanong ni Tita Ingrid kinabukasan sa hapag.

Totoo ngang kasama siya ni El Sandra kagabi. Hindi na nga lang nakumpirma pa dahil hindi na ako lumabas ng kuwarto nang iwan ako ni El Sandra.

It was Monday and we were peacefully eating our breakfast at the dining table. Nasanay na sana ako sa tahimik nang biglang magtanong siya.

Napaangat ako ng tingin sa kanya habang naaninag ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-upo nang tuwid ni El Sandra.

"Okay naman po, Tita Ingrid. Hindi naman ako pinabayaan nina Yaya Dores dito," tipid kong sagot.

"Dapat lang kasi trabaho nila iyon. How about the course you'll be taking? Civil Engineering, right? How is it?"

Tumikhim ako at pinunasan ng table napkin ang gilid ng labi bago ko siya sinagot.

"Excited, po. Alam kong mahirap pero kakayanin naman."

Ngumiti ako para ipakitang gustong-gusto ko nga ang kursong napili. Lumipat ang tingin ko kay El Sandra na abala sa kanyang pagkain at walang ipinapakitang interes sa usapan.

"Good to hear that! Do you want that course? Hindi lang ba napi-pressure ka... because your father was once a great engineer back then?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata, nilingon ko ulit siya. Rinig ko ang panunuya sa tanong niyang iyon. Alam kong dahil na naman iyon kay Daddy at sa galit niya. Kung dahil ba ito sa pagkamatay ni Mommy, bakit kailangan si Daddy ang sinisisi niya hanggang ngayon?

It was all an accident like what the news had broadcasted before!

"It wasn't about my Daddy. Gustong-gusto ko po talagang maging engineer," kalmado kong sagot.

Yumuko ako para pigilan ang emosiyong namumuo at iwasan ang mapanuya niyang ngisi sa labi. Huminga ako nang malalim. With all respect, I stood up to end my meal and that spleenful conversation.

"Tapos na po ako. Mauuna na po ako para asikasuhin ang enrolment ko."

Nilapitan ko si Tita Ingrid sa kanyang kinauupuan para ibeso.

"El Sandra, bakit hindi ka na lang sumabay sa pinsan mo? Try to check Western Eagle. Magugustuhan mo roon."

I looked at El Sandra. I then saw the irritation pass through her eyes as she rolled them.

"I have my plans today, Mom. I'll rather stay here than visit that freak school---"

"El Sandra!" Angrily, Tita Ingrid pointed a finger at her. "That freak school you are saying is the only school here in the Philippines that got number one out of the best universities all over the world?"

Agreed with what Tita Ingrid said, I smiled at El Sandra but she only gave me a boring look.

"So better visit that school today. Stand up! Sumama ka kay Akemi," may pinal na sabi ni Tita Ingrid.

"B-But, Mom---"

"Here we go again with your buts, El Sandra! Visit that school or else..." may pagbabanta sa kanyang boses.

Marahas na bumuntong-hininga si El Sandra. Her lips protruded as she stood up. Padabog siyang lumakad at nauna nang lumabas ng hapag.

"Okay ka lang, El Sandra?" I asked her worriedly.

Nasa loob na kami ng SUV at napansin ko ang pananahimik niya. Hindi niya ako kinibo at umirap lang. I sighed and bit my lips. Maybe, this was not the right time to talk to her.

Naging tahimik ang buong biyahe namin. Hindi ko na lang siya pinansin dahil ramdam ko rin naman na wala siya sa mood makipag-usap. Nilibang ko na lang ang sarili sa mga tanawin na mabilis din na naglalaho dahil sa bilis ng takbo ng kotse.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa loob ng shoulder bag sa kalagitnaan ng biyahe. Tiningnan ko si El Sandra, diretso lang ang mukha niya sa harap at tila nakapikit. Nakasalpak din ang earphones sa kanyang mga tainga kaya kibit-balikat kong kinuha na lang ang phone ko sa bag.

Tatlong text messages ang sumalubong sa akin galing sa aking mga kaibigan.

Rose:

Girl, where are you na? We have something to tell you!

Dean:

Malapit ka na? May good news kami.

Ren:

Papasok ka ba? I have something to tell you. Text me when you're at school already.

Matapos mabasa ang mga iyon, iyong pinakahuli lang ako nabagabag. Ano kaya ang sasabihin ni Ren?

Knowing his detective-like mind... alam kong may mas sense ang sasabihin niya kaysa sa dalawa.

Nang isang buwan, may s-in-end din siyang kakaiba sa akin. Kapag magtatanong naman, iisa lang ang sagot niya sa akin.

"Mga clues! Basta. Trust me, Akemi. I'll find what really happened that day."

Nasa alon ako ng pag-iisip tungkol sa maaaring sasabihin ni Ren nang biglang may malamig na bagay ang dumapo sa braso ko.

Sa pinaghalong gulat at takot, napatili ako. Bumaba ang mga mata ko sa kamay na nakahawak sa aking braso at mabilis din nag-angat sa nagmamay-ari niyon.

