Share

GAME 3: BLOOD

"Ayos ka lang?"

"H-hindi---I mean... Oo... Wala akong lagnat," pautal-utal kong sabi. Defensively, I shook my head as I pushed his hand away from me.

Susubukan niya sanang ilapat muli ang likod ng palad niya para suriin kong mainit nga ba ako?

Ramdam ko ngang mainit ako pero alam kong hindi iyon dahil sa lagnat. Dahil iyon sa---are you crazy, Akemi?! Bukod sa bata ka pa, kakamatay lang din ng mga magulang mo!

Ryu's thick brows furrowed. His narrowed-eyes told me that he was not buying my alibi. Umangat ang parehong kamay niya na tinampal ko, muling tatangkaing suriin ang temperatura ko. But I already took a step back and shook my head again.

"I am okay, Ryu," natatawa kong sabi at halos halata ang pagkailang sa panginginig ng boses ko.    

He nodded. Ngunit halata sa hitsura niya na hindi pa rin siya kumbinsido.

"Bakit naririto ka nga pala?" I asked to sway the topic and loosen up myself.

"Just checking on you---"

"Wala namang problema, Ryu. Wala naman akong sakit... or anything."

He nodded again, pouting his lips. "Alright, then. If you say so. Bibisita ka ba sa puntod?"

I nodded.

"Sasamahan na kita."

Sinamahan nga ako ni Ryu nang bumisita sa mga puntod ng pamilya ko. Medyo nahiya nga ako nang babain siya sa salas dahil medyo napatagal iyong paliligo ko. I mean sa pamimili pala ng damit na susuutin ko. I was confused about what dress I am going to wear. At iyon iyong unang beses na ganoon ako.

Sa huli, isang white lacy dress ang napili ko. I even put a little powder on my face! And that was too far from my routine!

Yaya Dores stunned to see me dressed up. Pero hindi siya nagsalita at hinayaan lang kami ni Ryu na umalis nang may pang-iintriga sa kanyang mukha.

Lumipas ang mga araw, naging busy na ako sa eskuwela. Sa pagtatapos kasi ng klase medyo maraming projects ang ibinigay ng mga teacher sa bawat subject kahit Grade 4 pa lang ako.     

I sighed and probed the medals hanging on my neck as I walked down on the stage. Top one ako. I was happy but a bit sad. Masaya dahil kahit papaano, napanatili ko ang sarili para mag-aral nang mabuti. At malungkot kasi gaya ng nabubuhay pa ang mga magulang ko, laging si Yaya Dores ang kasama ko sa Moving Up Ceremony at nagsasabit ng mga medalya.

Hindi sa nagrereklamo ako kundi dahil pakiramdam ko, siya lang talaga iyong nakaka-appreciate ng efforts ko.

Sunud-sunod na katok sa pinto ang nagpagising sa akin sa unang araw ng Abril. Humikab ako bago unti-unting nagdilat. Pero agad din napatakip ng unan nang dumampi ang liwanag galing sa nakabukas na bintana ng kuwarto ko at humalik ang init sa aking mukha.

"Hija? Nariyan na ang Tita Ingrid mo. Ikaw na lang ang hinihintay nila sa hapag!"

Nang pakiramdam na naka-adjust na sa liwanag ang aking mga mata, saka ko pa lang tinanggal iyong unan sa mukha ko. Napahikab muli ako bago ko sinagot si Yaya Dores sa namamaos na boses. "Opo, Yaya Dores! Pakisabi na lang po na pababa na ako!"  

Mabilis kong ginawa ang ritwal para sa umagang iyon. Yakap ng makapal na puting tuwalya ang katawan, lumabas ako ng banyo at agad tumungo sa walk-in closet, kalahati ng laki ng kuwarto ko.

Abala ako sa pamimili at pagdedesisyon kung anong susuotin ko, na hindi normal sa akin, ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Napangiti ako nang maalala ang tagal na pagpapalitan namin ng mensahe kagabi ni Ryu. Iyon din ang dahilan kung bakit tinanghali ako ng gising kanina.     

Lumapit ako sa night stand sa gilid ng kama. Kinuha ko ang cellphone at excited na binuksan ang text message.

Ryu:

Morning. Eat your breakfast. Don't skip, it's bad.

