Share

CHAPTER 14

“I'm asking you, why are you wearing the engagement ring Reedz gave me?" pamalditang ulit ni Avy sa tanong nito.

“Ah, eh…” Hindi malaman ni Calynn ang sasabihin.

“Tanga ka ba para magsuot ng singsing nang may singsing?! Wala ka bang hiya sa sarili mo?!”

Halos umakyat na ang lahat ng dugo ni Calynn sa kanyang ulo. Pakiramdam niya, umuusok na ang mga tainga niya. Seryoso? Tinawag siyang tanga? Aba’t!

Napasinghap siya. Kung hindi lang niya iniisip ang kapakanan ng kanyang suot-suot ngayon na wedding gown at masira ang beauty niya ay papatulan niya ang babaeng ito.

She knew from the beginning that Avy was a bitch. Naramdaman na niya kanina sa madilim nitong awra. Hindi lang niya inasahang ganito kalala ang babae.

Sayang lang pala ang pagnanais niya noon na maibalik dito ang singsing. Hindi naman pala ito karapat-dapat.

“Ate Avy, what do you mean?” naintriga na tanong na rin ni Meredith.

“The ring she's wearing is the ring that Reedz gave me when he proposed to me, Dith,” ani Avy.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Cristy Acevedo
yeheyyy nakasal din sa wakas kaso mag ingat at may ex na naka abang manggolo sa iyo..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status