Share

CHAPTER 4: BET

Napahawak ako sa ulo ko habang iniisip na ito na ang simula ng kalbaryo ng buhay ko dahil sa lalaking si Mr. Sungit.

Bakit kasi ako pa ang napili na maging tutor niya. Hindi lang naman ako ang Scholar sa paaralan namin.

Wala naman akong magagawa baka kapag hindi ako tumupad sa usapan namin ay ipa-expelled niya ako.

Lalong sumakit ang ulo ko ng marinig ko ang pagtunog ng bell namin hudyat na iyon para sa break time namin.

"Okay class, dismiss," sabi ng teacher namin sa Mathematics.

Halos wala akong naintindihan sa mga tinuro sa amin. Tanging ang pagsisimula ng pagtuturo ko kay Mr. Sungit ang siyang nasa isip ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagtuturo sa kanya, wala naman akong karanasan sa pagtuturo.

"Hay, di ko alam kong ano ituturo ko sa kanya." Napabuntong hininga ako habang tumatayo.

"Hey, You," Walang emosyon niyang tawag sa akin. 

Hindi ko siya nilingon. Ayaw ko makita ang pagmumukha niya naiinis ako.

"Are you deaf or playing dumb?" He said.

I turned around and faced him.

"May pangalan kasi ako. Maeca Alice Kaede yan ang pangalan ko hindi Hey You," Matapang kong sagot sa kanya.

Lumapit siya sa akin at yumuko. 

"Okay, Maeca. When will we're going to start?" Tanong niya habang naka-cross ang kaniyang braso at nakapatong ang isang paa niya sa isang upuan. Nagtagpo ang aming mga mata dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha.

"Ang gwapo," wala sa sariling bulong ko.

"Matagal na, ibubulong nalang rinig pa," sabi nya.

Uminit ang buo kong mukha kaya agad akong tumalikod upang hindi niya makita.

"Tss. Malay ko bang Marinig mo yung sinabi ko," sarkastiko kong saad sa kanya upang itago ang nagwawala ko ngayong puso.

"Tara na," Yun lamang ang naging sagot niya. Mabuti na lamang at hindi niya napansin ang namumula kong mukha.

Interesado ata talaga siyang matuto sa Calculus.

"Okay po, master,” sarkastiko ko uling sabi.

Na-una na siyang lumabas ng room namin. Hindi man lamang ako hinintay ng kumag. Ano nga bang aasahan ko sa masungit na yon? Parang laging may regla.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad papuntang canteen dala ang libro ko sa calculus, papel at ballpen. Pumunta agad ako sa pwesto ng mga campus prince.

"Uy, bro, bago mo ang ganda ah" napa-flip hair naman ako ng marinig ko ang sinabi ng kasama ni sungit.

Na-insulto naman ako nang tumaas ang isang kilay niya at tignan ako ni sungit mula paa hanggang ulo. 

"Yan? Tutor ko lang," sagot niya sa mga kaibigan niya.

Napakuyom ako ng kamay. Sa ganda kong 'to sasabihan niya lang ako ng 'Yan', aba hindi ako makapapayag.

Ngumiti ako sa mga kaibigan ni sungit at nawala ang ngiting iyon ng mabaling ang paningin ko sa kanya.

"Can I make her mine?" Pabirong sabi ng isa sa mga kaibigan ni sungit. 

Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ang nakita kong pagdilim ng mga mata ni sungit at ang pagkuyom ng kamao nito.

"Easy, bro. Joke lang yon hindi namin aagawin," Tinaas ng kaibigan niya ang kamay niya na parang sumusuko.

Biro lamang iyon pero bakit kinikilig ako sa sinabi nya.

Napatingin naman ako kay kumag na 'di maipinta ang mukha. "Don't talk nonsense,"

"If stares can melt, I'm melted now," He uttered without looking at me.

Ngayon ko lang narealized na kanina pa pala ako nakatitig sa kan'ya.

"Aha,"Napatawa ako ng pilit.

"By the way, let's start," I declared and went over in his place.

Sinimulan ko na siyang turuan.

Hindi ako makapag-focus sa mga tinuturo ko sa kan'ya dahil sa halip na sa tinuturo ko siya tumingin ay sa akin siya nakatitig.

"Pare yung ice cream mo MATUTUNAW!" Sigaw ng kaibigan ni sungit na sa palagay ko'y ang pangalan niya'y Darwin. May diin ang pagkasabi niya ng 'matutunaw' hindi ko alam kung bakit.

Ipinaliwanag ko kay kumag kung paano i-solve. Nakamamangha dahil alam naman niya kung paano gawin. Minsan nga ay namamali pa ako't tinatama niya.

'Yong totoo, bakit pa siya nagpapa-tutor kung mas magaling pa siya sakin.

"Teka, bibigyan kita sasagutan," sabi ko at nagsulat ng mga problem sa papel.

"Kada mali kukutusan kita," sabi ko sa kanya.

"Basta daw kada tama ni Troy ay iki-kiss mo siya" Paghahamon naman ng kaibigan ni kumag na nagngangalang Ephraem.

