Share

HER HIGHNESS FROM BEYOND
HER HIGHNESS FROM BEYOND
Penulis: iknowl

PROLOGUE

"Ina, anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ng batang prinsesa ng makitang nagkakagulo sa loob ng palasyo. 

Ang mga kawal ay nagsisipagtakbuhan dala ang kanilang mga armas palabas. Pati na rin ang kaniyang mga nakakatandang kapatid na lalaki.

"Ayada magtago ka," Utos ng kaniyang Ina. "Huwag na huwag kang lalabas kahit na anong mangyari." Dagdag pa nito. Tumango lamang naman ang bata bilang

pagtugon.

Nakatago lamang ang bata sa ilalim ng malaking kama subalit rinig at kita niya ang nangyayari sa kanyang Ina.

"Ina!!" Pinigilan niyang sumigaw ng makitang humandusay ang duguan niyang Ina sa sahig.

"A-ayada, hanapin mo ang nakatak-da ta-tapusin ninyo ang kasam-kasamaan ni Haruska-" Mahinang bigkas ng kanyang Ina ng makaalis na ang mga kalaban.

Agad namang lumabas ang batang babae upang daluhan ang

kaniyang Ina.

"lna, huwag mo akong iwan!" Umiyak ang prinsesa ng tuluyan ng nawalan ng buhay ang kaniyang Ina.

"Ayada, halika na tatakas na tayo," Napalingon ang umiiyak na prinsesa sa kanyang nakatatandang kapatid.

"Kuya, paano sila Ina?"

"Kailangan na nating umalis, Ayada. Wala na tayong magagawa mamatay din tayo kapag nanatili patayo rito. Hindi iyon ikatutuwa nila Ina at Ama." Sagot ng

nakatatandang kapatid niya.

"Hasnami asandi," Pagkabigkas noon ng kuya niya ay mayroong bumukas na isang lagusan.

Lagusan tungo sa kabilang mundo kung saan iba sa kaniyan kinalakhan.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status