Malawak ang ngiti sa labi ko nang magtipa ng reply. Hindi maiwasang kiligin nang maisip ang kung anong kabaliwan.

Me:

Good morning. Nag-breakfast ka na? Kung hindi, sabay na tayo.

Arguing whether to press the send button or not, in the end, I deleted it.

Ang landi noon! Bata ka pa para sa mga ganyan, Akemi! Watch your actions and act them appropriately at your age!     

I sighed as I typed a new message.

Me:

Morning din. Thank you.

Matapos makipag bihis at mag-ayos, bumaba na ako. Hinayaan ko ang cellphone sa kama at hindi na hinintay pa ang reply ni Ryu sa text ko.

Nang nasa hagdanan na, kumunot kaagad ang noo ko dahil sa ingay sa dining room.

"I don't like eggs, Mom! I want ham and bacon!"

"Hindi nga puwede. May mga pagkain na nga---"

"Mom! Please..."

"El Sandra..."

Nang marating ang hapag, agad natuon ang mga mata ko sa batang babaeng nakabusangot ang mukha. Her skin was like her bestida---white and creamy. Like mine, she also has a long and wavy brown hair---reminding me the big waves on Panganiban Coast. Protruding her red lips, she looks like Tita Ingrid.     

No.

At one angle, she looks like my Mommy.

That much.

"You're already here, Hija! Come here!" Tarantang tumayo si Tita Ingrid at ipinag-usog ako ng upuan, kaharap ng sa babae. "Maupo ka at kumain. Hinintay ka talaga namin nitong pinsan mo para makasama ka naming dalawa."

Palagay ko, ilang taon lang ang tanda sa akin ng batang babae, ng pinsan ko. O hindi naman kaya'y dahil sa makapal na makeup niya kaya medyo matured na siyang tingnan. Iyon din ang gusto ko. Maybe, I should try to copy her makeup, too.

Napatingin siya sa amin. With irritation shadowed on her face, her deep brown eyes rolled. Humalukipkip siya at muling inikot ang mga mata. Hindi niya yata nagustuhan ang ginawa ni Tita Ingrid na pagsisilbi sa akin.

"Kumain ka nang marami, Hija---"

"Mom!" the girl that Tita Ingrid called 'El Sandra' interrupted. Tinuro niya ang mga pagkain sa lamesa. "I said, I don't like eggs! Cook me ham and bacon!"

Natigilan si Tita Ingrid sa paglagay ng kanin sa plato ko at pigil ang pasensiyang binalingan ang anak. "El Sandra! I told you, no ham and bacon today! Kung ayaw mo ng nakahanda sa lamesa... you are free to go!"

"But, Mom!"

"El Sandra..." may pagbabanta na sa boses ni Tita Ingrid.

I sighed. "Okay lang po, Tita Ingrid."

Nakangiti akong bumaling sa likod ng aking kinauupuan kung saan nakatayo ang mga kasambahay. "Ate Elsa, puwedeng ipagluto mo po siya ng gusto niya?"

Ate Elsa nodded.

Aalis na sana siya para gawin ang utos nang pigilan siya ni Tita Ingrid.

"No need, Elsa. This food is enough," sabay tingin sa akin ni Tita Ingrid. "I don't tolerate El Sandra's whims, Hija."

"Mom..." si El Sandra. 

   

Tumango si Ate Elsa at nanatili sa tabi nina Yaya Dores, Ate Cion, at Ate Inding. Samantalang si Tita Ingrid, bumalik na sa kanyang upuan.

Lumipat ang mga mata ko sa babaeng kaharap. Tears were forming in her almond eyes. I then saw myself on her. Sa mga oras na pinipigilan ko sina Mommy at Daddy na umalis. Naalala ko ang hitsura ko sa kanya, mangiyak-ngiyak dahil hindi nasunod ang gusto.

Ngumuso si El Sandra at nanginig ang labi. Padabog siyang tumayo kung kaya't napabaling din sa kanya si Tita Ingrid. Even Yaya Dores seemed disappointed as I heard her hiss behind my back.

"I c-can't believe this, Mom! I just want ham and bacon. And you can't give it to me? I hate you!"

Tinalikuran kami ni El Sandra, lumuluhang tumakbo siya paalis ng dining room. Nag-aalala akong tumingin kay Tita Ingrid. Hindi ko inasahan na magagawa iyon ni El Sandra sa kanya.

