002
Karina just sat back and relaxed. She was always prepared despite her hectic schedule. Mamayang gabi ay may pasok pa siya sa isang hotel malapit sa kanilang tinitirhan. Isang linggo pa lang siya roon nagtatrabaho, pero dahil isa itong sikat na hotel at sa taglay niyang ganda, mabilis siyang natanggap. Hindi man siya yung tipikal na babae na hinahangaan ng lahat ng lalaki, may kakaiba siyang karisma. Nagsimula na ang quiz at easy lang ito para kay Karina. May dala siyang notes at kabisado pa ang mga lessons nila. Lagi naman siyang nagre-review at nagme-memorize, kaya kahit may surprise quiz, handa siya. “Good job, Karina. You got the perfect score again,” masayang sabi ng professor matapos i-check ang papel niya. Agad niyang narinig ang bulungan ng mga kaklase. This time, hindi niya gusto ang mga naririnig. Alam niyang marami ang mainit ang dugo sa kanya. “Baka naman kasi ginapang ang professor,” biro ng isang kaklase, kasabay ng tawanan. “See you on Monday, guys,” paalam ng professor bago lumabas ng classroom. Mabilis na hinanap ni Karina ang nobyo. Ngunit wala na si Carson. Nalungkot siya nang hindi ito makita. Marahil ay nagmamadali itong lumabas. Gusto sana niyang habulin, pero kailangan na niyang pumasok sa kabilang department. Hindi niya maiwasang malungkot. Ramdam niya ang lumalaking distansya sa pagitan nila ni Carson. Isang linggo na rin itong hindi nagpaparamdam. Gusto niyang itanong sa mga kaibigan ng nobyo, pero hindi niya magawa—dahil sikreto ang relasyon nila. At mas lalong nakakadagdag sa sakit, hindi sumasagot si Carson sa text o tawag niya. “Hoy, perfect ka na naman ah. Ano’ng sikreto mo?” sabat ng isang bully. “Study,” walang ganang sagot ni Karina habang inaayos ang gamit. “’Wag kang pilosopo!” galit na sigaw ng kaklase niyang si Merriam sabay hila sa buhok niya. “Bitawan mo nga ako!” balik-sigaw ni Karina. Sumingit pa si Amaliya, ang pinakakilalang bully sa kanilang department. “Inahas mo ba ang mga professor natin na lalaki, ha? You always get perfect scores every quiz, at hindi ka man lang nagugulat. Suspicious much!” madiin nitong wika, kasabay ng pagnginig ng panga. Ngunit hindi nagpadaig si Karina. Pinilit niyang ipakita na wala siyang takot. “Kasalanan ko ba kung hindi kayo nakikinig sa klase? Kasalanan ko ba kung hindi kayo nagsusumikap? Kahit hindi ka sobrang talino, kung pursigido ka, matututo ka! Pero kayo? Puro TikTok at gala ang inaatupag. Tapos ako ang sisisihin niyo kung bakit mababa ang scores niyo?” galit na tugon ni Karina habang matapang na nakatitig kay Amaliya. “Puro na lang kasi kayo gimmick!” dagdag pa niya. Nagpanting ang tenga ni Amaliya. “What the—?!” galit nitong sigaw at bigla siyang sinampal. Natahimik ang buong klase. Lahat ng mata ay nakatingin sa kanila. Dahan-dahang tumayo si Karina mula sa upuan, hawak ang pisnging namula sa sampal. Matapang niyang hinarap si Amaliya. “Why are you hurting me, Amaliya?” madiin niyang tanong, ngayon ay buong tapang na nakatingin sa babae. “Wala kang karapatan na pagbuhatan ako ng kamay! Dahil unang-una, wala kang ambag sa buhay ko. Wala kang ni singkong duling na binigay sa mga magulang ko. Hindi ikaw ang naghirap na mag-alaga, magpalaki, magpakain, magbihis, at magpaaral sa’kin. Not even my parents laid a hand on me—hindi kahit minsan!” galit na sigaw ni Karina, nanginginig ang boses. “Pero ikaw… ikaw ang may lakas ng loob na saktan ako?” Natahimik