"I-Ikaw lang pala, El Sandra," my lips trembled.

"Pardon? Nagulat ka?" Umikot ang mapang-asar na ngisi sa kanyang labi. "Hanggang dito ba naman, matatakutin ka pa rin, Akemi? It's a freaking daylight you know!"

Tinawanan ni El Sandra ang pagkalibang sa akin.

Huminga ako nang malalim at pumikit. Ano ba itong ginawa sa akin ni El Sandra?

Iba talaga ang epekto kapag nariyan siya sa tabi. Pakiramdam ko, oras-oras siyang gagawa ng kababalaghan. Just to satisfy her time!

"Ayos lang po kayo, Ma'am?" si Manong Roger iyon.

Dumilat ako nang kumalma na. Tiningnan ko si Manong Roger sa rearview mirror at nabasa ko ang pag-aalala sa mukha niya. Pasimple kong ibinalik ang phone sa bag at ngumiti ako nang balingan ulit siya.

"Opo, Manong Roger. Ayos lang. Nagulat lang."

"Want to visit a doctor one of these days? Malala na 'yan," natatawang sabi ni El Sandra, malinaw ang panunuya.

Nginitian ko na lang siya at tumahimik para hindi na humaba pa ang usapan. Hindi sa ayokong makipag-usap sa kanya. Ayoko lang na may gawin siyang iba pang kalokohan na maaaring ikaatake ng puso ko, kahit wala naman talaga akong sakit na ganoon.

"Nandito na po tayo," deklara ni Manong Roger nang tumigil ang kotse sa parking lot ng eskwelahan. Bumaba siya at trabaho niya, malugod niya kaming pinagbuksan ng pinto ni El Sandra.

Naunang lumabas si El Sandra saka ubos ang pasensiyang hinintay ako. Hindi pa nga nagsisimula ang araw pero parang pagod na pagod na siya at gusto nang umuwi.

Binalewala ko na lang siya at kibit ang balikat na bumaba na rin ng kotse. Tulad ng nakagawian, nagpasalamat ako kay Manong Roger dahil hindi na naman ginawa iyon ni El Sandra.

Marahang sinarado ni Manong Roger ang pinto at nakangiti akong binalingan, nalusaw din kaagad nang hinarap siya si El Sandra.

"Gosh! Faster, Akemi! I have something to do aside from---" she rolled her eyes "---visiting this old and boring school?"

I smiled at her.

Sa tagal ko ng kilala itong si El Sandra, sanay na ako sa mga ganitong pag-akto niya. Kaya ko ng tiisin ang mga kaartehan niya. Kahit hindi kami ganoon nagkasama nang nakaraang mga taon.

Nagtipauna na ako at nilagpasan siya. Inignora ang kanyang kaartehan. Ramdam ko naman ang mabibigat niyang yabag sa likuran ko. Mas napangiti ako dahil doon.

"Akemi, where have you been?! Why are you so---"

Naputol kaagad sa pagsasalita si Rose nang tumingin siya sa likuran ko.

"El Sandra Concepcion?" si Dean, namutla bigla ang kanyang mukha.

Sa unang palapag ng main building ko sila nakita. Nakalinya sila sa haba ng pila ng mga enrollees sa counter.

"Ikaw nga!"

Mabilis na nilisan nina Rose at Dean ang pila at agresibong tumakbo palapit sa amin. Dinumog nilang dalawa si El Sandra na nagtatakang tiningnan sila.

"Ikaw 'yong sikat na cheerleader ng Stanley University, 'di ba?" si Dean, hindi magkaapuhap sa dami ng sasabihin niya.

"The Queen B!" si Rose.

Napatingin sa banda namin ang mga nasa pila. Taka sa inaaakto ng dalawa. El Sandra tilted her head and looked at me with proud screaming on her bold brown eyes. Tila nagyayabang siya.

Ngumiti na lang ako.

Cheerleader si El Sandra, ayon sa narinig ko kay Dean. Hindi ko alam iyon. Paano ko ba naman malalaman?

Kapag nasa Maynila, wala kaming maayos na kumunikasyon ni El Sandra. Wala rin naman siyang nasasabi---itatama ko lang, wala talaga siyang sinasabi tungkol sa kanya. Oo, nagkakausap kami pero kadalasan para maghingi lang ng pabor sa akin.

"Yes, it's me! Paano niyo nalaman?"

Nanatili akong nakatayo sa gilid at pinagmasdan ang mga kaibigan ko na mangha kay El Sandra. Marami pa pala akong hindi alam tungkol sa pinsan ko. At nakakalungkot iyon nang sobra.

"You're so popular on the internet kaya!" sabi ni Rose.

Dean nodded. "Oo, lalo na sa Stanley U website. Sikat na sikat ka roon. Boyfriend mo ba iyong si Steven? Gosh! Crush na crush ko iyon!"

Tinalikuran ko na sila dahil hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nilang tatlo. Aasikasuhin ko na lang ang pag-e-enroll ko para makauwi kami nang maaga. Iniwan ko ang tatlo na halatang nag-e-enjoy sa topic nila. Nakihalo na ako sa pila at pagod na sumusulyap sa mga kaibigan at pinsan.