Ako?

Kahit hindi man nasusunod ang mga gusto, hindi ako kailanman nakapagbitiw ng mga ganoon na masasakit na salita kina Mommy at Daddy.

"El Sandra! Come back, El Sandra!"

Isang taon ang lumipas, hindi nagbago si El Sandra. Tila kahapon lang nangyari ang lahat, ganoon pa rin ang eksena sa harap ng hapag. Kung hindi gusto ni El Sandra ang pagkain na nakahain, ang lasa naman ang may problema at humihingi ng kung ano-ano. Sa huli, magdadabog siya at magwo-walkout kapag hindi napagbigyan.

Gaya ngayon, kakaalis lang ni El Sandra at handang sundan na naman ni Tita Ingrid.

"Ako na po, Tita Ingrid," pigil ko.

Nanliliit ang mga matang napatingin sa akin si Tita Ingrid. "But, Hija..."

"Ako na po ang kakausap. Bata rin po siya. Siguro ay magkakaintindihan kami kapag kami ang nagkausap," nakangiti kong sabi pero hindi napawi ang pagkairita ni Tita Ingrid.

She heaved a sigh. "She is El Sandra, Hija. Makulit, matampuhin, at bugnutin kapag hindi nasusunod ang gusto."

"I can talk to her, Tita Ingrid," sabi ko nang nakangiti pa rin.

She stared at me and clenched her jaw.

Hindi ko alam kung saan ba siya naiirita, sa sinabi ko ba o sa inakto ulit ng kanyang anak? Pero iisa lang ang nakikita ko sa kanya at iyon ay ang matinding pagpipigil sa sarili.

Sa huli, hindi na lang nagsalita si Tita Ingrid at hinayaan na lang akong makaalis. Baka kasi ma-late kami ni El Sandra sa klase.

Sa paglabas ng mansyon, mataas ang kumpiyansa ko sa sarili na baka ngayon ay makakausap ko na nang maayos si El Sandra. She was young like me so I understand why she acted like that.

Or so I thought.     

Iba ang ugali ni El Sandra. Gagawin niya ang lahat para makuha lang ang gusto.

"Okay. Friends na tayo kapag pumayag ka nang sa akin na ang room mo. Understood?"

Ngisi niya pa lang, natitigilan na ako.

"Hindi puwede iyon, El Sandra."

Huling araw na ng klase. Exam. At dahil sa sinabi niya, nakalimutan ko na yata iyong mga ni-review ko kagabi.

"Really? Until now, Akemi?" Ngumiwi siya.

"You want friendship from me, right? Kung gusto mo talaga, ibibigay mo ang room mo," she said with a finality in her voice.

"Pero---"

"No more buts, Akemi."

Napabuntong-hininga na lang ako nang iwan ni El Sandra sa loob ng kotse. Wala sa sarili ko tuloy napasalamatan si Manong Roger, ang family driver namin, sa pagbukas at pagsara ng pinto para sa amin. Na hindi ginawa ni El Sandra.      

I was halfway nearing the school gate when someone called me from behind.

I stopped.

Nilingon ko ang likuran at nakita si Ryu na patakbong lumapit sa kinatatayuan ko.

"Good morning, Ryu," bati ko nang tumigil siya sa harap ko.     

He chuckled, almost running out of his breath. "Good morning ba talaga?"

"Ha?" Napakurap ako.

"Busangot kasi 'yang mukha mo." 

Inayos ko ang pagkakayakap sa mga libro at nagpatuloy na sa paglalakad. "Hinintay mo ako?" I asked to sway the topic.

"Yup."     

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang bumigat ang balikat ko dahil sa pag-landing ng braso ni Ryu roon. I shrugged. Pero hindi maalis-alis ang braso niya kaya hinayaan ko na lang.

"Bakit? Mali-late ka niyan sa exam mo."

He pursed his lips. "Hindi naman."

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman siya kaagad.

"Teka," pigil niya sa akin. "Hindi mo sinagot 'yong tanong ko. What's the problem?"   

  

Umiling ako. "Wala..."

"Wala? Bakit pakiramdam ko parang meron? Hindi ka naman ganyan kahapon ng bumisita tayo sa puntod, ha?"  