ang mga mean girls. Walang nakuhang sagot si Karina mula sa kanila. “Tsk. OA!” pahabol ni Jamaica bago sila tuluyang tumalikod at umalis. Huminga nang malalim si Karina, pinipigilan ang sariling maluha. Hindi siya pwedeng umiyak. Hindi sa harap nila. Tumayo siya nang tuwid at naglakad patungo sa kabilang building. May last class pa siya ngayong araw. Pero habang naglalakad sa main corridor ng main building, may nahagip ang kanyang paningin. Sa likod ng malaking puno sa gilid ng faculty building—hindi kalayuan mula sa kanyang kinatatayuan—isang eksena ang tumama sa kanya na parang kidlat. Kilala niya kung sino ang lalaki. Carson kissing another girl. “Carson…?” bulong ni Karina, halos hindi makapaniwala sa nakikita. ... SCHOOL CANTEEN HINDI makapaniwala si Karina sa narinig. Tinaasan n’ya ng kilay ang babae sa harapan n’ya at pagkatapos ay pinaningkitan ng mata. Hindi niya kilala ang babae pero familiar ‘to sa kanya dahil lider ito sa sikat na dance squad ng school nila. “Mag-hahatid ka na nga lang ng balita ay mali pa,” mapang-asar na wika ni Karina dito at ngumisi ng nakakaloko. “What are you saying, huh? Totoo naman hindi ba?Someone saw you and Carson in the rooftop earlier,” she said na hingal na hingal pa. Halata na galing ito sa pag-takbo. “I know how much you like him, kaya ka hindi nakapagpigil na mag-confess kahit alam mo na bawal.” kunot ang noo niya sa sinabi nito. “Bakit naman bawal?” nakangusong tanong niya at nag crossed arms. “Because, he is my boyfriend,” saad nito at siya naman ngayon ang may nakakalokong ngiti. Ngiting tagumpay. “Talaga ba? I am sorry, but… CORRECTION,” Karina paused and emphasizing the word, correction. “I broke up with him, that’s the truth.” Everyone gasped. And started gossiping. Nakisali na rin sa usapan ang famous group ng university, except Arian. He was busy eating and he didn't like to be disturbed while eating. "Did you hear that, bro? Carson got dumped?" natatawa na bulong ni Marko kay Arian na busy sa pag-kain at panonood ng vid. sa cellphone niya. Marko and Arian are best friends, childhood friends. Arian didn’t bat an eye to what was happening in front of him. "He’s a playboy, he deserved it." sabat ni Joseph na busy sa pag-lalaro ng ML. Tahimik rin katulad ni Arian. Sa kanilang magkakaibigan ay si Arian at Joseph lang ang tahimik. “Yeah! I like that girl,” mahina ngunit sapat para marinig ng mga kaibigan, sabi ni Haris — isa ring kilalang playboy. Sabay-sabay na napatingin sa kanya ang grupo. Mas lalo pang naging maingay ang canteen, parang lahat ay nag-e-enjoy sa palabas. “Hindi papatol si Carson sa kagaya mo. Look at yourself!” sigaw ng babae sabay turo kay Karina. “You’re cheap, losyang, haggard to the max… and BABOY!” Naghalakhakan ang ilang estudyante sa paligid. Karina isn’t the type of girl na pala-patol. She usually solved her problems in silence. Pero iba ito. She won’t tolerate this. Insulting her? That was her ultimate pet peeve. Tahimik siyang ngumiti, pero matalim ang mga mata. “I am indeed cheap, losyang, or whatever you call me. You insult me because of my appearance, without even looking at yourself,” aniya habang dahan-dahang naglakad papalapit. “Hindi ako ang tipo ng babae na pumapatol sa aso… pero this time, papatulan kita. Not because I’m hurt, not because I’m triggered, but because you need to wake up your sleeping self.” Huminto siya sa harap nito at yumuko nang kaunti