Habang sakay ng taxi patungo sa Le Bernadez na restaurant, kung saan doon na lang daw sila magkikota ni Reedz, ay yakap na yakap ni Calynn sa kanyang dibdib ang cellphone. Hindi pa rin siya makapaniwala na may isang milyon na laman ang kanyang bangko. Alam niya, kahit kumayod siya na parang kalabaw buong buhay niya ay hindi niya magagawang lagyan ng milyon ang kanyang bank account. Apat na zero pa nga lang hirap na siya, ni hindi pa nga niya naranasan dahil napupunta agad sa bayarin ang kanyang mga sahod, anim na zero pa kaya? Hindi talaga siya masisisi kung parang tanga siya ngayon. May suot-suot na nga siyang mga singsing na mga milyon ang halaga tapos may pera pa siyang isang milyon. Hindi kaya nanganganib na ang kanyang buhay ngayon nito? Matatakot na naman ba siya? “Kuya, sa tingin mo? Mukha ba akong mayaman? Kakidnap-kidnap ba ako?” katangahan man ay hindi niya napigilang usisa sa mamang driver. Mula sa rearview mirror ay kinilatis naman siya ng lalaki na may edad na. “Hindi
“Salamat, Calex…” kiming pasasalamat ni Calynn sa naghatid sa kanya na bodyguard ni Reedz.“Welcome, Ma’am,” tugon nito.Ngumiti siya rito. Kung siguro dalaga pa lang siya ay magka-crush siya kay Calex. He was super handsome bodyguard, indeed. Matangos ang ilong nito at mapupula ang mga labi. Lalaking-lalaki ang guhit ng panga. Maputi rin ang balat nito. Kung tutuusin mas bagay rito ang mag-modelo kaysa ang maging bodyguard dahil matangkad ito at maganda ang tindig.“Sige po, Ma’am. Pasok na po kayo. Nandito lang po ako sa tabi-tabi kapag may kailangan kayo.” He smiled at her reassuringly.“Okay,” aniya’t pumasok na nga. Madaling isinara ang pinto at baka saan pa mapunta ang paghanga niya kay Calex.Hindi siya taksil na babae. Marunong lang talaga siyang mag-appreciate ng tao. Isa pa ay ang gentleman kasi ni Calex, hindi katulad ng amo nitong tipaklong.Napaingos siya nang maalala niya ang asawa.Imagine iniwan na lang siya sa may restaurant? Ano naman kung ihatid siya saglit dito sa p
Hindi pa sumisikat ang haring araw, gising na si Calynn. Sandaling nagtaka pa siya nang parang may mabigat sa dibdib niya, iyon pala ay ang nakayakap na braso sa kanya ni Reedz. Ang aga-aga ay kinikilig na naman siya. Kung hindi nga lang niya kailangan na magbawas sa pantog ay hindi niya aalisin ang kamay nito, at lalong hindi siya aalis ng kama. Ang kaso kailangan niyang bumangon at baka mag-amoy panghi silang dalawa. Ew! May ngiti siya sa labi na nagtungo sa banyo. At wala sana siyang balak na maligo agad, pero may magandang pumasok na ideya sa isip niya kasi. Iyon ay ang ipagluto niya ang asawa niya ng almusal. Hindi niya tiyak kung nag-aalmusal ba ang asawa, pero wala naman siguro masama kung susubukan niyang gampanan na ang pagiging mabuting misis.Masigla siyang nagbihis. Medyo natigilan pa siya nang makita niya na wala pa pala ang mga damit at mahahalagang gamit niya sa penthouse. Mukhang kailangan niyang kunin iyon sa apartment dahil kahit nami-miss na niya ang kuwarto niya
“Clear naman, Sir. Wala pong hidden cameras or any bugging devices po na nakita,” pagre-report sa kanya ni Calex na inatasan niyang sumuri sa kanyang penthouse pagkaalis na pagkaalis ni Calynn. “Good.” Reedz exhaled with profound relief. “But next time, be vigilant, Calex. You knew from the start that I prefer my relatives not to access my personal property, yet you neglected to inform me." “Sorry, Sir, nawala sa isip ko. ‘Tsaka inakala ko kasi okay lang dahil baka kako dinadalaw lang ni Madam Angela at Sir Denver si Miss Calynn dahil kakasal niyo.” "Next time, you'll be out of a job.” “Yes, Sir.” Isa pang maluwag na paghinga ang kumawala mula sa binata. “By the way, go pick up Calynn kung tapos ka na d’yan. Make sure my wife stays safe at all costs.” “Areglado, Sir.” Ibinaba na ni Reedz ang cellphone. Nasa opisina na siya’y nagpupuyos pa rin ang kanyang dibdib. Isa’t kalahating oras na siya roon pero wala pa rin siyang nasimulang gawin. Tumatakbo pa rin ang kanyang isip sa kany