I stopped.

When I faced him, his deep hooded brown eyes met mine immediately. The beats of my heart started to race with each other. Ako ang unang nag-iwas dahil sa kaba sa dibdib ko. Kaya natuon na lang ang pansin ko sa mga kapwa estudyante na magulong pumasok sa gate. Hindi ko na makita roon si El Sandra. Nagtipauna na talaga siya at hindi na ako hinintay.

"Look at me, please..." Hinarap niya ako at hinanap ang mga mata. "What's bugging you? Please, tell me."  

Huminga ako nang malalim. Wala nang nagawa pa kung hindi ang sabihin ang totoo sa kanya.

Nagtaka si Ryu kung bakit nagawa iyon ni El Sandra. Magpinsan kami at magkadugo, sabi niya. Then, why she was doing that to me?

Ryu asked what my plan was.

Hindi ko rin alam. Oo, gusto kong magkasundo kami ni El Sandra pero marami akong alaala sa kuwartong iyon. Isa pa, doon din ang pinaka komportable ako sa lahat na bahagi ng mansyon.   

 

I just let all my worries until the end of the month. School valedictorian ako ng batch namin. I am happy, I guess. Dahil kahit papaano, nariyan si Tita Ingrid para isabit sa akin ang mga medalya ko.

May pagbabago kahit paano.

The glittering lights covered the bushes in the mansion's garden on the first weekend of April. It was like the dark sky above full of stars that night. While the red-carpeted staircase on the entrance looked so extravagant. Timeless and magical, the classical music from the orchestra played.     

Both I and El Sandra were in a yellow lacy dress. Tita Ingrid was in the middle of us. She looked so stunning in her black serpentine gown.

As our background music, the applause from the guests boomed as we walked down the staircase after the Master of Ceremony announced our arrival.     

Nanaig ang kaba sa aking dibdib lalo na nang salubungin kami ng init at nakakasilaw na spotlight. At dahil na rin ang lahat na naroroon ay kilala sa larangan ng business industry.     

Ipinakilala kami ni Tita Ingrid sa mga bisita. Buong paglalakad, nakangiti lang ako, tinatago ang kaba sa aking dibdib. Lumapit kami sa kabilang lamesa at nang matanaw ko ang pamilyar na lalaki sa tabi ni Engineer Dela Costa ay lumawak ang ngiti ko. Tila nawala ang kaba sa aking dibdib.

Ryu in his black tuxedo and cute red tie. His teeth were dazzling when he smiled as we approached their table.

"You made it, Engineer! Akala ko, 'di kayo makaka-attend dahil busy ka sa pagpapalakad ng LEC," si Tita Ingrid, may asar sa kanyang malamyos na boses.      

Bineso ni Tita Ingrid si Engineer Dela Costa.

"We have time, Miss Concepcion. And Leesteel is also part of LEC. So, we're here to celebrate the success of the company with you," Engineer Dela Costa said in his playful tone. "Congratulations?"

"Thank you. By the way, this is my daughter, El Sandra and I assumed that you're already familiar with the unica hija of Akem and Oseanna?"

"Of course! How can I forget this beautiful young lady?" Engineer Dela Costa held his hand in front of me. "You look like your Mommy, Miss Lee. Alluring and stunning!"

"Thank you, Senior."

Nakangiti kong inabot ang kamay niya saka nakipag kamayan.     

Nakangiti rin niyang pinakawalan ang kamay ko bago bumaling sa kanyang likuran at ipinakilala ang lalaking nakamasid lang sa amin. "Miss Lee, this is my unico hijo, Cedric Ryu. I hope you'll be good friends in the future or... more than that," sabay halakhak niya---klase ng halakhak niya na kinaiinisan ni Tita Ingrid.  

Ryu held his hand and like I did to Engineer, we shook hands like we were completely strangers.

"Nice meeting you, Mademoiselle," Ryu said with a full of a smirk on his lips.

"Nice meeting you, too---"

Tita Ingrid hemmed. "That's enough! Come here, Akemi. Marami pa tayong bisitang kukumustahin." 

Nauna siyang lumakad para maiwan ang lamesa nina Engineer Dela Costa. Sumunod naman agad si El Sandra sa kanya matapos bigyan ako ng masamang tingin.      