"Akemi..." tawag ng isang lalaki sa mababa at maingat na paraan.

Nilingon ko iyong pinanggagalingan ng boses. I then saw Ren walking cautiously towards me. Palinga-linga siya sa paligid. Umalis ako sa pila at nilapitan siya.

"Kumusta? Isang buwan din tayong hindi nagkita, ha!"

"I'm fine. I have something to tell you, but..."

Pinasadahan niya ng tingin ang buong paligid bago inilapit ang kanyang bibig sa tainga ko.

"'Wag dito. Puwedeng mag-usap tayo malayo sa maraming tao?"

With my narrowed eyes, I stared curiously at him and fore headed. Kumurap-kurap ang mga mata kong tumitig sa kanyang mukha.

His hooded gray eyes were shouting of seriousness and carefulness. Tila labis ang pag-iingat niya para sa mga impormasyong nakalap.

My heart pounded thinking what it was. Hindi pa man nasasabi, kinabahan na ako nang sobra.

"K-Kasama ko si El Sandra..."

Natigilan siya. Namilog ang mga mata niyang hinigit ako paalis sa pila. Dinala niya ako sa sulok kung saan malayo sa mga taong naroon.

"We need to talk..." may pangangamba ang kanyang boses.

"Nag-uusap na tayo, Ren---"

"Sa walang tao. Sa malayo, Akemi. Sa walang ibang makakarinig."

"Ganyan ba kaimportante ang sasabihin mo para lumayo pa tayo?" I asked, confused.

"It's very important, Akemi---"

"Tell me now, then!" my voice rose.

He hushed me. May pag-iingat ang mga matang pinasadahan niyang muli ang buong paligid. "Pag-uusapan natin. Pero 'wag lang dito, Akemi. Come with me, please?"

"Sabihin mo muna sa akin kung para saan ba 'yan?"

Hinanap ko ang mga mata niya. Nang magtagpo, kaagad niyang inilapit ang mukha niya para ibulong ang mga salitang nagpatigil sa akin.

"It's about Engineer and Architect Lee's death. It's all about your parents' accident..."

Agad namilog ang mga mata ko at nag-init para sa mga luhang umamba. His warm breath that caressing my neck added shivers down my spine. Nabuhay ang kakaibang takot sa aking damdamin.

Nanginginig ang mga kamay na itinulak ko siya.

Ren's eyes got wider.

Sa mga nangingilid na luha, naaninag kong seryoso nga siya sa kanyang sinabi.

"A-Anong sinabi mo?!" galit kong tanong.

"Come with me---"

Hindi na natapos pa ni Ren ang sasabihin nang dumapo ang isang suntok sa kanyang panga.

Sa lakas niyon, napaupo siya sa semendatong sahig.

"Ren!"

Mabilis ko siyang dinaluhan at galit na tiningnan ang sumuntok sa kanya. Before I shouted at him, I froze already. Napalunok ako nang makilala ang nakatayong lalaki sa harap namin.

His raging deep hooded brown eyes bored on me.

Like...

Accusing me of something illegal.

Something that I've done was forbidden.

"What is happening here, Akemi---oh my gosh!" bulalas ni El Sandra. "Ren!"

Napabaling ako kay El Sandra.

Dali-dali siyang tumakbo palapit sa amin para daluhan rin si Ren. "Are you okay? What happened?" she asked worriedly.

"I'm okay," tugon ni Ren, pero halatang nasaktan siya nang mapaupo muli sa pag-akma niyang pagtayo.

Sa pagsigaw ni El Sandra, nakuha niyon ang atensyon ng mga estudyanteng nasa pila kaya mabilis silang tumakbo palapit sa kinaroroonan namin.

"Why did you punch him, Ryu?"

Binalingan ko si Ryu na nakatayo pa rin doon. Matalim ang tingin niya sa amin lalo na sa akin.

I shook my head in disbelief. Bakit niya ginawa iyon?

Hindi niya sinagot si El Sandra. Clenching his jaw and fists, he trudged toward us. Nang makalapit, mabilis niyang hinigit ang braso ko at itinayo ako.

"Ryu!" pagbabanta ni El Sandra.

"Ryu, what is this all about?" Tatayo sana si Ren pero agad siyang dinuro ni Ryu kaya't natigilan siya.

"This is all none of your business, Stupid!" he screamed at Ren, he then turned around.

Mabilis niya akong hinigit paalis sa lugar na iyon. Sinubukan kong makawala sa pagkakapit niya sa aking braso pero sobrang lakas niya. Imbes na malayo, mas nadidikit pa lalo ako sa kanya. So, I stopped pushing him. Ramdam ko ang paghapdi ng aking braso dahil sa sobrang higpit nang pagkakahawak niya roon.

"R-Ryu, ano ba! Nasasaktan na ako!"

After five years, will he come back like this?

Without communication and goodbye?

Without text and calls?

Pagkatapos siya pa itong galit?

How dare you, Ryu Dela Costa!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status