"Hoy gago baka bugbugin tayo n'yang si Troy pre," reklamo naman ni James.

"Sige," pagpayag ko sa hamon ni Ephraem.

Confident ako sa sarili ko na hindi masasagutan lahat ni Kumag ang problem na binigay ko. Sinigurado ko na kahit na mas magaling siya sa akin ay hindi niya iyon masasagot ng tama.

"Tang'na anong sulat 'to?" Napatingin kaming lahat sa nagrereklamong si Kumag.

Tumawa ako sa isipan ko.

"Paki-intindi na lang," Tumawa ako ng malakas sa aking isipan. Nasa akin ngayon ang tagumpay.

Let the game begin.

"Tss," Hindi maipinta ang mukha ni kumag habang nagsasagot. Mukha naman siyang seryoso pero natatawa ako sa hitsura niya.

This is fun! Gawin ko kaya ito lagi.

Makalipas ang ilang minuto natapos na din siya.

"Tapos na," sabi nya sakin sabay abot nang papel sakin.

"Okay, let’s see," Sabi ko at tinignan kung saan siya mali at tama.

Napakagat labi ako ng makita ang mga sagot niya. Unang tingin palang ay alam kong tama ang mga sagot niya. Tinignan ko pa ang iba at tama pa rin. Kahit isa–wala siyang mali.

"Ilan mali niya?" Tanong agad ni James.

Di agad ako nakaimik.

"Patingin nga," sabi naman ni Darwin at inagaw sa akin ang hawak kong papel. Nakigulo naman ang dalawang kaibigan ni kumag kay Darwin.

"Oy, perfect! Paano ba 'yan panalo ang manok namin," nakangiti niyang sabi ni Ephraem. Samantalang walang emosyong nakatingin sa akin si Troy.

"Kiss na," walang emosyon n'yang bigkas saka niya tinuro ang pisnge niya.

"T-teka joke lang naman 'yong bet diba?" Tumingin ako sa tatlo niyang kaibigan. Sabay -sabay ang mga itong umiling.

"Ayaw mo," lumapit siya sakin, grabeng lapit at halos magkadikit na ang aming mga mukha.

"A-ano ginagawa mo?" Nauutal 'kong bigkas.

Halos lumabas ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Ang mukha ko ay nagsisimula na ring uminit.

[Bell Sound]

Nagbunyi ang buong katawan ko ng marinig ang tunog ng bell.

Yes, saved by the bell!

"We must go tim–," Namilog ang dalawa kong mata nang maramdaman ko ang biglang pagsakop sa aking labi.

Rinig ko ang bulungan ng mga studyanteng narito rin sa cafeteria. Karamihan sa kanila ay nilalait ang pagkatao ko.

Natulala ako ng nginitian naman nya ako ng pagkatamis tamis.

Grabe, bat parang di na ako makagalaw sa kinalalagyan ko.

Lumapit sakin si Troy at may binulong, "Pwede narin," Pabulong niyang sabi at nag iba ang tono ng pananalita nya.

Anong ibig niyang sabihing 'Pwede na rin'?

Natauhan ako ng bigla siyang tumawa ng malakas.

"O-oh, bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Mukha kang stupid. Sobrang pula ng mukha mo," Ngumiti siya sa akin na para bang nang-aasar.

Kaya pala parang nanginginit 'yong mga pisngi ko.

"Huh? Di kaya," tanggi ko.

Sumunod ako sa kanya at halos lahat ng estudyanteng babae ay nakatingin sa akin na parang ginigilitan na ako sa mga isipan nila. 

"Ms. Kaede why are you late?" Tanong ng Professor namin.

"Sir, nadapa po kasi ako 'di agad ako nakabangon," Napakamot ako sa batok ko. 

Napakagandang palusot Maeca. Sarkastiko kong saad sa sarili ko.

"You may come in but please if you want to lie make it more realistic," Sabi ni sir at pumunta na ako sa upuan ko.

At ang mukong na to tinatawanan ako.

"Tinatawa tawa mo dyan," inis kong sabi sa kanya.

Wait tumawa ulit sya.

Hala nasasanay na sya tumawa.

"You're funny," sabi nya at ngumiti na naman ng pagkatamis tamis.

SOMEONE'S POV

"Atlast nandito na din tayo,"

Ayada 'wag kang mag alala hahanapin ka na namin muli at may sapat na pera na kami para ipahanap ka.

Nandito kami ngayon sa airport at pinagkakaguluhan kami ngayon ng media isa kasi kami sa may sikat na fashion house at mall sa buong bansa.

Ang mga bodyguard at lady guard naman namin ang siyang nagpo-protekta sa amin hanggang sa maka-sakay kami sa kotse namin na papunta sa bahay namin.

"Saan tayo magsisimula sa paghahanap?" Tanong sa akin ni Ayesha.

"I don't know masyadong malawak ang bansang ito," Sagot ko kay Ayesha habang tumitingin-tingin sa mga bagong design na damit na irarampa sa aming fashion house.

"I hope we find her as soon as possible. The prophecy is changing if it changes. The same tragedy will be repeated." Paliwanag ni Ayesha

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hope you like it

Vote and comment

Be a fan

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status