I smiled at the gentlemen. "I need to go, Senior and Ryu. Enjoy the night."    

Sumunod ako kina Tita Ingrid at El Sandra, ramdam ko ang irita sa kanilang dalawa.

"What was that for, Hija?" bulong ni Tita Ingrid nang makalapit ako sa kanila.     

Nagkibit-balikat na lang ako dahil hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.     

Nagtagal kami sa huling lamesa kung saan naroon ang mga kaibigan ni Tita Ingrid. Nagtawanan sila at nagkuwentuhan tungkol sa negosyong hinahawakan. Dahil hindi rin naman ako naka-relate, nagpaalam na ako kay Tita Ingrid.     

Sa likod ng mansyon kung saan tanaw ko ang lawak ng karagatang Pacifico, pinili kong doon ipagpalipas ang oras habang hindi pa natatapos ang kasiyahan.     

Umihip ang mabining hangin na humipo sa manipis kong balat. The salty air filled my nostrils too. Sa pagkakatanda ko, ito ang unang beses na nagkaroon ng kasiyahan at napuno ng mga malalaking tao ang mansyon.

Kaya kanina habang naglalakad at inilalahad kami sa mga bisita, ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. But at the same time, I was delighted when Tita Ingrid introduced me to them.     

Sana narito rin sina Mommy at Daddy. Sana nakita nila kung gaano kasaya ngayon ang mansyon. Paano ito napuno ng halakhakan ng iba't ibang tao. Malayong-malayo sa dati na ubod ng tahimik at halos ako, si Yaya Dores, mga kasambahay, at mga driver lang ang naririto.

"Anong ginagawa mo rito? Naghahanap ka rin ba ng mga clues?"

Isang boses ng lalaki ang nagsalita mula sa aking likuran. Nilingon ko siya at tumayo sa batong kinauupuan.

The kid was in his white tuxedo and red tie. May malaking salamin din ito sa mga mata. Matangkad lang siya nang konti sa akin. As I remembered, he was the son of Attorney Agoncillo that was introduced to us earlier.

"Clues? Hinahanap? Hindi, ah! Narito lang ako para magpahangin," sabi ko. "Ikaw, anong ginagawa mo rito?" 

Lumapit siya sa akin saka biglang hinablot ang mga kamay ko para tingnan iyon.

Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Alam ko... ikaw ang may gawa no'n," akusa niya sa akin. 

Marahas kong inilayo ang aking mga kamay sa kanya at itinago sa likod ko. "What are you talking about?"

"Ren, what are you doing here?" si El Sandra, nakasunod si Ryu sa kanyang likuran.

"I am searching for clues," tugon ng anak ni Attorney.

"No clues here, Ren. Okay?" El Sandra turned to me with full of irritation on her face. "And you, Akemi. Umakyat ka na raw sa room mo sabi ni Mom."   

Tumango ako saka tangkang babatiin sana si Ryu, pero agad itong tumalikod at mabilis nang lumakad pabalik sa harap ng mansyon. I faced El Sandra, too. Magpapaalam sana ako pero mabilis din itong tumalikod matapos akong irapan. And Ren followed her.

Napabuntong-hininga na lang ako saka pumasok ng mansyon gamit ang backdoor. Hanggang kailan kaya kami magiging ganito ni El Sandra?

Magkasundo na sana kami.   

Biglang kinain ng dilim ang pasilyo ng patungo na ako sa aking kuwarto. Umiilaw man ang mga bombilya pero agad rin itong namamatay at iilaw muli.

Nanatiling ganoon iyon nang paakyat na ako ng hagdan at hanggang sa marating ko ang aking kuwarto.

Ang malamig na doorknob ay nagpadagdag pa sa pagkalabog ng aking dibdib. Malamig man, namuo pa rin ang mga butil ng pawis sa aking noo. 

Pinihit ko ang doorknob sa nanginginig na kamay at itinulak iyon para bumukas. Pumasok ako sa madilim na silid at kinapa ang mga switch ng ilaw sa pader malapit sa may pintuan. Tahip-tahip ang paghinga ko ng bumukas ang ilaw at tumambad sa akin ang mga salitang nakasulat sa salamin ng aking tokador.  

With horror hugging my body, I screamed as I read those words written in blood.

She is dead. You are next.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status