para pantayan ang tingin. “Calling me baboy is not an insult, but rather a compliment. We are in 2024 — grow up. Don’t use such names to insult someone. Hindi ka na bata, act your age.” Karina’s eyes burned with such fierce intensity na kahit sino ay manginginig lumapit sa kanya. “Y-you bitch,” bulong ng babae, nanginginig ang boses. “Kenna, let’s just go, girl,” sabat ng isa niyang kasama, sabay hatak sa braso nito. “I’m not done with you, Karina,” banta ni Kenna habang palayo silang hinihila ng kanyang mga kaibigan. Sinundan lamang ng malamig na tingin ni Karina ang grupo. “Lahat kayo, walang karapatang mang-insulto ng iba. Tandaan niyo ’yan wala kayong ambag sa buhay nila," sigaw ni Karina sa loob ng canteen. Matapos iyon, tumalikod siya at mahinahong pumila ulit para kumuha ng pagkain as if nothing happened.010 AIRPORT Sinalubong ni Kennedy ang mag-inang Lucy at Luther. Isang buwan nang nawala sa bansa si Luther dahil hindi agad naaprubahan ang medical certificate ni Madame Lucy dahil sa kanyang karamdaman. Mabuti na lang at maayos na ang kanyang mga test at maaari na siyang bumiyahe nang mahabang oras. Agad silang dumiretso sa kanilang mansyon. Nami-miss na ng matanda ang lugar—ilang taon din siyang hindi nakauwi sa Pilipinas dahil sa sakit. “Welcome home, Mom,” masayang wika ni Luther. Finally, his mom is home. “I missed everything in this place,” emosyonal na sabi ni Madame Lucy. “Let’s fill this place with beautiful memories, Mom,” sabi ni Luther sa mahinahong tinig. Maingat at maalalahanin siya sa ina. Mahal na mahal niya ito. “Mom, I’ll take you to your room first so you can rest. Paghahandaan ko po kayo ng makakain, okay?” Aside from being a gentleman, Luther can cook too—he’s all-around. “Oh, yes, son. I missed your cooking,” parang nabuhayan ang ina sa sinabi ng
009 MENDEZ RESIDENCE Nakauwi na rin ang mag-ina mula sa hospital. Naka-wheelchair lang ang mommy niya dahil ayaw ni Luther na mapagod ito sa paglalakad palabas ng ospital. Hindi pa rin kasi ito ganap na magaling. May sakit ang mommy niya—stage 1 cancer at may kondisyon sa puso. Nalaman nila ang sakit niya noong biglaang pumanaw ang daddy nila dahil sa heart failure. Dahil dito, naatake ang puso ng mommy nila. Pina-operahan siya isang taon na ang nakalipas, pero bumalik rin ang cancer niya. “Welcome home, Mommy.” “Hi, Mom. I’m sorry if we didn’t visit you in the hospital.” “Kuya, you’re here.” Naroon din ang mga kapatid ni Luther. Na si Lucas, Logan, at Carla Mendez. Lucas ang sumunod sa kanya, tapos si Logan, at ang bunso ay si Carla. May asawa at anak si Lucas. Si Logan at Carla ay single pa, kasama na rin si Luther. “Good thing nandito kayo,” bungad ni Luther sa mga kapatid habang nasa kwarto na ang mommy nila. “Kuya, busy lang kami sa trabaho,” sagot ni Lucas. “
008 Tumango naman si Uno at sabay silang lumabas ng kwarto. Nagulat pa sila nang biglang sumulpot ang pinsan nilang si Kaori. “Ate Kao, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ariel habang ngumunguya pa. “Pinapasabi ni Mommy na aalis tayo bukas ng gabi. Engagement party ng Mommy niyo,” nakataas-kilay na sabi nito. “Talaga? Pasabi na lang na hindi ako interesado sumama,” galit na tugon ni Karina sabay lagpas sa pinsan. “Ang bitter mo talaga. Mama mo pa rin naman si Tita, ah. Stop being mean. Suportahan mo na lang siya.” “Shut up. Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Lumayas ka nga!” mariing wika ni Karina kay Kaori. “Next time, kung tungkol sa mga magulang ko, wag niyo nang ibalita sa amin, okay?! Wala na akong interes sa buhay nila.” “Tse!” tanging nasabi ni Kaori sabay irap at pandilat bago tuluyang lumabas ng bahay. “Hmm… kapal talaga ng mukha,” inis na bulong ni Karina nang makaalis ang pinsan. Si Kaori kasi, bukod sa pinsan niya, ay naging girlfriend pa ng ex-boyfriend n