Kung saan-saan ipinagtatago ni Gela ang mga kalat sa salas, huwag lang makita ni Reedz.“Okay na?” tanong ni Calynn sa kapatid habang hawak ang doorknob. Ngiwing-ngiwi siya. Disaster pa naman ang hitsura ng bahay kapag si Gela lang ang nakatira. At hindi niya inayos o nilinis pagdating niya dahil malay ba niyang susunduin siya ni Reedz.Thumbs-up ang itinugon sa kaniya ng burarang kapatid. Nagtatakbo na sa may kusina.Matapos ang ilang beses na inhale at exhale, kagat ang labing pinagbuksan na nga ni Calynn ang asawa. At muntik na siyang mapa-‘nanay ko po’ nang makita niya ang hitsura nito.“P-pasok ka,” pasalamat niya’t nagawa pa rin niyang ibigkas.Reedz’ expression was blank. Parang tipaklong na kakain na naman ng buhay na tao. Yay!Hands in his pockets, walang imik na pumasok nga si Reedz. Imbes na ngumiti o batiin siya’y pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng maliit na salas. Salas na hindi maikakaila na mga babae ang nakatira. Maliban sa magulo ay halos kulay pink ang lahat. Pati a
“Dad…”“P*****a ka!” Hindi pa man siya nakakapagsalita ay inihambalos na ng Chairman ang tungkod nito sa kanya. Tumama iyon sa balikat ng anak na bagong dating.Hindi naman tuminag si Reedz. Tinanggap niya ang napakalakas na hampas na iyon. Napatiim-bagang lang siya kahit na parang nabiyak ang kalamnan ng kanyang braso.“What have I done wrong this time?” sa halip ay parang walang pakiramdam na tanong niya sa noon pa man ay malupit nang ama sa kanya.“Ano ang pumasok sa isip mo at iniwan mo ang kompanya para lang sa babaeng iyon?! Since when have you been negligent in your job, huh?!”Sandali lang ang pagkabigla sa mukha ni Reedz. Pagkuwa’y, “Dad, hindi lang basta babae lang ang dahilan bakit iniwan ko ang opisina. She’s my wife. Calynn is my legal wife.”“At talaga pa lang itinuturing mong asawa ang babaeng iyon?! Istupido!” Halata ang pagtitimpi ng Chairman na hindi ulit ihambalos sa kanya ang tungkod nito.Nagyuko na lamang ng ulo si Reedz.Marahas na napahugot naman ng hininga ang
“Miss Calynn, huwag ka munang umalis,” narinig pa ni Calynn na tawag sa kanya ni Secretary Dem. Napansin nga rin niya ang mga nagbubulungang employees. Pero dire-diretso siya ng lakad palabas ng opisina. Nagbingi-bingihan siya. Pagdating niya sa tapat ng elevator ay saka lang niya pinakawalan ang mas madaming luhang kanina pa niya pinipigil. Sising-sisi na siya kung bakit nagpaguyo siya kay Yeyet na puntahan niya si Reedz sa opisina. Sana kinain na lang pala niya na mag-isa ang kanyang adobo. Kanina ay nagtatalo talaga ang loob niya kung dadalhan na lang niya ang dinner o hindi ang asawa. Kung bakit ba kasi tumawag-tawag pa sa kanya ang bruhang iyon. Sinabi lang niyang may bago ulit siyang cellphone number sa chat, bigla na lamang tumawag. … “Number mo ba talaga ito?” tanong ni Yeyet nang sagutin niya kanina ang tawag nito. “Oo, second number ko dahil naiwan ko sa apartment iyong lumang cellphone ko. At hindi ko alam kung kailan madadala ni Gela rito o kailan ko makukuha doon.” “O
‘Huwag mo na hintayin ang asawa mo dahil hindi mo naman ‘yon totoong asawa. Baka nasa totoong babae na mahal niya iyon. Matulog ka na diyan, Ate. Pati sa akin nakakaistorbo ka na. May pasok pa ako bukas. Good night’ – ang huling chat sa kanya ni Gela na kanyang na-receive. Bruha talaga. Walang kuwentang kausap. Padarag na ibinaba niya sa center table ang kanyang cellphone. Humalukipkip at sinubukang ituon ang pansin sa kanyang pinapanood na panggabing drama. Subalit saglit lamang ay napalatak siya’t nakalas ang pagkakahalukipkip niya dahil hindi na naman maalis sa isip niya ang sinabi ng kapatid. Bakit ba siya nasasaktan kasi na hindi na naman nakakauwi ang asawa niya? Ang totoo, kanina pa siya naghihintay sa pagdating ng asawa. Parang hindi niya kasi kayang matulog na wala ito. Syempre, alam niya na ang mabuting asawa ay hinihintay ang mister galing trabaho. Katunayan nagluto nga ulit siya. Nakamot-kamot niya ang ulo. Umaasa na naman ba siya na magkakaron ng himala? Iyong katulad