007 KARINA’S HOUSE Pagod na umupo sa sofa si Karina, at mapungay na ang kanyang mga mata. Napansin naman ito ng bunso niyang kapatid na si James. Walang pasok si James ngayon dahil sabado kaya nasa bahay lang siya. Sampung taon gulang na rin ito, at madalas ay naiiwan sa bahay. Sa kabilang bahay lang naman nakatira ang Tita Karla nila, kaya hindi sila nag-aalala kahit minsan ay mag-isa si James. “Ate, you look tired and sleepy. You should rest muna. Ako na bahala maghanda ng hapunan natin,” malambing na sabi nito. Agad na napawi ang pagod sa mukha ni Karina, at ngumiti siya habang nakatingin sa bunsong kapatid. “Hindi na. Si Ate na gagawa mamaya, ha? Matutulog lang ako sandali,” sagot niya, nakangiti pa rin. Bumusangot si James. Lumapit siya sa kanyang Ate at niyakap ito nang mahigpit. Gumanti rin ng yakap si Karina. Gumaan naman ang bigat ng kanyang dinadala mula pa kanina. Ngiti at lambing lang ng kanyang mga kapatid, agad nang napapawi ang pagod at hinanakit niya. “Sa
006 TULALA at hindi mapakali si Karina habang nakikinig sa lecture. Hindi kasi maalis sa kanyang isipan ang nangyari kagabi. Madaling araw na nang umalis siya sa kwarto ng lalaki at lumabas ng hotel. Dahil sa nangyari, ramdam pa rin niya ang hapdi sa pagitan ng kanyang hita. In her mind, it was intense. At hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niya ang bagay na iyon—isang bagay na ni minsan ay hindi pumasok sa kanyang isipan. Matapos ang klase, inayos na niya ang kanyang mga gamit at handa nang umuwi, dahil wala na rin siyang susunod na subject. Maaga kasi ang klase niya at apat na subjects na ang natapos niya ngayong araw. Kaya kahit kulang sa tulog, pumasok pa rin siya. “Makakapagpahinga na rin ako sa wakas,” bulong niya sa sarili habang pababa na mula sa kanyang floor. “Karina?” agad siyang napalingon sa tumawag sa kanya, at bahagyang kumunot ang kanyang noo. “Hmmm… ano na naman?” iritadong tugon niya sabay irap. “Can we talk?” Karina rolled her eyes. “Ano na nam
005 Nag-presenta si Karina na siya na lang ang maghahatid ng alak bago siya mag-out. Hanggang 11 PM lang ang shift niya kapag may rest day siya kinabukasan. Masipag rin naman siya, kaya’t grabe ang tiwala sa kanya ng mga kasamahan niya, pati na rin ng mga kilalang customer sa VIP Room. Kilala na rin siya ng mga regulars, pero hindi niya alam kung sino-sino ang mga bigating tao roon. Kinabahan siya nang hindi niya maintindihan kung bakit, lalo na nang makapasok siya sa silid. Pagkalapag niya ng alak sa mesa, dala-dala pa rin niya ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan ang sarili, lalo na nung masulyapan niya ang isang customer na lalaki. Hindi mawala sa isip niya ang hazel green na kulay ng mga mata nito. At higit sa lahat—nang magtagpo ang kanilang mga tingin. Para bang nakikita ng mga mata nito ang buo niyang pagkatao. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Ngunit hindi iyon kaba dahil sa takot. Kundi isang kakaibang damdamin—parang pamilyar, parang may koneksyon,